Ang malandi kong boyfriend….

“I remember when you couldn’t wait to love me, used to hate to leave me….

It used to be so natural, to talk about forever. But used-to-bes don’t count anymore, they just lay on the floor till we sweep them away….

And baby I remember all the things you taught me, I learned how to laugh and I learned how to cry. Well, I learned how to love and I learned how to lie. So you think I could learn how to tell you goodbye….”

Haaaaaay. Napakasad ng song na ‘to. Tagos sa puso!

Ang dami ko kasing narereceive na messages tungkol sa love, asking for advice.

Hindi naman ako expert sa love, and hindi ko din alam kung bakit, pero ako ang madalas nilalapitan kahit ng mga kaibigan ko pagdating sa mga ganyang problema.

Kapag humihingi ng advice ang mga kaibigan ko, hindi ko shinu-sugar coat ang mga sasabihin ko. Halimbawa, nag away sila ng boyfriend o asawa nila, kapag yung friend ko ang may mali, papagalitan ko talaga yung friend ko. Hindi ko talaga kakampihan kahit siya ang kaibigan ko pero hindi ko naman siya ilalaglag sa partner niya. Kaya siguro minsan takot silang magsabi sa akin ng mga “problema” nila.

Minsan, mas maganda daw na makinig na lang daw sa mga hinaing, reklamo, at problema nila sa buhay. Pero ang sa akin naman, kung tunay kang kaibigan, hindi ba dapat pangaralan mo kapag mali na? I-guide mo sa tama. Pero kahit ilang beses mo naman silang bigyan ng advice, nasa kanila pa rin naman yung desisyon kung ano ang susundin nila at gagawin nila. Kumbaga, pinaparamdam ko sa kanila na andito lang ako para sa kanila.

Anyway, may nagmessage sa akin na isang follower ko sa Instagram. Sooobrang haba ng kwento nya pero syempre nag enjoy naman ako basahin kasi mahilig din ako magbasa ng mga kwento nyo hehe! May boyfriend daw siya for three years. Live in sila sa isang maliit na apartment at ok naman daw lahat. Kaso nagkaron daw ng problema: biglang nagparamdam yung ex girlfriend ni boyfriend kaya naiba ang ikot ng love story nila.

Alam naman daw niya na nangungumusta minsan si ex girlfriend kay boyfriend. Sinasabi naman ni boyfriend yun sa kanya. Ok lang naman sa kanya kase naging kaibigan naman ni boyfriend si ex girlfriend. Wala namang kaso sa kanya yun at hindi naman siya selosa. Kaso may hindi magandang nangyare sa pamilya ni girlfriend.

Teka. Para hindi mahirap magkwento, pangalanan nalang natin si girlfriend bilang Angela. Hindi niya ito tunay na pangalan. Baka magalit siya sa akin kung sabihin ko yung totoong name nya hahahaha!

Anyway, namatay daw yung tatay ni Angela kaya kinailangan niyang umuwi sa probinsya. Dapat mga two weeks lang daw siya dun, kaso yung two weeks naging two months. Ang dami kase niya daw inayos na problema sa probinsya. Siya lang daw kase ang inaasahan at lahat nakadepende sa kanya.

Bumisita naman daw si boyfriend sa kanya. Tawagin nalang natin siyang Boyfie para mas nakakaasar hahaha! Anyway, mga tatlong araw lang daw nagstay si Boyfie sa probinsya nila Angela kase hindi eto pwedeng mag absent ng matagal sa trabaho niya.

After two months, bumalik na sa Manila si Angela. Normal naman daw lahat nung bumalik siya. Parang walang pinagbago sa samahan nila.

Hanggang sa may natuklasan si Angela sa may labahan.

May nakita siyang maliit na sando na kulay beige. Kinuha niya eto at inamoy. Amoy pabango ng babae. Tinignan niya yung itsura ng sando. Hindi mahilig magsando si Angela at sigurado siyang hindi sa kanya yun kase medyo chubby daw siya, at ang size ng beige na sando…extra small!

Hinintay niyang umuwi si Boyfie. Medyo late daw nakauwi si Boyfie. Hindi nagsalita si Angela. Pinaghainan niya pa ng dinner si Boyfie at pinagmamasdan. Mukha namang daw hindi nakakahalata yung isa.

Hindi na napigilan ni Angela na itanong kung kanino yung beige sando na nasa laundy. Sa kapatid niya daw na babae. Nakitulog daw nung isang araw. Tapos kumain na lang daw ulit si Boyfie at hindi na daw nagsalita.

Feeling ni Angela nagsisinungaling si Boyfie pero hinayaan na lang muna niya. Kase kutob pa lang naman daw at isang beige na sando, hindi pa nahuhuli sa akto.

Hinayaan nya daw kunware si Boyfie pero sa totoo nag imbestiga na siya.

Lagi daw dala ni Boyfie yung phone niya kahit sa banyo! One time, nagtutulug tulugan si Angela, kaya binuksan ni Boyfie young phone niya at nakita daw ni Angela yung code ng phone niya at minemorize daw niya ‘to. Hahaha! Tapos may nabasa siyang sweet messages sa screen, nagreply naman daw ang gago ng “Good night, I miss you too, can’t wait to see you tomorrow! Sorry, di tayo masyadong nagtagal kase nandito na si Angela. Nanggigigil pa man din ako sayo ngayon!”

Gusto daw kunin ni Angela yung phone at itapon sa mukha ni Boyfie at mura murahin. Gustong magwala ni Angela. Gusto niyang gerahin yung kausap ni Boyfie sa phone. Pero wala daw siyang nagawa kundi magtutulug tulugan na lang. Binaba na ni Boyfie yung phone sabay yakap daw kay Angela. Ang saklap no?

Inalam ni Angela kung sino yung katext ni Boyfie habang tulog sya. Since namemorize daw niya yung code sa phone ni Boyfie, nabuksan niya eto. Iba daw yung pangalan na nakasulat! Pangalan ng lalake! Chineck niya daw sa viber contacts yung phone number at nakita daw ni Angela yung photo ng babae.

Ay sus! Si ex girlfriend!

Tawagin nalang natin na Sadako si ex girlfriend hahaha! Demonyita sana pero ang haba masyado.

imgres

Di daw talaga maintindihan ni Angela kung bakit. Matagal na silang break. At saka nagloko pa daw itong si Sadako nung sila pa ni Boyfie. At nakailang boyfriends na rin daw tong si Sadako after Boyfie.

Ang landi lang talaga nitong si Sadako. Haaaay.

Kinausap daw ni Angela si Boyfie. Una medyo dinedeny pa daw niya pero nung nakita niyang umiiyak na si Angela, inamin na rin daw niya lahat (o medyo lahat). Sabi ni Boyfie, wala lang daw yun. Pinagtitripan lang daw niya si Sadako. Kumbaga, chini-chicks niya lang daw yun! Normal lang daw yun sa mga lalake.

Gulong gulo daw si Angela. Mahal na mahal niya daw si Boyfie pero tama bang magstay pa siya at tanggapin niya lahat ng mga paliwanag at kasinungalingan ni Boyfie? Hanggang kailan ba daw siya magtitiis? Nag iba na rin daw ang pagsasama nila. Hindi na daw masaya si Angela kase araw araw siyang nasasaktan pero bakit ang hirap daw umalis at iwanan si Boyfie? Tanga ba daw talaga siya o sadyang nagpapakatanga lang? Gusto niyang gumanti at saktan si Boyfie para malaman ni Boyfie kung gaano kasakit yung naramdaman nya. Ano ba daw ba ang gagawin niya?

Nagmamahal,

Angela

Hi Angela!

Ano ba daw kase ang “normal” sa isang relationship? Mahirap din kase magsalita para sa lahat eh.

Alam ko din kase na kapag na in love ka, yun na yun eh. May mga bagay bagay tayong hindi nagagawa dati na handa nating gawin para sa taong pinakamamahal natin. At minsan nagpapakagago at nagpapakatanga tayo para sa kanila.

Ayun din ang feeling ko na normal dati, ang magpakagago at magpakatanga para sa taong mahal ko. Haaaaay.

Mahirap yan kapag may mga nanggugulo sa inyo. Nung bagong boyfriend ko pa lang si Chito, napakaraming “Sadako” sa tabi tabi, haha! Madalas sinisiraan pa nga ako para lang magalit si Chito sa akin. Hindi ko naman pinapansin. Minsan may mga tatawag na lang kay Chito ng mga alanganing oras na alam mo namang nananadya. Hindi ko pa rin pinatulan. Marami akong karanasan sa mga “Sadako”. Minsan naijo-joke ko na lang na sa sobrang bait at pasensyosa ko, eh dapat magtayo na sila ng rebulto ko sa harapan ng bahay ni Chito! Hahaha!

Minsan nga may pumunta pa sa bahay ni Chito tapos nagspray ata ng pabango sa mga unan ni Chito. At napapansin ko din na nauubos yung mga shampoo at moisturizers ko kase yun pala ginagamit ng lola mo, haha! At ang nakakatawa pa niyan, dinisplay niya pa nya yung napakalaki niyang picture na naka frame sa kwarto ni Chito. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa na lang sa kahibangan niya. Hindi ko rin pinatulan.

Dati naman may nag-iwan ng brown lipstick at hikaw na napakahaba, pero walang tatalo dun sa nag-iwan ng sanitary napkin. Alam mo yung nananadya na talaga? Parang gustong sabihin sa akin na, “hoy, andito ako kanina, wag kang magfeeling dyan!”.

Hindi ko talaga pinapatulan yung mga ganung klaseng babae. Hindi kase ako nakikipag away dahil sa lalaki. Marami naman dyan eh. Bakit ako makikipag away dahil lang sa isang lalaki, eh di sayo na lang siya, di ba? Ganun ang attitude ko. Basta ang alam ko, kapag naging girlfriend ako, maswerte yung lalaki kase grabe naman akong magmahal at mag alaga. Dun ako proud sa sarili ko. Hindi ako hassle na girlfriend at hindi ako nagiging problema.

Marami pang mga pambubully na ginawa sa akin nung mga “Sadako” sa paligid namin ni Chito. Pang teleserye yung mga pinag gagawa nila, ay grabe talaga! Ibang level. Ibang klase. Ayaw ko na lang din isa isahin kase tinatamad na akong ikwento yun, haha! Ang mahalaga ay andito pa rin kami ni Chito, masayang nagsasama. Hindi ko alam kung masaya ang mga buhay ng mga mean sa akin dati kase hindi ko rin naman chinecheck ang buhay nila. Masyado akong busy at masaya sa buhay. Pero malamang binabasa nila etong blog ko, HELLO! Hehe!

Anyway, balik tayo kay Angela. Naitanong mo ba kay Boyfie kung saan ka nagkulang? Minsan kase akala natin ok ang lahat pero hindi naman pala. Try mo siyang kausapin nang mahinahon. Dapat kalmado kayong pareho para mabigyan nyo ng solusyon yung mga problema nyo. Mahirap magkaintindihan kapag parehong galit at parehong mapride.

Bawal ang mapride sa relationship kung gusto mong magtagal kayo. Meron at meron talagang magpapakumbaba. Hindi pwedeng dominante kayong pareho. Pero know your value. Hindi ibig sabihn na inalis mo ang iyong pride ay hahayaan mo ng bastusin ka niya. NO. Alam mo dapat yan, matanda ka na.

Kung sinaktan ka ni Boyfie, tama bang gantihan mo rin siya? Nagegets ko yung sakit at galit na nararamdaman mo pero ganun ka bang klaseng tao? Na kapag nasaktan ng iba, gagantihan mo rin para patas na kayo at kalimutan na nagkasakitan? Ganun ba yung gusto mo? Ganun ka ba talaga?

Kung sinaktan ka niya, wag kang gumanti. Baka pwedeng intentional ka nyang sinasaktan o sadyang bobo lang siya at di naiisip na masasaktan ka niya sa mga kalokohan nya. Gantihan mo ng kabutihan. Kung ayaw mo pang umalis sa relationship nyo, pagsilbihan mo siya. Ipakita mo sa kanya kung ano ang mawawala sa kanya kapag magsawa ka na sa pagiging martyr. Wag mong gawing kawawa ang itsura mo. Lumaban ka. Hindi yung susugurin mo yung babae at aawayin mo si lalaki tapos andun ka pa rin sa bahay ni lalaki. Gulo mo di ba? Not unless, trip mo yang mga ganyang klaseng drama. Step up and improve your game.

Ano bang ginawa ko nung ang daming umaaligid sa tabi tabi at naninira. Pinagsilbihan ko si Chito. Minahal ko pa siya lalo. Never ko siyang binigyan ng kahit anong hassle sa buhay. Never akong nagbunganga sa kanya. Never akong nagwala. Never ko siyang inaway. Kahit nasasaktan ako sa kanya dati dahil sa kanyang pambababae at feeling ko hindi niya ako pinagtatanggol sa mga babae na umaaway sa akin, minahal ko pa rin siya. Ginantihan ko siya ng kabutihan. Hindi siya nakarinig ni isang reklamo galing sa akin.

Nung nagtwenty eight ako, narealize ko na tumatanda na ako at hindi eto yung gusto kong relationship. Gusto ko ng normal na buhay. May matinong asawa, mapagmahal na mga anak, simpleng bahay, simpleng buhay. Ayun talaga ang gusto ko. Paano kung mag thirty five na ako tapos ganun pa rin yung lifestyle ni Chito? Tapos dun palang kami magdecide na hindi talaga magwowork eh. Mahirap yun. Kaya nagdecide na ako noon, sinabi ko sa kanya na siguro hindi kami para sa isa’t isa. Hindi ko siya inask na magbago para sa akin. Sinabi ko na lang sa kanya na, nakilala naman kita na ganyan talaga eh. Perfect ka na sana kung di ka lang malandi. Pero syempre, lifestyle mo na yan eh. Kumbaga ikaw na yan talaga. Baka kako may babae na maiintindihan ka pa sa situation mo. At ako naman, merong lalaki para sa akin. Wag na lang ipilit yung hindi naman pwede. Maghiwalay nalang tayo habang mahal pa natin ang isa’t isa, at may respeto pang natitira. Mas maganda kako na maghiwalay kami na ok.

Ang loko, kinagat naman yung break up drama ko di ba? Hahaha! Hindi man lang ako hinabol o sabihan na baka nabibigla ka lang. Ayun, nagmayabang pa sa akin, sabi niya ok daw yun at mamayang gabi ide-date niya daw lahat ng mga girls na nilalandi siya o nilalandi niya, basta naglalandian sila, haha! Hanep di ba? Pero syempre, hindi ako nagpahalata na nasaktan ako dun. Nagsmile lang ako tapos niyakap ko siya.

Gabi na nung umalis siya, habang naiwan ako sa bahay ni Chito. Nagliligpit kase ako ng mga gamit ko para iuwi na lahat. Napakaraming ligpitin! Mga libro palang eh, dalawang balikbayan boxes na agad, kabibigat pa! And besides, hindi naman ako marunong magdrive at naka-off si Mang Din (yung driver ko) nung time na yun. So nagpahinga muna ako at nakinig ng mga heartbreaking songs. May playlist kase akong ganun sa ipod ko, pang emote lang, haha! Tapos biglang tumugtog yung kanta niyang “Halaga”. Sarap ibato ng ipod ko nun! Ang galing di ba? Galing niyang mag advice sa ibang babae samatalang yung girlfriend niya eh ganun ang pinagdadaanan! Hanep di ba?!

Siguro wala pa sa isang oras na nakaka alis si Chito, nagulat nalang ako na may narinig akong pumasok na kotse sa garahe at nagmamadaling umakyat sa second floor kung nasan yung room ni Chito. Pagbukas niya, andun pa rin ako nakahiga pero nakakalat pa rin yung ibang mga gamit kase pagod na nga ako sa kae-empake.

Bigla niya akong niyakap.

Ang lamig lamig ng mga kamay niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagsosorry siya sa akin. Sinabi niya sa akin na naiinis daw siya sa sarili niya kung bakit nya nagawa yun sa akin. Ano ba daw ang iniisip niya? Makikipag date siya sa mga girls na tipong tambay ng mga clubs at bars? Oo syempre daw kapag makita siyang kasama yung mga yun na sexy at pinagpapantasyahan ng ibang mga lalake, maiinggit daw sa kanya. Pero yun ba daw talaga ang gusto niya sa buhay? Ganung klase bang mga babae ang gusto niyang pakasalan?

Samantalang may isang babae na simple lang, walang hassle, at mahal na mahal sya na naiwan sa bahay niya na nagiisip na hindi daw sya mahal. Pero sa totoo, yun daw ang mahal na mahal niya at gusto niyang pakasalan. Gago at tanga lang daw siya.

Nakwento niya na habang nagmamadali siyang umuwi na nagpray siya at nangako siya kay God na hinding hindi na niya ako sasaktan. Nagbago siya on his own, hindi dahil sa sinabihan ko siya na magbago para sa akin.

Anyway, kaya kung mapapansin nyo kung gaano ako kamahal ni Chito at kung gaano siya magpasalamat sa akin kase sobra talaga ang pinagdaanan ko sa kanya, tapos ang dami pang gumugulo sa tabi tabi. Grabe din kase ang pasensya ko sa kanya. Mahal ko eh. Mahal na mahal ko talaga. Sa kanya lang ako nagpakagago at nagpakatanga ng ganyan. Na in love si Neri kay Chito. Pati ako nagulat kase patay na patay ako sa kanya kase hindi ako ganun sa mga past relationships ko before. Nagtitira ako sa sarili ko. Wala eh, nakahanap ako ng katapat ko.

Ang gusto ko lang sabihin din, kung hindi ako nagtyaga kay Chito noon, eh di sana di ko mararanasan yung happiness na meron kami ngayon. Kung hindi ako nag take ng risk, di ba? Nagbago siya ng kusa, hinayaan ko lang siyang matuklasan niya sa sarili niya ang lahat lahat. Buti naman nagising ang loko, haha! Pero kung hindi naman kami nagkatuluyan ni Chito, hindi pa rin ako magsisisi sa lahat ng naging desisyon ko kase wala naman akong ginawang masama sa kanya kahit yung mga panahong nasasaktan niya ako.

Kung may ginawa sayo yung tao, kung nasaktan ka niya, wag mo ding saktan, gantihan mo ng kabutihan. Mapapahiya yung taong nanakit sayo. At sa lahat naman ng mga “Sadako” na ma eencounter mo pa, wag mong patulan at pansinin. Tawanan mo lang. Syempre nakakapikon kase di ba, ang lalandi nila? Sarap talagang sampulan! Pero lagi mong iisipin na maraming nakakalat na “Sadako” sa mundo, at nasa boyfriend mo o asawa mo na lang yun kung papatol siya o hinde. Kase may choice siya. Wag ka sa mga “Sadako” magalit kase given na yan sa mundo na meron at merong manggugulo sa relationship nyo. Nasa sa inyo na yan kung paano nyo i-handle.

Basta ang mapapayo ko lang sa inyo, mahalin nyo lang ang mga partners nyo unconditionally. Kung maghanap siya ng iba pero alam mong naibigay mo na lahat, wala sayo ang problema. Kung mahal mo talaga at kaya mong tiisin pa ng hindi sinusumbat sa partner mo ang lahat ng mga sakripisyong ibinigay mo sa kanya, sige mag stay ka, mahalin mo pa ng sobra sobra, malay mo, biglang matauhan di ba? At mabaliktad naman ang mundo, siya naman ang patay na patay sayo. Sarap kaya ng feeling na mahal na mahal ka ng taong pinakamamahal mo.

Pero kung alam mo talaga na wala na talagang pag asa at hindi ka na masaya, alam mo na ang sagot… pag aralan mo na kung paano ka magpapa alam sa kanya. At pag aralan mo na din kung paano mag move on.

Sana nakabigay ako ng konting inspirasyon at pangaral na maganda sayo, Angela at sa lahat ng nakakarelate ng ganitong klaseng sitwasyon.

-NM

Advertisements

92 thoughts on “Ang malandi kong boyfriend….

  1. Maan P. Mercene says:

    Hi neri! Nakakaiyak na nakakaaliw ang blog mo na to. Tagos sa puso. Tama nga naman. May kasabihan na kapag binato ka ng bato,batuhin mo ng tinapay. Bilib ako sayo. Ang galing mo maghandle ng ibat ibang sitwasyon sa buhay mo. Napakalalim mong tao. Sabi ko na nga ba. Unang tingin pa lang sayo,yun na agad impression ko na you’re deep. Keep it up! Keep on inspiring us. Keep on writing. God bless.

    Liked by 1 person

  2. freewhey says:

    Hi Mrs. Neri inabangan ko itong blog na to actually dapat nag comment na ako after ko ito mabasa habang kino-compose ko ung comment ko iyak ako ng iyak hanggang sa nawala na ung iko-comment ko kasi bumalik lahat ng sakit. Naransan ko kasi masaktan sa asawa ko not once but so many times pero katulad mo pinili kong magpakatatag pero umabot na din ako sa puntong gusto ko ng bumitaw buti na lang natauhan ang hubby ko at nagbago sobrang laking pasasalamat ko na magkasama pa rin kami hanggang ngayon at masayang hinaharap ang buhay kasama ng aming anak.

    Like

  3. Toni V. says:

    Flasback un magyari sa akin with my exboyfie at dun sa kalandian nya Misis Miranda habang binabasa ko un post mo at un nagyari kay angela. Hahahaha. Anyway un akin naman ma share ko lang lagi kasi me napunta sa bahay ng boyfie ko noon college kmi. Well kahit nun hs pa kmi. Hehehe. Ayun nga one day umakyat kmi sa kwarto nila. Share room lang sila parents and ate nya. Habang iniintay ko sya noon kasi naliligo sya s baba may lakad ata kami noon. Before kasi ako pumunta s knila sabi nya sira cp nya nakitxt lang daw sya s ate nya ata nun at cp nya asa repair shop. So nun inntay ko na sya i dont know pero super duper lakas ng kaba ko (haba type ko ito nrrdamdaman ko un kaba un, hahaha) na buksan u aparador ng mama nya knowing alam ko mali un. Pero pag open ko may maliit na drawer dun inopen ko. Para automatic lang un galaw ko pag bukas ko andun un cp nya. Grabe para ssabog un dibdib ko sa kaba narramdaman ko s dibdib at tiyan kp para hinahalukay para ako nasa roller coaster. Mabilis ko binuksan un inbox ayun may tx un kalandian nya that time may mga goodnight and goodmorning txt sila. Amputik tlaga. Sakit sa tiyan sa inis. Tinago ko sa likod ko. Umupo me sa kama. Pag dating ni exboyfie ask ko sya “asan nga ba un cp mo?” (Gusto2 ko kasi un marining magsinungaling sya before ko ilabas un sagot ko, ewan Mrs . Miranda ganun ata ako gusto ko handa ako lagi s giyera kaya di ako kaagad ng aaway ng by dati.) Ayun nga sumagot ang kolokoy “asa gawaan nga” sabay labas ko ng cp nya. “Eh ano ito” sabay sway2 ko u cp sa kamay ko. Sa shock nya di sya kaagad makapag salta. Isa lang sa mga eksena nahuli ko si exboyfie nagssandako ng iba. Hahaha. Wala ako regrets sa binigay ko love sa knya kasi buo2 yun at super pasensya din bngay ko s knya. But msakit Mrs. Miranda may part ng pag katao ko nawala. Hindi na ganoon ako kadali mag pasensya at naging matigad na din ako, until I met my husband sya unti2 nag bakik sa akin paano mag pasensya at magpakumbaba ulet. Pero madali pa din mag init ulo ko paminsan minsan. Baka aging ba twag dito. Hahaha.

    Anway super duper mega nag enjoy ako mag basa nito blog na ito at un iba blog mo. At natuwa ako nakita ko na paano mag comment. Hahaha.

    God bless you both ni Idol Chito. Ingit nga asawa ko kasi lagi ko napapanood husband mo pag annual party ng company namin. Ex crush ko si idol super galing kasi kumanta. Pag masa pa mga kanta nya at super saya ako ikaw napangaswa nya na super down to earth din.😊 i am sure ang magiging baby nyo eh kagaya nyo wala star arte sa katawan kundi maka tao. God bless po ulet.

    Like

    • The One says:

      Hahaha dami ko tawa habang binabasa ko comment mo. Dahil siguro naranasan ko na yung ganyang klaseng kaba. Yung kabadong kabado ka na pati tiyan mo sumasakit na parang matatae ka hahahah. Yung exboyfie ko dami din kalokohan nun. Umuwi sya sa Pinas (from Canada kami). Dati nun Friendster pa lang ang uso. Dun kami nag uusap habang nasa Pinas sya. May time na one week sya hindi nag reply sa msg ko. Ang lungkot ko nun. Sobrang lungkot. Syempre namimiss ko sya. At the same time, may kutob ako. Basta feeling ko nun may ginagawa na syang kalokohan. Ang galing natin mga babae noh? Parang may radar tayo hahaha. Ayun, may nag msg saken na babae. May nangyari daw sa kanila ni exboyfie. Hindi ako makapaniwala. Ayaw ko maniwala kahit na alam ko before naging kami chickboy na talaga sya. Pagbalik nya dito sa Canada, kunyari hindi ko alam. Wala ako binabanggit sa kanya. Aba eh, normal pa ang kilos nya. Feeling alright ang loko loko. One time pumunta ako sa bahay nila. Habang naliligo sya, naghanap ako sa kwarto nya for “evidence”. Hinahanap ko yung cp nya, wala sa kwarto. (Aba, dala pala sa shower. Maliligo lang dala pa talaga yung cp nya?!) Naghalungkat ako sa luggage nya. Kabadong kabado ako. Lakas ng tibok ng puso ko. Tiyan ko masakit. Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil baka makahanap ako ng evidence or kung dahil baka mahuli nya ako naghahalungkat sa mga gamit nya. Siguro pareho haha. Natakot ako na baka may makita ako na ayaw ko makita at the same time pano kung wala ako mahanap tapos bigla syang pumasok sa kwarto at nakita yung ginagawa ko? Pero hayyyy nako. Nakahanap ako ng pack of condoms sa bulsa ng luggage nya. Nakalagay sa box “3 condoms”. Binilang ko yung condom, isa na lang yung laman! Aba syempre pumasok ako sa bathroom at confront ko talaga sya habang nasa shower sya hahahaha. Sabi pa nya “Ha? Eh kasi…pinaglaruan namin yan ng mga kaibigan ko. Trip lang namin. Ginawa namin lobo.” Ano ako tanga? Sya tanga! Pwede naman bumili ng lobo, bakit kailangan condom pa talaga gawin lobo. Hahaha. Sa sobrang mahal ko sya that time, hinayaan ko na lang kahit alam ko nagsisinungaling sya. So nung umuwi ako sa bahay, nag investigate talaga ako. Nakapasok ako sa Friendster account nya (ang dali lang naman kasi nung password nya. Pangalan ng fave banda nya) Nabasa ko yung mga usapan nila ni girl. Hayyy nako. Matagal na pala sila nag uusap at talagang nag plan sila mag meet sa Pinas. So nung nagkita ulit kami ni exboyfie, pinakita ko sa kanya yung sulat ni girl saken. Si exboyfie walang masabi.. buking na kasi sya hahaha. Since then, naging iba pagkatao ko. Sa way na.. naging stronger ako at smarter. Ang daming nanligaw saken pero hanggang dun lang. Sabi ko sa sarili ko “wag ka maghanap ng lalake. Hayaan mo na lumapit ang “The One” para sayo”. 6 months later, nakilala ko si The One hahaha. Si Hubby yung unang nagtxt saken ng “hello.” Eto na kami, 10 yrs later. 3 na anak namin. Hindi sya perfect pero mahal namin ang isa’t isa 🙂

      Like

  4. Myla Manitas says:

    Hi Neri! What is the tittle of the song? Parang feel na feel ko ito, itinadhana na mabasa ko ang blog mo pra ma kita ko ang snippets nang song…thanks and good luck sa panganganak mo! God bless

    Like

  5. Selena says:

    Hi Ate Neri,

    Follower mo po ako sa IG, na inspired ako sa story ng lovelife mo na dito sa blog mo. Tinamaan ako sa mga sinabi mo na dapat hindi gantihan ng galit ang lalakeng palaging nagloloko. Ganyan din kasi ang boyfriend/future husband ko na sna, may anak na ksi kami. Anyway, ayun nga, 6 years na kming together pro mnsan umuuwi ako dito sa bahay kasi hindi kmi kasal pra narin maiwasan ang maagang pagkakaroon ng dagdag na anak. Masyado din syang malandi, yung tipong buwan buwan nag aaway kami dahil sa mga Sadako na nilalandi nya sa facebook, hindi ko lang alam kung nagkakasama sila. Hirap nadin kasi ako maniwala na wala lng ang mga yun ksi nung nabuntis ako bigla nalang may nagpakilala sakin na may anak daw sa kanya ang boyfriend ko. Simula nun palagi na akong insecure at masyado akong naparanoid, laging naghahanap ng ibidensya at lagi ko din inaalam kung ano ang mga ginagawa nya or whereabouts nya kapag hindi kmi magkasama.

    To cut the story short, heto padin ako, laging nagpapatawad pero hindi nakakalimot sa mga ginawa nya at patuloy pang ginagawa. Recently lng masyado nnmn akong naparanoid dahil marami nnmn sya kalandian sa facebook, ah basta, yung sa loob ng 1 month meron syang 50 new girl friends sa facebook. Dba prang may something nnmn? Ayun, lagi akong galit dahil bukod sa pagkamalandi ay sobrang nagbababad din sya sa inuman, halos araw araw. Ewan ko ba, humihingi lagi sya ng sorry, ako nmn c tanga palaging nagpapauto. Nung isang araw na hindi ko na napigilan ang galit ko dahil hindi mn lng sumasagot kahit naka 30 dials na ako, sobran inis ko talaga. Kya nung umuwi sya ay talagang nasaktan ko sya ng bonggang bongga. Galit din nga pla ako kc nakita ko na may lagi syang tinatawagang babae. Hindi nmn siguro basta lng kamustahan yun kasi maraming beses. Ito nmng si boyfriend todo deny at sinabi pang nadial nya kng daw. Hanggang ngaun hindi ko makuhang maging mahinahon ksi mraming beses na ginawa sakin yun.

    Pero nung nabasa ko itong blog mo, masyado kya akong naging pakialamera at nagger? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, kung icocompare ko ang sarili ko sa mga sadako nya, malayo ako sa kanila. Morena ako, laging maiksi ang buhok at sanay na walang make up. Gusto ata nya yung mapuputi, mahahaba ang buhok, singit at nag mamake up lagi.

    Nakakapagod mag kwento, ayun, ilang araw n kming hindi ok. Umuwi kmi dito sa bahay. Pero parang masaya pa sya. Ang galing dba?

    Sana magkaroon din ako ng lakas ng loob tulad ni Ate Neri, hindi sumuko at hindi nagpadala sa galit.

    Thanks sa pag share, Ate Neri. Sana marami ka pang maibahagi sa amin 🙂

    Like

  6. Rhej says:

    Hi Ms Neri, dami ko natutunan sayo. lagi ko po chinicheck blog nio kng may new post kau, and
    pati sa IG nio… ang sarap po maging kayo..hayyyy

    Like

  7. Leslie Galin says:

    Hi Ms. Neri,
    Natutuwa po ako sa mga kwento mo simula po nung finafollow po kita sa IG gustong gusto kung basahin ang mga mahahabang caption mo dun..kaya pati yung mga Blog mo po akin ding binabasa.

    Isa din po akong anak, ina, simpleng trabahador at asawa. At dahil po sa mga kwento mo ako po ay naaliw nabasahin ito. minsan pa nga paulit ulit.

    Nawawala po kahit papaano ang stress ko sa trabaho at sa pamilya. Maraming salamat sayo at sa mga kwento mo at sa mga ral na dulot nito.

    Keep it up and God Bless always sa family mo at kay Chito at sa darating ninyong Baby..:-)♥♥♥

    Like

  8. Anne says:

    Hi Mrs. Miranda, sobrang nakaka iyak po ng kwento mo, yan po ang nararamdaman ko ngayon at nararanasan ko ngayon. Maraming beses na gusto ko ng sumuko sa relationship namin pero sa tuwing maaalala ko kung gaano ko sya kamahal nakakalimutan ko na. Lagi nalang po akong nag darasal sa paginoon na mas tumibay pa ang relasyon namin. At sana po dumating din yung araw na marealize nya rin yung narealize ni Sir Chito. God bless po sa inyo at sa baby nyo po.

    Like

  9. Anne says:

    Hi Mrs. Miranda, sobrang nakaka iyak po ng kwento mo, yan po ang nararamdaman ko ngayon at nararanasan ko ngayon. Maraming beses na gusto ko ng sumuko sa relationship namin pero sa tuwing maaalala ko kung gaano ko sya kamahal nakakalimutan ko na. Lagi nalang po akong nag darasal sa paginoon na mas tumibay pa ang relasyon namin. At sana po dumating din yung araw na marealize nya rin yung narealize ni Sir Chito. God bless po sa inyo at sa baby nyo po.

    Like

  10. Karakabuki says:

    Been there… Haha sadya talagang may mga taong sadyang malalandi. I guess its just a matter of pagttyaga if tou really love the person. Ipaglalaban mo samga Sadako. Hindi naman kamartyran ang paglaban para sa mahal mo. Mahal mo eh at masaya ka dun. Pero kung mas higit kang nasasaktan kesa sa mga positibong nararamdaman mo sa pagsasama mo eh it’s time to move on. It might takes time to heal pero you’ll get there. Or try to confront the girl. I did that too. Pero the most important here is usap kayo ng bf mo. Communication is a key. Unawaan. Dapat malaman ng bf mo ung nagiging epekto bg ginagawa nya sayo. Kung talagang mahal ka nya, mas ivavalue nya ung nararamdaman mo kesa sa anu pa man.

    Like

  11. krisangelagb says:

    I have to pause reading dun sa part na dali-dali syang umakyat sa kwarto para tignan kung andun ka pa kasi narealized nya how stupid he was for hurting you, kasi nakakaiyak! pero super inspiring nitong entry. hayz dami talagang mga sadako,,pero dapat ready lagi to fight with class and dignity 😀

    Like

  12. ThouShallNotBeNamed says:

    Isa lang masasabi ko, “How to be you po?” HAHAHA
    Ive been through the same thing, pero I did otherwise. Nang away ako ng Demonyita.. ayy “Sadako” pala at literal na mukhang “Sadako” talaga sya!Haha kaya mas nakaka’poot. LOL
    Ganun talaga, pag mahal mo isang tao noh, you would really do almost everything. Magtiis ka hanggang kaya mo pa, kasi nga mahal mo eh. Mahal kita pero ang sakit sakit na. OUCH! Haha
    Sa experience ko, I was a victim of myself,well yun ang tingin ko ngayon ha. Kasi sobrang mahal ko sya nun eh, even after all the lies, one woman after the other, tinatanggap ko lang lahat. Mahal ko nga kasi. There was even a point na hindi sya umuwi ng bahay that night, umuwi kinabukasan natulog daw sa friend nya pero may dala syang water bottle. Guess sino sponsor ng water bottle na naiuwi nya? SOGO. Iyak lang ako non, pero tinanggap ko pa din. Tapos nung nalaman ko na dinala nya sa kwarto nya yung isang common friend naming na may asawa’t anak na (take note nakakasama pa naming ung asawa non mag’inom dati) sa kwarto nya nun minsang umuwi syang lasing at maghapon sila don at umalis lang yung babae nung nalaman na papunta na ko and kung napaaga ng 5 minutes yung dating ko, naabutan ko pa siguro silang dalawa. Nalaman ko lang yun after one year, so medyo late ko na naramdaman yung sakit, pero masakit pa din! Haha Pero tinanggap ko pa din. Mahal ko ngaaaa kasi. Tapos, nung nahuli ko sya sa isang social media site na nagpapa'”schedule” sa mga walker/online prostitute, tinangaap ko pa din. Nung nahuli ko sya sa fone nya na may fubu sya, tinanggap ko pa din.. Mahal ko nga! Ano ba! Haha Peroooo nung dumating na yung Ultimate Sadako— Boom! dun na.. dun na napuno ang salop. Haha Si “Sadako” may long term, niloloko si long term nya para sa ex ko. Ang ganda nya kasi. HAHAHA Ang kinis kinis ng mukha, walang pimples nor acne scars na kahit derma suko na. LOL
    Anyway, kung hindi sya nangyari sa buhay naming, malamang namumugto pa din ang mata ko ngayon dahil sa kaka’iyak kasi nga MAHAL ko nga sya! haha
    ayun, natauhan naman na ko. They deserve each other, who knows sila makakapagpatino sa isa’t isa. Anyhow, not my concern anymore.
    Sa ngayon, ive been freed up from my own prison and im living my life as happily as I can. 🙂
    Sobrang nakakarelate ako dito eh, deep inside may voice na nagsasabi na sana ginawa ko nalang yung ginagwa mo Neri, hindi nang away, minahal lang ng husto si chito.. pero.. wala eh, hindi ko na kaya. Marahil hindi talaga sya para skin at hindi ako para sa kanya. I already gave up the idea about us getting back together.
    Im happy for you and Chito. Crush na crush ko yang asawa mo. Haha And crush din kita! You’re a very inspiring woman. Both of you are blessed to have each other.
    Sana mahanap ko din yung Chito Miranda ng buhay ko. Bago yun, hanapin ko muna si Neri Miranda sa sarili ko. Naks! Haha

    Keep on blogging Neri! Keep on inspiring people. 🙂 God Bless!

    Like

  13. ThouShallNotBeNamed says:

    Isa lang masasabi ko, “How to be you po?” HAHAHA
    Ive been through the same thing, pero I did otherwise. Nang away ako ng Demonyita.. ayy “Sadako” pala at literal na mukhang “Sadako” talaga sya!Haha kaya mas nakaka’poot. LOL
    Ganun talaga, pag mahal mo isang tao noh, you would really do almost everything. Magtiis ka hanggang kaya mo pa, kasi nga mahal mo eh. Mahal kita pero ang sakit sakit na. OUCH! Haha
    Sa experience ko, I was a victim of myself,well yun ang tingin ko ngayon ha. Kasi sobrang mahal ko sya nun eh, even after all the lies, one woman after the other, tinatanggap ko lang lahat. Mahal ko nga kasi. There was even a point na hindi sya umuwi ng bahay that night, umuwi kinabukasan natulog daw sa friend nya pero may dala syang water bottle. Guess sino sponsor ng water bottle na naiuwi nya? SOGO. Iyak lang ako non, pero tinanggap ko pa din. Tapos nung nalaman ko na dinala nya sa kwarto nya yung isang common friend naming na may asawa’t anak nung (take note nakakasama pa namin ung asawa non mag’inom dati) minsang umuwi syang lasing at maghapon sila don at umalis lang yung babae nung nalaman na papunta na ko at kung napaaga ng 5 minutes yung dating ko, naabutan ko pa siguro silang dalawa. Nalaman ko lang yun after one year, so medyo late ko na naramdaman yung sakit, pero masakit pa din! Haha Pero tinanggap ko pa din. Mahal ko ngaaaa kasi. Tapos, nung nahuli ko sya sa isang social media site na nagpapa'”schedule” sa mga walker/online prostitute, tinangaap ko pa din. Nung nahuli ko sya sa fone nya na may fubu sya, tinanggap ko pa din.. Mahal ko nga! Ano ba! Haha Peroooo nung dumating na yung Ultimate Sadako— Boom! dun na.. dun na napuno ang salop. Haha Si “Sadako” may long term, niloloko si long term nya para sa ex ko. Ang ganda nya kasi. HAHAHA Ang kinis kinis ng mukha, walang pimples nor acne scars. LOL
    Anyway, kung hindi sya nangyari sa buhay namin, malamang namumugto pa din ang mata ko ngayon dahil sa kaka’iyak kasi nga MAHAL ko nga sya! haha
    ayun, natauhan naman na ko. They deserve each other, who knows sila makakapagpatino sa isa’t isa. Not my concern anymore.
    Sa ngayon, ive been freed up from my own prison and im living my life as happily as I can. 🙂
    Sobrang nakakarelate ako dito eh, deep inside may voice na nagsasabi na sana ginawa ko nalang yung ginagwa mo Neri, hindi nang away, minahal lang ng husto.. pero.. wala eh, hindi ko kaya. Marahil hindi talaga sya para skin at hindi ako para sa kanya. I already gave up the idea about us getting back together.
    Im happy for you and Chito. Crush na crush ko yang asawa mo. Haha And crush din kita! You’re a very inspiring woman. Both of you are blessed to have each other.
    Sana mahanap ko din yung Chito Miranda ng buhay ko. Bago yun, hanapin ko muna si Neri Miranda sa sarili ko. Naks! Haha

    Keep on blogging Neri! Keep on inspiring people. 🙂 God Bless!

    Like

  14. Rechelle says:

    Hi neri grabee I admir you. Noong panahon na nag bagsak si Lord ng pasensiya ikaw yung nakakakuha lahat siguro noong mga panahon na un tulog ako noon hahaha..! Naamaaze ako sa haba ng pasensiya mo we do have almost the same scenario kasi ako doon ang boyfriend ko is musician marami SADAKO aroung us minsan affected na kami napapatulan ko na kasi sobrang pikon na pikon na ko ehh.. But this time gagawin ko lahat ng advises mo cheerrsss 🍷🍷

    Like

  15. docjj says:

    Hi NERI,
    DI KO alam.why pero naiyak ako sa blog mo konti lang.. I suggest write a book for sure it will be nice. You have this gift on reaching and captivating your readers hearts. Malay mo diba ako una bibili kaht nasa malayo ako papa ship kopa…
    Sa blog mo na to all I can say
    LAHAT PWEDE MAGBAGO at deserve nila second chance. I wish I can really be like you even a little bit lang di ko kaya magpakumbaba madalas.. I hope sa sunod khit na konti lang mging hassle free dn ako na gf haha.. pero mahal nyako at mahal ko sya yun important at thank you kay Lord walang sadako.. 1 yr LdR na kminnyan sa oct and 6 yrs na in a relationship nxt month. IHOPE syana nga ang forever hehe.. (sorry daldal na haha)

    Thanks for making me/us happy sa blogs mo. KEEP IT UP! I WILL SUPPORT YOU ALL THE WAY!

    Love-jj (follower na iyakin)

    Like

  16. Charmz Schnapka says:

    Hi. Grabe super nakaka inspire yung story mo. The first time ko nakita yung post mo sa ig na inspire na ko sayo. Napaka positive mong tao. Ako kasi i like to think I’m positive pero I always end up negative ewan ko ba. Haha! In my case me sadako din but different situation because never naman umaabot na naglalandian sila ni fiance. Because I know na tapos na talaga. But they still have communication because me anak sila. Wala din kaso sakin yun dahil tanggap ko yung past nya. Ang nakakainis lang napaka demanding ni sadako nya. Gusto nya pag sinabi nyang tatawag kailangan ora mismo. And sometimes i feel like shes using the kids to get what she wants. I tried to ignore it pero minsan nakakainis na. Kaya ang ending kami ang nag aaway kasi inaaway ko si fiance pag badtrip ako k sadako. Pinagsasabihan naman nya pero ang ending after how many days ganun na naman. Paulit ulit na lang. Minsan gusto ko ng sumuko. Pero mahal ko sya at alam ko naman mahal ako ni fiance. I guess tama ka. Imbes na awayin ko si fiance I will shower him with more love. At dahil jan thank you sa blog mo. Because nainspire talaga ko to be more positive in everything I do. Thank you and keep inspiring people.

    Charmz from UK

    Like

  17. lykss says:

    Ang ganda po. Very inspiring. Natamaan ako dun sa gantihan. Ganun po kasi ako. 😦 Coz i want him the same way too. Kung gano kasakit para maintindihan nya ko. Which is really wrong. And another thing is selosa ako, kahit indi naman dapat pagselosan nagseselos ako. I tried to control this feeling pero minsan talo ako. Please help me how to control this kind of feeling. Thank you. Godbless sainyo ni chito. 🙂

    Like

  18. eilreg says:

    i agree sau misis miranda, mahalin mo lang ng mahalin, ganyan din gnawa ko sa asawa ko tapos kapag hnd mo na kaya give up ka na, ikaw naman ang hahanapin nya kasi mamimiss nya yong sobrang pagmamahal mo sa kanya.

    Like

  19. Ahque miranda-mercado says:

    Hi Mrs. Miranda relate ako sobra kay angela at sa mga “sadako” sa buhay namin ng asawa ko, sa call center kasi nagwowork ang asawa ko and alam naman natin lahat na given na yan sa mga call center agent “nornal” na sa kanila yang mga kabit kabit sa kanila pagnalaman na nila ba kabit ni ganyan si ganun hindi big deal sa kanila un normal lang sa kanila un…. Ako 2nd time ko na narasan yan sa asawa ko ewan ko lang kung 2 lang talaga o un lang ang nalaman ko na nahuli ko sya, sabi ko nun sa sarili ko nungbuna ko syang nahuli pagpinangalawahan nya ko ayoko na hihiwalayan ko na sya talaga, pero ano kinakain ko din sinabi ko hangang ngyon andito padin ako…wala e mahal ko mahal ko sila ng anak ko, ayoko ng broken family hanggat kaya kong magtiis titiisin ko para sa anak ko para buo kami…im just praying na this will be the last “sadako” in our life. Thank you neri for sharing your “sadako moments” hahaha

    Like

  20. serendipitiousoul says:

    Thanks Ms. Neri. Nung mga panahon na hopeless ako lagi lang ako nagdadasal na bigyan ako ni Lord ng glimpse of hope. At isang araw nabasa ko tong blog mo. Hindi naman nabago totally ang pananaw ko sa buhay pero binigyan mo ko ng step na may patutunguhan pa pala ang buhay kahit mukhang hopeless na. Isa sa mga worst feeling yung magcheat sayo yung pinakamamahal mo. Mas masakit pa kung kasal na kayo. Pero hands up ako sayo 🙌🏼 more blogs pa po. God bless.

    Like

  21. lauskie28 says:

    As I was reading this post, talagang na vivisualize ko yung mga nangyayari. Hehe nakikita ko talaga kung paano ka maging girlfriend. How to be you po? 😊 anyway, na admire ko po yung pagiging isang mabuting tao nyo po. I was thinking kung pwede po ba ako manghingi ng advice galing sayo po? If not, okay lang din. Kasi maybe may ma learn na something ako sa next post nyo. God bless po! And congrats sa baby nyo po.

    Like

  22. Rashtine says:

    Hay bakit nga ang daming sadako. Kamukha ng ex ng boyfriend ko ngayon, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapapansinan nya! Hahaha bago pa kami ng boyfriend ko ngayon meron sya naging girlfriend na nag-live in sila at bago pa maging sila ni live in girlfriend meron syang naging girlfriend yung nga si super sadako ex girlfriend na super papansin nga yata ang dapat itawag sakanya. almost 3years na kami ni boyfriend feb 2014 naging kami una nagtatanong tanong ako sakanya kung sini mga naging girlfriend nya ganon kasi ako eh gusto ko inaalam lahat kahit alam ko sa sarili ko masasaktan ako pero in that way mas natatanggap ko yung ganon kesa sa iba ko nalalaman and isa pa bago lang ako sa work namin ni boyfriend bago maging kami nakakatawa lang in 3days as in hindi namin kilala ang isat isa tipong pangalan lang namin ang alam namin pareho sa isa’t-isa so ayun nga after 3days na yun walang ligawan nangyari nagulat nalang kami sa after 3days na yun naging kami na basta alam lang namin masaya kami kapag magkasama true love or love at first sight nga yata hehe (opo ms.neri 3days lang naging kami na agad agad haha! Ewan ko ba niloloko ko sya lagi ginayuma nya ako haha) eto na nga po sa 8months namin na in relation masaya kami nagkakaproblema pero keri boom boom lang, nagbirtbday yung sister in law ko nagtaka ako october 15 ang birthday nung sister in law ko si super sadako ex nag-comment sa picture na inupload ko na nakatag sa sister in law ko ng noverber 17, ay bes 1month na nakalipas super belated happy birthday haha hindi ko pinansin pero naoopen ko kasi facebook ni boyfriend nagtataka ako panay like ni super sadako girl na kahit tipong 2009 2010 post pa ni boyfriend eh nahahalungkat nya para i-like nagtimpi padin ako hindi ko pinansin, last year april 2015 nagbirthday yung pamangkin ng boyfriend ko nagulat ako nagpost ng picture si super sadoko ex nagcollage ng picture nung pamangkin ng boyfriend ko ang nakakatawa lang 3picture yung dun kinuha sa album ng boyfriend ko tapos imbis na picture nung may birthday ilagay nya ang nailagay nya yung picture nung isang pamangkin ni boyfriend na hindi naman birthday pero kaso magkamuka kasi yung magpisan haha tapos bukod sa pagpost ng picture nakatag pa buong family ni boyfriend at nakatag din kay boyfriend dun na ako nagstarr mainis napacomment ako di oras ng “girl sino ba talaga may brithday? Si pamangkin 1 ba o si pamangkin 2” pero ginawa nya denilete nya comment ko haha kainis! Tapos bukod pa sa mga yan kapag may commentan session sa post ng boyfriend ko nandun yung mga kapatid or friends nung boyfriend ko bigla sya sisingit ng i miss you ate i miss you keme mga ganon bukod pa dun nagmemessage sa boyfriend ko kamusta kunwari ay te kakamusta lang nangangamusta nanaman hahaha kaloka na kaya ako ang nagreply na haha skip na sa convo namin hehe. After nun naglubay kaso eto nanaman nagmessage question mark lang haha hay kaloka na ode seen lang si boyfriend. Meron pa ginwa sya last xmas 2014 lahat ng kapatid at mother ni boyfriend nagpost sa wall binati nacurious ako kaya ginawa ko nagtodo back read ako sa timeline nilang lahat haha ay sawi wala syang post kung baga naisip ko iba kako gusto palabasin neto pero snob ko padin kasi sabi ni boyfrien hayaan na hindi ko pinansin kaso eto nanaman this month lang namatay yung asawa ng brother in law ko. Nalaman nyang namatay nagulat ako nagmessage sa boyfriend ko si super sadako ex ng emoticon na crying face lang ginawa ni boyfriend seen lang after an hour nagsend nanaman ng emticon na crying face sakto pagsend nya ako may gamit ng facebook ni boyfriend kaya ginawa ko nireplyan ko ng crying face na emoticon din at sabay sabi ng “oh umiiyak kaba papaconfort kaba” kati lang bes. Hahaha nakakainis na natatawa ako. Nabubwisit nako. Mas maintindihan ko pa sana kung si naka live in girlfriend ang ganon kay boyfrirnd kaso hindi eh nakailang girlfriend na si boyfriend bago pa sya gumaganon. Pero ang mas nakakainis din kasi si ate ni boyfriend dating sakin hindi nalang tumingin ng respeto nalang bilang girlfriend ng kapatid nya para ba kinukunsinti nya pa si super sadako ex. Sabi kasi ni boyfriend close daw yung dalawa na yun at ayon kay super sadako ex eh hindi nadaw nya kayang alisin sa buhay nya yung pamilya ni boyfriend kahit ilangntaon na nakalipas kakalos. Halos mag3years na kami ni boyfriend ngayon at yung si naka live in na ex eh 2years sila nun tapos ang nakakaloka pa may boyfriend naman si super sadako ex hindi ko magets kung ano gusto nyang palabasin pa. Nakakainis din kasi sa family ni boyfriend pinapansin kaya tuloy naiisip ko kaya siguro ganon nalang ginagawa samin ni boyfriend. Pero masaya naman si boyfriend kahit ganon nasakin padin nakasupport ba mas pinapaunawa sakin na hayaan nalang kaso minsan talaga dumadating yung time na nakakapuno.

    Yung 3days na magkakilala na walang ligawan na nangyari naging sila, ngayon halos mag3years na at malapit na maenggage na hehe.

    Salamat Ms.Neri share lang po totoo nga kapag nagsusulat na ganito nakakawala ng stress nakakalabas ng sama ng loob.

    Like

  23. Jenelyn says:

    Hi Miss Neri! Naaliw akong basahin itong blog mong ito. Speacially this topic. Kasi nakakarelate ako. Ganyan din kami ng boyfriend ko nuong una kasi maloko at machicks din sya. Pero tulad mo mahabang pasensya din ang ginawa ko. Kaya tuwang tuwa ako nun nabasa ko ‘to para kasing nakikita ko sarili ko sayo. Pero ngayon good boy na sya. Siguro nakarealize na din sya sa mga kalokohan niyang ginawa at siguro dahil nagmamature na din.Anyway, lagi na ako magbabasa dito sa blog mo. 🙂

    Like

  24. neknekismineyahoo says:

    Hayyyy!!! Nakakarelate ako! Grabe talaga… minsan mas okay pa talaga ang magbasa, kasi dadating sa point na habang binabasa mo ang isang kwento biglang may papasok nalang na realization sa buhay mo. Thanks Ate Neri!! Truly a big fan of ours.

    Like

  25. Kath says:

    Hi, Neri! Ang ganda-ganda-gandaaaaaaaaaaaaaa nito. I don’t know where to begin what I want to say to you in gratitude. Noong una, iniimagine ko kung paano ko gagawin ‘yong mga ginawa mong pagpapasensiya kay Chito, then naiisip ko na teka hindi naman ako ever sinaktan ng boyfriend ko, and then naisip ko na too late na para maging parang ikaw (‘yon bang hindi nanunumbat, ‘yon bang maalaga), and then I realized na lahat ng ginawa and ginagawa mo for Chito, ganon na ganon yung boyfriend ko towards me–AKO SI CHITO sa relationship na ‘to (girl ako). I mean, ako ‘yung nakakasakit (not by cheating but by being maldita, disrespectful, etc, ETCETERAAAAA), and yung boyfriend ko ang sobra-sobrang magmahal sa akin. Natauhan ako sa mga sinabi mo. My boyfriend is taking a nap right now, and gusto ko siyang sakyan, yakapin and pasalamatan na ni minsan di siya bumitiw, na ni minsan di niya ako sinabihan na kelangan kong magbago, na ni minsan di siya gumanti. Buti na lang I stumbled upon your blog. I will take it to mean God is giving me a chance to truly deserve this guy. Sad din yung family life namin noong bata pa ako, broken family and di maiwasan sigurong magbunganga nung single mom kong nanay dahil sa tindi ng stress. Namana ko yata. Sana kaya ko ding magbago kagaya ni Chito. Wishing you guys the happiest life–you deserve it talaga, Neri. Thank you for sharing.

    Like

  26. victoriagianelli says:

    Hi po! Tambay na po ako sa blog mo..haha
    Parang may kakwentuhan lang akong kaibigan sa harap ng computer. 🙂
    Nakakaantig tong entry na to. Relate and at the same time admirable yung honesty mo te!

    Thanks for reminding me to know my value. Napagdaanan ko din yan ng slight. Kinwento nya lahat and I was like, “WTF!” Yung puso ko nadurog, pati yung pride ko parang nilampaso sa sahig. Kaya bumitaw na ko. Kumapit ako dun sa optimism na may value ako at makakahanap din ako ng mas pahahalagahan ako.

    Kaso bumalik siya. At eventually tinanggap ko naman. Nakita ko yung pagbabago niya, though he still has to prove more. Aba te, ansakit ng pinagdaanan ko sa kanya.

    Sa mga Sadako namin, grabe din pinagdaanan ko pero di ko kahit kailan pinatulan..haha Affected rin naman ako kahit papano, pero unti-unti kong nalampasan. Sa support na rin niya.

    Shineshare ko na blog mo sa friends ko.. Ito ang forever and always na totoo. ^^,)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s