Bakit ang laki ng tyan niya? Bakit maliit pa rin tyan ko?

Huwag mong ipagkukumpara ang pagbubuntis mo sa pagbubuntis ng iba.

Nung first trimester ko, naiinggit na ako sa mga kasabayan kong buntis kase nakikita na talaga yung baby bump nila tapos pareho lang kami ng buwan. Kahit napakalakas kong kumain nun.

Pag may nakakakita ng tyan ko tapos nagugulat sila kase maliit pa na halos wala pang makita, actually meron, parang bilbil lang, haha! Sasabihin pa nila, naku kailangan mo yang ipacheck sa ob mo kase baka maliit si baby, baka ganito si baby, baka ganyan si baby. Tingnan mo yung akin, malaki kase healthy si baby.

Nakakapraning yun di ba? Syempre nakunan na ako last year at mga ganung klaseng words ay di nakakatulong sa pagbubuntis ko.

Kahit regular ang check up ko sa ob ko, mas napapraning ako tuloy na bakit nga ba di lumalaki tyan ko kahit sabihin ng ob ko normal ang size ni baby.

Kaya nung nag second trimester ako, esp nung ikalimang buwan, kain lang ako ng kain, lahat, kahit matatamis. Maya’t maya kumakain talaga ako para lumaki ako. Nung nagtimbang ako, sumobra ako ng five lbs sa dapat normal na weight ko. Di ko alam kung matutuwa ako o kakabahan.

Nung ika anim na buwan ko, sa check up ko, normal naman lahat. Pero nung chineck yung weight ko, nagulat yung ob ko kase biglang bigat ko nga daw. Sabi niya need ko ulit magpa blood test. Parang ako, haaaaay, tusok na naman! Ang pinaka ayaw ko!

Nagulat ako na ibang klaseng blood test pala ang gagawin sa akin. Yung 75 OGTT pala ang gagawin sa akin. Nagresearch na ako kung paano yung procedure, anak ng! Haaaaaaay. Napakaraming tusok pala!

So kailangan 8 hours fasting, no food no water. Nagstart akong magfasting ng 12 midnight para pag gising ko, maligo lang ako tapos diretso na ng hospital.

9am na ako nakapunta sa hospital. Pero bago ako umalis ng bahay, naglagay muna ako ng topical anesthesia sa skin ko. Di ko talaga kaya eh. Twenty minutes away yung layo ng hospital sa bahay namin kaya numb na skin ko nung dumating ako sa hospital. Akala ko twice lang ako kukuhanan ng dugo at akala ko isang beses lang ako tuturukan ng karayom. Hindi pala!

Kitang kita naman sa picture na relaxed na relaxed ako di ba? Hahaha! Buti na lang andyan asawa ko palagi kahit busy!

Pagkatapos akong kuhanan ng dugo, may pinainom sa akin na matamis na liquid, yung una ok lang pero need ko daw ubusin sa harapan nung nurse. Bawal daw isuka kase uulitin na naman daw at magfafasting ulit ako nh 8 hrs. Pinilit kong ubusin! Halos masuka suka talaga ako!

Since after an hour pa daw ako kukuhanan ulit ng dugo at fasting pa rin, medyo hilo na rin ako kase gutom na gutom at uhaw na ako. Sabi ko kay Chito, uwi kami to get my topical anesthesia. Wag na daw kase medyo malayo saka kaya ko naman daw. Sabi ko hindi ko kaya!! Nanginginig kaya ako at pawis na pawis. So wala syang magawa at umuwi kami, at the same time nakaidlip din ako sa kotse.

Pagbalik namin sa hospital, tamang tama lang dating namin at numb na rin naman ata yung kabilang braso ko. Ayan na naman,kukuhanan ulit ako ng dugo. Naramdaman ko yung tusok. Sabi ko na lang, medyo masakit ha. Ang dami na namang kinuhang dugo.

Wait na lang ulit kami after an hour. Naglagay ulit ako ng topical anesthesia sa left arm ko. Naglaro na lang sa phone si Chito habang ako nakasandal ulo ko sa braso nya. Antok na antok na kase talaga ako. Tapos naghihintay lang kami sa mga upuan. Naghihintay ng turn namin para tawagin.

Ayun, same pa rin, ninenerbyos ako. Pero di naman masakit pag sa left arm, ninenerbyos lang ako. Saka magaan naman kamay nung nurse. Kaso dami na namang dugong kinuha.

So bale ang fasting ko ay umabot sa 12 hours. Kinuhanan pa ako ng dugo ng tatlong beses. Naiimagine nyo kung gaano ako kahilo, kauhaw, kagutom, kapagod, at kaantok.

Hindi na namin hinintay yung result. Sabi ko kunin na lang namin sa next check up ko. At gusto ko ng matulog nun at kumain at the same time.

Feeling ko kase baka nagka gestational diabetes ako kase nasobrahan ako sa matamis at grabe din ang kain ko nun.

Nung nagpacheck up na ulit ako sa ob, normal naman lahat. Haaaaay salamat! Sinabihan din ako ng ob ko na mas maganda nga na di ako lumolobo kase mas madali akong mag normal delivery. Yung malalaki daw magbuntis, need nilang mag diet kase mahihirapan silang ilabas si baby. Saka maganda nga daw na mabilis kong nabe-burn yung mga kinain ko.

Laking ginhawa talaga sa pakiramdam na wala kang sakit. Wala akong gestational diabetes or uti. Hirap lang talaga ako sa pagbubuntis ngayon, laging pagod, bawal byahe, all day sickness. Kaya super ingat lagi.

Kaya ang mapapayo ko lang sa mga first time mom to be ay wag kayong makinig sa mga sabi sabi ng mga tao sa paligid mo. Nagmamagaling lang kase ang karamihan, haha! Laging kinucompare yung sa kanila. Basta pag sabi ng ob mo na bawal yan sayo, dun ka makinig kase siya nakaka alam ng history at background ng pagbubuntis mo. Kapag sabi ng ob mo na pwede naman kainin o gamitin o gawin, makinig ka lang sa kanya. Basta kung nagba bother ka sa nararamdaman mo o di ka sure kung pwede, tawagan mo agad ob mo para alam mo kung anong dapat gawin.

Dapat alam mo ang personal cellphone number ng ob mo. Dapat regular ka nagpapacheck up. Dapat wala kang absent sa mga check ups mo kase importante na namomonitor ka niya at ng baby mo.

Marami kase akong nababasa sa mga followers ko na hindi regular magpacheck up. Wag ganun. Be a responsible parent. Magkano lang ba ang check up? Sa probinsya kase P420, sa St. Lukes QC nasa P500. Siguro naman sa ganyang halaga per month eh hindi mo naman titipirin si baby.

Kung may mga katanungan kayo regarding sa pagbubuntis, hindi dapat kapitbahay ang tanungin nyo dyan. Kase iba iba tayo ng cases. Iba iba kase ang mga ovaries natin. Sa ob gyne kayo magtanong at maniwala.

At kahit hindi naman kayo nanghihingi ng advise sa ibang tao, meron din talagang ibang tao na feeling nila alam nila lahat, nakakatawa pa nga kase mas magaling pa sila sa ob mo. Hayaan nyo na lang. Pero wag sosobra din kase pag mairita ang buntis, masasampulan mo talaga sila. Ikaw na nga ang pinapakialaman, pag nagcomment back ka, ikaw pa ang lumalabas na bastos. Ang tao nga naman, haha!

Yun lang naman ang masheshare ko sa inyo. Basta sa doktor lang makinig. Wag sa kung kanikanino. Baka maipahamak pa kayo at ang baby.

I-share ko pala yung ibang photos ko nung nagstart akong magbuntis.

Ganyan tyan ko nung 3rd month ko. Parang busog na busog lang, haha!

Mga panahon na lagi kong tinatanong kung lumalaki na ba ako? Chito posted this picture, ah di pala, nakaharap ako nun pero di pa namin sinasabi na buntis ako kase first trimester palang naman saka nagiging careful kami. Pero cropped yung photo kaya di kita yung tyan ko.

Nag post na rin si Chito about my pregnancy nung Father’s day. Sobrang excited na siyang i announce na magiging tatay na siya. 😍

Ayan naaaaa, obvious na buntis ako!

Yung nakatingin naman daw kunware, hehe!

Sweet sweet ni Daddy Chito ❀

Biglang lobo ng tyan ko! Hahaha! Lalaki din naman pala ang tyan, wag magmadali kase… πŸ˜‚

Mukhang simple lang na posing pero hirap akong kuhanan yan. Bakit kase yung iba, ang ganda ng selfie buntis nila. Hahaha! Di ko maachieve!

Yan yung last na kuha ko, few days ago bago ako magkasakit. Nagdate kami ng asawa ko. Kumain kami ng steak at mashed potato. Hehe!

Don’t worry, gumagaling naman na ako, water therapy talaga saka pahinga. Naiinip na nga ako kakatulog kase gusto ko productive yung araw ko pero kailangang magpahinga para sa amin ni baby. Bawal ang matigas ang ulo.

-NM

Advertisements

33 thoughts on “Bakit ang laki ng tyan niya? Bakit maliit pa rin tyan ko?

  1. diane says:

    Ang sarap talagang magbsa ng mga kwento mo… parang guide ko na to mga nbbsa ko pag nabuntis na ako, anyway, i pray na mging normal delivery si baby, at safe kayo. Pwede pasingit na din ,,gusto po maging reseller ngemail na din po at ng vibe ako, sna mging reseller ako, taga teresa. Rizal ako, at fan ako ng pne, ty , godbless.

    Like

    • Eunice mateo says:

      Ang sarap magbasa ng mga blog mo mrs miranda . Sana makapag blog ka pa din kahit malapit ng lumabas ang baby mo hehehe o kahit pag lumabas na para po masaya pa rin kaming magbasa ng mga blogs mo . Kakaswa na po kasi mag basa ng mga kung ano ano sa fb e hehehe dito madaming natutunan loveyou po mrs miranda #1fan nyo po ako .

      Like

  2. Paupau Bianca Reyes-Lustre says:

    Hi Neri. Its good to know na healthy ikaw and si baby kase yun talaga ang nakakagaan ng pakiramdam everytime na magpapacheck up ang mga buntis.. I remember when I was pregnant lageng failed ang sugar test ko, laging nakamonitor ang sugar ko, imagine ilang beses ako ng OGTT test, mga 4 times fasting kase above normal ang level kaya nagdiet ako hilig ko kase sa fruits tas gagawen milkshake lalo na sa strawberry kaya ayun nagbawas ako, pro lage kong sinasabi na happy ako pag my strawberry milkshake feeling ko pati si baby nag jujump sa tummy ko. Hahaha! And hanggang sa manganak ako mataas ang sugar ko ng 0.2 sa normal na level, kaya sabi ng OB ko indi ko talaga naachieve ang tamang sugar, kaya nung lumabas si baby medyo yellowish, pro good thing okay naman cya, nawala din agad yung pagiging yellowish nya.. Yung OGTT test ang isa talaga sa mahirap na test ng buntis pro need cya kase nga mkakaapekto kay baby ang sobrang sugar.. And just to share lng, every morning paggising ko fresh buko juice ang iniinom ko iwas UTI plus good din para sa metabolism ng buntis, kase hirap tayo magtunaw ng kinaen pag buntis hindi naman pwede uminom ng tea para matunawan agad.. Ramdam mo na ang sipa ni baby? Magigising ka na lang sinisipa ka nya kase gutom cya, hahaha! Dame ko pa gusto ishare, next time na lang ule. Hahaha! Enjoy the pregnancy journey, take a lot of photos, 9 months lng yan mag lalast so sulitin na. Pag my baby na, si baby na ang bida! Ingat ka lage and God bless. Hope to see you soon!😘

    Like

  3. Joanne says:

    Relate ako dun sa kinunan ng dugo, yung pina inom ng matamis tapos sa harap ng nurse uubusin at isosoli pa yung lalagyan.. grabe yun, kasama ko yung panganay ko nun, 4yrs. Old, nung kinunan ako ng dugo kasama ko anak ko sa loob, nkahwak sa kabilang kamay ko, panay sabi “you can do it mom, huwag ka iiyak ha”., “I’m here”.. samantalang yung asawa ko nasa labas ng room. Hahaha.. tama yung sinabi mo na huwag makinig at huwag maniwala sa iba, mas tamang sa ob lang makinig. Dito sa 2nd pregnancy ko, dinugo ako. Sabi ng mga kapitbahay na nag mamagaling nagbabawas lang daw yun, normal dW. Sympre hindi ako komportable sa ideya na yun, nagpa sugod ako sa er dun nalaman na pwede na pala akong makunan dahil may bleeding sa loob ko. Hindi totoo yung sinasabi nila na “nagbabawas”. Hay kung naniwala ako sa iba, napahamak pa kami ng anak ko. Ngayon eto na, konting kembot nalang, malapit na siya lumabas. Hopefully ma meet namin si 38 to 40weeks, khit may history ako ang early labor. Salamat sa blog mo at sa mga kwento. Malaking bagay ito para sa akin. *Hugs*

    Like

  4. Shashing Cornejo says:

    Hi Neri! I totally agree with you na dapat sa OB lang maniniwala. Nung buntis ako dami ring mga unsolicited advice. Kinig lang ako kasi first time buntis, pero kapag walang scientific basis ang mga pinagsasabi nila nginingitian ko na lang. I’m so glad that you have a very supportive husband. (I’m an avid fan also of PNE hehehe) Thanks for sharing inspiring posts, tips and hacks sa IG. Praying for a safe delivery.

    Like

  5. Maria Patricia Lee says:

    Ganun din po ako nung nagbubuntis, madami din nagsasabi na maliit nga tyan ko and parang busog lang. Ganun din nag-alala din ako, pero nung nagpa-check up ako, ok naman daw normal naman si baby. So, inisip ko matangkad kasi ako kaya siguro ganun. Hehe. Malaki yung paglalagyan sa tyan ko kaya physically maliit lang yung babybump. Hehe.

    Anyways! Have a safe delivery. Lagi namang nandyan si Idol Chito para sayo β™₯hehe. Idol na idol ko yan kasi mahal na mahal ka, at nakakakilig namang talaga yung mga post niya about sayo. Hayyyys! β™₯β™₯

    Good night! God bless to you and your family πŸ™‚

    Like

  6. Anne says:

    Hi Ms. Neri..
    Anne here again. I really love reading your blog, even though i’m not pregnant or planning to be, masaya lang mabasa yung journey mo..
    Maswerte ka at very supportive yung husband mo syo, my youngest son will turn 5 on sunday pero iba yung journey ko nung pinagbubuntis ko sya, hypertensive kasi ako at like you lahat ng symptoms ng pagkapregnant hinakot ko, nasa abroad kasi ako when i knew that i was pregnant, foreigner kasi husband ko.
    Pero i was 5 months pregnant when i decided to go back home to watch over my mom kasi nstroke sya. Ang hirap ng magisa ka lang, yung malayo ka sa asawa mo, that time ang gustong gusto ko yung amoy nung asawa ko pero hirap n hirap ako kasi magkalayo kami.
    Then, i decided na sa pinas na lang manganak since konti na lang naman hihintayin ko, on my 37th week biglang pumutok ob bag ko and swete that my brother was in the house, around 4am yun. When we got to my ob, sabi ng ob ko kelangan ko daw i-cs kasi dry labor na ako at ang bp ko na 220-200 kaya medyo naalarm ob ko.
    That was august 28, ng mag meet kami ng bunso ko. Sabi ko pa nun, good timing kasi ang wedding anniversary namin august 29. My husband kept calling and asking kung ano yung gender ng baby. When he knew it was a boy. Siguro natuwa sya. Pero after nya malaman n i already gave birth, bigla na lang sya nagdisappear. At ang masakit pa nun, walang wala kami. Ni hindi kami nakapagdeposit nun sa hospital which is 7K lang for deposit. Dahil cs ako my bill went up to almost 100K, i was helpless kasi nga that was my weakest point, wala ding naitulong brother ko kasi nga naubos money namin sa mama ko dahil naka 2 million sya sa hospital bills.
    Nalock up kami ni baby for 12 long days.. Ni ha.. Ni ho.. Waley si husband.. Then i stood up and i told myself, kelangan akong bumangon at gumalaw hindi puedeng ganito.. Kahit sobrang sariwa pa ng tahi ko at hirap pa akong lumakad, i went to the office of the medical director. Kinausap ko sya then i explained, she called up dswd officer ng hospital and the lady there said kelangan daw may iprendang gamit, that time lahat ng gadgets meron kami, so i gave them our ps 3, laptop, iphone, ipod etc hanggang magworth 100K.
    Then nakauwi na kami ni baby sa wakas.. Alam mo ang una kong ginawa, on my 15th day na kakapanganak, i decided to look for work, kahit sariwang sariwa pa opera ko, larga ako sa mga interviews, at swerte din na unang apply pa lang tanggap na ako. I decided to work agad agad, kasi ako yung bread winner, head of the family etc.
    my eldest son was studying at private school at ayoko sya magstop.
    After 2 months, biglang may tumawag saken around 12midnight, sabi buksan ko daw yung gate, nasa labas sya. Asawa ko, umuwi ng pinas..
    I dont keep a record of wrong doings kaya pinagbuksan ko sya. Iyak sya ng iyak.. Kamukhang kamukha nya kasi yung baby namin. Ewan ko ba, nung nakita ko sya sa gate, parang lahat nung hirap na pinagdaanan namin ni baby sa hospital parang nawala na lang.
    Maybe gusto kong buo ang pamilya namin.. Wala akong hininging explanation, bakit nya kami iniwan at that time.
    Sa ngayon, were happy family na.. Hindi pa rin perfect, pero magkakasama at sa mga simpleng bagay masaya na.

    Liked by 1 person

      • Anne says:

        Tinanong ko din pero after 2 years na yata.. I asked him while were watching a movie sa bahay.. Ang sagot nya, gipit din sya at hindi nya daw alam kung paano bibili ng ticket papuntang pinas tapos iniisip nya paano nya kami ilalabas sa hospital eh wala syang kapera pera. Hiyang hiya sya sa brother ko, kaya naisip nya na manahimik na lang. Nalugi kasi yung trucking business nya tapos inestapa pa sya ng accountant nya sa real state kaya sabay sabay.
        Inunawa ko na lang, tapos sabi ko sa kanya, last na yun kasi kapag iniwan mo kami ulit baka wala ka nang balikan kasi mabilis lang akong magmove on..
        Siguro kapag mahal mo matatanggap mo at pipilitin mong umunawa. Hindi lang para sa anak kung hindi para na din sa ikakabuo ng pagkatao mo.
        Thank you for reading my story.. Madami akong magandang kwento..
        Puedeng ngang immk buhay ko hahhaha

        Like

  7. Lime says:

    😍 Ang sarap talaga basahin ng blog mo pretty. 😍We always keep praying that you and your baby will be healthy. Paglaki ng baby mo makikita niya yung journey ng paglaki niya kahit nasa tiyan pa lang siya. Nakakatuwa talaga. Haha. We miss you! 😍

    #lime

    Like

  8. Maricar Tuazon says:

    Hello just a fan of yours ate neri.. Im already 4months preggy now as u takot dn ako sa karayom πŸ˜‚ pinaka hate ko ang kayarom last check up ko knttuwa ako na kinakabhan iinjectionan dw ako Anti tetanus.. At first ayko tlga na mainject pero inisip ko nlng si baby ayun hanggang sa naturok na pla diko man nrmadaman haha. Pero after nun nilagnat ako kgya nga nung sbi mu nagttnung dn ako sa mga ksma dto sa bhay na nagbuntis na dn kung normal nga ba ung lagnatin after mainject iba iba ung mga sayings nila ay nko ayun gulo nnmn utak ko.. Diko alm anu ggwin ko.. First trimester ku nagspot ako ntkot dn ako as a first time mom to be .. Naiingt dn ako sa iba na bat anlaki laki na ng tummy nila bat sken hndi bat sa kanila naffeel na nila si baby bket sken hndi pa.. Nagwworry tlga ako minsan pag pinagccompare ko ung sken ska sa kanila.. Eh wla nmn ako personal Ob para matanung mga doubts ko. Center lang kc ako nagppacheck up.. For now dito muna Ate.. Godbless you and stay healthy para sa mga babies nten.. 😍😍😘

    Like

  9. Zymier james Gamueda says:

    Gud evening Ms.Neri
    Tama k po s cnbi mu n ndi lht ng buntis e pare pareho ang nrrnsan kht s srili ntn pg png 2nd or 3 rd baby kung ok ung pgbbunts ntn nung 1st time ndi gurantee n gnundn mrrnsn ntn s ssunuod n pgbbunts kc case to case basis un kya ingat lng tlga lagi and pray..
    Im 3mons.pregnant now 4 our 3rd baby and sad to say nakunan dn aq dun s 2nd baby nmn 3yrs.ago .And my 1st baby is 10yrs.old….
    Just kip on praying for safe and healthy pregnancy….

    Like

  10. Violet says:

    Nakakatuwa tong blog mo about sa pagbubuntis, nakarelate din ako sa tanong na bakit ang laki ng tyan nila at maliit ang tyan ko. May nagsabi pa skin nun 6 months na ako na kumain daw ako ng madami maawa daw ako sa anak ko sa tyan ko! Eh sa payat ako anong gagawin ko, heheh. Kesyo kumain daw ako ng doble dahil dalawa na kami. Naalala ko nun first trimester ko, nabawasan ako ng dalawang kilo dahil di ko alam ang gusto kong kainin samantalang ang takaw takaw ko bago ako magbuntis, heheh. Isa sa paborito kong pagkain na inayawan ko noon ay isda, napilitan lang akong kumain ulit nung mga 8 months na ang tyan ko dahil kailangan talaga. Nung 7 months na ang tyan ko dun talaga ako lumakas kumain lalo sa kanin. Hanggang sa namanas ako nung mag-9months na ang tyan ko, though normal lahat ang blood tests ko. Pero nasobrahan ako sa sweets lalot madaming okasyon nun time na yun. Kahit sobrang bilin ng ob ko na fruits at vegies na lang kainin, bawas kanin, at wala ng baboy at matamis dahil sobrang malaki na ako. 38th week ako nung pumutok ang panubigan ko, naconfine ako para ma dextrose. Hanggang sa ininduced labor na ako dahil di nanipis cervix ko, hindi makalabas si baby dahil hindi pa din numipis ang cervix ko though bumuka naman kaya dretso CS ako. Kaloka lang dahil never ko inexpect na ma-cs ako, heheh. Anyway, para skin lahat ng advice ko naman sa mga friends ko na first time moms ay rest a lot, drink alot of water at eat just right, esp healthy fruits, ska na lang ang cravings sa junkfoods at softdrinks pag malaki na si baby kasi magbreastfeeding pa after, heheh. Masyado napahaba ang comment ko, heheh. Ingat kayo lagi. Godbless. More pics and blogs pa, kasi kakaenjoy basahin. Godbless

    Like

  11. Tessa says:

    Naalala ko din yung OGTT ko! Ako lang mag-isa nun kasi may pasok asawa ko. Ang aga ko pa kako pra di mahaba ang fasting time, yun pala halos lunch time na din natapos wala akong idea sa mga gagawin nun. Bigla ko tuloy naalala yung lasa nung mga pinapainom na sobrang tamis na di mo nmn ma explain! Actually sa OGCT normal naman daw yung sugar ko nasa 135, eh 140 daw yung diabetic kaso may changes daw na parang binabaan yung limit to 135 kaya nag qualify ako sa OGTT. Grabe antok na antok at hilong-hilo ako kaso di naman ako makatulog kasi bka di ko mamalayan ang oras dahil tulog butter ako or baka tawagin at malampasan ako. Ang tanda ko pa nun nagbaon ako ng bread at water at dali-dali kong kinain pagkatapos ng tests. Pagkalabas naghanap agad ako ng makakainan na may kanin at ulam! Feeling tortured talaga ako nun feeling ko nilabag ang human rights ko hahahaha! So ayun diniet ako lalo ng asawa ko to the point na tinawag ko siyang MMDA kasi ang higpit ang OA! Pero I can say na during that time I was at my healthiest state, walang junk food, walang softdrinks at coffee (tikim lang), kung anu anong fruits at fruit shakes ang merienda, takal ang rice, maraming gulay etc etc… May pinakita din si OB nun na pictures ng mga food and drinks na mataas sa sugar kaya yun naging guide namin sa mga dapat iwasan. Ang daming pagpipigil para wag maging diabetic at wag ma CS. Di man ako naging diabetic na emergency CS pa din ako sa huli kasi nasobrahan daw ng twist si baby, yung sunod na ikot sumasabit na sya kaya kahit anong push ko at push nila sa chan ko di na talaga tumulak palabas! Saka maliit din daw yung sipit-sipitan. I’m blessed din sa OB ko nun kasi bukod sa nagpa discount siya, napaka supportive niya na naging more on patient-doctor yung relationship namin lalo sa labor room. Gusto niya ma normal ako pero pagod na tlga ako kakapush to the point na iba muna yung nagaalalay sa paglabas tapos andun siya sa tabi ko hinahagod yung kamay ko for comfort hanggang sa kailangan na magdecide for CS kasi stressed na kami ni baby. Di man allowed yung asawa ko sa delivery room, pinapasok nya sa may hallway kaya nakapag goodluck kiss pa siya sakin bago ipasok sa operating room. Pero lahat ng reklamo nawala nung marinig ko na yung iyak nya at nakaraos na. Ngayon isa na siyang ganap na malikot na bata at minsan kaaway ko na din hehehe!
    Sana huwag ka pahirapan ni baby pag lalabas na siya. Sa ngayon, just continue enjoying the journey! We’re always praying for you and your baby’s safety.
    Feeling ko Little Neri hehehe! God bless!

    Like

  12. Cezh lao says:

    Hi Ms. Neri gud thing na healthy kayo ni baby un ata pinakamasarap madinig sa doctor every check up.naexprience ko din yan when i was pregnant at nakkatrauma tlga. Ung sakit ng needle, gutom at uhaw. buti di ka po nagsuka kc ako after ko makunan ng dugo sinuka ko ung glucose sobrang di ko tlga gusto ung lasa.pag first baby maliit po tlga magbuntis. mas maganda din na maliit ang tiyan kc pag malaki po ang tiyan mas mahirap gumalaw lalo na pag wiwi mo sa gabi ung kelangn kapa hilahin para lng makatayo tapos mas malimit na ung pag wiwi mo habang palapit ng palapit ung 9 months.Masaya na mahirap po tlga ang pagbubuntis ang madaming pag babago at madaming pwde maramdaman ng body ntin. Masakit lng po tlga mag labor .. Pero pag nakita mo na si baby worth it po tlga nakakaiyak. Good luck po sana po makita nagender ng baby nyo. God bless😊

    Like

  13. Cecile Fortich says:

    Hello Ms. Neri! I’m a fan of yours. Lagi kong inaabangan mga post and pictures mo. Ang simple2x at ang ganda2x mo kasi. Agree ako sayo na dapat sa OB lang makinig ang mga buntis at di sa mga taong nakapaligid.

    Halos 6years kaming naghintay ng asawa ko para makababy. Kakapanganak ko pa lang noong Aug. 23, 2016 around 4:09pm lumabas si baby girl. Pero 33weeks and 1day lang cya nahighrisk pregnancy kasi ako nagkapre eclampsia.

    Monthly check up ko lang sana nun 28weeks pa ako pero hospital arrest kaagad ako ng doctor ko para mamonitor yung kalagayan ko (nandito kami sa AU). Simula July 19,
    2016 hanggang sa ngayon di pa ako nakakauwi sa bahay namin. Sobrang takot na takot ako nung time na yun kasi sabi pwede ideliver ng maaga si baby. Ang hirap pa kasi kami lang dalawa ng asawa ko dto walang kapamilyang kasama. Prayers talaga yung nagpapastrong sa amin nung time na yun. Ang daming test na ginagawa sa akin to monitor, grabe sila dito kung magmonitor talaga sa kalagayan namin talagang tutok na tutok which is ang laki ng pasalamat namin talaga. Everyday tusok ako ng mga injections and bloodtests. Noon, sobrang takot ko sa karayom pero simula ng naadmit ako araw2x ko na siyang namemeet πŸ˜„. Ang dami ko ng bruises dahil sa mga tusok pero para kay baby lahat gagawin ko. Dapat maging strong talaga para sa kanya. Laking pasalamat ko sa mga doctor ko kasi hanggat kaya pang ikeep si baby sa loob ng tummy ko yun ang ginagawa nila kasi the longer the better kasi. Every 2weeks yung ultrasound scan ko to see the babys growth and blood flow. Ang hirap mahighrisk pregnancy pero kinaya ko talaga para sa baby namin na kay tagal naming hinintay.

    Kaya nong Aug.23, 2016 (noong martes lang) nagdesisyon na yung mga doctor na ilabas na c baby thru C-Section kasi nakita nila sa last scan na maliit lang yung naggain na weight at yung bloodflow parang bumaba na. At risk kasi para sa mommy at baby yung condition namin kaya masmabuting ideliver ang baby. Relax lang ako at nagpray kasi alam kong darating din ang araw na idedeliver ko na si baby. Mixed emotions ako nung araw na yun. Pero kasama ko asawa ko lagi lalo na nung day na yun hawak kamay kami sa loob ng operating room habang ginagawa ang operation, kinakausap niya ako kasi gising ako the whole time. Nung marinig ko ang baby ko na umiyak pagkalabas at pinakita sa akin, walang mapag lagyan ng kaligayahan ko. Super duper talaga. Ang liit nga lang niya (1.4kg or 3pouds) pero ang strong ng anak ko nakakahinga cya on her own. Pero kailangan pa rin niyang magstay sa NICU para lalo pang lumaki at maging sakto yung age niya. Nakakavisit naman kami sa kanya para mahawakan cya at ifeed cya. Hopefully soon makakauwi na kami sa bahay. Ang sarap ng feeling makita anak mo. Makakalimutan mo lahat ng mga pinagdaanang hirap nung pinagbuntis mo cya. Worth it talaga lahat ng hirap. Ang sarap sa pakiramdam. 😊

    All the best sa pregnancy Ms. Neri! Mahirap magbuntis pero masarap pagnameet mo na ang littleone mo. God bless sa pamilya mo πŸ™πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§

    Like

  14. Sam says:

    Hi Mrs. Miranda! Nakakatuwa po basahin blog mo naalala ko nung buntis pa ko πŸ™‚ ganyan na ganyan din naririnig ko. Mas nakakaparanoid kasi sa call center ako nagwowork, palagi akong puyat. Yung mga kasabayan kong buntis malalaki tyan nila tapos ako hindi. Pero sabi nga ng OB ko normal lang yun. Atska every check up, ok naman si baby πŸ™‚ Kaso maaga pa rin ako nanganak. 36th week pa lang nung lumabas siya, nagka infection daw kasi due to UTI. Atska dinugo lang ako wala yung water. Hindi ako prepared as in! Meron na kaming mga gamit pero hindi pa naka ayos. Kaya suggest ko lang po, pag start mo po ng third tri, prepare mo na po yung bag na dadalhin mo sa hospital. Kasi anytime pwede na lumabas si baby atleast prepared ka na. Iadvice mo rin po si hubby mo kung san nya kukunin bag kasi normally nagpapanic na pag ganyan πŸ™‚ And dahil pala maliit ako magbuntis, madali ko syang nalabas. 10hours labor pero still, hindi ako ganun kahirap katulad nung iba. 5lbs lang sya nung lumabas as in maliit lang, pero ngayon taba taba nya na. πŸ™‚

    Like

  15. Jonalie S. Aporto says:

    Ang ganda mo magbuntis Mrs. Miranda! Glad to hear na ok ka at ang baby. It is true na kaniya kaniyang sizes ang babae lalo na pag nagdalangtao, meron maliit magbuntis may sobrang laki naman.

    Like

  16. Estef Ulitin says:

    I feel for you Neri. Although, im not that afraid sa tusok tusok but the fear of having gestational diabetes is terifying.. I remember nung time na nagpa OGTT ako, I dont have my hubby beside me (good for you flexible sched ni Chito)..my hubby have to work. So yun na nga afraid of repeating the fasting pinilit ubusin yung orangee na parang forever bago maubos ichecheck pa ng nurse if ubos ba talaga (I said to my baby hey we need this procedure baby so later na tayo magcoconcert (blow)).then para diko isuka i kept myself busy.. Gladly after makunan ulit ng blood samples e pwede na daw kumain.. At my case iba ginawa ko.. I throw out everything..
    I believe in your insights about pregnancy..
    Although there are times you need to be extra careful. Also it applies genes my mom says ganito sya during her pregnancy..
    As of writing my baby is turning 6mos. tomorrow.
    My pregnancy journey has its ups and.downs but look where I am now? Who would dare to say na my daughter and I have struggles during this past 9months I am carrying her.
    First trimester diagnosed threatened abortion
    Had UTI, worst I got dengue during 2nd trimester.
    I pray for your safe delivery and go for the NDS if possible.

    Lastly, have happy thoughts and think positively that things will workout perfect. Donot restrict yourself from doing activities (patagtag) during the 3Rd trimester given the advice of my OB..
    But be extra extra careful..

    Like

  17. Lian says:

    Ate neri , nafefeel ko baby nyo is Boy feel ko lang . bumabase ako sa hugis ng tyan. Hihi . feel lang naman . by the way , kahit anong gender ang ibigay ni God , the more important is healthy sa paglabas nya hangang sa paglaki.

    Like

  18. Chessa Lim says:

    Hi Mrs Miranda,
    I’m a first mom din, when i was pregnant sa baby boy ko i’ve there sa procedure nayan they’re just making sure na normal ang blood sure mo and everything kasi ako din nung 5th month ko sabi nila liit daw ng chan blah blah blah, aun naggain ako ng 6kgs the following check up, kaya nagworried ang OB ko, pero normal naman ung result. And all day sickness din ako that time sobrang maarte ako sa foods. try mo po ung ginger ilagay sa warm water tapos inumin mo medyo nakakaganda ng pakiram lalo na sa may mga morning sickness.

    Tama ka ate just listen to your OB wag sa mga nakikialam na ibang tao. Maganda nga jan sa pilipinas at nakukuha ang personal number ng OB until here sa malaysia bawal. Anyways God Bless your pregnancy πŸ™πŸ» enjoy the journey. Cause its all worthy.

    Like

  19. Angela Estrada says:

    Hi ms. Neri. Happy ako for you and chito. Share ko lang ung experience ko nung nabuntis ako. 2011 kmi kinasal ni hubby ko. 2015 ako nabuntis. Kala ko may problema na kami kasi hindi kami makabuo ng baby. May 2015 delayed nko, check ako ng PT 2 lines lumabas. Hindi pa din ako makapaniwla. Hindi ko pa din sinasabi kay hubby. Then the other day inulit ko ulit ung PT. 2 lines pa din. Di ko ba matiis kaya sinabi ko na kay hubby. Ayun tuwang tuwa. Sabi ko wag muna nya ipagsabi ksi papacheck up muna ko para sure. Ayun nagpacheck up nga ako. Vaginal ultrasound ang nirequired sa akin. Nkita sa ultrasound na preggy na nga ako. 7 weeks and 3 days. Tapos nakita nila na uterine didelphys ako. It means dalawa ung ovaries ko. Nabuo si baby sa right ovary ko. ung mga case na kagaya ng sakin is rare. So i research about uterine didelphys. Karamihan daw sa mga ganung cases premature ung baby and worst pa nakukunan ung iba. So natakot ako. Since ung hubby ko nagwowork sa delos santos medical center nilipat nya ko ng OB. Mabait ubg OB ko si dra. CLAUDETTE MENDIOLA. Inexplain nya sakin lahat. Wag ko daw palakihin si baby sa tyan ko ksi pag lumaki cya hindi cya makakagalaw kaya may tendency na hihilab cya ng hihilab at baka mapaaga ung delivery ko. Niresetahan nga ko ng pampakapit. Every day ko iniinum un. Thankful din ako sa husband ko ksi minomonitor din nya ung nga kinakain ko lahat ng bawal hindi pwde. Pero minsan pinagbibigyan nya ko. πŸ™‚ minsan pa nga sinusumbong nya ko sa ob ko pag nagiging pasaway ako sa pagkain. Nagpost pa cya minsan na kumain ako ng halo halo, since friend namin sa FB ung Ob ko nakita nya. Next check up ko ayun pina OGTT ako. Fasting tapos kinuhanan ng dugo, may pinainom after 1 hour kukuhanan ulit. Thanks GOD Ok din ung result. Pinapagalitan ako ni dra pag tumataas ng malaki ung timbang ko. Ano ano daw ba mga kinain ko. πŸ™‚ nasabi ko nga diba na may tendency ma mapremature ako, kaya pina inject ako ni dra ng para sa lungs ni baby. Para daw kahit 34weeks lang ako masaya na cya. LUNGS KSI ang huling nadedevelop kay baby. ayun na nga due date ko is january 6 2016. Check up ako dec 12, 2015. Nkita sa ultrasound na nabawasan na ung amniotic fluid ko. at 34 weeks. That day na CS ako πŸ™‚ that day kita namin ang aming baby GIrl Sophia Feline. GODS greatest blessing sa amin. Thanks sa OB ko kasi alagang alaga nya ko πŸ™‚ ang pagbubuntis ay hindi madali. Pero para sa akin parang wla lng. πŸ™‚ no morning sickness no labor pain. Magastos nga lng pero oks lang para sa baby ko naman un. πŸ™‚ praying for ur safe delivery soon to be mom neri miranda. GOD Bless. πŸ˜™πŸ˜™πŸ˜™πŸ˜™

    Like

  20. angeljustiniano says:

    Hi Mrs Neri. 😁 Same tayo nung nag paglucose test ako ganyan din nangyari sakin. Tapos super nangangatog ako at namumutla. And same din tayo ng mga narrnasan according sa mga nabbasa kong post mo thru ig at here sa blog mo. Super liit ko mag buntis, buti na nga lang ngayong 8 months lumobo na. Sana good health kayo lagi ng baby mooo!! God bless your family. Pray po always!! πŸ™

    Like

  21. EccenThrift says:

    Hi Ms. Neri,

    Super happy ako at okay kayo ni Baby. Praying for a safe pregnancy and soon, a safe delivery. Dati takot ako manganak, kasi andami ko naririnig, sabi ko nalang lakasan ng loob and gusto ko talaga kasi normal delivery. Bukod sa mahal magpa CS mas maikli kasi ang recovery period pag normal delivery :). Ang best advise na narinig ko from a friend, wag kakabahan, relax lang at lalabas din yan hehe! totoo nga naman. πŸ™‚ Excited for you and Sir Chito. God Bless!

    Like

  22. bless307 says:

    Hi Neri, I’m an avid follower of yours and Chito. Hopeless romantic kasi ako, I love how u love each other. You’re OB is right, wag ka masyado mgpalaki to avoid complications sa panganganak. Watch what u eat. Although u had a prior pregnancy, considered pa rin na first baby bump mo yan kaya maliit sa earlier stages. Ako nga noon 6 months sa first baby ko may kumukuha pa ng number ko akala busog lang ako. Eto lang advice ko though despite ng lahat ng difficulties na pinagdadaanan mo ngayon… ENJOY IT. Because u will have to endure it once (once for every child of course). Pag labas ni baby different challenges na naman. And stop stressing yourself. Have more confidence that God has taken u a long way already. Convince yourself na despite the physical stress, mas less ang risk kay baby at your stage. Higher ang risks during earlier stages of pregnancy kasi hindi pa fully developed si baby. The fact na madami ka narradaman, especially body aches, means your baby is strong. Have faith. I feel you’re going through a lot of stress but I can’t blame u because of your past pregnancy. But this time, claim this whole-heartedly. I’m no doctor but I’ve endured three pregnancies already and I listen to my OB well. It’s true na iba-iba case ng babae, but don’t let your worries add to your stress. Trust in the Lord. Btw, I’m a young lawyer in Sta Rosa, Laguna. If u need any legal help, feel free to let me know. God bless u!

    Like

  23. Kiwibear says:

    Hi Neri! Grabe din talaga yung mga advices ng ibang tao noh. Minsan naiinis ka na lang eh haha! Im 3 months preggy now and like you sobrang paranoid din ako ngayon dahil sobrang liit pa ng tyan ko. Tapos busy ako nag gagather ng requirements ko for my UK visa. Ang problema ko is yung xray scan which is sobrang risky for the baby. Isa lang kasi yung clinic na advice ng Embassy and i only have two choices which is Sputum or xray scan. Sa sputum kasi will take up to 2 months ang results pero pag xray naman makukuha agad pero very risky kay baby. Hindi rin ako inaallow ng ob ko na bigyan ako medical certificate dahil nga delikado kay baby 😦 sobrang rush na din kasi ng alis ko dahil yung hubby ko is nasa UK at gusto niya talaga matutukan yung pregnancy ko at doon ako manganak Haaay ang hirap! Pero ayoko magpaka stress ng dahil lang dun dahil pregnant ako. Dapat always be positive para happy din lagi si baby! Goodluck on our journey.

    Like

  24. Catherine Beattie says:

    Nakakatuwa naman itong blog entry na ito. You were able to hit everything about what other people think they know about someone who is having a baby. I completely agree with you na dapat sundin na lamang ang advice ng OB. Madami nga talagang nagdudunong dunungan sa paligid. Hehe. At hindi pa dyan nagtatapos, paglabas ni baby katakot takot na unsolicited advice ang padidinig mo. When I gave birth to my son a year ago and pinakikinggan ko lang ay yung paediatrician at syempre nanay ko (minsan hindi kasi medyo old school si mader). Syempre nagbabasa basa din ako ng books and articles from different websites about babies etc. But most of all, syempre trust your own instincts. Afterall, mothers knows best. Congratulations to you and Chito. All the best πŸ˜€

    Like

  25. angeline kasilag says:

    hello ate neri. nawiwili na ako magbasa ng blog mo ☺☺ nakunan na din po ako sa 2nd baby ko last year lang. at sobrang sinisisi ko ang sarili ko nuon kase feeling ko hindi ako naging maingat. pero siguro may dahilan si papa god kung bakit nangyare yun. congrats nga po pala sa inyo ni kuya chito.

    Like

  26. Winter World of Love says:

    Yung nanay ko dati ganyan. Nong nagbuntis ako sa panganay ko. Naku kino-compare nya sa pagbubuntis nya saming magkakapatid.. Nakakainis pero di hinayaan ko nalang sya. Lagi akong pinagagalitan lalo na nong na-cs ako at na-confine yung anak ko sa nicu. Hayy sobrang depressed talaga ako non. Sino ba namang nanay ang may gusto na magkasakit ang anak diba? Sinisi nya ako ng sinisi nong time na yun, kasalanan ko daw kung bakit nagkaganun ang anak ko. Hayy tama ka talaga miss neri wag makinig sa iba (nanay ko pa yun ha, hehe).

    Like

  27. byen byen says:

    nakaka relate naman ng blogs mo mrs miranda 😍 especially now that im 5mos preggy. parang nagiging guide ko mga posts mo. God bless πŸ˜‡

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s