Abilidad, sipag, at ipon.

Mahirap talaga makapag ipon kapag magastos ka. Lalo pa’t mahilig kang magpa impress sa mga ‘audience’ mo sa school, sa opisina, o sa social media. Ok lang gumastos kapag sobra talaga ang pera mo lalo na kapag alam mong pinaghirapan mo at alam mong dapat mong spoil sarili mo. Parang reward for a job well done. Pero kung baon na sa utang, tinitipid ang sarili pagdating sa mga basic necessity para lang makabili ng pangluho at makipagsabayan sa mga tao, maling mali naman ata yun.

Growing up, natuto akong maging maabilidad dahil nakita ko sa nanay ko, na kahit kulang ang budget mo ngayon, basta maabilidad ka at masipag, hinding hindi ka magugutom.

Nag aral ako sa St. Columban College nung grade school ako. Naiinggit ako sa mga classmates at schoolmates ko kase may pera sila pambili ng mga merienda after school. May nagtitinda ng ice cream sa school nun, pinakapaborito ko yung funwich kaso ang mahal! Parang P20 pesos yata ang isa, wala naman akong pera. Marami pang tinda sa school namin, may mga halo halo, ginataang mais o munggo, mangga with bagoong, softdrinks, chichirya. Tapos wala akong pambili pasilip silip lang ako sa mga tinda.

Naalala ko nung grade six ako, yung school bus driver namin na si Kuya Boy ang daming puting buhok. Sinabi ko sa kanya na kailangan na niyang bunutin mga puting buhok niya. Sabi niya bunutin ko daw at kapalit dos isang puting buhok. Syempre tuwang tuwa naman ako. Siguro nakikita niya wala akong pambili ng merienda kaya naawa sa akin, haha!

So after school, binubunutan ko sya ng puting buhok sa school bus namin while waiting sa ibang mga ka service namin. Ang gagawin ko, sisislip muna ako kung ano ang gusto kong bilhin tapos bibilangin ko kung ilang puting buhok yung bubunutin ko para makabili ng pagkain ko, hehe! Ginagawa ko yun araw araw! Solb na solb na ako sa merienda ko after school.

One day, wala na akong makitang puting buhok! Asar na asar ako! So wala akong bayad. Nung nakauwi na ako sa bahay, nag iisip ako kung ano pa kaya ang pwedeng way para kumita ng pera nun. Tapos nakikipaglaro sa akin yung aso namin. Ang dami kong nakitang balahibo sa damit ko. May naisip ako! Kinuha ko mga limang balahibo ng aso namin, kulay super light brown to white kase ang kulay ng balahibo.

Kinabukasan, sinabi ko kay Kuya Boy na magbubunot ako ng puting buhok. Sabi niya ubos na daw puting buhok nya. Sabi ko hanap pa ako baka may makita ako. So hinayaan niya ako. Nagbunot ako ng isang itim na buhok, sabi ni Kuya Boy, “Aray ko naman! Bakit masakit? Marami ata binunot mo at di puti!”. Sobrang natatawa talaga ako pero pinipigilan ko lang tapos sabi ko, hindi, puting buhok oh, sabay bigay ko sa kanya yung balahibo ng aso namin. Sabi niya, bakit parang iba yung hibla ng buhok? Di ko to buhok! Buhok ng aso to eh! Tapos namumula na talaga ako at di ko na napigilan na tumawa ng malakas. Sabi niya, niloloko mo naman ako eh, tapos natawa na lang din sya. Ayun, wala akong nakuhang pera at wala akong namiryenda nung araw na yun, haha!

Minsan nagpapaluto ako sa ate ko ng polvoron tapos tinitinda ko sa school pag recess. Binibigyan ako ng ate ko ng pera kapag nakakabenta ako tapos nakakabili na ako ng pagkain kung magkano lang ang kasya.

Sa bahay naman namin, gumagawa ako ng yelo at ice candy. Dati nagpapatulong ako sa nanay ko tapos kapag nakakain ko yung ibang ice candy, pinapalitan ko na lang at tinitimplahan ko, hehe! Ako kase ang laging naiiwan sa bahay namin kaya ako yung nagtitinda ng yelo at ice candy.

Merong classmate yung ate ko na sobrang talino at sobrang sipag. Top 1 siya sa klase nila pero di sila mayaman. Bago daw siya pumasok sa school, mga 4am palang kukuha na daw yun ng panindang pandesal tapos ilalako niya, yung kikitain niya daw dun, yun na yung pamasahe at konting baon sa school. Sobrang nainspire ako sa kanya, gustong gutso kong gayahin kaso di naman ako papayagan kase babae ako tapos mahirap din maglako ng pandesal ng madaling araw. Nakakatuwa lang na nakakarinig ako ng mga ganung klaseng kwento at nakakainspire sa lahat.

Naikwento ko rin dati na nagtitinda kami ng bbq nung tumira na kami sa Baguio. Mabenta talaga bbq ng nanay ko, masarap kase yung timpla niya. Saka masasarap yung mga sauce na ginagawa niya, pero ang pinakapaborito ko yung peanut butter sauce! Nagtinda din kami sa may baba lang ng Mines View, lahat ng nakatuhog sa stick, binebenta namin kapag summer para may extra kita kase nga maliit lang pinapadala ng tatay namin sa amin tapos may renta pang binabayaran tapos lahat kami nasa private school at nasa college na rin ang mga kapatid ko and engineering ang mga kinukuha nila nun. Sa awa naman ng Diyos, lahat sila lisensyadong engineers na ngayon.

Sinubukan ko rin na maglako ng mga ulam nung college ako, malapit lang naman din sa bahay namin. Papaluto ako sa nanay ko tapos ako maglalako. Nauubos naman! Kase nung highschool ako, ang baon ko lang ay P20, nung nagcollege na ako P30 naman. Maliit yun para sa dalawa hanggang tatlong sakayan papuntang school. Buti na lang malamig sa Baguio at ok lang maglakad dun kahit malayo, hehe! Nilalakad ko na lang minsan pag kinulang pera ko. Kaya naisipan ko na maglako ng ulam nun pandagdag baon ko sa school, naging P50 na yung baon ko. Marami kasing gastusin sa college katulad ng laging nagpapaphoto copy ng kung anu ano saka may mga projects din na kakapusin ka talaga sa baon.

Bata pa lang ako, hindi ako nahihiya na magtrabaho o utusan ng nanay ko. Siguro kase nalagay na sa isipan namin na bawal magreklamo at maghanap ng wala sa bahay. Ako ang parang runner ng nanay ko noon, haha! Siguro kase ako yung bunso at buntot ng nanay ko. Ako taga utang sa amin. Yes, nagkaka utang kami noon pero nababayaran naman ng nanay ko kaya nagtitinda tinda rin nanay ko at tinutulungan rin namin siya.

Syempre naiinis din ako kapag ako lang ang palaging inuutusan lalo na kapag mangungutang, lagi kong sinasabi bakit hindi yung ibang mga kapatid ko? Bakit ako lagi? Pero wala din naman nagagawa yung reklamo ko noon kase nga bunso ako, haha! Saka kahit papaano medyo mahihiya na rin ako kase yung uutangan ko yung tindahan ng classmate ko. Naiimagine nyo ba yun? Syempre naiisip ko paano kung tuksuhin ako sa school na, Neri, bayaran nyo utang nyo! Mga ganun? Pero thankful naman ako na hindi naman. Ang ginagawa ko, kinakausap ko muna yung nanay, yung may ari ng tindahang uutangan ko, hehe! Tapos pag ok na yung usapan tatanungin na lang niya kung ano papakuha ng nanay ko daw, ibibigay ko yung listahan tapos minsan bibigyan niya ako ng extra bread kase may bakery sila. Gustong gusto ko yung spanish bread tapos papadagdag na lang ako ng pande coco kase yun naman paborito ng nanay ko. May merienda na kami!

Nasanay ako na maging madiskarte pero walang nagturo sa akin na mag ipon. Mga magulang ko hindi rin marunong magbudget at humawak ng pera. Nasanay rin kase na ok lang per day o nakakasurvive naman araw araw. Hindi naiisip yung pang matagalan. Walang naipundar na bahay o kotse o business ang mga magulang ko. May mga bisyo din kase sila, nagsusugal nanay at tatay ko at mabarkada rin ang tatay ko. Kaya kahit may trabaho ang tatay ko at madiskarte ang nanay ko, kung mabisyo naman, wala din. Buti na lang at hindi na nagsusugal ang nanay ko ngayon. Minsan na lang kapag nagkayayaan kami sa bahay na mag tong its, pero piso piso lang naman, hehe!

Kaya naging ganun din sistema ko, basta may pera pang araw araw at nakakasurvive naman, solb na ako. Buti na lang hindi wala akong mga bisyo, nakita ko na kase sa mga magulang ko. Kumbaga sila na perfect example na ayaw ko mangyare sa buhay ko, magulo din kase silang dalawa, haha!

Nung nag artista ako, wala sa akin yung kinikita ko, nasa nanay ko. Di naman kalakihan yung kinikita ko nun. Nasa 3,000 pesos per day o per taping yung kita ko tapos babawasan pa yun ng manager, di ko lang alam if 20% o 30% yung bawas sa 3,000 pesos ko. Wala naman kaming kotse nun kaya panay taxi din namin kaya mahal din, so bale parang wala din napupunta sa amin, haha! Yung konting natira, pantulong ko sa bahay, sa bills, sa renta ng bahay, o sa groceries. Bata palang ako kase gusto ko ng tumulong sa mga magulang ko para makapundar kami sana kahit papaano, kaso kahit anong gawin namin, hindi talaga nakapundar nun.

Wala din akong pambili ng mga bagong damit at bagong kailangan sa taping. Kaya siguro minsan napagtatawanan ako kase panay ukay ukay lang damit ko nun tapos ang porma ko pa, pang probinsya talaga, haha! Kita nyo naman siguro itsura ko nun, walang kadating dating talaga kumpara sa mga Β kasabayan ko, hehe.

Nung medyo lumaki na rin ang sahod ko at feeling independent noon, natuto rin akong gumastos ng grabe. Hindi talaga ako nakaka ipon nun, bili dito bili doon. Basta nakakasurvive lang everyday.

Nung nakakabili na ako ng medyo branded na gamit, grabe din ako nun. Kase first time eh. Ang sarap ng pakiramdam na meron ka na nun. Wala naman akong ‘audience’ na kailangan i-please o kakumpetensya nung nahihilig akong magbibili ng branded. Gusto ko lang na meron ako nun. Sarap lang sa pakiramdam.

Ang dami ko ring napasukan na business na di kumita tapos nasayang lang pera ko. May mga condos na pre selling na kumuha ako tapos di ko rin natapos ang bayad kaya sayang na naman ang pera. Pabigla bigla kase ako magdesisyon, di nag iisip kung kaya ko ba o kung san ko kukunin yung pera kase nga feeling ko magkakaron at magkakaron ako ng pera kase madiskarte ako. Eh hindi naman ako sikat na artista at minsan minsan lang ako magka taping nun, meaning walang stable na trabaho nun. Kaya ang dami ko ring nasayang na pera nun kase nga pabigla bigla lagi at di pinag iisipan mabuti kung paano maghandle ng pera.

Nung naging kami ni Chito, tinuruan nya ako. Ayaw ko pang makinig kase matigas ang ulo ko pagdating sa pera. Ang lagi kong dinadahilan na dapat mo i-enjoy ang kinikita mo. Ipon ka nga ng ipon tapos hindi mo naman nai-enjoy, wala din. Ano ba purpose kako nun?

Then nakita ko na ang galing maghandle ni Chito sa pera. Nabibili nya yung mga properties niya ng cash at di naglo-loan kase nga ayaw nya mabaon sa utang. Kapag may gusto siyang bilhin, pinag iipunan niya saka palang niya kukunin.

Nainspire ako sa kanya, tapos one day sinabihan ko siya na kung pwede niya ba akong tulungan na i-handle ang pera ko. Syempre natuwa na siya kase nagiging responsible na ako sa pera ko, sa buhay ko.

Nagbigay siya ng example, kunware daw meron akong 25,000 pesos. Ang gagawin ko daw, yung 20,000 pesos ilagay ko sa banko tapos yung 5,000 pesos yun lang daw gagastusin ko at pagkakasyahin ko since isa lang naman ako, i-budget ko daw yun. Pwede rin daw na 15,000 yung itago ko tapos yung 10,000 yung i-budget ko for the whole month.

Ginawa ko yung advise niya. Ngayon, tuwang tuwa na ako na nakakaipon. Pwede naman akong bumili ng gusto ko kaso pinipigilan ko sarili ko kase may goal ako na bumili ng farm o kaya properties ng katulad ni Chito. Di ka malulugi kase dun.

Nung kinasal kami ni Chito, ang budget lang namin sa bahay, yung pang market at pang grocery, nasa 15,000 pesos. Bina-budget ko talaga yun, tapos anim pa kami sa bahay at lahat malalakas kumain, hehe. Kaya natututo ako na isipin yung menu namin for the week at naka budget na. Pero sabi ko dagdagan ko ng 5,000 per month yung budget namin kase gusto ko busog lahat at mahilig din kase ako sa mga prutas. Ayaw ko naman kase na nagtitipid masyado sa pagkain. Kaya nagse-share ako ng 5,000 per month.

Hindi kase ako nanghihingi ng pera sa asawa ko if may gusto akong bilhin at hindi rin ako humahawak ng pera niya kase di hamak naman na mas magaling syang humawak ng pera. Tinuturuan niya akong mag ipon para meron akong panggastos kapag may gusto akong bilhin sa sarili ko. Minsan siya ang bibili o minsan hati kami, syempre pumapayag na ako nun, haha!

Di ako yung typical na wife na dapat ako ang hahawak ng pera ng asawa. Lalo pa at mas magaling maghawak ng pera ang asawa ko. May kanya kanya kaming ipon. Yung iba nawiweirduhan sa sistema namin pero it is working naman sa amin, saka di kami mahilig makinig sa mga sinasabi o sa tingin ng iba ay tama. Mas ok kami na ganito. Wala kaming issue sa pera. Masaya na nagtutulungan na maka ipon para sa future.

Pwede ka rin magbusiness kapag may sobra sa pera mo. Pero wag mong isusugal lahat ng pera mo sa iisang negosyo. Paano kung di nagwork? Eh di lahat ng ipon mo naglaho? Pwede mong paglaruan sa negosyo yung sobra mo lang na pera para kapag nalugi, ok lang meron ka pa naman. Halimbawa, may 120k sa banko mo, yung 100k wag mong galawin, yung 20k lang para kung di magwork yung business na naiisip mo, at least di ganun kasakit sa puso at bulsa yung pagkawala ng pera mo kase meron ka pa naman at mas magiging wais ka sa susunod na move mo.

Next time naman pag usapan natin kung ano ba ang safe at ok na business kung housewife ka at gustong kumita kahit nasa bahay lang. Syempre based on my experience ang ishe-share ko sa inyo. Kung paano ako napunta sa paggu-gourmet ng tuyo.

Kung 28 years old ka and below at nakakapag ipon ipon na, good for you. Malayo ang mararating mo sa buhay. Pero kung nasa 30 ka na pataas at di pa rin alam ang gagawin sa buhay at walang kaipon ipon, wag kang mag alala, makaka-ahon ka rin basta pag aralang disiplinahin ang sarili.

Siguro para sa akin, hindi lang dapat tayo sa pera maging wais, dapat marunong din tayong pumili ng mga kaibigan at tamang environment na gagalawan. Kung pipili ka at sasama ka sa mga tao na laging pa ‘yolo’, hindi ka talaga makaka ipon, minsan baka mabaon ka pa sa utang dahil makikipagsabayan ka sa kanila. Tamang environment din dapat, mapamayaman o mapamahirap o average lang sa buhay, hindi naman kailangang magpatalbugan kung ano ang meron ka.

Ang dami dami namin kaibigan ni Chito na totoong mayaman talaga, pero napaka simple lang nila sa buhay. Tahimik lang sila. Pero branded talaga lahat ng gamit nila, di lang nila pinagyayabang. Para sa akin, yun talaga ang mayaman. Kahit ano pang brand ang suot, hindi pinagsisigawan sa iba kung magkano ang nagastos sa mga gamit nila.

Mas nakaka-inspire yung mga ganung tao. Maiinggit ka in a good way, yung tipong gagayahin mo sila kase kahit napaka successful na sa buhay, napaka humble pa rin. Mas magpupursigi ka sa buhay. At ang maganda pa niyan, tutulungan ka ng mga kaibigan mo to encourage you na mas maging ok sa buhay. Ayun ang masasabi mo na tunay na kaibigan. Hindi yung kakaladkarin ka lang kung saan saan at mapapagastos ka pa ng mahal para sa isang bakasyon lang.

Kapag ganun ang set of friends mo, yung puro gastos lang ang inaatupag at hindi iniisip yung future nyo, mag isip isip ka kung nasa tamang environment ka ba. Paano kung wala ka ng pera? Kakausapin ka pa rin ba nila? O makikita mo na lang sila sa social media na nasa bakasyon sila na hindi ka kasama.

Surround yourself with people na maiinspire ka na maging mas maayos ang buhay at ang iyong future. Regardless kung ano ang status nila sa buhay basta pareho kayo ng goal na umunlad at umayos ang buhay. Masarap magkaron ng kaibigan na alam mong nagtutulungan kayo.

Masarap mag ipon lalo na kapag nakaka invest ka na. Kapag nakabili ka na ng bahay, kotse at may sarili ng business. Mas masarap pa nyan kapag bumibili ka na lang ng mga bahay bahay tapos pinaparentahan mo na lang at least kumikita ka pa lalo. Mas magiging proud ka sa sarili mo. At hindi mahihirapan ang mga magiging anak mo sa future nila kapag marunong kang mag ipon. Maituturo mo pa sa kanila yung tamang paghawak ng pera.

-NM

 

 

44 thoughts on “Abilidad, sipag, at ipon.

    • Mhai Limpin says:

      Andame ko ng nabasang books and blogs para makapaghandle ng pera ng tama. Sayo lang ako nainspire at nadaliang intindihin yung sense ng pag iipon. Gusto ko din kaseng magkaroon ng farm someday, may lupa na kame ung mga ilalagay na lang sa farm ang kulang. Salamt Neri! Saludo ako sayo!

      Liked by 1 person

    • Flor says:

      Ako ay laking west tapinac olongapo. Amerisian ako at pinagpalang napadpad dito sa amerika. Sa nabasa ko dito sa kwento mo isa lang ang idagdag ko sana, ito ay dapat buo din ang loob mo at isip upang makaahon sa hirap. Noon panahon ko bihira ang pulubi. Pulubi noon ay tunay na bulag at pilay. Ngayun malaki pa sa kabayo namamalimos. Ang daming magagawa upang mabuhay pero parang droga lang ang gustong ibenta ng tao . Walang mahirap sa taong masikap yan ang sabi ng lola ko noon. Alisin ang inggit sa katawan at swim against the tide. Sa ngayun ang goal ko eh mabayaran ng buo itong bahay namin, para wala ng utang. $214 thousand dollars na lang natitira. Rice and beans ang pagkain namin kahit dito ako sa amerika. I tell my money where to go . So tiis tiis lang, this year nakabayad ako ng $30 thousand cash inipon ko yun. Iwas sa gastos at wala ako social life. Good job sa goals mo ang galing.

      Liked by 1 person

    • Ninya says:

      I can relate sa blog post mo. And I’m one of the people who are in their 30s na wala paring ipon πŸ˜” dahil naubos ipon ko sa mga gamit ng anak ko and bayad sa bills πŸ˜“ nainspire mo ako. Continue what you do. And I wish for you to inspire more misis πŸ˜ƒ

      Liked by 1 person

  1. mismei says:

    galing! natawa ko sa raket mo nung bata ka hehe. pero grabe ang hirap kasi magpigil sa sarili lalo na’t alam mong may pera ka. ginagawa ko ngayon may auto deduction din na monthly papunta sa banko tapos passbook hehe. pag wala akong pera at naaattempt mag-withdraw iisipin ko lang ung haba ng pila sa bank tatamarin na ko! mas okay na un kesa ATM ang bilis lang kumuha ng pera. tiis tiis na lang ulit hanggang next sahod hehe.

    Like

  2. mab fuentes says:

    hi there. i am so inspired in all your article. im your discreet fan to you and chito. i hope i can see you both if you happen to visit again vancouver. continue to share good vibes. spread the love neri. your one of the prettiest face in ph showbiz. godbless in your pregnancy.

    Liked by 1 person

  3. Poison Aivi says:

    Neri, you are my life peg! πŸ˜€ Thank you for being an inspiration. I wish for my family to someday live a life as comfortable and flexible as yours.

    Like

  4. Maria says:

    Nakakatuwang basahin ang blog. Totoong totoo. Hindi mabulaklak. pwede po bang mag suggest?? Sana kahit papaano maglagay po kayo ng mga pics ^^, Like yung sample ng mga damit mong nabili na galing sa ukay (yung mga nasa IG) or anything na may kinalaman sa mga kinukwento nyo… Para lang mas masarap magbasa… Keep on blogging!!!

    Like

  5. ana miravalles says:

    wow! sobrang na.inspire din ako sa blog mo. Di ko maisip yung tamang pagtitipid pag may gustong pag.ipunan. Parang umattend narin ako ng seminar kay Sir Chinkee Tan ng libre..hehe Salamat Neri!

    Like

  6. CHARISSE SOLMIANO says:

    Thank you po πŸ™‚ Mrs. Miranda sa mga ganitong Blog nyo πŸ™‚ nakakainspire po talaga πŸ™‚ medyo relate po ako sa pagiging madiskarte hehehe pero sabi nga sa blog nyo kahit madiskarte kung di marunong magipon wala din πŸ™‚ but since nabasa ko na po blog nyo magsisimula na kong sundin ang mga advices nyo po πŸ™‚ SUPER IDOL ko po kayong magasawa πŸ™‚ kada araw nagsstalk po ako ng instagram nyo para mag basa lang ng mga status nyo. Tuloy nyo lang po mag spread ng GoodVibes πŸ™‚ madami po talaga kayong naiinspire ❀ Godbless po

    Liked by 1 person

  7. ems says:

    Ang galing! Naiinggi ako in a good way! Ipupush ko lalo magipon! :* pareho tayo, yung mister ko yung magaling sa pera… kaya yung sinasabi ko na ibigay nya lang sa akin panggrocery eh πŸ˜‰ ako pa naman pag may 100 pesos ako bibili na ako agad ng ukay haha.

    Like

  8. Nicole says:

    Grabe! So inspiring 😊 Ngiti ako ng ngiti habang binabasa to. Nakakatuwa yung mga kwento mo ate neri. Hndi ko maimagine yung mga pinag-gagagawa mo noon. Hehe! I love how pretty and so down to earth ka. #Lifegoals tlga. 21 na ko and halos kakastart plang rin magwork, ever since i started almost 50% ng sweldo ko sinesave ko, as in cash tlga na nakasobre pa tinatago ko lng sa locker ko, tapos yung other half pang gastos ko. Wala nman akong pinagiipunan o gustong bilhin, feeling ko lng i need to save my money para may patunguhan nman ang pagttrabaho ko. I live somewhere near tagaytay. Sana mameet din kta someday, kayo ni sir chito kasi idol na idol din sya ng boyfriend ko. Bibili kmi ng gourmet tuyo and cookies nyo. Hehe tapos kung hndi kami masyado mastarstruck makikipagkwentuhan narin kung pwede. Haha. Thank you sa blogs mo ate neri. Nakaka-uplift ng spirit after a tiring day at work. Godbless you and your family. 😊

    Like

  9. Someday_Momma says:

    Dapat po nating tandaan ang formula na ito: Income minus savings equals expenses (I-S=E) and not the other way around πŸ™‚

    Like

  10. angels1416 says:

    Very inspiring ang stories mo.. Kaya lang pano kung yung asawa mo instead na tulungan ka maging matipid & wais sa pera e sya pa ang mas magastos & matigas ang ulo at ayaw sumunod sayo & feeling nya tinitipid ko sya pag kino-control ko ang paggastos nya? Naiisip ko minsan na siguro kung single lang ako makakaya ko siguro mag ipon pero hangga’t nandyan yung mister ko, parang malabo.. Ang naiisip ko lang na way is mag ipon na hindi nya alam kasi the more na alam nyang may hawak akong pera hindi sya tumitigil ng kakaisip kung anong pagkakagastusan. And kung hindi ko pagpapasensyahan at pagbibigyan malamang palagi kami mag aaway w/c is hindi maganda na maging ugat ng pag aaway ang pera. I just hope & pray na one day matuto na rin sya & matutunan ko rin kung pano ko ipapaintindi sa kanya yung importance ng pagse-save para sa future.. Anyways, thanks again Ms. Neri for your inspiring stories.. Still hungry for more! ❀

    Like

  11. Rea Lakwatsera says:

    Great read! Ang saya basahin.. marami ring mga Pilipino ngayon tulad ko na gusto maging financial literate. Pwede rin ilagay ang pera sa mga mutual funds or uitf at hindi lang sa savings account sa banko.. nakakatuwa, buti wordpress ang blog platform mo, parehas tayo.. if need mo ng guide sa pag navigate, I can help. God bless you and your family. πŸ™‚

    Like

  12. Jessa Ong says:

    Thank you for inspiring us miss neri.. 😊..talagang makakatulong po tong blog nyo lalo na tungkol sa pagbabudget ng money..totoo po lahat ng cnabi nyo.. Iaapply ko po yan..im 24 po at nagttrabaho dto sa taiwan.. Naway maiapply ko po yan. 😊..gusto ko po ung cnabi nyo na piliin ung friends na magiinspire sau para sa ikabubuti ng future mo..buy what you need not your wants.. Nkakatuwa po. thank you po.. God bless po more po. 😊😘

    Like

  13. Erich says:

    Hi Mrs. Miranda, Miss palang ako ngaun pero malapit na akong maging Misis at naiinspire ako sayo. Pareho tayo, musically-inclined din future husband ko. Anyways, ikaw ang latest na reason bakit lagi akong tutok sa Instagram inaabangan ko posts mo, at first time ko magbasa ng blog mo. I super needed this. Ako ung taong hindi marunong humawak ng pera at dahil mejo malaki na din sahod ko eh parang feeling ko, kelangan lagi branded at laging gumagastos. Salamat for sharing, nahimasmasan ako lalo na’t malapit na kasal ko. Hehe. Goodluck and Godbless Ms Neri 😘

    Like

  14. Monique says:

    Ito na ata ang sign para mag open na ko ng savings account hehe! Pero tanung ko lang po if magkahiwalay ung savings nyo, pag dating po sa gastusin sa bahay (foods, bills, etc) hati po kayo sa gastos? Hehe

    Like

  15. MEGumiho says:

    Yay. Sakto sa bago kong post.. Pinost ko rin mga naging raket ko. Hehe..kahit meron akong trabaho, di rin ako nahihiya na magbenta. Hehe. Sarap sa feeling na malaki ang naaambag mo sa pamilya para sa kinabukasan πŸ™‚

    Like

  16. Ella says:

    Galing mo Neri… Saludo ako sa inyo ni Chito. At ikaw super maabilidad bata ka pla lng. Tama surround yourself with the right people. Naiyak din ako sayo nung bata ka pa. Pero dahil dun natuto ka. Ang Galing Lang tlg ni God kc mabuti kang Tao. Salamat s mga kwento. Til next time.

    Like

  17. deewanderlust says:

    Hi Neri!
    Sobra akong nai-inspired sa mga post mo sa ig at fb. Bagong fan mo lang ako pero parang mayat maya ko gusto tignan ang feeds mo sa social media sites. Sobrang nakakatuwa. Sobrang saya basahin. Meron pang time na badtrip ako or malungkot pero nung lumabas ang feed mo sa ig, binasa ko at bigla naging ok ako. Ganun yung feeling. Sobrang sarap din mag post kung pano kayo mag post ng idol kong si chito. Sobrang ideal. Thank you for inspiring other people, madaming natutuwa sa inyo kasi isa kayo sa mga totoong tao sa showbiz. Thank you! πŸ˜€

    Like

  18. dyna says:

    hi ate neri.. nakaka inspired naman po.. wala pa akong asaw.. kaya gagawin ko to as my goal in life lalo na at 25 na ako.. .. salamat sa pag babahagi ng kwento ng buhay mo dito .. isa ako sa nag aabang ng mga blog mo. … love lots and god bless

    Like

  19. jenberroya says:

    I love your blog Neri. Simple at direct to the point saka full of sincerity talaga saka mula sa puso talaga yung sinusulat =) I do share the same sentiments when it comes to handling you finances. Di rin aq maluho kasi di naman aq lumaki ng may marangyang pamumuhay =)\

    Nga pala my mga sinulat din aqng mg tips sa pagmamanage ng finances. Baka gusto mo lang din or maisipan mo basahin pag my time ka. =)

    God bless =)

    1. https://jenberroya.com/2015/07/10/part-1-live-within-your-means-tips-on-how-to-manage-your-finances/

    2. https://jenberroya.com/2016/02/07/live-within-your-means-part-2-how-to-build-a-solid-financial-foundation/

    Like

  20. Bagluvah says:

    Ganyan din ugali ng husband ko at pareho tayo ng ugali when it comes sa gastos, ganyan na ganyan ako at pati separate savings, etc. same tayo ng style. Asawa ko pinapahawak ko ng pera dahil nga mas mahusay siya sa pera. Ako kailangan matuto pa ng husto na magpigil sa gastos. Weakness ko kasi designer bags, kaloka sa mahal! Nakakatuwa same tayo sa buhay may asawa. Asawa ko din very simple, ni rolex or mamahaling gamit or kotse wala yan. Hobby lang eh mag gym at mag DJ at pag travel namin.

    Like

  21. Nina says:

    Thank you Neri. kahit paano nalaman ko na may tama din pala akong ginagawa sa pera ko, ang mag ipon. hindi ko naman dine deprive ang sarili ko pero bina budget ko lang mahalaga kasi ang savings.:) Salamat kasi na i inspire ako sayo, gusto ko kapag may asawa na ako maging katulad mo ako masarap mag luto ngayon kasi hindi ko pa ma practice ang pag luluto pero sinesave ko recipes mo. bihira lang ako mag comment pero lagi ko tinitignan post mo. so inspring. God Bless.

    Like

  22. KATHERINEPINEDA says:

    Nakakainspire talaga mga blog mo Ms. Neri. πŸ™‚ Madami akong natututunan sayo lalo na sa paghawak ng pera. Feeling ko kakwentuhan lang kita ng personal kapag binabasa ko blogs mo. πŸ™‚ More wisdom and good health sa inyo ni baby mo. πŸ™‚

    Like

  23. joan says:

    Nkaka inspired ka talaga. Gagawin ko yong sinasabi mo kung paano mag ipon lalo na single mom ako. At isa akong ofw. Kc gusto Kong magkaroon ng sariling bahay, may lupa nman ako pero may dreams house wla pa tlga. Yan ang next project ko.. NpakA swerte mo sa asawa mo.

    Like

  24. janice says:

    Lagi ko tlga hinahanap ig mo para lang tingnan mga pinopost mo, Kakatuwa ka.. parang nakikita ko rin sarili ko sayo kse :).. natuto rin ako maging wais simula ng magkapamilya ako. Lalo nung magkaanak ako, Mga dmit namen ng anak ko halos second hand haha, Pati na rin mga gamit sa bahay at masarap nman mamili din sa second hand, dito kami sa europe nakatira, Ang mahal bumili ng mga gamit sa bata lalo clothes kse kapag summer 3 mons lng halos masusuot ang mga summer clothes ganun din winter clothes.. Kaese gusto ko rin makaipon at magkabahay sa pinas πŸ™‚ at gusto ko tagaytay din hehe. Have a safe delivery ms. neri πŸ™‚ sarap basahin mga kwento mo πŸ™‚

    Like

  25. Winter World of Love says:

    Dahil dito ang dami kong narealize sa na mali sa buhay ko. Una sa kaibigan, tingin ko nong una hindi sya totoong kaibigan para sa akin.. Ngayon napag-isip isip ko na na tama ang naramdaman ko noon..pangalawa sa gastusin..hay.. Salamat miss neri. Sa totoo lang ikaw ang dahilan kung bakit nag-sign up ako dito. I followed your ig account po kasi. Thank you for being an inspiration miss neri miranda.. May God bless you more.

    Like

  26. Christine Gay says:

    Ang dami kong na realize after kung basahin ang blog na to.Ganito kasi ako. Yung if may pera sa araw na to okay na. Yung kapag inaya ng barkada na tata punta tayo dito,doo, at diyan, go ra.. Taps after ng gala, lupaypay na kasi wala na pera. Minsan nga naiisip ko, bkit yung iba ngagawa nilng mg.ipon kahit kunti lang mga sahod nila. Bakit ako hindi. Pero after reading this, I know may chance pa at may pag.asa pa ako pra mkapag ipon. Thank so much for this Ms. Neri, for inspiring us. Hoping to read more of your blogs. God Bless you & your family more. More blessings. Congrats in advance po. πŸ™‚

    Like

  27. yzaelle says:

    Ganyan din setup naming mag asawa.. Mas magaling humawak ng pera ang hubby ko kaya sya lang may hawak ng sweldo nya.. Okay naman kami sa ganitong setup.. Hindi rin kasi ako marunong mag budget.. Kumbaga sya nag ba budget samin..

    Like

Leave a comment