Kailan ba ang perfect timing para sabihin na nasasaktan ka na?

Nagtambay ako sa room ko kanina at ang dami kong nahalukay na journals ko. Nakuha ko pa yung isang journal na puro sama ng loob at disappointment kay Chito, haha! Sakit talaga sa ulo si Chito dati, haaaaaay! Pero natatawa na lang ako kapag nababasa ko kase ang drama ng mga pinagsusulat ko rin. Pero naramdaman ko rin sa journals ko kung gaano ko siya kamahal kahit noon pa man, kahit ganun siya kasira ulo. Haaaay, ang pag ibig nga naman!

May ginawa lang akong letter sa kanya pero hindi ko binigay sa kanya at hindi ko rin binasa sa kanya ever. Now ko na nga lang ulit nabasa after more than three years.

Kapag nasasaktan kase ako, tumatahimik lang ako. Hindi ko maexpress agad agad yung gusto kong sabihin. Ang hirap kasing i-edit agad sa utak tapos nasasaktan ka pa. Maganda kase na perfect yung sasabihin mo sa kanya at kalmado ka. Mahirap magsabi ng nararamdaman kapag nasasaktan ka, kase baka masaktan mo rin siya.

May mga bagay bagay kase minsan na nagagawa o nasasabi natin kapag galit tayo. At pagkatapos mo nang sabihin ang nasa saloobin mo, magsisisi ka pagkatapos kase may mga bagay na nasabi mo na hindi mo na sana sinabi, mas lalo tuloy magkakalamat ang relationship nyo.

Kaya ako kapag nasasaktan, tumatahimik lang ako at nagsusulat. Doon ko lahat binubuhos ang gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Hindi mo kailangang i-edit yung sasabihin mo, hindi kailangang galingan ang mga words, walang judgment, malaya ka kung ano ang gusto mong sabihin.

Mas pinipili ko kase na magspread ng good vibes at love lang lagi. Gusto ko masaya lang lagi sa paligid ko. Kapag malungkot ako, nagkukulong ako sa room ko at nagsusulat lang ng mga saloobin ko. Ayaw ko naman na iparamdam sa mga taong hindi involved yung sama ng loob ko. Mabigat kase yun saka unfair naman sa kanila. Ayun ang mga taong dapat din iwasan, yung hinihila ka nila sa magulo nilang mundo para pare pareho kayong bitter at madrama sa buhay.

Gusto ko lang i-share yung letter na ginawa ko kay Chito noong mga panahong nasasaktan ako pero hindi niya alam, haha! Baka sakaling may maka relate sa nararamdaman ko nung mga panahon na yun.

Huwag kang maniwala kapag sinasabi ko na walang problema, na ok lang ako.ย Dahil sa totoo lang, nagdurugo na ang aking puso. Huwag kang maniwala sa mga ngiti na binibigay ko, dahil sa totoo lang gusto ko nang umiyak at tumakbo.ย Akala mo walang problema, pero sa totoo lang parang namamatay na ako.

Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero kung bubuksan mo ang aking puso, alam mo yung durog na durog na at hindi mo alam kung makakaya mo pa? Yung hindi ka na makahinga, na gusto mo nang sumigaw. Gusto mong magalit at magwala? Pero tinatago mo lang ang lahat? Gustong gusto kitang saktan at awayin pero wala na lang ginawa.

Sino na naman yan? Pang ilan na ba ulit yan? Hindi ko na talaga mabilang. Gustong gusto ko nang sumuko. Iniisip ko, may kulang pa ba ako? Ano pa ba ang dapat kong gawin para mabigay ko sa’yo lahat ng hinahanap mo?

Nakakapanliit. Minsan kilala ko pa, minsan mukhang nakakagago na. Ano ba naman yan? Taasan mo naman ng standards. Pero huwag na pala. Ok na siguro yang mga yan. Oo, sige na, payag na ako basta marami sila. Pero teka….

Mahal na mahal kita. Pero bakit mo ba ako sinasaktan? Tatanggapin na lang ba kitang ganyan at paniniwalaan ko ang lahat ng mga pangako mo? Ang mga kasinungalingan mo?

Well yun ang isa sa mga letters na ginawa ko kay Chito pero nanatili lang sa journal ko.

Kaya sa mga nagugulat na akala ng iba ay pakitang tao lang yung pagiging sweet namin sa isa’t isa, naku, kung alam nyo lang lahat ng pinagdaanan namin lalo na siguro ako. Yung pinagdaanan ko nung nagsimula palang kaming naging close ni Chito. Katakooooot takot na paninira at pambubully ng ibang tao para lang hindi maging kami ni Chito. Pero never akong nakipag away o pumatol, kase kilala ko naman sarili ko at alam ko naman ang totoo. Saka ko na lang ikwento yun, haha!

Pero hindi ko kailangan silang i-confront at awayin sa lahaaaat ng mga pinag gagawa nila sa akin, kase alam mo kung bakit? Ang saya saya talaga ng buhay ko at mahal na mahal ako ng asawa ko eh, proud pa siya sa akin, never pa akong nakipag away sa mga lokaret sa tabi tabi, haha! Next time ko na lang ikwento kung paano ko nahandle yung mga ganung klaseng tao at sitwasyon.

-NM

 

Advertisements

27 thoughts on “Kailan ba ang perfect timing para sabihin na nasasaktan ka na?

  1. Mary G says:

    ay… nakakarelate ako. kaso recently, sobrang hirap ng buhay, hindi na maikubli ng ballpen at notebook ang negative feelings kaya madalas kami mag away ng asawa ko ngayon. Pero sa pagsulat pa rin ako nakakahanap ng kakampi,hehehe. good job sa pagtitimpi, sobrang hirap ako jan lalo na pag galit ako, kaya marami ng nagbago samen ng asawa ko.minsan nga ang harsh na namin sa isa’t-isa, pero pag love mo, love mo talaga e. stay in love, Ms. Neri, and I am one of your followers na excited na kay baby ๐Ÿ˜€

    (www.gracefulmusings.com
    mommygraceblog.wordpress.com)

    Like

  2. Maryland Baluya says:

    Grabe relate na relate. Sobrang hirap kapag yung boyfriend mo nasa banda. I mean, nasa banda din ako pero hindi ako katulad nya na kung sino sino na lang talaga kinakausap. Sobrang solid neto, sana pala ganto na lang ginawa ko na sinulat ung saloobin. Pero wala eh, bumitaw na ako. Hindi ko na kinaya lahat ng kasinungalingan. Grabe. Relate..

    Like

  3. Kat M says:

    Pwedeng lyrics ung letter mo.
    Pwedeng gawing kanta ng PNE. ๐Ÿค˜๐Ÿผ

    Relate much sa hindi pagsasalita kapag galit, mahirap kasi ung makakpagbitaw ng masamang salita tapos magsisisi ka, kaya tahimik na lang muna kahit galit na galit na.
    Always always a good read ang entry mo dito.
    Good night Ms. Neri.

    Like

  4. Belle says:

    Pareho tyo,pag galit ako or naiinis tumatahimik lang ako. Ayoko kasi mag Salita ng di maganda sa kapwa or ayoko magdesisyon sa mga bagay hang gang may galit pa akong nararamdaman. Sobra ng powerful ng mga Salita natin, kahit minsan nasabi mo na at gusto mong bawiin wala ka ng magagawa kasi nabitawan mo na yung mga Salita. Good luck sa blog mo, God bless! BTW, Virgo din ako, di ko alam kung isa yun sa mga traits ng Virgo yung tipong papalamig muna at di mag sa Salita pag galit. ๐Ÿ™‚

    Like

  5. jowdijodi says:

    Wow. You really are strong neri ๐Ÿ˜Šโค๏ธ I admire your personality and how you handled your relationship. You deserve all the love from your husband โค๏ธ

    Like

  6. Tortured Soul says:

    Hi. Am one of your follower here.. nakarelate kasi ako sayo eh. Parang nanalamin lang ako sayo. Hehehhe. Anyways,.. same tau pinagdaanan. Itong husband ko before kami naging couple, lovers palang kami, dami din akong nahuhuli sa akto either sa fon or sa aktuhan but wala syang sumbat na naririnig from. Kahit durog na puso ko sa sakit na ginawa nya sa akin. Inaway na ako sa mga babae nya but for what papatulan ko sila,? Hindi ko sila kalevel hahahha. Tahimik lng ako na nagmamasid sa kanya, i still cares for him at hindi nagbago love ko for him. Minsan tatawagin na ako ng friends ko na martyr daw ako sa pag.ibig ko but hindi naman cguro. So evrytime nasasaktan ako, the only way i kept my soul calm and soft, i listened classic songs, write ko sa diary ko which is my diary is my only kakampi na nakikinig sa akin. Hehehe para akong baliw talking to myself bcoz i dont want to share na kahit my bestfriend ako hindi ko sishare nararamdan ko kasi ayaw kung kakaawaan ako nila hehhee. So to make my story short, dumating talaga ang time na if ang lalaki gusto na magsettle down yung parang ang mind nila naging steady na for one person na gusto na nya makasama for life and magkasangga para sa future, pumipili talaga sila kung sino ang karapatdapat, and i was so touches and teary eyed bcoz he stick with me and ako ang pinili nya na maging kabiyak niya pamhabang buhay. His life changed bcoz of me. He came back his goodlife to God and serve God with me. Weve been married 8years na kami and counting and blessed with one son. Hehehehehhe. Blessed din ako kasi naging nag iisang princessa ako ngayun sa buhay nya kasama ang aming prinsipe. GOD IS GREAT AND GOOD ALL THE TIME.

    Like

  7. hannah pamela says:

    Mahirap talaga magsalita pag galit na galit ka kasi yung mga masasakit na salita hindi na mababawi yun. Hirap lng pag sobrang sama ng loob eh yung mapapaiyak ka na lang gustung gusto ng sumigaw pero pinipigilan. High school naman ako nung nahilig ako magsulat ng kung anu ano pero madalas yung mga nararamdaman ko nakakagaan ng loob after nun pag babasahin ko naman natatawa ako kasi ang drama ko hahahaha! Tinatapon ko nlng kasi nahihiya ako baka makita ng nanay o ng kaibigan ko. Isa pa sa mga ginagawa ko pag malungkot o masama loob ko nakikinig ako ng music, emotera ako eh hehe! Feeling ko ako yung kumakanta parang nagkoconcert hehehe! Naalala ko din rumerenta pa ko ng cd para manood ng movie ang pinipili ko yung pangbata maladisney para light lang walang drama happy ending, ayun ok na ko sa ganun.
    Pasensya na napahaba ata comment ko hehe! Good night๐Ÿ˜„

    Like

  8. Aine says:

    Buti napatawad mo si chito.. Grabe nga siguro ung love mo sakanya.. Niloko ako ng taong mahal ko pero sa kasamaang palad ung other girl ang pinili nya.. Ako ung pinili saktan at iwan kahit almost 5yrs na kami.. Hhhhaaayy buhay nga naman.. Well mga 3mos ago pa lang un.. Sila masaya.. Ako eto moving on… Pinilipit ngumiti khit rmdm ko pa ung sakit ng panggago nya sakin.. Tulad ng sbi mo unfair sa ibng tao na mddmay sila sa nararamdaman mo kya aun ngiti n lang.. Hhhhaaayy..

    Like

  9. rizamagbitang says:

    relate much neri..haha ganyang ganyan ako sa asawa ko..ay grabe..minsan ung ibang eksana pa nga namin di ko akalain na mangyayari sakin e..dahil akala ko sa t.v lang nangyayari yung mga ganon..pagka nagagalit ako tahimik lang din ako..nagtatype ako sa memo ng phone ng mga gusto kong sabihin na diko masabi kasi nga galit ako..kaya pagka nahimasmasan na ako dinedelete ko na haha..minsan kasi kahit sobrang close tayo sa asawa natin may mga bagay padin tayong di masabi kagad diba..so ayun lang..iniintay ko nga pala yung kwento mo sa mga chicks ni chito..hahaha

    Like

  10. Mary ann morales says:

    Hala…parang lyrics ng kanta! Ate neri damang dama…. Habang binabasa! Sa totoo lang habang binabasa ko parang agad agad malalagyan ng tono kse ramdam na ramdam yung sakit… Parang habang binabasa biglang naimagine kita na sinusulat yan…. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ….gaya din po pala kita mula nung isang beses nakapagbitiw ako ng masasakit na salita dati tapos parang sumobra kase nga super galit ko…. Nung medyo nahimasmasan mas lalo ako yung dumibdib nung sinabi ko kaya mula nun sinusulat ko nalang…. Tas pag nakakakalkal ulit mga sulat nayun masasabi ko nalang hala! Sinulat ko ba to…. Ang drama ko naman… Hahahha pero ayus yun… Pag napatawad na kse o wala na yung galit…. Mas maganda nalang na pagtawanan yung mga pangit na nangyari dati.. Kesa balik balikan pa….. Matatawa ka nalang talaga kse marerealized mo na napagdaanan ko pala yun…. At masasabi mo na nalagpasan namin yun kaya mas matibay kami ngayon… ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

    Like

  11. CheChe Tejada says:

    “Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero kung bubuksan mo ang aking puso, alam mo yung durog na durog na at hindi mo alam kung makakaya mo pa? Yung hindi ka na makahinga, na gusto mo nang sumigaw. Gusto mong magalit at magwala? Pero tinatago mo lang ang lahat?”

    “Mahal na mahal kita. Pero bakit mo ba ako sinasaktan? Tatanggapin na lang ba kitang ganyan at paniniwalaan ko ang lahat ng mga pangako mo? Ang mga kasinungalingan mo?”

    – ito yung mga words na gusto kong sabihin sa kanya nung alam kong nasasaktan na ako. Sobrang relate ako. Dapat ko bang sabihin or quiet na lang?

    Like

  12. mismei says:

    grabe ang galing mo ati. pag ung jowa ko may babae parang ayoko na lang haha! soooobrang nakakapraning. kahit okay na kayo lagi ka pa rin may duda. ung sakin once ko lang na-experience tapos di na sya umulit at naibalik nya ung tiwala ko after 2 years! pero si chito paulit-ulit tapos napapatawad mo at nag-stay ka? WOW! pero kung sumuko ka dati edi wala ka sanang chito ngaun na mahal na mahal ka. sulit din pala lahat ng pain at pagtitiis. happy ako for you both, swerte kayo sa isa’t isa ๐Ÿ™‚

    Like

  13. Marian Carpio Borja says:

    Hi Neri, nakakaaliw ka talaga…there were many times habang binabasa ko mga post mo feeling ko ako ang nagsasalita (except nga lang sa looks hahaha kasi sobrang lamang na lamang ka dun hehehe) feelings and thoughts inde nagkakalayu.. I have letters din na sinulat ko na di ko naparating sa asawa ko…and I know the feeling while writing ung tipo bang sikip na sikip ung dibdib mo tapos sabay papatak ang mga luha….then after nun kapag wala ka ng masabi para isulat para bang nakahinga ka na ng maluwag kaya parang ok ka na ulit…Parang ngaun lang napakarami kong good and bad thoughts about our relationship and napakahirap talagang tumayming…di mo talaga masabi kailan ang perfect time…by the way, May I tell you na I started following you and Chito last 2013 (not to mention na fan na ako ni chito since 1993, hahaha Batchmates kami..di nga lang same skul) at that same year when I had my first android phone para lang makapag install ng instagram account para ma follow kau…anyway since then Na inspire ako to post good vibes lang…unang mga post ko is happy moments with my family then napuno na ng qoutes ang IG ko…Tapos si Chito naman kapag tinitignan ko mga post niya para bang how I wish ganun din ka proud ang asawa ko na ipagsigawan sa buong mundo ang Love and admiration niya sau and many times din na nagreply sya akin…I know many would like to meet you in person and isa na ako dun but that is kind na malabo (pero hopeful pa din ako in one fine day mangyare ) Gusto ko nga sana mag reseller ng gourmet tuyo mo eh I attempted but I guess I did not pass your qualification…its alright…sorry nga pala up till now di pa rin kami nakakaorder ng PNE shirt pero saan ba makikita avail na designs? (napilit ko na din finally asawa ko na mag order gusto niya lang daw muna pumili ng designs)… Well wishes for you both and your baby…looking forward for more na nakakaaliw na mga kwento! till next time…

    Like

  14. mrsC says:

    nakaka inspired ka lalo mrsmiranda๐Ÿ˜. No i know kung papano ko e handle ang galit at tampo ko sa asawae.hehe thanks alot๐Ÿ˜˜

    Love,
    Mrs. C

    Like

  15. elishamc says:

    Good day po Ate Neri!
    avid fan mo ako sa mga sinusulat mo. mapa IG man or kahit dito sa blog mo. actually matagal ko na din gusto magkaroon ng blog..maraming beses na ako nag attempt gumawa.hehe.pero ngayon lang ako nainspire through your works. Inlove na inlove ako sa mga sinusulat mo.

    Well, nasubukan ko na din po na kapag nasasaktan ako tatahimik na lang ako or deadma na lang sa problema lalo na kung para sa taong mahal na mahal mo. Dumating pa po ako sa point na para lang bumalik sa akin si bf, pumayag akong dalawa kami sa buhay nia. Ang mas masakit pa dun, kahit na alam kong mas gusto nia that time ung isang girl pinilit ko pa rin gawing normal yung relasyon namin..lahat na nga ng mga kaibigan ko noon nagagalit sa akin kasi masyado na daw akong nagpapaloko sa guy. Pero lagi kong sagot sa kanila..hanggat may kaya pa akong gawin para dun sa guy gagawin ko para pag dumating ang time na sabihin ng puso ko na pagod na sya at panahon na para itigil ko na dahil sobrang sakit na, no regrets ako. Dahil minahal ko sya ng walang kapalit. Unconditional love nga kumbaga..hehe..
    Until dumating ‘yung time na di na talaga nagwork ‘yung relationship namin. In short, nagsawa pa din sya sa akin. Naghiwalay kami without any formal closure. Sobrang sakit nung ginawa nia ate. Pero nagmove on at naglet go din ako..Masyado po kasing mahaba pag ikukuwento ko pa.haha!

    Kailan nga ba ang perfect timing para sabihin na nasasaktan ka na?
    For me, ito ‘yung time na wala ka nang maibigay na love sa iba pati sa sarili mo. Any form of love. Kasi, in the absence of love, the presence of negative attitude will arise. โ˜บโ˜บโ˜บ
    Kasi pag naging negative ka na sa buhay, wala na din magmamahal sayo..masasaktan ka na na ng tuluyan. โ˜บ

    Thankful po ako sa buhay mo Ate Neri pati na din kay Kuya Chito at sa new blessing nio kay baby!!!. May the LORD bless and guide you always!!!
    Pasensya na din po sa mali maling grammar..hehe.
    I love you po. โ™ฅโ™ฅโ™ฅ. Thank you for inspiring us everyday! Thank you for sharing your life to us! Sana makwento mo din sa blog mo how GOD inspire you a lot and how GOD moves in your life! hehe.
    GOD bless!!!!

    Like

  16. angeljustiniano says:

    Aww sobrang nakakainspired ka talaga ๐Ÿ˜ kaya lagi ako nag a-abang ng mga posts mo eh. Napaka positive, good vibes at full of love. I’m also pregnant *8months* kaya madalas akong makarelate sa mga pinopost mo. Hihi ๐Ÿ˜ Pero ang pagkakaiba lang, hiwalay na kami nung guy pero continue padin ang support niya. Sana lang tulad niyo din kami ni Chito. I always admire you Neri. ๐Ÿ˜ Can’t wait na makita ko ang family picture nyo nla Chito. God bless!!

    Like

  17. Anonymous says:

    Gusto kitang yakapin. Sa totoo lang, ang lakas mo. There was this time na I was hanging out with this guy na vocalist din ng sikat na rockband. Our “relationship” wasn’t forbidden naman, single sya, single ako. Pero we weren’t officially together, lampungan lang. I’m in no way showbiz, as in I’m nobody, and hindi naman talaga kami, so I wanted to be incognito. But this ONE time, sabay kami umuwi from a gig ni rockstar, and some girls saw me get in his car. Eh most of their fans are fan girls talaga, and bata. Bibilib ka din sa research skills nila eh, parang may underground committee din sila and they discuss people there, I got some trashy, mad mails from girls! I was more scared than offended kasi how did they find my Facebook? And that was from one “sighting” ha. I can only imagine what more, ikaw. And you stuck together after everything that happened. Sobrang lakas mo. Bilib na bilib talaga ako sayo. To think mas matanda pa nga ako sayo, pero I really admire you. No words talaga! Utmost ang respeto ko sayo. With the way you handle everything, sobrang classy and real. Siguro pag nakita kita, yakapin nga kita! Hahahah!! Kaya lang ang shocking naman nun, baka matakot ka. Wag nalang. Magpapakilala nalang ako.

    Like

  18. secretsurpriseblog says:

    Gusto kitang yakapin. Sa totoo lang, ang lakas mo. There was this time na I was hanging out with this guy na vocalist din ng sikat na rockband. Our “relationship” wasn’t forbidden naman, single sya, single ako. Pero we weren’t officially together, lampungan lang. I’m in no way showbiz, as in I’m nobody, and hindi naman talaga kami, so I wanted to be incognito. But this ONE time, sabay kami umuwi from a gig ni rockstar, and some girls saw me get in his car. Eh most of their fans are fan girls talaga, and bata. Bibilib ka din sa research skills nila eh, parang may underground committee din sila and they discuss people there, I got some trashy, mad mails from girls! I was more scared than offended kasi how did they find my Facebook? And that was from one “sighting” ha. I can only imagine what more, ikaw. And you stuck together after everything that happened. Sobrang lakas mo. Bilib na bilib talaga ako sayo. To think mas matanda pa nga ako sayo, pero I really admire you. No words talaga! Utmost ang respeto ko sayo. With the way you handle everything, sobrang classy and real. Siguro pag nakita kita, yakapin nga kita! Hahahah!! Kaya lang ang shocking naman nun, baka matakot ka. Wag nalang. Magpapakilala nalang ako.

    Like

  19. Tessa Jane Mamad says:

    Hi Ms Neri, avid follower mo ako. Kahit nung nasa SCQ kapa hanggang ngayon. Medyo mahaba to, sorry! Pero paki basa naman please. Hehe.

    Ganito talaga siguro pag Virgo ano? Mahilig mag sulat nang kung anu-ano. Virgo kasi ako, mahilig akong mag sulat ng kahit anu. Especially pag malungkot ako. Ang dami kung notes. Di ko rin kasi ma voice out sa partner ko mga hinanakit ko or yong mga nararamdaman ko. Natatawa na lang din ako pag binabasa ko ngayon kasi nga ang drama haha. Anyway, di ko pa nasusubukang basahin sa kanya. Haha. Nahihiya ako eh.

    Anyway feeling ko relate na relate talaga ako sau. Hehe. Growing up di rin ako kagandahan, nobody lng din.. Haha.. Hay anu bayan, dami ko kwento gusto ko rin mag blog. Haha

    Take carr Neri.. ๐Ÿ˜Š

    Like

  20. Bernadette I. Ruales says:

    I have so much respect and admiration with your strong personality and character. May God continue to bless you with good and happy life. โค๏ธ

    Like

  21. kellypatotie says:

    Sana noon ko pa to nabasa para nabago din sarili ko. I was once a person na sa papel at ball pen nakakahanap ng kaibigan pero nabago nung tumira ako ng states na adopt ko yung ugali ng mga kana na Nagger at naging ganun ako sa partner ko. Naun balik ako sa lapel at ball pen na kaibigan. Wala na kasi Natira kahit kabigan sakn. Nagkalamat na relasyon namin. I admire your word of wisdom ate

    Like

  22. veenaleektud says:

    Masasabi kong ang astig mong girlfriend sa Entry na ‘to. Paano mo nagagawang magtimpi na lang sa mga babaeng haliparot? Ang swerte ni Chito sayo kasi madalang na lang ang mga babaeng katulad mo at maswerte ka rin kay Chito. Kasi sa dinami raming babaeng inuwi niya sa bahay niya ikaw yung natira. Iba ka! Ang lakas mong maka PBB at Survivor Philippines ah. Bilib ako sa tiyaga mo kay Chito. Thumbs up! More blogs and blessings to come Neri!

    Like

  23. Celebrian says:

    Hi MS Neri. Relate naman ako ng sobra sa pinagdaanan mo. Akala ko ako lang ang nakakafeel ng ganito. Feeling ko kasi, hindi ako enough sa boyfriend ko kaya naghahanap sya ng iba. Di ko lang talaga mainitindihan kahit binibigay ko na lahat sa kanya ๐Ÿ˜”

    Like

  24. blessedgirl says:

    Hi Ate Neri… Gustong gusto ko binabasa yung blog mo naiinspire ako sayo…… Kaya mo pa din magbigay ang love kht ilang beses ka ng nasaktan… idol tlga kta…. Godbless te gusto ko tlga maging katulad mo…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s