Gusto ko na ring magka-baby!

Ang dami kong nababasa na mga comments at direct messages nyo sa akin, asking kung paano ba makabuo agad ng baby. Yung iba, katulad ko rin na d&c before.

Ang unang tanong muna dyan ay kung may asawa ka ba? Kase mahirap kapag wala di ba? Haha! Meron din naman yung IVF kung tawagin, in vitro fertilization. Sa mga hirap talagang magka baby o gusto lang magkababy pero ayaw mag asawa, ayan ang sinasuggest ng mga ob gynecologists.

Before akong mag asawa, nagpapacheck up ako sa ob gyne ko. Kailangan kase na regular ang check up mo, twice a year lang naman yun. It’s a must para sa ating mga babae, may asawa man o wala, kailangan magpacheck up.

Kinasal ako noong December 2014. Hindi naman kami nagmamadaling magkababy agad nun saka may work kaming dalawa. Ang asawa ko, super busy sa Parokya, ako naman, may teleserye ako nun. March 2015 pumunta kami ng asawa ko  sa US, actually sumama ako sa Parokya tour. More than a month kami dun. Nung bumalik kami sa Pilipinas, dun na kami nagdecide na magbaby na at wala na rin naman akong work nun.

Sinamahan ako ng asawa ko sa ob gyne ko para magpacheck up ulit. Nagpatransvaginal Ultrasound ako, binilang mga eggs ko at chineck ovaries ko. So far very good naman daw ovaries ko, haha! Niresetahan lang ako ng ob gyne ko ng folic acid and vitamin c. Tapos may sinabi siyang method sa aming mag asawa. After ng first day ng menstruation ko daw, yung ika 8th day, dapat mag ‘deposit’ na kami, alam nyo naman na siguro yun, haha! Then sa 9th day, pahinga lang. Sa ika 10th day, deposit ulit. Basta interval lang at once a day lang gagawin para mas makapuno ng sperm ang husband mo. At kailangan na well rested kayo. Hindi dapat puyat, hindi dapat stressed, as much as possible sa bahay lang kayo. Buti na lang may 5 day vacation si Chito nun, eksakto nung ovulating period ko. Pero continuous yung pag take ng folic acid at vitamin c.

April 2015, buntis na ako!

Unfortunately, we lost our baby nung June 2015. Na d&c ako nung July 2015. 😦

And now, I am pregnant ulit! Same method lang din ginawa namin. After a few weeks, pregnant na ako ulit!

Hindi ko alam kung paano sa mga cases ng ibang mga babae. Kase iba iba talaga tayo eh. Pero try nyo magpacheck up kasama ng asawa nyo. Maganda kase kapag kasama talaga sila lalo na yung nakaranas ng d&c. Alam ko ang pakiramdam.

Nung nabuntis ulit ako, kahit alam ko nang pregnant ako, ayaw ko pa magpacheck up kase natatakot ako. Laging sinasabi ng asawa ko na magpacheck up na nga kami, sinasabi ko lang na saka na kapag two months na or three months, kase ganun naman yung iba. Pero kinausap ako ng asawa ko, sinabi niya na alam ko na natatakot kang bumalik sa doctor at magpacheck up pero wag kang mag alala kase sasamahan kita. Ngumiti lang ako pero pinanindigan ko na saka na lang .

Pero dumating yung isang araw na no choice ako kase super sumakit yung tummy ko as in namimilipit siya sa sakit tapos nagsusuka na ako kahit nakahiga lang at parang lalagnatin ako. Kaya kailangan naming tumakbo sa ospital.

Nasa Ultrasound Room na ako kase need nga i-check at since di pa rin naman ako nagpapatransvaginal ultrasound sa pangalawang pagbubuntis ko. Bago niya ipasok yung transducer, nanginginig talaga yung buong hita, binti, tuhod, at paa ko. Nagulat pa sa akin yung ob gyne ko kase nanginginig talaga ako. Tapos umiiyak na ako. Natatakot kase talaga ako. Kaya tinawag agad asawa ko para hawakan mga kamay ko kase umiiyak na ako. Nasabi ko na lang sa asawa ko, “Daddy, I am so scared.”

Kase nga naalala ko yung last time na nagpaultrasound ako, I was so happy nun, ang daldal ko pa nun tapos biglang nag iba itsura nung nag uultrasound sa akin, alam ko na may mali na. Kaya takot na takot ako kase paano kung mangyari ulit yun? Hindi ko na kakayanin yun. Mamamatay ako.

Hinawakan ng asawa ko ang kamay ko, tapos sabi nya don’t worry, andito lang ako. Huminga ako ng malalim. Kahit takot na takot ako, alam ko naman na di kami pababayaan ni God at lalong lalo na hindi ako pababayaan ng asawa ko.

The baby is fine. Nakahinga ako ng mabuti. I asked for my baby’s heartbeat kung ok ba lahat. Normal daw lahat even ang laki niya sa loob. Kaya lang daw sumasakit tummy ko kase may hyperacidity daw ako at nagkaron pa ng acid reflux. Never naman akong nagka ganun, ngayon lang. Normal naman daw yun sa mga nagbubuntis. So niresetahan ako ng gamot. Medyo umayos naman pakiramdam ko after. Minsan bumabalik balik pero hindi na ganun kagrabe kase alam ko na what to do. Mga bawal sa akin super layo talaga ako.

Sa mga nakakarelate sa akin, ok lang matakot kase mahirap at masakit talaga ang napagdaanan natin. Pero kung di naman natin susubukan ulit, paano natin malalaman di ba? Malay nyo kapareho nyo pala ako na madali lang mabuntis, kailangan lang talaga ng pahinga. Or baka naman may problema sa eggs nyo, minsan kase kulang ang napoproduce na eggs. Kaya mas maigi nang magpacheck up para makita at matama agad. Kung wala namang problema sa inyong mag asawa. FAITH lang. DASAL palagi. Ibibigay din ni God yan sa tamang panahon. Wag kayong magpakastress kapag wala pang binibigay na baby si God. Kase mas lalong matatagalan yan. Bawal mastress ang mga babae, haha!

Sana nakatulong ako sa inyo kahit papaano. Eto lang talaga ang mashe-share ko regarding sa pagconceive, ang experience ko.

Thanks for reading!

NM

 

 

Advertisements

33 thoughts on “Gusto ko na ring magka-baby!

    • Karen delos Reyes says:

      Na inspire ako sayo Neri..thank you ha…kakakasa lang namin ng hubby ko last december..and nagplano n kami na magbuntis ako before sya umalis..kase saudi sya nagwowork and 1 month vacation lang sya..kaya lang hanggang s makaalis sya di kami nkabuo..kaya ang ginawa nya pinasunod nya n ako dito s saudi..Now we are hoping na sana magkababy na kami ngayon kase magkasama na kami…

      Like

  1. Kniña says:

    hay nako ate neri hehehe kayo lang mag asawa sa showbiz ang hindi nakakasawa basahin ang mga blog and posts. May Forever talaga hehe kakainspired kayo! by the way, im a cat lover too po ate hehehe and i have a classmate na kamuka nyo po hehe palagi po namin nilalike mga posts nyo ate. sana po mapansin nyo tong comment ko 🙂 loveyou both ate and kuya! 🙂

    Liked by 3 people

  2. Dazza Zamudio (@dasssz) says:

    Hi Ms. Neri… namiss talaga kita sa insta nun. kaya yung nakita ko may blog ka nag follow agad ako hehe. nakaka inspire ka kasi. pag kaopen ko palang ng computer ko dito sa office, ang itatype ko agad yung insta nyo mag asawa kasabay ng pagkape ko. para simula palang ng umaga nagogoodvibes nako. Godblessyou both ❤ nakita ko na pala kagabe si idol chito nakapag selfie pa ako. sana next dalawa na kayo kasama ko sa pic hihihi GODBLESS YOU!

    Liked by 2 people

  3. Charmine Villanueva says:

    Hi Ms.Neri Thank you for sharing your experience. I will try to do the same, una na tung pagpapa check up hehe

    Like

  4. Milarosa Meneses-Lanza says:

    Hello Ms.Neri…naiyak ako sa kwento m..km kc ng husband k…before ngpacheck up dn km kc 1 taon n km kasal d ako mabuntis…un pla polycystic ako..un immature un mga egg cells k..then bngyan ako ng reseta ng OB pra mgovulate ako..at tama k dapat Tlga samahan ng DASAL AT FAITH..may ngbigay s kn ng novena ni St.Anthony de Padua..novena dw un s mga gustong mabuntis at buntis..Naniwala ako at sunod na month buntis ako s pnganay k..at after 11 mos.buntis ako s bunso😀😀..Sb ng OB k swerte dw ako kc nk dalawa p k baby..now may 2 n k dalaga..20&19 y/o….God bless you always…🙏🏼🙏🏼🙏🏼

    Like

  5. Milarosa Meneses-Lanza says:

    Hello Ms.Neri…naiyak ako sa kwento m..km kc ng husband k…before ngpacheck up dn km kc 1 taon n km kasal d ako mabuntis…un pla polycystic ako..un immature un mga egg cells k..then bngyan ako ng reseta ng OB pra mgovulate ako..at tama k dapat Tlga samahan ng DASAL AT FAITH..may ngbigay s kn ng novena ni St.Anthony de Padua..novena dw un s mga gustong mabuntis at buntis..Naniwala ako at sunood na month buntis ako s pnganay k..at after 11 mos.buntis ako s bunso😀😀..Sb ng OB k swerte dw ako kc nk dalawa p k baby..now may 2 n k dalaga..20&19 y/o….God bless you always…🙏🏼🙏🏼🙏🏼

    Liked by 1 person

  6. edz says:

    you wrote with ur heart.. i love reading ur blog,parang nakikipag kwentuhan lang hehe.. i guess this one is good for u,, sharing ur happy thoughts on blog can help u din sa pagbubuntis.. God bless ms. neri.. ☺☺☺

    Liked by 2 people

  7. erikatheatheist says:

    Nakakarelate talaga ako. After naming malamang wala na yung 1st baby ko nung July 11, sobrang takot na akong mabuntis ulit kahit na gustong-gusto kong magkababy. Feeling ko kasi di ko kaya yung heartbreak if ever mangyari ulit which I know is possible. But now I’m 22 weeks pregnant at ang lakas na ng kicks ni baby, nakakampante ako araw-araw na nararamdaman ko yung mga galaw niya. Lalo na pagnagrereact siya whenever bago akong kain or pag kumakanta ako or kinakausap ko siya. Sobrang saya na namin at positive na ako sa mga mangyayari. I know may baby na ako sa arms ko sa November and I can’t wait!

    Liked by 1 person

  8. raquel nwndoza says:

    Hi ms neri.. Nkka relate tlga ko sa kwento m.. 3yrs n kme ksal pero wala p kme baby.. 4x n ko kkunan 2x of d and c my last was july 11. Bgla n lng nwwla ang hearbeat ng bata when it reaches it 8 weeks.nkkalunbkot tlga khit anong gwin m ingat sa bata d ki nmlyan wla n pla cya.

    Like

  9. rheajm says:

    Im so happy for you ms neri..maselan k nga magbuntis..hnd q namn naranasan ang katulad ng sau hanga aq saung katapangan ..pinagppala ang taong mabubuti ang kalooban.😊

    Like

  10. Nerlie says:

    Hi Ms. Neri! I’m always fond of your ig posts. So genuine kasi. ☺ I can relate to your experience coz we also lost our first baby and I also undergo d&c last July 7. It was a traumatic experience for me. Sobrang lungkot knowing na 7 weeks lang nabuhay si baby. 😢 I told my husband na wag na muna kami magtry magkababy kahit I want to have one na. But upon reading your blog, I realized that I’m not alone in my situation. It gives me strength to move on and to look on the brighter side of it. When we’re ready to have another baby, we’ll try your advice. ☺ Have a healthy pregnancy! ☺

    Liked by 1 person

  11. Mai says:

    Im so happy for you & your husband. Thank you so much for your tips on how to conceive. Sinabi ko na rin sa hubby ko yung tips mo. Try daw namin 🙂 We’ve been trying to have our second child since last year kaso early this year ko lang na-latch yung 2 yrs old namin from breastfeeding kaya medyo hirap akong maging preggy ulit. Sana mag-work yung tips mo and we’ll keep on praying for a baby boy naman this time. God bless, Neri! Keep healthy para healthy rin baby nyo

    Liked by 1 person

  12. Jedaila says:

    Hi Neri! Im a mother of two. I’ve always reading your post on facebook. And now na nagkaroon ka na ng blog natutuwa ako. Happy for both of you! Im a fan of your hubby since then. I really loved your series of joke messages kay chito. You have a great sense of humor!

    Have a healthy pregnancy journey! Hope next time breastfeeding journey naman. 😊😊

    Like

  13. myra says:

    Hi neri, its me again. Relate ako sa story mo,actually ganyan din ako nung wala pa kami baby at gusto mgka baby ksi 29 na ako that time kasi nag aswa ako 24 na pagurang na at irregular period pa ako. Nag pa check up ako sa ob then ayun nga my nkita na cyst sa ovary ko pero maliit lng kaya nkuha pa sa gamot at nailabas ko nung ng mens ako at para ma regulate un menstruation ko binigyan nia ako ng pamparegla monthly para maisakto sa days un dating ng mens ko dhil irreg nga ako. Ng gamot ako for 3 mos kaya lng sabi ko sa ob my side effect skin dhil tinadtad ako ng acne sa mukha kaya pinapalit ko, kya ginawa nia binigyan nia ako ng pills for 3 mos para mka conceive. Kapag di ako nakabuo itutuloy ko ulit un pills ng 3 mos ulit, pero sa awa naman ng diyos naka 3 mos lng ako gumamit ng pills ksi sinabayan ko din ng dasal na gustong gusto ko na talga mg ka anak dhil may edad nko.. so ayun nga monthly check up din ako nung nbuntis nko para mkita ko kung ok un baby namin at sa awa naman ng diyos nairaos ko un anak ko kaya lng na cs ako ksi hindi daw bumubuka un sipit sipitan ko kasi nga naging tamad ako nun di ako msiado mapag gagawa at nglalakad lalo na nung malapit na kabwanan ko, kahit na masiado ako mdami npag daanan na hirap sa anak ko ok lng ksi talagang binigay samin ng diyos un, sa ngayon 5 taon na sia at nag aaral na. Eto nga at nasundan na nga ngayon kaya tuwang tuwa un anak ko dhil mgkakaroon na sia kapatid, lagi sia humahalik sa tiyan ko bago umalis papuntang skul napakalambing. Un pngalwang pagbubuntis ko na to ewn ko ba parang sinadya talaga ako ng diyos, ksi pag ngkakawentuhan kmi ng mga ibang ka mommy ko sa skul lagi ko nun sinasabi gusto ko msundan un anak ko kapag 35 na ako, khit kako bigyan pa sana ako ng isa png anak kasi ayoko na magka anak kapag nasa 38 pataas na ksi madami risk pag ganun na edad na mgkaanak. Sa awa naman ng diyos eto nga at binigay nia 35 anyos na ako, mganda din storya ng pngalawang buntis ko na to, ksi diba may mga ndidinig ako kwento un sinasabi nila na kahit dika pala nireregla my posibilad ka na mbuntis kaya ayun ngayon naniniwala na ako dhil nga naranasan ko. Bago ko malaman na buntis ako iba na ksi pakiramdam ko, akala ko malapit na ako reglahin ksi sbrang tigas at sakit ng dibdib ko ng mga ilang linggo, sabi ko bkit kaya di pa ako nirregla eh ilng linggo na matigas un dibdib ko sabi ng mister ko malapit na ako reglahin. 5 weeks na wla pa din ako regla so naisipan ko mag PT nung umaga un bagng gising at buti na lng my sobra pa ako PT nun. Sakto pa wala un mister ko nun ngpunta manila,edi ayun na nga ng test nko isa lng gumuhit kaya ginawa ko tinabi ko na nilagay ko ulit sa lalagyan ksi nga ayoko itapon sa bsurahan. Tpos nung dumating na mister ko sabi ko sa knya ng PT ako at wala kako isa lng. Tpos naisipan ko ulit tingnan nagulat ako bkit kako 2 na guhit, bumilis na tibok puso ko sabi ko sa aswa ko knina kako isa lng to, kya un mister ko niloloko ako na natutuwa,sabi ko baka naman kako palpak lng un pt kaya sabi nia ulitin bukas. Gingwa nman nmin ng pa check na nga kmi ng dugo ayun nga postive nga, tapos the next day ngpunta na kmi ob at sabi nga 5 wks preggy na so bigay lng folic,milk at un mga bwal at dapat kainin. Nag Monthly check up din ako at un 1st trimester ko talaga mselan tlaga at iningatan ko talaga di ako nag gagawa ksi nga iniiwasan ko lng un mis carriage. Eto nga at 4 na bwan na un tiyan ko medyo ng gagagwa nko pero un di mhirap na gawain pag medyo feeling ko napapagod nko papahinga nako, lakad lakad din, ngkaroon din ako ng acid reflux binigyan din ako ng gamot para dun kaya lng wala naman pagbabago ganun pa din suka ako ng suka arw arw tuwing 4-5pm.. kaya giangawa ko pagka tpos ko kumain lakad lakad muna konti, ganun din ksi ako sa una kong anak pinagkaiba lng tuwing umaga ako sumsuka dun for 9 mos hangang di naillabas si baby. So sa ngayon dinadalngin ko lng na sana mailabas ko ulit ito ng maayos at alam kong di ako pababayaan ng diyos sa panganagank ko dhil binigay nia ito at alam nia naman kung paano ko alagaan ang anak ko kaya sana hanggang sa panganagank ko ulit nito ay ingatan nia kami, ganun din ang dalangin ko para sa iyo dhil alam ko kung pano ang pinagdadaanan ng isng buntis at gsto na maging tunay na ina. Masarap na mhirap pero pag nailabas at nakita mo na ank mo di mo maipaliwanag un saya at pangarap na mabubuo mo para sa paglaki ng anak mo, hanggang sa knayang paglaki ang sarap ng my anak, kaya sana pareho nia tayong ingatan sa ating pagbubuntis at pangangank. Sori haba ng comment ko gsto ko lng din ishare un naging kranasan ko dati kung pano ko rin gustong mgka baby.. dalangin ko na safe kau ni baby at ni idol chito. Pakisabi love na love ko si chito, lalo na nung tingting days pa nia😁😁😁 god bless..

    Liked by 1 person

    • mrs valdez says:

      hi miss myra…kahit po d neo ko kilala eh gusto ko lng po magpasalamat sa Panginoon at nabasa ko comment mo. 7years n po kami ng mister ko at until now waiting p din kami sa precious gift ni papa God. Napakahirap po para saken at sa mister ko pag nakakarinig ng pregnancy announcements…kc lagi kami nakakantiyawan na…oh kau ba kelan magkakaton…dati ok lang ung mga sinasabing ganun pero nung 3years na…until now ang sakit na po madinig mga birong ganun…naka 3OB n po kami..tas ung ngaun pinag pills din po nea ako tsaka metformin hopefully kalooban na din ni Papa God na magkababy na din…32years old n kami pareho ni mister..cnxa na po haba ng reply ko…salamat sainyo dalangin ko po na maging ok kau ni 2nd baby lagi…Godbless
      PS.d ko po alam kung mababasa neo po ito…firsttime ko mag comment po sa ganito.thanks po

      Like

  14. Irene Q San Diego says:

    hi neri..congratz s inyo ni chito..misis n rin aq pro til now wla p rin kmi baby mg 6 yrs n kming ksal this coming sep 10..i know and i believe n soon mgkakababy kmi ni husband..kpg ngyari n un ipapaalam k tlg s buong mundo…ggwa rin aq ng blog pra maupdate sila..anyways congratz again..more babies to caome…GOD bless your family..

    Like

  15. Liza Mendoza says:

    hi neri and chito congrat’s sa inyong dalawa…married for almost 9years pero until now wala pa rin kami baby..unexplained fertility…pagdating ni hubby this coming september..itatry namin ung method nu…ask ko lang anong klase vitamin c na tinitake mo at ng matry din namin :-)..God Bless

    Like

  16. Jehstine says:

    Hi neri,nakakainspire ang kwento nyong mag asawa lalo at nandyan c chito nakasuporta sayo 100% ,congratulations on your pregnancy! In our case 6 yrs na kami kasal ni hubby pero till now hindi parin nabibiyayaan ng baby ang aming pagsasama, pero hindi ako nawawalan ng pag asa na someday in God’s perfect time magkakababy din kami,wala namang imposible kay God! Godbless po sa inyo ni chito and specially sa inyong baby☺

    Liked by 1 person

  17. SHEILA 0 DELA CRUZ says:

    I always follow your IG,,, and eto hinanap ko din ang blog mo,, i admire yung love nyo ni chito sa isat isa.. the way you express your undying love for each other. So inspiring, so motivating, so blessed… and other blessing ulit, Congrats neri and chito,. keep the love burning,,, God bless you and your family.

    Like

  18. jennietiquis says:

    Hi ms.neri super sarap basahin ng blog mo..bgong kasal lng ako last jan 2016 at ngaun nagplaplano n kmi na mgkababy..nagsesearch nga ako sa internet ng mga tips kung pano mabilis n mbuntis kya lng hnd ko maintindihan yun iba..wla nmn ako mpagtanungan kc wla n mother ko..kya medyo nhihirapan ako..required po b tlga na magpa ob gyne khit hnd pa buntis? Sana matulungan nio ako.t.y😊

    Like

  19. joyadelgado says:

    Hi Neri. Isa ako sa mga maseswerteng new mommy na hindi nakaranas makunan pero the first 6 months na nagtry kami ng asawa ko dun ko nafeel na ganun pala pag gusto mo na at handa ka na pero d mo makuha. Ang lungkot. I didn’t ask for any medical advice, but i did pray. Sabi ko Lord kung hindi pa ngayon hihintayin namin ang right time. Hanggang s nabuntis na nga ako. Nung nbuntis naman ako lahat na ng pinakamtinding paglilihi naranasan ko, as in ang payat ko sa first trimester ko up to 5 mos. Tapos dinugo at na-ER din ako kala ko wala na si baby sa sobrang daming dugo kong inilalabas that time pero nakasurvive kami ni Baby. Mag 6 mos. na si baby ngayon at tuwing iniisip ko pinagdaanan namin dalawa grabe napapasmile ako kase simula pa lang alam mo yung “through thick and thin” na talaga kami. At tuwing nakikita ko anak ko grabe worth it. Yung pagmamahal sa puso ko kakaiba hindi ko maexplain. Sorry Neri mukhang blog na din reply ko. Natutuwa din kase ako sa mga excited maging mommy kase i know the feeling. Sana mainspired din kita katulad ng pagiging inspirasyon mo sa mga mambabasa tulad namin. ❤️❤️❤️❤️

    Like

  20. plinkisapphire says:

    hello ate Neri, congratulations po. alam ko pong mahirap talaga magbuntis. i followed you in instagram, and facebook and sobrang nakakatuwa, inspiring, entertaining ang mga posts mo. and now itong Blog mo. BTW, sa mga netizen po, pwede po ba magtanung, may bayad po ba ang paggawa ng blog?

    Thanks sa mga sasagot.

    Like

  21. Roldan De Los Reyes says:

    Thanks neri…nainspire ako…kase gusto n din namin magbaby ng wife kk..so we decided n pasunurin ko sya dito s saudi..and ngayon nga 2 months n kaming magkasama..we are hoping n magkababy n kami soon…

    Like

  22. Alice C. says:

    Hi, Mrs. Miranda 😊
    Paborito kong basahin ang IG entries mo. Wala akong fb, ig or twitter, hindi ako mahilig sa SNS. But I enjoy reading your posts on IG, hindi nga lang ako maka-comment hehe. Ikaw lng at HGTV ang sinusundan ko sa IG. I like this blog, too. I majored in English sa UPD, ung mga classic novels na binabasa mo, readings ko sila nung college. Sabi ko, uy, may something in common ako with neri miranda! I like this blog dahil Tagalog ung mga entries mo. Babad na babad ako sa wikang Ingles, kaya nakaka-refresh makabasa ng blog sa Tagalog. Mas tumatagos sa readers ang mga kwento. Minsan, ung mga nagba-blog sa English, halatang nagpapa-impress lang naman. But you seem like a very authentic person. Keep it up and I pray you’ll have a very safe pregnancy and delivery 😊

    Like

  23. Nicole Espiridion says:

    Hi ms. Neri.. Nung nabasa ko yung blog mo, sobrang nalungkot ako, naalala ko yung time na nalaman kong buntis ako with my 5years boyfriend, sobrang saya namin nun, finally! 🙂 kahit na madaming trials, okay lang, lahat kakayanin namin para kay baby, pero dumating yung 2nd check up ko, nalaman namin na walang heartbeat yung baby, and di sya nagdevelop nang maayos sa tyan ko, sobrang iyak ko nun, kasi excited na ko,kaso yun nga. Kahit nag pa second opinion na kami sa ob-gyne ganun padn po yung result 😦 sobrang sakit ! Nkakalungkot, dumating pa ko sa point na ayokong makakita nang buntis and baby kasi naiiyak ako.. Pero inisip na lang namin, baka di pa talaga para samin, baka ayaw pa ni god, baka may plano pa sya 🙂 and ngayon, alam naming lagi kami binabantayn nang angel namin, baka naglalaro na sila nang baby mo sa heaven 🙂 my little angel na tayo ! 🙂 super nakakainspred yung blog mo ! Keep posting 🙂 and godbless ! 🙂

    Like

  24. rachelle e. nadres says:

    Hi ms. Neri! Nabasa ko may acid reflux ka… pwede ba humingi ng mga advice or mga paraan ng ginagawa mo para mawala ang acid reflux mo.. kasi meron ako nahihirapan ako parating bloated tummy ko tapos my sakit pa ako sa puso.. sana mabasa mo comment ko.. salamat😊

    Like

  25. carbonblackops says:

    Hi Neri,

    I feel you, I had our rainbow baby and she’s now 7 months. I always follow your posts sa IG kase they’re very inspiring and I feel like I found a friend eventhough hindi ako nagccomment sa mga posts mo. I saw you wanted to be a tipid nanay so I want to send out cloth diapers for yor little one to try. You can email me here: kath.lastra@gmail.com Thanks.

    Like

  26. Jamaica says:

    Hi Ms. Neri. Wow nakaka inspire yung mga kwento mo now ko lang din nabasa lanat to kasi lagi ko inaabangan mga post mo sa fb kasi laging good vibes. Anyway 3years na kaming kasal ng asawa ko so bale 2years pa lang kami nagsasama kasi nung kinasal kami jan sa pinas nag antay pa ako ng 1 year to be with him here in the US. Sa 2 taon ng pagsasam namin wala kaming nabuo wala naman na kami ginagamit at lagi nalang namin sinasabi come what may hanggang last month this year nag bleed ako for 1 month pumunta ako sa ob ko kasi that time super busy ako sa work ko halos sa work nalang ako lagi kaya nag pa apptment kami sa ob ng asawa ko so by that time nLaman namin na preggy ako😁😀😄 sobrang diko maipaliwanag yung nraramdaman ko ganun din yung asawa ko so the next day pumasok ako sa work ok naman daw sabi ng ob ko. After cguro ng 2 weeks nag bleed na naman ako at sumakit yung tiyan ko sobrang sakit na diko maintindhan so tinwagan ko asawa ko para kunin niya ako sa work akala ko pagod lang ako at stress kasi nga sa work ko. Nag pa appointment ulit kmi sa oby ko kinabukasan bago ang appt ko sa ob nag bleed ulit ako natakot ako kaya pumunta kami sa ob ginawa nila sakin yung transviginal ultrasound at sa di namin alam na rason ndi makita si baby sa ultrasound 😣😫 natakot ako at nagdasal kasi yung pagkasabi ng ob ko parang my pangamba sinabi niya mga dapat kong gawin mag pa bloodtest ng 4x every other day sobrang sakit nun at dun nako na stress na akala ko my masamang mangyayarin samin ng baby ko natakot ako buti nalang anjan lagi yung asawa ko nag aalalay sakin ngayon nag leave nako sa work ko bawal stress at need ko mag bed rest untill my bleeding stop sa awa naman ng Diyos nag stop na yung bleed at need ko pumunta sa ob ko next month para icheck kung ilang weeks na si baby.. Kaya dto ako ngayon nag babasa ng mga kwento mo Ms Neri at sobrang nakaka ginhawa.. Sobrang thank you ksi napaka humble mo kasi mga buntis na kagaya natin need tlaga nila ng mga Inspirational words para kahit papano maibsan yung stress na pinagdadaanan nila. I’m always waiting for your new blog Ms. Neri God bless you and your whole family especially your baby.. Much Love💚 JM from Ca.

    Like

  27. ainasantos says:

    Right now, nagpapahinga nako… Bed rest pinayo ng OB ko after ko Makunan last week.. Mag 5 y/o na Panganay ko nag try kami uli magbaby 2months palang si baby pero sa tindi sguro ng stress ko sa trabaho nanghina ako pati si baby.. Nakaka depress pero totoo pala yung sa asawa ka kukuha ng lakas 😊. bigla nalang din ako naiiyak.. Mayamya okay n naman mayamya hindi nnman.. Sabi ng OB fit to work-2months parang ang tagal masyado pero need ko sundin 😪 God bless you all

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s