Wag mong sabihing ok lang yan…

Wag na wag mong sasabihin na ok lang yan kase kahit kailan hindi siya magiging ok o pwedeng maging ok.

Kapag nakakarinig ako ng mga babaeng nakukunan noon, parang hindi naman big deal sa akin, kase pakiramdam ko naman, hindi pa naman buo yung bata sa loob ng tyan mo eh. Isa ako sa mga tao na iisipin ko na ok lang yun, may next time pa naman! Yan yung wala pa akong asawa at hindi pa nabubuntis.

Last June 2015, sobrang excited kami ng asawa ko na magpacheck up ulit. Wala naman akong nararamdamang hirap o sakit o kahit anong paglilihi nun. Sobrang smooth ang pagbubuntis ko nun. Walang kabawal bawal. Nagtatrabaho pa nga ako eh. Nagsuot pa nga ako ng magandang dress nun kase feel na feel ko ang pagbubuntis ko nun. Silk dress yun na blue tapos may white print. Binili yun ng asawa ko noon pero di pa ako buntis nun. Mahilig lang kase ako sa mga maluluwag na dress. Nag ayos ako nun. Nag make up pa nga ako kahit di ko naman ugaling mag make up esp kung pupunta ng ospital. Naglagay pa ako ng eyeliner saka pilik mata para 60’s yung style ko for that day. Naghanda talaga ako. Kase after ng check up namin, may balak na kami ng asawa ko na bumili ng mga maternity clothes at magde-date kami nun. Gandang ganda sa akin ang asawa ko. Ang ganda ko daw buntis. Sabi niya, naku baby girl ata ang panganay natin.

Bago pala kami pumunta ng ospital, 6 am nagising ako. Natakot ako sa panaginip ko. Nakatingin lang ako sa asawa ko na mahimbing na natutulog. Kinalma ko ang sarili ko. Nakatulog ulit. Nagising ako ng 7 am. Ginising ko na asawa ko. Nanginginig ako sa takot. Sabi niya, “baby ko, what’s wrong?” Sabi ko, “Daddy, ang pangit ng panaginip ko eh. I saw blood sa underwear ko, maraming maraming blood! Tapos nagtataka ako bakit ang daming blood tapos you were there, ina-assist mo ako. Tapos galit na galit ako bakit may blood.” Sabi niya lang sa akin, kung ano ano kase ang binabasa mo eh, napapraning ka tuloy. “Matulog ka na muna kase may check up pa tayo mamayang lunch. Pero sabi ko, “bakit twice kong napanaginipan? As in nagtuloy tuloy yung panaginip ko.” Niyakap lang ako ng asawa ko at pinakalma. Nakatulog ulit ako.

Totoo, lagi akong nagreresearch sa google kung ano ba ang dapat maramdaman at pagdaanan ng isang buntis. Sobra kasing wala akong maramdaman nun. Di man lang ako nahilo or nagcrave or nagsungit. As in normal lang ako, masayahin lang.

Dumiretso na kami sa ultrasound room. Ang daldal daldal ko pa, nakikipagkwentuhan ako sa ob-sonologist. Tawa pa kami ng tawa sa room. Tapos nung nakatingin siya sa monitor, biglang nag iba itsura nya. Naging seryoso siya tapos di na siya tumatawa. Alam ko na may mali sa baby ko. Nakasalamin yung sonologist nun, kaya sinisilip ko sa salamin nya kase nagrereflect yung monitor. Wala akong nakitang gumagalaw. Nanginig bigla tuhod ko at di ko napigilang lumuha. Pinatawag yung head sonologist para i-confirm yung findings niya. Nagtatanong ako kung ano ang nagyayari. Walang sumasagot sa akin.

May sinusukat sila, check dito, check doon. Naginginig pa rin mga tuhod ko. Tinanong na ako ng head sonologist kung nagbleed ba daw ako. Sabi ko hindi po. Kung sumakit ba daw yung tummy ko, sabi ko hindi rin. I asked yung heartbeat ni baby. Dun palang nila pinatawag si Chito sa loob ng room. Nasabi ko na lang, “Daddy, yung baby natin!” Tapos umiiyak na ako pero pigil na pigil. Ang sabi lang sa akin, your doctor will explain everything to you. Umalis na yung head sonologist.

I asked sa nag aassist sa akin na sonologist kung ano ba talaga ang nagyayari. Kinausap niya si Chito na paki alalayan ako. Sinabi niya na wala ng heartbeat si baby. Alam kong nahirapan din siyang ibalita sa akin yun pero kailangan ko talagang marinig eh. Gusto ko na malaman bago pa ako bumalik sa doctor ko.

Alam kong malungkot na malungkot ang asawa ko pero ang naalala kong una niyang tinanong kung kumusta ang health ni Neri, may complications ba? Wala naman daw, healthy daw ako, si baby lang ang mahina.

Alam kong hindi rin madali sa asawa ko yung balita kase hindi namin ineexpect. Naalala kong mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko at sinabi niya na, “Baby ko, it’s ok. Gawa na lang tayo next time. You’re healthy daw at yun ang importante sa akin.” Tinitigan ko siya ng masama at sinabi ko sa kanya na IT IS NOT OK. WE LOST OUR BABY AT SASABIHIN MO SA AKIN NA IT’S OK. Pigil na pigil talaga yung iyak ko, parang sasabog yung dibdib ko. Tapos kinalma ko sarili ko bago ako lumabas ng room kase maraming tao na sa labas. Ayaw ko namang gumawa ng eksena. Pero gustong gusto ko nang magwala doon.

Dumiretso ako sa restroom. Iniyak ko talaga pero walang sound. Syempre ayaw ko namang marinig ng mga tao sa labas. Pero hagulgol ako sa loob ng restroom. Paulit ulit sa mind ko, WHY? WHY ME???! Ang sakit sakit. Di ko alam kung ilang minuto ako sa loob ng restroom.

Ilang beses akong kinakatok ng asawa ko pero di ako sumasagot. Gusto kong maglaslas, gusto kong saktan sarili ko. Gusto ko ako na lang yung namatay. Ang sakit sakit. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Nawala na yung pilik mata ko, nalusaw na make up ko, kalat na kalat na yung eyeliner sa mata ko hanggang sa pisngi ko. Ang gulo gulo na ng itsura ko.

Kinalma ko sarili ko. Naghilamos ako. Huminga ng malalim at lumabas na rin ng banyo. Niyakap lang ako ng asawa ko. HIndi na siya nagsalita. Hinawakan niya Β kamay ko hanggang papunta sa clinic ng doctor ko.

Hindi ko na naiintindihan yung explanations ng doctor ko, si Chito na lang nakikipag usap. Lutang ako. Pero walang katapusan yung luha ko pero wala pa ring sound. Ang naalala ko lang na sinabi sa asawa ko bago kami umalis, “Chito, please take care of your wife. Mas kailangan ka niya ngayon.”

Pagkauwi namin sa Quezon City house, diretso kami sa room. Nagpalit ako ng damit, naghilamos, humiga sa kama. Sabay humagulgol ako ng humagulgol. Awang awa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko galit sa akin si God at pinaparusahan niya ako. Sabi ko, it is so unfair. Mabait naman ako ah. Hindi nga ako nang aaway. Bakit yung mga walang kwentang babae, nabibiyayaan ng mga anak tapos di inaalagaan, yung iba tinatapon pa sa basurahan. Tapos ako, sobrang gustong gusto kong magka anak at alam ng Diyos na aalagaan at mamahalin ko yung magiging anak ko. Pero ano ang nagyari? Kinuha din sa akin. Iniyak ko talaga yung sama ng loob ko. Galit ako. Gusto ko na talagang mamatay nun. Niyakap ako ng asawa ko ng sobrang higpit. Hinalikan niya noo ko at naiiyak na rin siya pero alam ko na kinakailangan niyang maging strong para sa akin.

Sabi ko sa asawa ko, uwi ako sa Tagaytay. Gusto kong mag isa. Gusto kong magkulong. Ayaw kong makakita ng tao. Ayaw kong may kausap. Galit ako. Galit na galit. Tinext ko muna yung executive producer ng show namin, nagpaalam ako kung pwede ba akong magpahinga ng two weeks at nabalita ko rin kung ano ang nagyare sa akin. Pinayagan naman ako. Sinabi ko rin kay Chito na ibalita na lang sa family niya kapag hindi ako nakaharap kase ayaw kong umiyak sa harapan ng mga tao.

Pagkababa namin ng room, nakita ko yung mommy ni Chito pati na rin mga tita niya. They were so excited na nakita ako sa bahay. Panay himas nila sa tyan ko. Panay halik pa ng nanay ni Chito sa tyan ko. Napatingin ako sa asawa ko. Huminga ako ng malalim, kailangan kong maging matatag at di pwede umiyak sa harapan nila. Nagpaalam ako sa kanila kase sabi ko uuwi ako sa Tagaytay at magpapahinga. Niyakap ko ng mahigpit asawa ko. Gustuhin man nyang sumama sa akin kaso may trabaho siya nun.

Yung buong dalawang oras na byahe pauwi ng Tagaytay, iyak lang ako ng iyak sa kotse. Humiga na lang ako sa likod para di na ako makita ng driver ko na umiiyak pero wala pa rin akong sound pag umiiyak. Nakinig ako ng mga songs. Eto yung dalawang songs na paulit ulit kong pinakikinggan.

 

 

Pag uwi ko sa bahay. Nagkulong lang ako sa room. Gusto ko talagang saktan sarili ko nun. Kase sobrang sakit yung nararamdaman ko nun. Hindi ko na talaga kaya. Sabi ko sana sinama na lang ako, sana ako na lang yung namatay tutal parang pinapatay naman ako unti unti. Pero siyempre kahit ilang beses kong naisip na saktan sarili ko, hindi ko naman ginawa. Alam ko na kasalanan pa rin yun at may asawa ako na nagmamahal sa akin. Nagpaint ako. Pinost ko yun sa Instagram account ko pero hindi nyo pa rin alam na nakunan na ako nun saka matagal bago ko ipost yun. Nagsulat din ako sa journal ko kase hindi ko mailabas talaga yung galit ko. Hirap kase akong maglabas ng sama ng loob at magsalita kapag galit.

Dumating na din asawa ko. Niyakap lang niya ako. Pinagsisilbihan niya ako. Inaakyat niya pagkain ko sa room kase di talaga ako lumalabas ng kwarto. Sinabi niya na lang sa akin, “Baby ko, kapag ready ka na, let’s pray together.”

Sabi ko ayaw ko. Bakit pa? Panay pray naman natin, mabait naman tayo sa mga tao, pero ako pa rin yung napili Niya, napili Niyang saktan. Niyakap lang ako ng asawa ko at sinabi kapag ready na daw akong magdasal ulit, sabihin ko lang daw sa kanya.

Four days na akong nakakulong sa room. Minsan bigla na lang akong iiyak. Yayakap na lang sa asawa ko. Alam kong siya lang kakampi ko. Papatahanin niya lang ako tapos nakakalma na ako. Sabi ko, ayaw ko pa ring magdasal. Galit pa rin ako.

Sinabi ng asawa ko baka mas mabuti kung maging busy ako ulit, balik ako Β sa trabaho. Wag ko na daw na hintayin tapusin yung two weeks. Pumasok ako kinabukasan. Nagtrabaho ako. Nagtaping ako. Minemorized ko mga linya ko. Sa mga eksena ko nun, naaalala ko dapat masaya ako. Kailangan kong maging masaya sa harap ng camera. Pero di pa rin ako kumikibo kapag hindi ako nagte-take.

Tama nga si Chito, kapag busy ka hindi mo na napapansin yung totoong nararamdaman mo. Minsan nakakalimutan kong maging malungkot at magalit. Pero pag nasa bahay na ako, kapag naaalala ko, napapahawak na lang ako sa tyan ko. Nagagalit ulit ako.

Hindi ko maalala yung exact date pero after ilang weeks, sinabi ko sa asawa ko na ready na akong magdasal ulit. Niyakap niya ako at pinagpray. Humingi kami ng tawad sa Diyos kung bakit ako nagalit at kahit ang asawa ko nagalit din daw pero hindi niya na lang sinabi sa akin para di madagdagan yung galit at sakit na nararamdaman ko. Humingi kami ng guidance. Humingi kami ng mas mahabang pag unawa kung bakit nangyare lahat yun sa amin.

Kailangan naming mas kumapit kay God. Kase Siya lang naman ang makakasagot ng lahat ng ito. Siguro nga pinapalakas niya yung loob namin. Nireready kami sa mas malaking blessing. Hindi man namin maintindihan ngayon at hindi rin kailangang dapat maintindihan agad kung bakit nangyare yun pero kailangang palakasin pa namin ang faith namin kay God.

Nawala man yung galit ko kay God pero never nawala yung pain. Minsan bigla na lang akong iiyak sa kwarto. Wala akong inattendan na children’s party ng mga kaibigan ko. Lagi kong sinasabi na may sakit ako. Ayaw kong pumunta kase baka umiyak lang ako at mainggit sa kanila. Ayaw kong magbigay ng bad vibes sa special moments nila. Kaya nagtatago ako lagi.

Hindi naging madali sa akin ang lahat. Tinamaan talaga ako ng depression nung nawala yung anak ko. Natrauma din ako. Natakot talaga. Buti na lang at naiintindihan ako ng asawa ko. Kaya nagpapaka strong din ako para sa kaniya. Nawalan man ako ng anak pero ang asawa ko andyan palagi sa tabi ko, inaalagaan ako. Siya ang pinakamalaking blessing ko sa buhay. Kaya kailangan kong alagaan ang asawa ko at kung ano ang meron kami.

July 2015 ako na d&c pero sa ibang araw ko na lang ikukuwento yun kase kakaiba din siya. kakaiba yung experience ko kase dapat hindi ako ooperahan pero naging emergency na.

Nung February 2016 nagtry ulit kami ng asawa ko na magbaby since tapos na ang work ko. Kase ayaw kong mabuntis at nagtatrabaho. Gusto ko na talagang mag focus sa pagbubuntis. Naka rest lang sa bahay. March 2016, nabuntis ulit ako! Sobrang thankful kami kay God at binigyan agad kami ng baby! Pero mahirap nga lang pagbubuntis ko ngayon pero ok lang! Hindi ako nagrereklamo!

Nagnonovena kami ni Chito at nagdadasal talaga gabi gabi. Walang hanggang pasasalamat lagi ang sinasabi namin. Ang hiling lang talaga namin ay maging healthy lagi si baby.

Ayaw ko talaga magshare nung hindi masasayang nagyare sa buhay ko pero marami kase ang nagmemessage sa akin, tinatanong kung paano ba daw mag move on kase hanggang ngayon daw, masakit pa rin.

Hindi ko masasabi sa inyo kung kailan kayo magiging ok kase kahit ako nahirapan na bumangon. Darating din yung panahon na masasabi nyo sa sarili nyo na ok na ako, tanggap ko na.

Pwede kong sabihin sa inyo na, ok lang magalit, ok lang umiyak at naiintindihan ko kayo. Alam ko rin sa everytime na may magsasabi sa inyo na ok lang yan, alam ko yung pakiramdam na gusto nyo silang suntukin sa mukha at sigawan. Naiintindihan ko kayo.

Gusto ko rin sabihin sa iyo na hindi ka nag iisa. Kahit pakiramdam mo na ikaw lang ang nakaka experience niyan ngayon. Kasama mo ako, marami tayong nakaranas ng ganyang klaseng pain.

Kung hindi ka pa rin ok at hindi mo pa rin tanggap ang nangyare sayo. OK LANG, NAIINTINDIHAN KITA. Kapit lang at hindi ka nag iisa. Kung pwede ko lang kayo yakapin isa isa para maramdaman nyo na di kayo nag iisa at may nakaka intindi sa inyo, gagawin ko pero maselan kase ako ngayon kaya bawal ang lungkot at stress sa buhay. Ang mabibigay ko lang sa inyo ay ang aking kwento na sana kahit papaano ay magbigay sa inyo ng lakas ng loob para labanan ang lungkot at depression, at konting gabay, paalala, at pag unawa. Malalagpasan niyo rin yan. Wag laging kalimutang magdasal. May plano si God sa ating lahat.

Yakap at pagmamahal sa inyong lahat.

NM

Advertisements

42 thoughts on “Wag mong sabihing ok lang yan…

  1. Mary G says:

    nakakaiyak, nakakatouch. I am a mom, and the greatest fear that we have is losing our child. Pero, I am happy that God has blessed with another baby. You know everything happens with a purpose. Keep that faith! And alam ko you and Chito will be very good parents πŸ™‚
    God bless you and your lil family, NM πŸ˜€
    BTW, I super like your blog! have my blog, too but I don’t know if I am as transparent and honest as you are (in sharing your stories) πŸ˜€

    Liked by 1 person

    • Hyacynth says:

      Neri napaiyak mo naman ako sa blog mo..tuwang tuwa aq sa mga post mo sa instagram..habang binabasa ko ang blog mo nararamdaman ko ang sakit na naranasan mo..tama ka Neri kapit lang. Kami ng asawa ko nagtatry din kmi magka baby pero wala pa talaga..pero di kami nawawalan ng pag-asa..kapit lang kay God..gusto ko na rin mging isang ina pangarap ko yun prang ikaw lang..hanga ako sau Neri di lang sa pagiging wais na misis pati narin sa pagiging matapang sa mga pagsubok sa bihay..naaliw ako lagi sa mga post mo kaya wala akong tigil kakapunta sa instagram mo kung my bago na ba at ngayon may bago akong inaabangan ang blog mo..keep it up Neri..masaya kami at pinapalakas mo loob namin..magiingat ka lagi kayo ni baby at more kilig din kay Chito..abangan ko ulit ang blog mo Neri..mahal ka namin.God bless..

      Liked by 1 person

  2. Aya says:

    Grabe. Kakaiba to. Feel na feel ko yung sakit habang nagbabasa. Kahit hindi pa ko nagiging mommy, ramdam ko yung sakit. Yes mga mommies, darating din po yung time na lahat ay mas magiging maayos na. Kapit lang po. Nandyan lang po si God.

    Like

    • Andrea M. Fernandez says:

      Naiyak ako habang binabasa ko ito..nag flashback lahat sa akin yung nangyari. Pareho pala tayo ng pinagdaanan. Yung sakit, yung galit, yung lungkot. Napaka hirap tanggapin at isipin na magiging ok din ang lahat. I even asked God “bakit ako?”…”bakit di na lang yung ibang tao na hindi deserving magkaron ng anak?”. Dumating sa point na nagalit ako kay God. Pero mas lalo palang mabigat sa pakiramdam. Yung feeling na ang dilim ng mundo ko. And then I realized dapat di ko kwestyunin si God. Nagdasal ako at humingi ng tawad sa kanya. Lahat ng nangyari ay may purpose. Anu man iyon ay tanging si God lang ang nakaka alam. Laking pasasalamat ko sa pamilya ko at higit lahat sa asawa ko na hindi ako iniwanan at nagsilbing lakas ko para magpatuloy sa buhay. Napaka blessed ko pa rin na kahit nawalan kami ng anak ay may asawa pa rin ako na nagmamahal sa akin. Isang taon na ang nakalipas simula ng nangyari at hanggang ngayon wala pa din kaming anak. Its kinda frustrating lalo na sa part ko pero sabi ng asawa ko wag daw ako ma pressure. Mag enjoy muna kami sa buhay mag asawa namin. Ipagkakaloob din iyon sa amin ni God sa tamang panahon. Pray lang palagi at magpaka positibo sa buhay πŸ™‚ Thank you mrs. Miranda for sharing your story. Nakaka inspire kayong mag asawa..di pala ako nag iisa. Congrats! Finally natutupad na yung pinapangarap mo. Sana healthy kayo palagi ni baby πŸ™‚ God bless you and your family.

      Liked by 1 person

  3. Joy says:

    Hi Neri. I like your blog. I feel the same way. Nakakarelate ko sa post mo. Nangyari din skin yan. Na d&c din ko last May Lang. Your post is very inspiring. God Bless.

    Like

  4. Lorraine G. H says:

    sobra kitang naramdaman dito sa blog mo. yun sakit at bigat. yakaaap!! siguro hindi pa lang talaga yun ang tamang panahon, pero mabait talaga ang Ama at meron na ulit kayong little angel. idol kita Neri!! ingat palagi kayo ni baby!

    Like

  5. purpleluvinchic says:

    Thank you Neri. Yung nangyari sayo same month din nung nangyari saken. Parang binabasa ko lang ang story ko. Nagpaka busy din ako sa work, pero pagka uwi ko ng bahay, iiyak na naman.
    Thank you dito. Dahil dito alam ko time will come na magiging okay din ako.

    Like

  6. Pia F. says:

    I felt sad while reading your blog..nagflashback yung saddest moment of my life na namiscarriage and ectopic pregancy ako last 2014..i was really traumatized.i also questioned God!but everything happens for a reason.may dadating palang ibang blessing..and i got pregnant again and just gave birth last month..i love reading your blog..have a healthy pregancy and take care.

    Liked by 1 person

  7. alfil palabrica says:

    Naiyak na nman ako, naalala ko rin ang baby q last month lang ako nakunan for my third pregnancy and it was my second baby alive sana kong ntuloy kasi first baby q 28 days lang sya nbuhay at ng suffer pa dahil mi sakit xia hanggang nmatay. Subrang sakit talaga mawalan ng anak at kahit hanggang ngayon na 6 yrs. ago na nwala yong first baby q ramdam q prin ang sakit pero thankful prin ako at meron akong healthy baby boy mag 3yrs. old na xia sa sept. kahit papano may rason ako para ngumiti dahil pinapasaya nya ako palagi.

    Like

  8. Mrs. Jown says:

    I totally feel you. We lost our baby last February. First baby din namin sana. Wala rin akong signs and symptoms ng buntis. Di ako nahirapan. I guess totoo nga ang sabi nila. Pag mas maselan magbuntis, mas healthy ang baby. Akala ko rin okay lang na makunan. Parang ang bilis naman magmove on ng iba. In my case, until now, pag nakakakita ako ng baby clothes, nalulungkot pa rin ako. Pero God works in mysterious ways. Kung hindi ako nakunan, hindi ko malalaman na meron akong dermoid cyst sa right ovary. Iniisip ko na lang na ako ang sinave ng baby ko. We are still not planning to conceive anytime soon. Medyo na-trauma din kasi ako. Maybe next year pag conpletely healed na ako. 😊

    Like

  9. Mrs. Jown says:

    I totally feel you. We lost our baby last February. First baby din namin sana. Wala rin akong signs and symptoms ng buntis. Di ako nahirapan. I guess totoo nga ang sabi nila. Pag mas maselan magbuntis, mas healthy ang baby. Akala ko rin okay lang na makunan. Parang ang bilis naman magmove on ng iba. In my case, until now, pag nakakakita ako ng baby clothes, nalulungkot pa rin ako. Pero God works in mysterious ways. Kung hindi ako nakunan, hindi ko malalaman na meron akong dermoid cyst sa right ovary. Iniisip ko na lang na ako ang sinave ng baby ko. We are still not planning to conceive anytime soon. Medyo na-trauma din kasi ako. Maybe next year pag completely healed na ako. 😊

    Like

  10. eloi villanueva says:

    Grabe yung iyak ko habang binabasa ko to. Damang dama ko ang sakit ng pinagdaanan mo mrs.miranda kahit di ko naranasan ang ganan. Sa ngayon parang natatakot na ako dagdagan pa ung dlwa kong anak.hindi rin po kase maayos ang pinagdaanan ko sa 2nd baby ko.pero okey na ang lahat. Goodluck po sa inyo magasawa.Godbless

    Like

  11. gigi says:

    Hi! NM nakaka inspired yung blog post mo, naalala ko yung sarili ko nun…hindi ito tungkol sa miscrriage. Na frustrte at na pressure lang ako dti ksi feeling ko may problem ko kasi almost 5years na kami pero hidi pa din kmi mkbuo so iniisip ko baka baog ako or what?! nag pray lang kami ng nag pray hanggang isang araw nabigyan kmi ng baby.😊 more power to you and your family❀️

    Like

  12. Nida tividad says:

    Iyak lang din ako ng iyak now. Siguro nga isa lang reactions ng mga nanay na nawalan, mas hirap lang siguro ko kasi wala un asawa ko, di kami magkasama para magdamayan. Minsan nga bakit napaka unfair? Yun mga gusto magka baby hirap n hirap, un mga pabaya anak ng anak? Para ano? Ampunin ng mga gusto magka anak ang mga anak n pinapabayaan ng mga babaeng walang kwenta? Kinukunsinti ba dapat mga ganon gawa? Last year was the second most hell of life, kasi un una nun nakita ko a hospital tatay ko n unti unti binabawian ng buhay, tas last year nun nagbuntis ako at malaman n ang baby ko di din makaka survive, nakakaloka,nkakagalit nakakamatay. Until now nagtatanong ako bkit ganon? Kasi during may pregnancy wala din ako hirap as in wala din aq naramdaman n kaiba, sabi ko ang swerte ko, un pala ganon mangyayari, may time pa nga na naisip ko mali yata dinasal ko, kasi early last year sabi ko sa dasal ko pls sana po mabuntis na ko this year sna po magka baby na kmi ng asawa ko. Prayers granted kasi march buntis na pala ko, sobrang saya,infairnez pinaabot nmn ni Lord ng 32weeks. Kaso alam mo un feeling na ayaw mo n lang ilabas sa tummy mo pra wag mamatay si baby, kung kaya ko lang n wag na sya ilabas i wont. Di nmn aq nawawalan ng faith malaking tampo lang ako talaga. Sakit kasi

    Like

  13. raquel mendoza says:

    Ms neri gnyan gnyan din nrrmdaman.. Biruin m its my fourth times n mwala baby ko n d ko man lng nmmlyan… Evrytime n mnnginip ako ng my bata gnun ngyyri sken nwwala anak ko.. D iisang beses n ngyri un. Kada mbbuntis ako lge ako nnaginip ng may bata. Nglit din ako nun as in nde ako ngdsal d ako ngsimba d ako lmlbas ng bhay. Ayaw ko ng may mgttnong sken. Habng buntis ako nkaupo lng ako sa wheel chair d ako tmtayo. Kya sbi ko bkit mwwla eh ingat n ingat ako. Till now sriwa p nmn tlga nyri sken last july 11 lng. Kaya fresh p ung skit.

    Like

  14. Sheanne Paz says:

    Nakunan din ako July 2015 but never ko inexpected to be pregnant kasi kaka take ko lang ng board exam nun pero buntis na pala ako nung mag exam ako tapos kaka hire ko pa din sa work. Similar yung bagbubuntis natin, as in walang paglilihi. Feel ko lang baka sabihin nang doctor na nababaliw na ako kasi bigla lang ako napaiyak at nahihirapan huminga. Super sad ako kasi at first denial ako kasi ayaw ko muna magka baby dahil bagong pasado ako sa board exam ko plus kaka umpisa ko lang mag work pero nung tanggap kona na magkaka baby kami ng asawa ko, bigla din sha nawala. Parang na guilty ako kasi sa umpisa palang hindi ko natanggap. Mas nasaktan ako na hanggang ngayun naaalala kopa. A day before nawala ang baby narinig ko pa heartbeat nya. Pero the next day lumabas na sha. Sa ngayun, blessed kami ulit ng asawa ko kahit papano na biyayaan kami ulit nang magiging baby and hopefully, healthy baby girl. Tama ka Ms Neri, hindi nga ok pag sinasabihan na ok lang yun kasi kahit ngayun nakakapanghinayang at ang sakit sakit padin.

    Like

  15. edelweizae says:

    Hi Ms. Neri, I’ve had the same experience. My husband and I lost our baby at 33 weeks. Alam mo yung ilang weeks na lang makikita mo na sya, tapos hindi pala, may iba palang plano si God. Walang kasing sakit. Pero kailangang tanggapin at kailangang magmove on. Kailangang magtiwala sa nasa itaas kasi sa kanya nagmumula lahat at may sarili syang dahilan. Four years after, hindi pa rin kami ulit nabubuntis, in God’s time, we know our dream of having another child is going to come true. Cyberhugs sa lahat ng mga nanay na nawalan ng anak dito sa lupa. I’m sure our babies watch over us from heaven. πŸ™‚

    P.S. Praying for your healthy pregnancy..

    Like

  16. Richelle Anne D. Crucena says:

    Hi Ms.Neri sobrang dame luha at iyak ako ng iyak pagkabasa ko sa post mo sa blog mo,fb at instagram mo damang dama ko lahat bawat detalye ng kwento mo.Katulad ko sobrang sakit pa din sa akin ang nangyari July 16,2016 lang ako nakunan kaya sobrang pain pa ang nararamdaman ko kasi almost 2weeks pa lamg dipa ako makapah move on lutang pa din ako ang pinagkaiba lang ng sa atin ang baby ko 15weeks na at fetus na din ang baby ko nakita ko na ang mga mata,kamay,paa kumpleto ma sha na kasing laki n ng palad ko sobrang bilis ng pangyayari ng sa akin wala ako spotting or sumakit sa akin bigla na lang sha lumabas ng walang sign at ang mas masakit nahawakan ko pa sha sinalo ko at diko talaga hinayaan mahulog sha sa floor.Tapos naiwan pa ang inunan ko sa pwerta ko kaya na D&C din ako pro pang 2nd baby ko na dapat si baby at sobra ako nag iiyak kasi baby girl ang baby ko may gender na pro kaya ako lumalaban at ngpapalakas kasi may Drew pa ako na dapat ko alagaan sobra lang ako nahinayangan sa baby ko tapos mas masakit sa akin dhil wala ang asawa ko sa nguon kasi nasa barko sha pra magtrabaho nxt year pa uwe nia kaya plgue ko na lang iniisip na si God lang makakaalam sa lahat ng tanong ko at alam ko may dahilan ang lahat sa pinagdadaanan ko nguon.

    Alam kopo at plgue ko dasal na sana bumalik ulit sa amin si baby girl ko na mas malakas,malusog at alam ko amin na bigay ni Lord sa amin sa pag uwe ng aking asawa sa March 2017 in God’s will babalik ulit si baby ko tulad ng sau po Ms.Neri nawala si baby pro nguon ayan nasa tummy mo na at alam kopo at dasal ko din na healthy at safe delivery kapo.Congrats po sa inyo ni Sir Chito na super idol din naming mag asawa.Super sweet nia prang asawa ko din.

    Kaya po kip up lang po sa mga nakaka inspired na kwento ng buhay nio kahit paano nakakatulong kayo hindi lang sa akin kundi sa madame followers rΓ¨ader na dame lesson na natututunan sa mga blog at post nio.Nakakakagaan sa pakiramdam at alam kopo di ako nag iisa lahat po din ng comments binabasa ko isa isa at nakakabngon sa kabila ng pagsubok.Loveu Ms.Neri Miranda πŸ˜™πŸ˜˜πŸ˜š

    Like

  17. Vanessa says:

    Napakaselfless mo para iaccess ulit yung pinakamabigat mong naexperience sa buhay mo ngayong maselan yung pregnancy mo, pero dahil mahal mo yung mga readers mo, ginawa mo pa rin. God bless you and your family!

    Like

  18. fabfatima says:

    I feel you, Ms. Neri. I gave birth to my first child last December 2015 sa US. Buong akala ko nun, okay na lahat. Puro saya na. May isa na akong maliit na pamilya. Pero hindi pala.. The day after umuwi namin from the hospital after giving birth, sumugod din agad kami kinabukas sa ER kesa we noticed that something isn’t normal, she was breathing heavily and she looks really uncomfortable. It was the most difficult time of my life. It was so hard seeing my baby in the ER while the doctors couldn’t determine what’s wrong with my baby. That same night, the doctors suggested that we transfer her to a better hospital so we brought my daughter at Texas Children’s Hospital. Iyak lang ako nang iyak non, ang hirap pa kasi nangangapa ka wala ka sa sarili mong bansa tapos ganoon pa ang nangyayari sa baby mo.. Mga two days din siyang natulog nang deretso. Wala ka magawa kundi umiyak and masakit pa, until then hindi pa rin malaman ng mga doctor ang sakit niya. Nagising siya, tuwang tuwa kami akala ko uuwi na kami any time soon. Na baka na dehydrate lang siya, or nalamigan etc. pero hindi pala. Nagconduct ng mga tests, kung ano anong tests kasi hindi talaga malaman ang sakit until naisip ng mga doctor baka something sa genetics. Nagtagal din ng mga two-three weeks bago talaga nalaman kung ano ang sakit niya. First case pala yun sa buong US. Kaya wala rin experience ang mga doctor kung paano gamutin yung ganong sakit, lahat naka base sa libro at sa reported cases. Ang hirap ng ganoon kasi kumbaga nangangapa pa lang sila/kami.. Tumagal din kami ng two months sa hospital.. Sabi ko pa dati non, sigurado may plano si God. Kaya sa US ako nanganak kasi gusto niyang pagalingin ang anak ko, dahil kaya ng mga doctor matukoy yung sakit at mas kaya nilang gamutin kung ano man yun. Two months na kami lang ng asawa ko ang magkasama, na sa ospital na kami nakatira, walang ibang masasandalan, habang ang anak namin nasa NICU. Ang hirap dahil hindi ganito yung inaasahan naming mangyari, pero wala eh, ito ang plano ni God at pagtagal maiintindihan din siguro namin. Exactly two months si baby, sumama na siya kay God. Ngayon nagdadasal ako na sana may heaven, sana makasama ko pa din ang anak ko sa kabilang buhay. Simula nangyari yun, parang hindi na ako takot mamatay. Kasi naiisip ko, okay lang mas sasaya ako kasi makakasama ko na ang anak ko. Pero andito ako ngayon, kasama ang asawa ko, na talagang naging sandalan ko at nagpalakas ng loob ko.. Andyan din ang pamilya ko lalo na ang mom ko na hindi talaga kami pinabayaan.. Hanggang ngayon lagi pa din ako naiiyak, hinahanap ang anak ko. Okay na ako, andito na ulit kami sa Pinas pero kagaya mo hindi pa rin nawawala ang sakit at alam ko habang buhay akong mangungulila sa anak ko.

    PS. I love you, Ms Neri. Sobrang idol kita. Lagi ko tinitignan yung posts mo sa IG and now lagi ko na din inaabangan itong blog mo. I am so happy for you, and I wish good health for you and for your baby. ❀️

    Liked by 1 person

  19. ailenepadua says:

    Hindi ko pa naranasan ang ganyan pero habang binabasa ko blog mo parang sa akin nangyari, ang sakit sa dibdib.. Gusto ko din mamatay πŸ˜₯ naiyak ako na gusto humagugol pero katabi ko anak ko naglalaro baka isipin nya nababaliw na ako ehe nakakabaliw nga tlga siguro pag sa akin nangyari yan.. Ingat na lang sa 2nd baby mo, mapapawi lahat ng sakit pag nakita mo na baby mo ngayon 😘

    Like

  20. Maria Leana Ruth Alvarado says:

    Hi Ms.Neri,
    Congratulations!!!!malpit lapit na lumabas baby nyo.
    Nabasa ko ung blog and facebook post mo about dun sa unang pagbububntis and i just wanna share sobrang relate ako sayo dahil napagdaanan ko ang pinagdaanan mo.
    May boyfriend palang kmi ng asawa ko and i found that im pregnant. Its was my bday august 17 nung sinabi namin sa family amd friends namin na buntis ako. Syempre sobrang tuwang tuwang silang. Especially ung boyfriend ko tuwang tuwa. Nagpacheck up kami and yes im pregnant nga. Ok naman nung unang check up. Hanggang sa pinamulungan na kmi. Magpapakasal na kmi. We decided to have our kasal October this was 2012 October 2012.
    Edi eto plano dto plano duon. Edi ang plano ng kasal naman is 10 11 2012 para sunond sunod ang no. Ngaun nagpacheck ulit ako september 2012. Kasi iregular ako magkaroon kaya that time na ngpacheck up ako mga 3 months na ko nan. So dapat maririnig ko na ung heart beat ni baby. Super excited ako. Kasi sabi ko maririnig ko heart beat ni baby. Ayan na ako na nag tinawag. Nagpaultrasound ako sabi ko doc ano may heartbeat naba. Una nyang ginawa ultrasound sa tyan ko wala syang narinig. Then 2nd may pinasok sya para mas marinig nya ung heart beat ni baby. Hanggang sa sinabi ng ob walang heartbeat ang baby mo. Nabugok sya. Dun palang sinabi ng doctor sabi ko totoo po ba ito. Iyak na ako ng iyak sa harap ng doctor. Ni di man lang ako icomfort or dahan dahan sabihin na mrs. Walang hearbeat si baby. Hanggang sa nirestahan nya nako pamparegla.
    Sabi ng mama ko magpa 2nd opinion daw ako kasi baka nagkakamali ung doctor..
    Hindi ko na nagawa iyak nko ng iyak. Hanggang sa nagpunta akong cr sobrang hagulgol ako tumawag ako sa boyfriend ko kasi nasa work sya sabi ko wala na si baby wala xang heartbeat. Pano daw nangyari un sabi ko di ko din alam.
    Hanggang sa pauwi n kmi. Si papa ang unang sumalubong sakin kita nya naiyak ako sabi nya anong nangyari sabi ko wala na si baby. Wala xang heartbeat hanggang sa niyakap nya ako sabi nya ok lang yan may plano si GOD para sa inyo. Hindi pa tlga yan para sainyo. Para akong bata sobra akong iyak ng iyak
    Hanggang sa dumatimg na ung asawa ko nag sosory ako sa knya kasi feeling ko its my fault kung bakit di nabuo ung baby namin iyak lang din xa ng iyak and cncomfort nya ako and never nyang pinafeel sakin na bnblame nya ako.
    Hanggang unti unti natanggap na namin.
    Sinabi na din namin sa mga friends namin na ganun na nga nangyari..hanggang sa isang gabi nag away kmi sobramg stress ako nun. Octobr 7 ng gabi nag away kami nun. Nagbabackout nako sa kasal kasi sobrng galit na galit ako sa knya.
    And then kinabukasan oct 8 naglaba kmi pero magkaaway pa din kmi. While were doing our laundry ayan na may dugo nako sabi ko dadi dinudugo nako. And then nagtatawag na kmi kung sa may vacant na hospital kasi at that time wala kaming pang gastos na kasi nabayad na sa kasal namin. Wala sa calamba puno na daw so sa sta cruz provincial hospital gabi na kami nakarating sa sta cruz hospital ako ung 2nd to the last edi timawag na. Ok higa hubad taas ang paa. Ok na. Taz ang doctor lumabas pero naririnig ko sa mga nurse kesyo tutulog daw ang doctor sa bwisit ko sinuot ko ulit ang damit ko at umuwi kami sa bahay. Imagine dinudugo nako nakauwi pa kmi ng mama ko sa bahay at ang oras pa non ay hating gabi na. Kasi sobrang walang pakundangan ung doctor dun.
    Edi nakauwi na kmi. Taz kinaumagahan kasama ko ulit ang mama ko kasi di makakasama ng boyfriend ko nun kasi may pasok sya. Punta kami sa san pablo public hospital. Ang layo pala ng hospital namin na pinuntahan namin is 1 hour ang mga byahe. Edi andun na kami sa san pablo wala daw bakante. Hay sobrang hirap pag wala kng pera at sobrang hirap pag mga government hospital ay walang pakealam sa mga pasyente na napunta sa knila.
    Until i decided na tawagm ung boyfriend ko sabi ko pahanap ka sa mami mo sa los banos na murang magpa d&c kasi hirap nko dikoa na kaya. Nakakaiyak at sobrang stress na. Edi byahe ulit kami pa los banos. Lahat eto ay puro commute. Sakay kmi sa jip hanggang sa dun kami sa private hospital.na st.jude. aun sinalang agad ako..oct. 9 d&c ako oct 10 nakalbas ako ng hospital october 11 kinasal ako. Diba!!! What the!!!
    Sobrang stress ako nun. Kasi di na pedeng iurong ang kasal nakaset na eh.
    Hanggang un nga kinasal kmi. Kaya gusto ko ulit ikasal kasi sobramg panget ko nung kasala namin. Actually di lang ako pati ung asawa ko.hahaha. sobrang stress.
    Fast forward june 2013 pa ibang bansa ang asawa ko dun nxa mag wowork. Hindi ko alam buntis pala ako nun. Kasi iregular ako. Hanggang nag pt ako morning. Aunnn.. positive. Grabe sobramg iyak ako ng iyak. Wala akong masabihan kasi dun pako nakatira sa knila. Ung lolo nya ang unang kong nasabihan kasi dun kmi nakatira. July 11 2013 nung pinaalam ko sa knya na nbuntis ako.
    Aun tuwamg tuwang.
    Hanggang sa nanganak ako feb 26 2014 nanganak ako. 12 hours of labor grabe as in na normal ko naman.
    Ngaun 2 years old na xa. Sobramg cute at singkit. Mahilig kasi ako sa mga singkit at koreanovelas.hehehe. singkit din kasi ang asawa ko.hehehe.
    Just sharing my preggy moments..
    The sad moments and the happiest moments.
    Ang sarap maging ina! Dun mo lahat marerealize na tama lahat sinabi ng magulang ko.
    Mas lalong mong ma appreciate amg mga bagay bagay pag isang nanay kana.

    Thank you Neri! and goodluck!

    Congratulations and GODBless your family

    Like

  21. Noime pingka says:

    Hi mrs.miranda sobrang relate ako s cnabi mo ang pagkakaiba lng eh nung nakunan ako wla ung asawa ko s tabi ko at sobrang skit nung time n un at mas doble pa..MARCH 2013 NABUNTIS AKO KARARATING LNG NUNG ASAWA KK NUNG FEB 2013 MY 3 MONTHS CYANG BKASYON FROM SAUDI SO NATUWA KMI KC NABUNTIS AGAD AKO THEN NAGPACHEK UP KMI OK NMAN ABG LAHT SO HAPPY KMI.THEN JUNE 22 FLIGHT NG ASAWA KO PBALIK NG SAUDI THEN NUNG JUNE 24 MORNING I WAS CLEANING OUR KITCHEN THEN NALIGO AKO AND NATULOG AROUND 10AM PAGKAGISING KO DRETSO AKO CR AT NAKITA KO MY BLOOD SA PANTY KO NATAKOT AKO AT UMIYAK TNWAG KO UNG MOTHER IN LAW KO DUN KC AKO NAKATIRA S KNILA THEN SBI KO DALHIN NYO AKO S HOSPITAL IYAK AKO NG IYAK NUN THEN PAGDATING NMIN DUN NKITA KO SA MONITOR WLA NA THEN IYAK TLGA AKO NG SOBRA SBI KO DUN S NURSE PLEASE PKI CHEK NMAN PO MBUTI PKEASE KAKAALIS LNG NG ASAWA KO PBALIK NG ABROAD TAS DUMATING UBG DOCTOR THEN PNALIWANAG SKIN ANG LHAT MASELAN DW PAGBUBUNTIS KO AT MABABA ANG MATRIS KO..IYAK TLGA AKO AYW..UMUWI N KMI NG BAHAY NUN THEN SBI NG MOTHER IN LAW KO NID DW SBHIN S ASAWA KO SBI KO KAU NA MAGSABI HNDI KO KYA TAS NAGKULONG N AKO SA ROOM HNDI AKO LUMABAS HNDI AKO KUMAIN DASAL AKO NG DASAL HBANG HAWAK KO UNG TUMMY KO SBI KO PLEASE IBALIK NYO PO CYA SKIN SOBRA UNG PAGMAMAKAAWA KO NUN KY GOD…THEN THE NXT MORNING NAGUSAP KMJ ASAWA KO SA PONE SBI KO MAGPAPA CHEK UP ULIT AKO S IBANG DOCTOR BKA NAGKAMALI LNG DUN SA UNA KC HNDI NMAN AKO DINUGO EH SPOT LNG CYA..THEN PNTA AKO S IBANG DOCTOR KSMA KO SISTER IN LAW KO NAGPACHEK UP AKO THEN NUNG PINASOK NI DOC UNG FINGER NYA SHE SAW A BLOOD ALREADY THEN IT SEEMS A BAD SMELL PRANG IBA NA THEN SBI KO DOC GSTO KO PO ULTRASOUND SBI NYA DOCTOR AKO ALAM KO ANG MAGIGING RESULT AT AYW KNG GUMASTOS PA KAU.KAILANGAN KO NA DW MA D/C KC KAKALAT DW UNG DUGO SA KATAWAN KO MALALAAON DW AKO SO IYAK PRIN AKO..THEN UMUWI AKO NG BAHAY NAGKULING AGAIN AYW KO TLGA NG MY KAUSPAP.PINIPILIT NILA AKO NA PMUNTA N S OSPITAL SBI KO AYW KO THEN NAPILIT DIN NILA AKO THEN JUNE 26 AKO NAGPA D/C SOBRANG SKIT TLGA UN..SBI NG ASWA KO WLA TAU MAGAGAWA MY PLAN C GOD KNG BKIT NANGYARI UN AT TANGGAPIN NLANG NTIN..ANG TAGAL KO DIN NAKARECOVER S PART NA UN.HNDI NA AKO MASAYAHIN LGI N AKO SA ROOM.NAPAKAHIRAP UNG GNUNG SITWASYON KAPAG NARANASAN NTIN MGA BABAE..sa ngaun nandito kmi s abroad ng aswa ko mag 2 yers n kmi dto at uuwi n kmi s dec.at sana makabuo kmi sa paguwi nmin.

    Like

  22. cheery says:

    Tumulo luha ko ng mabasa ko to ms neri, habang binabasa ko ay ang bigat sa pakiramdam at hndi ko namalayan na tumulo na pala luha ko… Hndi ko na hahabaan to, you are bless ms neri.. Take care always

    Like

  23. annikafactor says:

    thanks for sharing your story πŸ™‚ nakakainspire. Naalala ko tuloy yung dapat magiging kapatid ko, 12 years old pa lang ako nun. Nakunan mommy ko dahil daw sa sobrang pagod, mahina din daw kapit ni baby. Hindi ko pa masyadong naiintindihan kung anong nangyayari sa mommy ko that time. hindi din namin sya nkitang umiyak. Naisip ko na lang lately na baka tinatago lang nya samen ng kuya ko ang pag iyak nya tsaka yung lungkot nya kasi nasa ibang bansa daddy ko nun; na kelangan nya magpakatatag para samin ng kuya ko. Laging sinasabi ng mommy angel na daw si baby J namin. πŸ™‚ Ngayon na mommy na din ako alam ko na yung pakiramdam ng nanay ko. Yung pagmamahal ng isang nanay sa baby nya kahit nasa tummy pa lang sya walang hihigit dun.

    Stay healthy and happy miss Neri! God bless! ^_^

    Like

  24. L Dublynn says:

    Umiiyak ako habang binabasa blog mo. I am currently on my 14th week. This will be my baby after 5 years of trying. Kinuwestyon ko rin si God noon, tumigil ako magdasal kasi sabi ko I am a good daughter, good sister, friend, wife, bakit kung sino pa deserving, yun pa binibigyan ng baby? We gave up trying coz I am already 41. We never had check up of what was wrong with us even if we want to coz we cant afford high medical here in US.
    Lagi ako ngtatago sa fb coz I hate when people asking if there’s baby already, sometimes I get annoyed lalo na pag may insensitive people na sabi paunahan daw kmi magbaby ng isa nming friend na newly wed. Also I get hurt & insecure seeing pregnancy announcements in fb. Minsan kailangan mo mgpretend na happy pag umaatend ng baby showers.

    Last December, my husband bought ticket for summer vacation to the Philippines. I was not excited coz I know I’ll be pressured that people would be asking again about why there’s no baby yet, and also I feel fat, ugly. To prepare for a vacation, I started doing exercise and diet (healthy diet) for 5 months. I lose 20lbs and felt happier for our vacation last May. Although there were still some pressures from former classmates and cousins about “baby questions”. I would just answer them same answer over & over again. Na di pa pinagkakaloob ng Diyos. Yun parati ko sagot, na may halong lungkot sa mata.

    We were on 2 weeks vacation on May 2016. When we got back, what I thought was a jetlag (kasi more than a week na, bakit may jetlag pa rin ako), yun pala pregnancy symptoms na. Kasi pareho ng symptoms, inaantok sa hapon, sleepless sa gabi.
    I realized marahil yung healthy diet ko at weight lose nkatulong cguro sa fertility issue ko. Ang masasabi ko, pag si God ang nag-plan, to the dot talaga! Miracle tlaga.

    Hoping for a healthy pregnancy to all soon to be mom out there and to you, Ms. Neri.

    Like

  25. Glenda Sopa Parilla says:

    habang binabasa ko ang blog mo ms. Neri naiiyak ako kasi pareho tayo, been through D&C last 2014 1st baby sana namin yun, after 7yrs of our marriage. 7weeks na sya bago ko nalaman n buntis ako after 2weeks wla na sya, ang masakit pa ay wla dito ang asawa ko nung panahon na yun, wla akong makausap.
    Sa room lang ako nakakulong lagi umiiyak walang gana kumain. Kagaya mo nasabi ko rin sa Panginoon na sana kami na lang dalawa ng baby ang kinuha niya. Ano pa ang saysay kung wala na ang pinakahihintay naming anak. Galit na galit din ako nun sa Diyos kung bakit ako pa, pitong taon kami lagi sumusubok pero nawala rin lahat ng pagod namin. Pero sa tulong ng asawa ko kahit nasa abroad siya lagi niya ako tinatawagan pinapalakas ang loob ko, kaya narealized ko na nandito pa ang asawa ko kailangan niya ako, kaya mula noon unti unti ng bumabalik ang sigla ko dahil sa asawa ko at sa mga dasal na rin namin. Every now and then tumitingin ako sa langit at kinakausap ko baby namin na sana bantayan niya kami ng daddy niya. Mahal na mahal namin siya.
    I am excited dahil this year uuwi asawa ko at nag paplano na kami mgka baby. Lagi ko dinadasal na sana this is it na.
    Salamat sayo Ms. Neri dahil sa blog mo na ito gumagaan lalo ang pakiramdaman namin dahil hindi kami nag iisa at tama ka may plano ang Diyos para sa isa natin.
    God bless you Ms. Neri at sa baby niyo. Keep on posting po.

    Like

  26. Madel Joy Derla says:

    Di q namalayan naiiyak na pla aq habang nagbabasa. Ang hirap po talaga mawalan ng mahal sa buhay. Hanggang ngaun everytime na may check up ako kinakabahan aq kaya lagi po talaga aq ng nagdadasal,.

    God bless Ms. Nerri nakakainspire po talaga kayo. I wish a good health for you and to your baby πŸ˜™β€

    Like

  27. Richelle Anne D. Crucena says:

    Sobrang dame ko iyak Ms.Neri 😒😒😒

    Ramdam na ramdam ko ang kwento mo at sobrang na inspired.Nakunan din kasi ako last July 16,2016 lang sobrang bago pa lang ng pangyayari at until now dipa ako makapag move on pero nun nabasa ko ang kwento mo lumakas loob ko at sinabi ko sa sarili ko na tuloy lang ang buhay alam ko may plano si Lord kaya nangyari un sa baby namin.15weeks na sana si baby at lalo iyak ko kasi baby girl na sana ang 2nd baby namin.Ang panganay ko is boy 5yrs old na sha kaya nun pag uwe ng asawa ko nag decide na kme sundan tapos bilis ng pangyayari wala man lang sign na mawawala si baby sa akin walamg spotting or bleeding bsta bigla na lang lumabas si baby hays sobrang iyak ko tapos nasalo kopa si baby ko nanginginig man ako pro pinilit ko di sha bitiwan nakakabit pa ang pusod nia sa inunan ko at naiwan sa loob ng pwerta ko sobra takot ako tapos pakiramdam ko hihimatayin na ako pro pinilit ko magpakatatag.Wala pa ang asawa ko nsa barko sha kaya ung byenan ko ang kasama ko sa bahay.Na D&C din ako at ang hirap nmn pla ng ganito naraspa bukod sa sakit ng kalooban eh buong katawan ko sobrang sakit samahan pa ng pag iisip pro dahil sa kwento mo lumakas loob ko.Alam ko in God’s will and plan babalik ulit sa amin si baby ko pag uwe ng asawa ko sa March 2017 alam ko babalik si baby ko na stronger,healthy at alam ko kaloob ni Lord sa amin.Kaya din ako nagpapalakas kasi may anak pa ako si Drew name nia sa knya ko muna ibubuhos ang lahat ng pagmamahal,pag aalaga ko at pag aasikaso para sa pagbalik ni baby at pag uwe ng asawa ko ibabalik ulit si baby at excited na ako maramdaman ulit sha sa sinapupunan ko.

    Salamat Ms.Neri sa mga inspirational story na na share mo sobrang gumagaan pakiramdam ko.Lalo tumibay ang faith ko kay Lord wala ibibigay si God na di malalampasan namin.At isama mo ako sa mga dasal mo sa pagbabalik ng baby namin.

    Have a safe delivery sa incoming baby and super happy ako sa pagdating ng baby nio ni Sir Chito no.1 idol naming mag asawa lalo kau perfect couple super sweet nio pra kme ng asawa ko.πŸ˜™πŸ˜˜πŸ˜š

    Like

  28. addison gwen says:

    i feel you i lost my baby last may. 38 weeks na healthy baby ko then 1 day regular check up na papa ultra sound na para malaman if kamusta ang baby ko dhl malapit nako mangananak bgla nlng wala ng heartbeat. ang sakit nasakal sya ng umbilical cord. super sakit.

    Like

  29. Theresa says:

    I cried after reading your blog Mrs. Miranda. Ganyan din pananaw ko noon makakamove on ka din after mo makunan not until it happens to me. Parati ko napapanaginipan yung baby ko kahit 8 weeks pa lang sya nagigising na umiiyak. Ang hirap magpanggap na ok ka pero kailangan mo maging matatag para sa mga anak ko. Na parang walang room para maging mahina ako lalo na malayo kami sa mga parents namin. Until now naiisip ko pa rin ang aking munting anghel. Pero sa pangyayaring din un natatakot na kong sumubok kami ulit… God bless Mrs Miranda isa ako sa mga natutuwa sa mga post mo nababawasan ang pangungulila sa aking ina lalo na pag nababasa ko mga post mo about sa nanay mo. Ganyan din ako nuon sinasamahan ko nanay ko maglako sa bahay bahay mga kakanin naman ang especialty nya.

    Like

  30. Joy says:

    Hi Neri, I felt your pain. I don’t have a baby yet but I’m engaged and planning to have a baby on the first quarter of 2018. I have a thyroid problem and I feel na baka mahirapan din ako magkababy coz of my hormonal imbalance. I have tears in my eyes hindi ko na natapos basahin dun lang ako sa part ng nagpray kayo parehas. Sobra na yung iyak ko but Im glad that u made it through and may baby na kayo ulit.

    Like

  31. angels1416 says:

    Hi Ms. Neri. Isa ito sa mga blogs mo na nagpaiyak sakin nonstop at natapos kong basahin na namamaga na yung mata ko. Sobrang ramdam kita. We also lost a child 17 yrs ago pero di naman ako masyado na-hurt kasi nga feeling ko blood lang yun and besides it was supposed to be our 2nd child na. Then after ko ma-d&c, ilang weeks lang i got pregnant again kaya di ko talagang dinibdib yung pagkawala nya. Gusto ko sana basahin ulit itong story mo na to kaya lang ayoko na maiyak ulit. Kanina ko lang din napakinggan yung naka-attach na music videos dito and sobrang nakaka-touch. Hindi bale, ilang months na lang ba ang ipaghihintay mo and makikita’t mahahawakan mo na si Little Neri. Yes, feeling ko girl talaga yan kasi blooming ka eh. Hehe.. Just relax, enjoy your pregnancy and take care always. God bless you and your family! ❀️

    Like

  32. Bianca Aira Baes says:

    Same tayo Ms. neri ng experience. Kaya umiiyak tuloy ako habang binabasa ko yang blog mo. June 2015 din ako nmiscarriage, tulad mo sobrang light ng pgbbuntis ko. Hnd man lang ako sumusuka or ngccrave. As in prang nung hnd pko nbbuntis. Nkakapagduty pko s hospital nun, nurse po kase ako. Nver ko mklimutan yung time na inultrasound ako, skin nmn wala p mkita baby sb ng ob-sono posble dw un kase baka early pregnancy. Kumbaga yung lalagyan plng ni baby ang buo. Sadly, my bleeding din ako s loob. Kya pinagbedrest ako ng ob ko for 2weeks kso hnd ko n ntpos ung 2weeks bedrest ko kc ngbleed ako s bhay. As in nkhiga lng ako nun. Nramdaman ko prang my lumlbas skin, yung prang my menstruation. Ngpdala kgd ako s hospital nun, yung asawa ko nsa trbho. Pg ultrasound skin. Wala n tlg sila mkita na heartbeat. Hnd ako umiiyak s hrap ng family at in-laws ko even s mga friends ko n dumalaw skin. Nung gbi lng n ktbi ko n ung aswa ko s hospital bed saka ako umiyak. As in sobrng lungkot ko nun kase sobrng excited nko n mgging mommy nko kht yung asawa ko sobrng excited ndin. D&C done then i was dischrged at the hospital. Lgi ko p nmn cnsb n maipapasok lng ako s operating room kpg mnganganak na ako. Yun pala hindi. Lagi ko pdin naaalala yung nanyre, sobrang nkakalungkot. Close friends ko lng nkakaalm ng nanyre skin, never ko kinwento s knila kase nalulungkot lng ako. Naalala ko nanaginip pko nung nsa hospital ako. Baby na mukang anghel. Siguro kaya ganun yung panaginip ko kc magging angel pala tlga sya. After a year, eto buntis na ako. Lgi ko binbasa yung mga post mo s IG, feeling ko nga stalker mo na ko. Kase despite ng nanyre syo, napaka postive mo pdin. Sobrang natutuwa ako sayo Ms. Neri. Ntuwa ako nung nlaman ko n buntis ka na. Tulad tayo, after ng nanyre stin. My ibibigay pdin tlg si Lord na kapalit, lgi ko lang dasal na sana maging healthy ang pregnancy ko lalo na si Baby. Lalo na ngayon na napakaselan ko magbuntis, nkabedrest na naman po ako. Dasal lang palagi. Alam ko eto na yung bigay ni Lord. Godbless Ms. neri and your family. Hope to see you somewhere in Tagaytay. (Alam mo ba everytime na ppunta kami sa tagytay, pinagddasal ko na sana mkita ko kayo, mgkalapit lang kase halos tayo ng lugar) hehe! Bye na! Npahaba na kwento ko. Hehe 😊☺️

    Like

  33. BabyAngel'sMom says:

    Umiiyak ako sa saya ng nalaman kong buntis ako but it was short lived.. I feel your pain..this is my first pregnancy unfortunately just yesterday we found out na wala ng heartbeat si baby..my first ultrasound showed my baby’s heartbeat was low + subchorionic bleed so i was asked na magbedrest..i was expecting na healthy ang baby kaya iyak ako ng iyak xe sobrang tagal din namin inantay at dinasal na magkaanak na kami ng husband ko…i prayed to God evryday to save my baby..Fresh pa ang nangyari kaya sobrang sakit pa but I trust God, He knows what he’s doing and hndi nawala ang faith ko sa kanya..your story gives me hope..

    Like

  34. Julie Ann Valdez says:

    I lost my first baby at 37weeks last July 22,2016. Lahat ng sinabi mo,ganyan na ganyan din ako ngayon. Hindi ako nagdadasal kase galit ako. Sobrang masama loob ko kase I thought ok na, makakasama na namin si baby..yun pala hindi. Ang dami kong question. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit nangyari un. Ang hirap tanggapin. Maswerte na lang din ako kasi ung asawa ko never ako pinabayaan. Sa kanya ko lang iniiyak lahat ng nararamdaman kong sakit. Siguro in time makakayanan ko na ulit magdasal.

    Like

  35. Adonna Lizardo says:

    I cried a lot nung mabasa ko to. same situation here. March 2016 nung malaman ko na wala ng heartbeat baby ko. 4months na sya sa tyan ko nun. Masakit. Sobrang sakit. I asked God bakit pinadanas nya saken un. Down na down ako that time, ni hindi ko na magawang magsimba for 5 months because of that. Kahit pag ppray nawala na. And now sinusubukan kong magbalik loob kay God.

    Like

  36. Catie Fernando says:

    naiyak ako ng sobra sobra.. right now, hindi ko alam kung buntis ako.. My husband and I are trying for years pero hindi ako mabuntis buntis.. maraming times na akala ko, buntis na ako pero pag nag Pregnancy test ako, negative naman.. ngayon 2 months na akong hindi nagkakaroon ng mens.. natatakot ako magpacheck up sa totoo lang.. kahit mag Pregnancy Test, ayoko pa.. ayoko madisappoint.. ayoko na masaktan nanaman.. dahil baka false alarm, baka negative nanaman.. and dami kong takot.. ayokong malaman na hindi pala ako buntis… or baka may mali sa pagbubuntis.. ang dami nang nagsasabi sakin na magtest na ako or magpacheck up.. pero natatakot talaga ako.. gustong gusto ko nang magka-anak.. God knows how much I wanted to a be mother.. Nagnonovena ako every wednesday.. novena to the mother of perpetual help, novena to st. anne, novena to the immaculate conception, novena to Jesus the black nazarene… Hinihiling ko na sana bigyan na kami ng asawa ko ng anak.. pareho tayo ng inisip dati, na bakit yung mga babae na hindi naman handa ay nabibigyan ng anak ; ung mga babae ng ayaw mabuntis ay nabubuntis.. bakit ako na gustong gusto at handang isakripisyo lahat para magka-anak ay hindi pa mabigyan.. pero hanggang ngayon tinutuloy ko parin ang pagdadasal at pagnonovena… nangako ako na hindi mawawalan ng pag-asa.. sana magkaroon na ako ng lakas ng loob magpacheck-up..

    Like

  37. Yel says:

    Nakakaiyak naman ung post mo. I feel you lalo na sa bakit tayo mabait naman pero ung ibang babae na tinatapon anak nila sila pa binibiyayaan. My partner and I have been trying for more than a year now pero until now wala pa din binibigay samin ni Lord minsan it’s depressing already kasi ano bang mali bakit wala pa din. Ung partner ko sobrang naiinggit na sa mga friends nya sa paligid na nabubuntis na mga asawa or nanganganak na. Pag pumupunta kami ng children’s party nakikita ko kung gano nya na talaga gusto magkaanak pero wala ako magawa 😦 di ko naman macontrol ovaries ko na mag produce na ng baby. Sobrang hirap pero wala kaming magawa kundi magdasal nalang at inumin lahat ng pinaiinom ng doctor. Hopefully soon magkaron na din kami. Congrats on your baby and praying you’ll have a safe delivery and a healthy baby. πŸ™‚

    Like

  38. nenadexplorera says:

    naiyak nman ako sa post mo…
    I too have lost a child, mahabang kuento, pero I know how it feels,what you been through.
    mahirap iexplain sa ibang tao, hanggang ngayon din, iniiwasan kong umattend ng mga gatherings involving kids,kasi naiisip ko ang anak ko.
    hindi madali, lagi kang paranoid.
    Idinadaan ko na lang din sa dasal.
    I have a 12year old daughter and it took us 10 years bago cia nasundan, kaso yun nga nawala nman.
    there are times, gusto kong itago na lang ung anak ko dito sa bahay, kasi napaparanoid ako.
    pero yun nga pray lang.
    I always pray for my faith to be bigger than my fear.
    thanks for sharing your experience, alam kong ndi madali.
    God Bless you and your family.

    Like

  39. JazMortel says:

    ako ito Last friday lang ako na dnc gang ngayon d ko maiwasan umiyak.. for almost 4 years trying to have a baby finally nabuntis ako this feb 2017 but my baby didn’t make it.. sobrang saya namin mag asawa ng mag possitive ung pt ko lagi ko pa tinatabi at pinapailalim sa unan ung pt kc hnd ako makapaniwala na tlagang buntis na ako mararanasan ko na mging ina at matawag na mama. Pero ito nga ang nangyari, walang kasing sakit. Lagi ako nagtatanung bakit binigay pa kung kukunin lang din naman. bkit kelangan kaming paasahin sa wala, ang tagal namin hinintay pero wala din naging napakasakit lang..

    Like

  40. Piaaag3t says:

    Hi Ms Neri, maluha luha ako habang binabasa blog nato, Hindi pa ako nabubuntis pero nakaka relate ako sa naramdaman mo na parang wala kana faith, kase yan nararamdaman ko everytime na akala ko preggy na ako pero biglang andyan n mens. Hindi ko maiwasan tanungin si Papa god bakit ganon

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s