I am Blessed!

Since this is my first entry sa aking blog, I decided na i-share sa inyong lahat ang bagong milestone sa buhay ko, being pregnant.

Kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko maging pag tanda ko, lagi kong sinasabi na I want to be a housewife and to be a mom, tapos nakatira lang kami sa probinsya, tapos sana may farm kami. Eversince, yun talaga ang dream ko. And for some people, sa tingin nila napakasimple ng pangarap ko na maging isang asawa at maging isang ina. Kase madali lang daw naman yun. Pag tumanda ka na daw, anytime pwede mo nang gawin yun. Pero di ko naman gagawin yung mag aasawa na lang basta basta. Gusto ko yung masaya talaga ako sa asawa ko. Ayaw ko naman yung magsesettle lang ako basta basta kase I deserve to be happy. Lahat tayo deserve natin na maging masaya.

March 14 ko unang nalaman na buntis na ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba agad kay Chito or kailangan ko munang magpacheck up. February nung nagtry ulit kami na magbaby since katatapos lang ng teleserye ko nun. After ko kasing na d&c last July, sinabi ko sa asawa ko na magtry na lang ulit kami kapag tapos na yung work ko para magfocus ako sa pagbubuntis. Gusto ko sa bahay lang ako. And God blessed us agad nung nagtry ulit kami ng asawa ko.

Hindi talaga ako mapakali sa room namin nun nung nalaman ko na pregnant na ako. Iniisip ko kung sabihin ko na lang ba sa Father’s day kaso maghihintay pa ako ng tatlong buwan para sabihin kaso obvious naman na nun kase malaki na siguro tyan ko nun. So panay labas pasok ko sa restroom at naka ilang pregnancy test ako para sure na sure ako na pregnant nga ako. Nakalima akong try. Pero gustong gusto ko nang sabihin sa asawa ko talaga kaya I decided na i-surprise siya.

Kaya I decided na mag-drawing gamit ang pink lipstick sa mirror namin sa sink.

 

13734641_10155029394623136_253549464_n

Ang tagal kong hinintay na magising siya. Mga tatlong oras ata, haha! Ginigising ko na nga ng konti, niyayakap yakap at kini-kiss para magising lang. Nung nagising na siya, di niya agad napansin! Derecho agad siya na magwiwi, ang una daw niyang nakita yung pregnancy test kits na ginamit ko. Tapos puro dalawa yung line. Sabay sigaw siya na,”Baby ko!”.

 

13728276_10155029433458136_1109374765_o

Punta ako agad sa restroom tapos naka-smile na agad siya sa akin sabay sabi niya, “I knew it! Pregnant ka na!”. So di pala siya ganun na-surprise kase alam na niya na buntis ako kase daw nag-iiba daw mood ko. Natawa na lang ako at tinanong kung nagustuhan niya ba yung dinorowing ko, sabi nya, “Anong drawing?”. Hindi pala niya nakita yung nasa mirror, haha!

Sobrang saya naming mag asawa at finally, I am pregnant na ulit. Sinabihan lang namin yung family namin saka super piling friends lang. And then I decided na mag hibernate muna mula sa social life ko, haha! Hindi na ako nagparamdam sa iba kase I needed to focus sa pagbubuntis ko at bawal akong mastress. Saka iba rin kase ang pagbubuntis ko ngayon, maselan. Lahat na lang ata ng symptoms ng buntis at paglilihi ay pinakyaw ko na. Minsan talaga humahagulgol na lang ako sa sakit at hirap. Pero parte ‘to ng pagbubuntis ko ngayon kaya nagdadasal kami ng asawa ko at nagpapasalamat sa mga blessings na binibigay ni God sa amin.

-NM

 

Advertisements

104 thoughts on “I am Blessed!

  1. Lilly says:

    Dear Neri, i am 13 weeks pregnant. And like you, i have an acid reflux. I can relate on you kaya di ko maiwasang mag comment. Yes, pinakyaw ko din ang lahat ata ng selan sa pagbubuntis or paglilihi. Masakit right kapag sinumpong ang reflux? just like now i feel like crying because of heartburn too. Ang hirap pa yung gutom ka at may pagkain naman pero di mo talaga gusto and hindi mo alam ang gusto mo.. So nag sandwch nalang ako na may cheesewiz and sterelized milk. Yup im also lactose intolerant, but sabi ni doc pede daw ang sterelized milk as long as non fat and less sugar so i tried. Okay naman sya so far. Im a first time mom to be by the way and the doctor told me mahina ang kapit ng baby ko kaya naman nag iingat ako mabuti. Wow andami ko pa sana gusto i share pero antok nako at baka magmukhang blog ko na ito. Stay safe lulu. – thanks. – lilly 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s