“Napaka impossible naman na di kayo nag aaway ni Chito! Ano kayo perfect?!”

Marami ang nagtatanong sa amin ni Chito kung nag aaway ba daw kami? Kase parang impossible daw na lagi kaming sweet sa isa’t isa. Impossible daw na “perfect” lagi yung samahan namin ng asawa ko.

First of all, hindi perfect ang relationship namin, malayong malayo. Ginagawa lang namin na laging masaya ang buhay namin. Ang relationships naman ay dapat pinagtatrabahuan eh. Alangang mag demand ka na dapat ang partner mo ay maging sweet sayo all the time pero ikaw naman eh hindi sweet sa kanya, lagi ka pa nakasimangot at nagbubunganga. Weird naman nun di ba?

Hindi lang kami nagpopost ng mga nakakabad vibes sa amin. Siguro yung iba sanay na magrant sa social media kapag galit sila sa mga asawa nila. Post dito post doon. Sasabihin kung gaano kasama mga partners nila kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Hindi lang kami ganun ni Chito. Marami kaming mga flaws ni Chito pero mas pinipili namin na makita yung mga magagandang katangian ng isa’t isa. Everyday mas inaappreciate namin ang isa’t isa at kung ano ang meron kami ngayon. Mas nakakagaan ng araw yun, mas nakaka happy. Saka yung mga flaws namin, minsan matatawa na lang kami kapag umatake yung katangian na kinaiinisan namin sa isa’t isa. Kase para sa amin, napakababaw naman kung pati ang maliliit na bagay eh kailangan palakihiin kase iritable ka lang sa kanya.

Pero kagabi nag-clash kami ni Chito. Nagkapikunan.

Ano ang dahilan? Stressed sa trabaho.

Hindi kami nag away. Nagkapikunan lang. Kung tatanungin nyo kung nagsisigawan kami? NEVER.

Never kami nagsigawan since 2010 na nagkakilala kami at nagkadevelopan.

Never niya akong sinigawan. Unang una palang na naging kami, sinabihan ko siya na ayaw ko na nagsisigawan. Buong buhay ko kase nakita ko na yan sa bahay namin. Laging nag aaway parents ko, laging may sigawan na ang goal ata nila eh marinig ng kabilang baryo yung mga murahan at masasakit na salita nila para sa isa’t isa. Nagkakasakitan sila, physically, emotionally, at mentally. At sa harapan pa ng mga anak nila. Can you imagine kung gaano nakakatrauma sa mga bata yun?

Ganun ang nakagisnan kong buhay. Pag dumarating na tatay ko galing ibang bansa, lagi siyang wala sa bahay kase mas gusto niyang nakatambay kasama ng mga kaibigan niya, tapos pag uuwi pa siya sa bahay, mag aaway pa sila ng nanay ko. Ni minsan wala kaming family day pag umuuwi siya sa bahay namin, Makikikain lang siya at makikitulog sa bahay tapos ang kasama niya the whole bakasyon niya, yung mga kaibigan niya lang. Ni minsan di niya kami nilabas na buo ang pamilya namin, kahit man lang sa Sam’s Pizza or Cindy’s. Wala pa kasing Jollibee o McDonald’s noon sa Subic. Laging kami kami lang magkakapatid at ang nanay ko kaya pati family picture hindi siya sumasama.

Anyway, ayan yung nakagisnan ko noon. Mas pinili kong maging masaya kaysa magmukmok ako dahil ganun ang environment ko paglaki. Mas pinili kong gawing ‘colorful’ yung mga di magagandang nangayayare sa buhay ko. May choice naman ako kung paano ko i-handle yung mga ganung sitwasyon.

Kaya noong nagsisimula palang kami ni Chito, sinabihan ko na siya na ayaw kong nagsisigawan, ayaw kong sinisigawan ako. Medyo kase iba yung temper ni Chito nung bago palang kaming magkakilala. Sanay daw syang ganun na kailangan niyang ilabas yung emotions niya kase nga artist siya. Ako naman kase kailangan kong kalmahin yung sarili ko muna bago makipag usap, kase sa lahat ng ayaw ko yung walang katapusang argument, nakakastress yun. Kase wala isa sa inyo ang magbibigayan kapag nag-clash na kayo at kunwareng gusto niyong ayusin yung problema. Kase pareho niyong i-popoint out na mali yung kausap nyo at kayo lang ang tama. Walang patutunguhan ang usapan, away lang yan. Kaya lagi lang akong tumatahimik pag may ganung sitwasyon.

Kung pareho kaming laging galit at ma-pride, I don’t think tatagal kami ng ganito. At kung kami pa until now, I don’t think na masaya talaga kami sa buhay. Siguro may mga happy moments. Pero baka kapag kasama ko mga kaibigan ko at kasama niya mga kaibigan niya, puro mga reklamo yung sasabihin namin tungkol sa isa’t isa. Ang lungkot di ba?

Anyway, balik tayo kung ano ba ang nangyare kagabi. Stressed siya, stressed ako. Pero hindi kami stressed sa isa’t isa kundi sa trabaho niya, ako naman sa small business ko. Hindi ko na i-eelaborate kung ano kina ‘sstressan’ namin sa mga trabaho namin syempre ibang mundo naman yun. Kumbaga hindi na ako dapat nakikialam sa trabaho niya, at siya rin naman, hindi nakikialam sa small business ko. Nagsusuportahan lang kami.

Mainit na ulo niya. Mainit na rin ulo ko. Pero hindi kami magka away. Nagkukwentuhan lang kami tungkol sa mga kinasstressan namin. So bale nadadagdagan yung stress level namin. Nagkukwento ako, syempre mas madadagdagan yung pagiging iritable niya kase bakit nga ganun ang ginagawa nung taong kinukwento ko. Nagbigay ako ng opinyon tungkol sa isang ginagawa niya na hindi ko rin naman alam na nasstress na pala sya dun tapos sinabi ko na di talaga maganda. I was just being honest. Pero yung mali ko dun, sinabi ko lang nang basta basta, walang lambing na tono or nahihiyang sabihin na tono. Basta lang sinabi ko na hindi maganda. Actually, ang sabi ko, “Ang pangit naman!” Walang pasintabi, bara bara ko lang sinabi.

Hindi naman ako ganun sa kanya. Siguro dala lang din ng hindi kagandahan ang araw ko. Nagkapatong patong. Ang dami ko din kasing inaasikaso tapos maraming mali mali sa tabi. Ayaw ko pa naman kapag binibigyan ko ng instructions ang iba tapos iba ang gagawin. Naiirita talaga ako. Kaya nagtatago lang ako sa kwarto.

Tapos tumawag pa ako sa isa sa mga bestfriends ko, nagulat na lang ako at umiiyak. Yun pala, namumublema na naman siya sa pamilya niya. Kesyo di siya tinutulungan na maglinis ng bahay na pinapagawa niya tapos puro kalat pa nila yung nililigpit ng kaibigan ko. Samantalang sila, nasa galaan. Lalong nadagdagan yung inis ko.

Saan kami nag-clash? Matatawa ka kung saan. Napakaaaaaa liit na bagay. Pumutok na lang kami.

Nang dahil sa t-shirt.

Nagwalking kase kami kahapon. Tapos nung naihatid na niya ako pabalik sa bahay, nag bike pa siya. So alam nyo na na pawis na pawis na siya. Pagkauwi niya, direcho siya sa mancave niya sa baba at nagplaystation. Umakyat pagkatapos niyang maglaro. Nagtelepono. Sinabihan ko siya na magpalit na ng shirt kase amoy pawis na. Ok daw. Tapos nakalimuan niyang magpalit at bumaba pa siya sa dining area para kumain. Umakyat ulit. Nagwork saglit, tawag dito tawag doon at ako naman may mga kausap din, maraming inaasikaso. Nag rest room ako, sinabi ko na may dumi yung sahig na parang putik. I asked him kung sa sapatos niya ba yun kase bawaaaaaaaaaal sa akin na ipasok ang mga sapatos sa banyo ko, naglagay na nga ako ng slippers pang banyo para malinis lagi yung sahig. Tapos nakabukas yung bintana ko at di naka on yung alarm ng bintana.

So sinasabi ko sa kanya yun isa isa sa banyo tapos naamoy ko siya na amoy natuyuang pawis. Syempre bilang buntis, napaka sensitive ng pang amoy ko at sinabi ko na lang sa kanya na may konting pagkakairita, “Ang baho ng t-shirt mo! Amoy pawis! Kanina pa kita sinasabihan na magpalit!”

Ayun. Pumutok na rin siya.

Nasabi na lang niya na sa baba muna siya, meaning sa mancave niya muna daw. Akyat na lang daw siya kapag di na daw mainit ulo ko. Puro daw ako reklamo. Pero iritable yung pagkakasabi niya.

Nagulat ako.

Inisip ko, nagiging nagger na ba ako sa asawa ko?

Tumahimik ako at pumunta sa kama. Ininom ko na lang yung mga vitamins ko habang nag iisip.

Sumunod si Chito sa akin sa bed. Sabi niya tabihan ko na lang daw siya para daw lumamig ulo ko. Iniisip ko, hindi ko naman siya inaaway ah. Nagpuna lang ako. Pero nakaupo lang ako sa bed at nag aanalyze kung saan ba nagsimula, kung bakit kami naman yung nag-clash.

Humiga na ako sa bed. Niyakap niya ako. Sinabi niya na sorry baby. Tinatanong niya kung galit ba daw ako sa kanya. Sinabi ko hindi. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Hindi lang maganda yung araw ko, pati siya hindi rin maganda ang araw niya dahil sa trabaho. Kinakalma ko lang kase sarili ko at syempre buntis ako, ayaw kong makasagap ng bad vibes ang anak ko.

Nakatulog ako. Maaga akong nakatulog.

Nagising ako ng mga past 4 am. Niyakap ko siya at pinaghahalikan sa pisngi habang tulog. Niyakap ko ng mahigpit. At binulong ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit tulog siya ganun kase ang ginagawa ko pagkagising ko lagi. Niyayakap at hinahalikan sabay binubulong kung gaano ko siya kamahal. At dun ako nagpapasalamat kay God sa lahat lahat ng blessings naming mag asawa.

Pumunta ako sa banyo, malinis na yung sahig, naka sarado na rin yung mga bintana. Naka on na rin yung alarm. Maayos na ang banyo ko.

Bumalik ako sa kama, uminom ng water ko tapos may nakita akong letter sa side table ko. Dalawang pahina yung sulat. Binasa ko.

14442747_120300000275432231_1715378736_n

Inexplain naman niya sa akin kung bakit bigla na lang siya pumutok din. Na explain niya ng maayos sa first page ng letter. Sinabi rin niya sa unang pahina na hindi man lang kami nakapadasal ng sabay. Kase yun talaga yung nilu-look forward namin bago matulog, ang magbigay pasalamat kay Lord. Kaso nga nakatulog ako at di rin maganda pakiramdam ko.

Mas gusto ko talaga yung isusulat na lang yung explanations kaysa sa mag usap while medyo mainit pa yung nangyare. Mas maeexplain mo ng maigi at kalmado ka na. Mas peaceful. Mas madaling magpakumbaba sa parehong side. At maaalala mo kung gaano nyo kamahal ang isa’t isa. At matatawa na lang kayo pagkatapos, magugulat na lang na sa napakaliit na bagay dun pa may argument, haha!

Pareho kaming talo kung magpapa apekto kami sa maliliit na bagay. Sa dinami dami na naming pinagdaanang bagyo, nang dahil lang ba sa shirt dun na bibigay? Dun pa iinit ulo namin? Nagkataon lang napagod kami sa mga trabaho namin tapos buntis pa ako, iba rin kase temper ng buntis.

Si Chito kapag mag sosorry sa akin, asahan mo kinabukasan may mga letters na sa tabi ng mesa ko, o nakasabit sa pintuan ng banyo o sa salamin ng banyo ko. Marunong naman siyang magpakumbaba. Ako naman kapag nagsosorry sa kanya, yayakapin ko agad siya bigla at mangangako na di na mauulit. Alam ko curious ka kung ano ang nagiging kasalanan ko sa asawa ko, yung makakalmot ng pusa yung sofa namin or  didikit yung napakakapal na balahibo ng mga pusa ko at hindi ko agad nakita at navacuum. Yes, yun ang kinaiinisan ng asawa ko sa akin before. Pero kapag sinabi ko na hindi mauulit, asahan mo hindi na talaga nauulit. Gusto ko lagi lang ako good girl sa asawa ko para lagi niya akong baby, hehe!

So ayun, haha! Nagka-clash naman kami ng asawa ko sa mga maliliit na bagay pero di naman aabot sa awayan. Napag uusapan naman after. Saka ang lagi naming inaalala kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Tapos na ang usapan dun. Magsosorry na kami sa isa’t isa kung bakit ganun inasal namin. Napakapowerful ng TRUE LOVE. Naaayos lahat. Masaya lagi.

Hindi lang talaga namin gawain yung makipag away, makipag bangayan, tapos magpaparinig sa Facebook o sa Instagram. Ano ba ang purpose nun? Para ipahiya yung partner mo? Para magalit sa kanya yung mga makakabasa? Para sabihin sa lahat ng kakilala mo kung gaano kapalpak na partner meron ka?

Hindi ba nagrereflect yun sayo?

Kung gaano mo sabihin sa mga tao kung gaano kapalpak yung partner mo, mas palpak ka pa. Turo ka ng turo sa mga kapalpakan ng partner mo pero yung kapalpakan mo, hindi mo nakikita? Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, hindi naman siguro yung isa lang ang may mali, di ba? Pareho kayong may mali kaya nga humantong sa awayan na eh.

Pero syempre may mga ibang tao na mas pinipili yung mga ganyang klaseng drama sa buhay. Kaya ako kapag may nakikita ako na nakakabad vibes na pinopost sa Facebook or sa Instagram, unfriend ko. Bawal ang bad vibes sa buhay namin. Sa kanila na lang yun, haha! Wag na nila i-share sa amin.

Masaya ang nagmamahalan. Kung nakagisnan ko ay hindi masayang pamilya noong bata ako, hindi naman ibig sabihin ay ganun din ang mangyayare sa akin ngayon. May choice ako na baguhin yun. Hindi ko sinisisi yung mga tao sa environment ko at sa mga nangyare sa akin noon. Ginawa kong inspirasyon yung napaka gulong mundo noon. Inspirasyon na hinding hindi ko gagawin sa asawa ko at mga anak ko kung ano ang mga nakita ko noong bata pa ako. Bibigyan ko ng halaga, atensyon, at maraming pagmamahal ang pamilya ko.

Isa sa mga winiwish ko nung bata pa ako kapag birthday ko ay magkaroon ng isang masayang pamilya. Kumpleto, nagmamahalan, at tunay na masayang pamilya. Natutupad na ang wish ko, malapit na kaming mabuo, isang masaya at nagmamahalang pamilya.

Ang mga ganitong bagay, kung titingnan mo, parang napakasimple lang. Pero pinagtatrabahuan para magwork lagi. At kung nagmamahalan kayo, walang impossible at walang mahirap kahit ano pa ang unos na dumating sa inyong buhay.

-NM

 

Advertisements

34 thoughts on ““Napaka impossible naman na di kayo nag aaway ni Chito! Ano kayo perfect?!”

    • Anna Marie Lopez says:

      Hi Mrs. Miranda.. everytime na nagpopost ka dito sa blog mo binabasa ko talaga. Relate na relate ako sa mga isinusulat mo po. It helps me a lot lalo na how to handle a relationship. Thankyou for sharing your experiences and advices to us. I love you and Mr. Miranda πŸ™‚

      Like

  1. Maricel B. Garcia says:

    Masaya na ko na makabasa ng ganito kc halos pareho tayo bilang anak at asawa..Sobrang similar nung pinagdaanan mo sa parents mo at nung sa kin…Growing up ganun din ang thinking ko, hindi ako makikipagsigawan sa asawa ko.. Na lahat ng pang unawa at pagmamahal na kaya kong ibigay, ibibigay ko…Unfortunately, hindi kami nagkaanak (we’re 14yrs married and still counting)… But we’re happy! Sabi nga, “Kung hindi ukol, di bubukol…” Relate na relate ako how you are with Chito…And i always pray na lahat ng prayers at wish nyo ni Chito with your growing family will be granted…Thank you for being an inspiration! God bless always. ❀️❀️❀️

    Liked by 1 person

  2. Xandra lee Alberto says:

    Ang laking tulong tlga ng blog mo na to Mrs. Miranda 😊 kc ako bata nkapag asawa bata din napangasawa ko ang bisyo tpos uuwian kpang lasing so hnd mo maiwsan magalit so magclaclash kme pareho..salamat sa pagshare mo neto lalo na sa isyu ma ganyn..I have a bad temper kc tlga lalo na minsan d ko maiwsn awayin asawa ko sa hrp ng baby nmen..swak na swak skn yan and it really helps me a lot..now pagaaralan ko ng wag magalit sa hrap ng anak nmen and control may emotion..thank you for sharing this to us Mrs. Miranda😘

    Like

  3. Kath says:

    So sweet, sana lahat ng couple katulad nyo, i wish i could find someone like chito, not perfect but trying his very best to be good to his partner. Hindi nmn kailangan maging perfect ang isang relationship as long as you both know your goal, and yung totoong laman ng heart nyo.

    Liked by 1 person

  4. Venice Verzo says:

    Nice blog.. very inspiring lalo na sa mga bagong kasal or nag start pa lang na family like us.. 😊
    Nakaka inspire and ang dami ko natutunan. Thanks you sooo much Mrs. Miranda.! Tama! Dapat laging good vibes!😁
    Always a fan and forever a fan ninyong mag-asawa!πŸ˜πŸ˜™

    Like

  5. Anna Marie Lopez says:

    Hi Mrs. Miranda.. everytime na nagpopost ka dito sa blog mo binabasa ko talaga. Relate na relate ako sa mga isinusulat mo po. It helps me a lot lalo na how to handle a relationship. Thankyou for sharing your experiences and advices to us. I love you and Mr. Miranda πŸ™‚

    Like

  6. Marivic Romano says:

    Hi Neri!
    Lakas maka good vibes ng blog mo. Simple pero very inspiring and in fact naiyak pa ako habang binabasa ko na yung part ng pinag awayan niyo and kung pano naging maayos ang lahat.

    Sobrang nakaka relate ako sa story mo. Yung pamilya ko nung bata pa ako ganun din, same situation, di nga lang nagtatrabaho abroad tatay ko.
    Kaya sinabi ko rin sa sarili ko na ayoko ng ganung buhay pag may asawa nako.

    I’m not used to reading blogs, pero yung sayo nakakatuwang basahin. Simple ang words. Walang kaartehan, walang mapalabok na salita. Direct to the point. Nakaka touch ng puso. Nakaka inspire.

    Have a good day Neri!

    Like

  7. april joy c. bacotot says:

    Hello po Mrs Miranda πŸ™‚ lagi ko pong binabasa yung mga blogs mu, very inspiring po kasi .. Godbless you po and i will pray for your safe delivery. πŸ™‚

    Like

  8. diana rose says:

    Masaya ako kpag nkkbsa ako ng ganito, sa amin nmn mg aswa , ako yon plgi ngsusulat ng letter, ayoko kc ngsisigwan kme or may masasabi ako hindi maganda sa aswa ko, kaya tatahimik lang ako kapg inis na or galit na… Iloveu ate @mrsnerimiranda…

    Like

  9. hannah pamela says:

    Iba talaga temper pag buntis ganyan ako ngayon pati pang amoy sensitive din. Ang lagi ko namang nirereklamo sa hubby ko eh yung pag gagamitin nya unan ko tas medyo amoy pawis sya ayun maarte lang ako hehe! Pati yung mga maduduming damit gusto ko direstso sa tamang lalagyan. Pero naiintindihan naman nya ko.

    Tama ka ms.neri,may choice tayo kung anong klaseng buhay ang gugustuhin natin.syempre tulad mo dun ako sa masaya,kumpleto. Nakakapangit din kasi pag laging magulo di ba hehehehe! Anyway, parang same po ata tayo ng kabuwanan 😊 ingat lagi kayo ni baby and stay happy and pretty. πŸ˜‰

    Like

  10. Zsheena tongio says:

    Haaayyyy miss neri. Sobrang relate po ako sayo. Nakakasawa yung puro nalang sigawan. Dami kong natutunan sayo. Araw-araw excited akong icheck yung ig mo kung may bagong post kana. Nakakaaliw na nakakainspired yunh mga post mo. 😚😊

    Like

  11. myrose says:

    hello ate neri.
    I always read your posts and look forward to your recipes but this would be the first time i’d post a comment. para talagang nag shoot ka ng baril tapos na bullseye mo yung feelings ko. this post made me realize a few things. ako kasi yung type na kapag sobrang sakit na yung LQ namin ng boyfriend ko lalo na’t LDR kami ngayon, pinopost ko sa status ng FB ko yung nararamdaman ko. hindi naman yung tipong skandalosa talaga tapos minumura ko, yung pa mysterious lang na status like “it hurts so much but why cant you see” may pa ganun ganun. nagpopost din ako ng masasaya na moments namin. Natamaan lang ako sa sinabi mong reflection din yun sayo kung ano ang ipopost mo about the relationship. And it made me reflect on my relationship. We’ve been together for 6 yrs and 8 months and that 8 months is LDR. kami naman pag nag aaway, minsan nagakataasan ng boses pero we make it a point that we hear each other’s side. style namin is one person will explain (minsan nadadala sa emosyon kaya tumataas ang boses habang nag explain) tapos yung isa naman, and once we air out each others feelings nagkakabati naman kami. dinadala sa kain. haha. pero recently ever since nagka LDR kami, sya sa Pinas ako dito naman sa US, mas mahirap talaga lalo na pag may di pagkakaintindihan kasi nga aside sa distance, iba pa yung time zones. But this post inspired me. sabi mo nga, mas mabuti yung nakafocus kayo sa pagmamahalan nyo at hindi sa di pagkakaintindihan nyo. Naremind lang talaga ako sa sinasabi ng Mom ko nung bata pa ako, “Yung galit nawawala, pero yung love, hindi. Kasi kahit gaano pa kalaki ang galit mo, mamahalin at papatawarin mo pa rin ang taong importante sayo.”
    Thank you for reminding me that Love conquers all. Medyo we’re going through a rough patch in our lives and your post is such a great inspiration. Naisipan ko tuloy magsend ng letter from US to Philippines. haha
    More power to you Ate Neri. And I am really rooting for the Miranda family!

    Like

  12. angie says:

    Hi, ms. NeriπŸ˜€ relate na relate naman ako sayo. Lumaki akong sanay na nag aaway sa harapan ko ang parents ko sigawan ng sigawan, kaya nang mag asawa ako unang rules ko sa amin ng asawa ko wag nya akong pagtataasan ng boses. Kaya every time na nagkakainisan na kami, tahimik na ang bahay naminπŸ˜€pag pareho ng malamig ang ulo namin saka kmi nag uusap. And i guess it works!! 13 years na kaming kasal pero never pa kaming nag away ng as in away talagaπŸ˜€. Thank you ms. Neri for inspiring usπŸ˜€πŸ’ž

    Like

  13. Anneb says:

    Masarap basahin blog mo wala masyadong palabok na minsan hindi na maintindihan. Ang blog mo parang nag kwekwento ko lang na kaharap mo friends mo. Happy din ako sa married life. Though asawa ko hindi katulad ng hubby mo. Na madami ka pinagdaanan kay Chito. Kung ako kasi yan kapag may kalandian kahit hindi ako selosa iiwan ko. Anyway good thing nag bago sya at happy ka na. Masasabi ko lang don’t sweat too much sa small things or choose your battles. Para hindi stress kung habitual na ginagawa nya dun mo sitahin. Kami ni hubby bihira kami magkabadtripan lalo na away. The best kapag may good communication kayo. Hindi ka nagger etc. Gusto ko kasi paguwi ni hubby stress free na sya kasi kakastress work nya. Gusto lagi sya looking foward na umuwi na dahil sa wakas pag nasa house sya comfortable at happy sya. Effective naman ginagawa ko dahil halos hindi na nya gusto lumabas kasama friends nya na hindi ako kasama in short naging clingy sya sa akin. Ang sarap nun sinabi nya ako ang best buddy nya, best friend. Kasi importante rin na magkaibigan kayo hindi lang mag asawa. Agree ako sayo na may choice tayo kung ano gagawin natin sa buhay. Ang kapalaran nakalatag lang parang mapa ikaw lang pipili kung anong way tatahakin mo.

    Like

  14. PassionableMomMyrtle says:

    Hi Ms. Neri, 1st time ko ivisit blog mo, and napaka interesting nang naishare mo sa amin. May asawa na din ako at dalawang anak, kaya nakakarelate ako sa kwento niyo. Ganyan din kami nung nagsisimula pang magsama, OC din kasi ako at hindi ko alam na ganyan din asawa ko kasi naman nung magbf pa kami laging nag aayos at mabango hahaha eh xempre nung nasa iisang bubong na, ‘dun mo na makikita mga flaws nang isa’t isa. Hanggang ngayon naman ganyan pa rin kami minsan maliit nabagay di napagkakaintindihan, pero like you guys we also make it to a point that we don’t let those things consume us and start a fight. Instead, we just let things cool down, and if we’re ready to talk about what happened, wa talk it out and end up laughing about it. Because most of the time we find it non sense haha! So, what you had shared is normal and true. Kudos to you and Chito! May God bless you both more love and happiness in this life time. 😊

    By the way miss neri, I am also a blogger, I just don’t have a lot of followers like you since I am just a simple working student mom, but I do hope that you’ll find time to visit and read my blog as well. I write about my life as a wife, a mom and a student. I hope you’ll find inspiration with my write ups especially when it’s about parenting. I get to share how it’s like in a marriage and being parents. My blog is still a work in progress but I do hope that you get to read it. Thank you and God bless!

    http://www.janmyrtle.wordpress.com

    Like

  15. MalditaAq07 says:

    Hi, Neri! sa Instagram kita unang nakita, yung mga pictures mo and post. At first, patingin tingin lang ako at pasilip silip s Ig mo then later on hinahanap hanap ko na haha.Masyado akong choosy pagdating s mga likes and dislikes ko esp s mga Artista pero iba yung Ikaw At si Chito, Iba yung istorya nyo. Tipong susundan mo talaga every chapter ng buhay nyo hehe. hindi ko kayo pareho Idol pero sa story ng buhay nyo dun ako humanga, bihira sa mag couple at sa tulad nyo ang mka survive s isang magandang relationship. pero dahil matatag kayo at lalu ka na Neri, two thumbs up ako sayo. Keep it up and God Bless you and Chito and the incoming baby of yours.

    Liked by 1 person

  16. Mariel Bagongahasa says:

    Ang sweet nmn..turuan mo nmn ako ms.neri n pahabain un pisi ko pa..kmi kz mgasawa..mas ako ang sumisigaw lalo pag na i stress/sabi ko dati pag ako nkapagka pamilya lalo anak hinding hindi ko sisigawan at papaluin..lumaki kz ako na lagi sigawan ng sigawan which is ayaw n ayaw ko kz nkkrindi..Pero ngayon dko natupad =( Pag umiinit ulo ko lagi ako nppasigaw yun asawa ko nmn un kinaggalit nya kz ayaw nya ng sigaw ng sigaw kz d sya lumaki sa gnon although broken family sila …Yun un ayaw ng asawa ko sakin di man ako nmmalo ng anak dko matanggal un pag sigaw ko =(

    Like

  17. levyverona says:

    This is indeed inspiring Neri! I’m learning through reading especially regarding to my patience.
    I am a dominant person and when me and boyfriend oftenly argue I used to have this stronghold with my pride. Ako babae e, ako dapat sinusuyo. But upon reading this, this really hit home hard. Na di dapat puro pride, dapat marunong magpakumbaba. Kailangan kung nagmamahal ka, mas dagdagan mo pa. Kasi nga mahal mo. I can’t agree more na when it’s TRUE LOVE – kahit anong gusot kayang maayos.

    P.S. 5 years and 6 months na kami ng boyfriend ko. Hopefully soonest maging misis narin ako tulad mo! Keep safe always, good job sainyo ni Chito for an awesome parenting to your little angel!

    Like

  18. khymm says:

    Ika nga nila ang “TRUE LOVE” pinaghihirapan. Ephesians 4:26 Do not let the sun go down on your anger sana po ma practice niyo rin po yan nila sir Chito! Godbless love you neri.

    Like

  19. Marie Morales says:

    Hi Neri, gaya mo laki rin ako sa magulong pamilya, tulad mo pinipilit ko rin maging maayos ngayon ang relationship namin ng asawa ko.may tatlo na akong anak…pero kadalasan dala rin ng stress nagaaway at nagkaksakitan kami ng asawako..ngayon ko lng naisipan basahin ang blog mo.sobrang nakarelate ako..nakakabilib ka kc nagagawa mong magtimpi..sana mapractice ko rin maging mas mapagtimpi tulad mo…minsan talaga kahit di tayo galit, masyado lang tayo maselan at detailed oriented pero binibigyan agad ng kahulugan ng mga lalake hehe…nagenjoy ako habang binabasa ang blog mo..Thanks so much Mr.&Mrs. Miranda πŸ˜‰

    Like

  20. ILoveAbigailFaith says:

    Hi Ms.neri, followers mo na ako ngayun. and magbblog na din ako para updated ako sa mga sinusulat mo. nung umpisa, parang ayaw ko kc karaniwan ng mga nababasa puro english. pero nung nbasa ko blog. napawow ako. sobrang sarap basahan. feeling ko ang daldal. hopefully mameet ko kayo ni chito paguwi ko. pero matagal pa. thank u and godbless sa inyo. -OFWfromCHINA

    Like

  21. Countess says:

    Hello Neri, nagsisimula palang yung blog mo binabasa ko na talaga. Ansarap sarap sa pakiramdam basahin.. nakaka relate talaga saka napaka totoong mong tao. more power to you, sana makapag publish ka ng libro soon πŸ™‚

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s