Kaya pala nawawalan na ng gana

Napadede ko na at napatulog ko na rin si Miggy. Natutulog na rin ang asawa ko pero di ko pinadede, haha! Niyakap ko asawa ko habang natutulog. Sarap sarap! Mainit init yung katawan nya, mas masarap yakapin kase medyo giniginaw ako at kagagaling ko lang din sa sakit.

Naisip ko habang yakap siya kung bakit nasasabi ng iba na kapag may anak na daw, mawawalan din daw sweetness nyong mag asawa, sa umpisa lang daw sweet sweetan. Kapag nanganak na daw si misis at puyat na kayong mag asawa, magkaka inisan kayo at mag aaway na. Kase nga puyat at pagod.

Alam mo, totoo siya.

Pero di naman kami nag aaway ni Chito. Pero alam mong hindi imposibleng mangyare yun. Kase pag sobrang puyat at pagod nyo sa kaka alaga kay baby, haaaay, puputok ka talaga eh. Kahit sa simpleng bagay lang.

Buti na lang talaga matyaga ang asawa ko at maalaga. Kahit puyat from work, inaalagaan nya kami ni Miggy. Nung kapapanganak ko lang, ayaw nya talaga ako nagkikilos. Kahit hanggang ngayon na mag iisang buwan na si Miggy, ayaw nya pa rin akong nagkikilos, naiinis siya sa akin kase matigas ulo ko. Naglilinis na ako, nagbebake na ako, nagluluto na ako, naglaba pa nga ako at dun ako nagkasakit after. Kaya inis na inis sa akin asawa ko, hehe! Pero damit ni Miggy yung nilabahan ko, hindi damit naming mag asawa ha? Pero medyo madami rin kase ilang beses magpalit ang baby pala sa isang araw, grabe! Haha!

Pero nung kami lang ni Chito ang nag aalaga kay Miggy at yung isang friend namin, anytime puputok na rin kami, pero pinipigilan namin kase mas makakadagdag stress at hindi talaga makakatulong sa amin lalo na nagkaron agad ng emergency. Grabe talaga ang pagod at puyat namin nun. Kase nga akala namin ni Chito na kaya na namin, na hindi na namin kailangan yung mga nanay namin, mali pala kami. Laking tulong nung nagtake over na mga nanay namin, haha! Nakakatulog na kami at di na kami aligaga at mainit ang ulo dahil sa pagod at puyat.

Siguro nagkaron kami ng sistema kaya mas parang dumali yung pag aalaga kay Miggy. Tama nga ang sabi ng lahat, sabayan nyong matulog ang baby. Yung una kase hirap ako, gusto ko nakabantay ako kahit tulog si baby, natatakot akong iwanan na walang gising sa aming lahat pero normal lang na mafeel mo yung takot. Eventually, makikita mo rin na ok lang din palang sabayan matulog si baby.

Hindi din tama na lahat kayo gising at nag aalaga sa baby. Kami kase salitan. Pero syempre kapag ikaw ang nanay, mas konti lang pahinga mo, nasa sayo yung pampatulog eh, ang mahiwagang dede, haha! Sobrang powerful niya na kahit hindi gutom si Miggy, basta nakasupsop lang dede ko sa kanya, tulog na agad siya. Or ginagawa niyang unan dede ng nanay nya, haha!

Dapat ang mga tagabantay kung may pagkakataong matulog, matulog lang. Mahirap kapag puyat lahat. Dun magka-clash mga tao, pagod at puyat tapos minsan makakalimutan pang kumain, e di samahan mo pa ng gutom. Ang nagpapabreast feed, grabe ang pagod, uhaw, at gutom pagkatapos maglatch ng baby. Kaya sobrang alalay din sa mommy.

Hindi kaya madaling magpadede. Hay naku. napakasakit nung mga unang araw! Parang minamartilyo nipples ko. Sugat sugat talaga at may dugo ng lumalabas. Para kang lalagnatin. Mas nasaktan pa ako sa pagdedede kaysa sa panganganak kay Miggy!

Dapat rin naka ayos lahat ng mga gamit ni baby. Para hindi maka aksay ng oras kakahanap. Ako nagpagawa ng baby drawer, mahal kase sa mall eh. P8k lang bayad ko kasama na pintura at delivery, hehe!

15608678_120300001210818428_82047731_o

Sa top nakalagay yung pag pump ko, minsan ko lang gamitin kase sa bahay lang naman ako palagi, gusto ko latch ng latch si Miggy para mas magstimulate pa at mas dumami pa ang milk ko. As much as possible talaga kung kaya hanggang isang tao ang milk supply ko, much better kay baby. Pero kung sobra sobra hanggang dalawang taon, e di mas maigi. Andyan din mga alcohol, thermometer, bulak at mineral water pang hugas ng nipples ko bago maglatch si baby. Baby books, at notebook para kay Miggy. Nakarecord kase kung anong oras siya pumupu, nagwiwi, yung body temperature na, at kung kelan sya dumede. Lahat nakarecord yan.

Yung nasa loob ng drawer, yung mga sana ilalim na drawer, mga diapers at baby wipes nakalagay diyan para di nakakalat. Malinis tingnan. Pero pag nagkababy ka na, naku, lagi rin makalat, haha! Yung tatlong medyo maliliit na drawer sa taas, mga damit ni Miggy yun pero naglagay pa ako ng mga container para di exposed yung mga damit ng anak ko. Nilagyan ko na lang ng mga label para mas madali hanapin at hindi nakabuyangyang.

15631469_120300001204886531_1595253411_o

Segurista si Mommy Neri no? Haha! I am sure mas malala pa kayo sa akin, haha!

Dapat din kumakain kayo sa tamang oras sana. Kung walang taga luto sa inyo, pwede siguro, magluto na lang ng isang gabi si daddy o si mommy ng pang isnag linggong ulam habang yung isa nagbabantay kay baby.

Ako kase pinagbabawalan pa ako na kumilos ng asawa ko, nakakaluto luto pa rin ako kahit papaano saka nakakapag bake kapag tulog mister ko, haha! Pero andyan ang mommy ko na nagluluto sa amin, sarap sarap ng mga niluluto! Tapos dumating pa mom in law ko, naku ang daming tumutulong sa amin!

Wala kase kaming yaya for Miggy. Gusto ko kase hands on sa kanya. Buti na lang, andito yung best friend kong isa, si Mace, saka yung mga nanay namin ni Chito. Mommy ko ang naglalaba ng mga damit talaga ni Miggy, ang bango bango pag nanay ko ang maglaba eh. Don’t worry yung detergent na gamit ng nanay ko, binili ko talaga pang baby.

So far yun lang ang nakikita kong kailangang gawin. Ang pinaka importante talaga, rest rest rest! Iba talaga kapag well rested ka. Iba ang aura, positive ka palagi, nakakasmile ka, masaya kang nag aalaga. Mas maeenjoy mo ang pagiging isang ina kapag nakapahinga ka.

Kaya mga daddies, hindi po biro ang pag aalaga ng babies. Ang pagbubuntis nga ng more than NINE MONTHS eh mahirap na, panganganak pa, pagdedede pa, tapos ang puyat at pagod sa pag aalaga pa? Naku! Lahat kay mommy yun! Kaya alagaan si mommy para mas madaling alagaan si baby at para mas maaliwalas at mas masaya ang bahay nyo.

Yun lang po. Bow. Hehe!

-NM

Advertisements

14 thoughts on “Kaya pala nawawalan na ng gana

  1. Joana M. says:

    Hi, Ms. Neri! Fan ako ng blog mo. And nakakatuwang sundan ang journey mo sa pagiging nanay. Ganyn din kasi naranasan ko. And napakansaya at napakalaking privelage ang pagiging nanay at swerte din ang mga nanay na nakakasama full time si baby. πŸ™‚ Mahirap sa umpisa pero sarap talaga ng pakiramdam.

    Liked by 2 people

  2. mummynanz says:

    Hayyy, yung mga newborn days!! Nakakaloka! Hehehe. Kami rin nun walang yaya. Nanay ko gabi lang ang punta kc me office pa sya. Mega dasal lng at tiyaga, nakaraos din. Di ko makakalimutan din newborn days kc dun ko rin nakita kung gaano pala ako kalakas bilang babae at nanay, as in super walang tulog pero kelangan gawin lahat. Kaya mabuhay talaga lahat ng nanay at magulang!! Hehehe. Pero kahit napakahirap sya pa rin ang pinakafulfilling na nagawa at ginagawa ko. Thank you also for sharing! Kaya natin lahat yan!

    Liked by 1 person

  3. L.c.p.r. says:

    I can relate to you Ms. Neri. 4 mos na baby ko emergency C-Section din ang nangyare. Katulad ni chito nagbanda rin ang husband ko (pero ngayon hindi na masyado) we live nearby po (sa may buck estate po) super lucky ko rin Kasi maasikasi rin ang husband ko. Halos ayaw nya ako pakilusinn after ko manganak. Sya nag aasikaso kay baby. Nagpunta kami sa hospital kami lang dalawa. We thought kaya na namin at ayaw na rin namin mang abala ng ibang tao pero mahirap pala kaya ang ending tinawagan pa rin nya ang parents namin for some help. Basta gusto ko lang din ishare na totoo nga pag sobrang pagod ka sa pag aalaga minsan hindi nyo na talaga napapandin ang isat isa kasi need mag sleep at magpahinga. Pero everytime naman na nakikita mo baby mo. Super nkakawala ng pagod. Goodvibes na.

    Anyway, hindi ako lage nkakaabot pag nagtitinda kayo sa may il gallo nero kaya hindi ko pa matry ang gourmet tuyo mo. Hehe.

    Thanks much. And more power. 😊

    Like

  4. Jackie Perez says:

    Nakakatuwa naman blog mo Ms. Neri tama ka di madaling maging nanay mula sa pagbubuntis hanggang sa makapanganak. Ako nga grabe din pinagdaanan ko sa panganay at bunso ko. Takot ako mag labor that time at nasa puso ko ang ma c.s. which is yun din pala talaga ang mangyari nag early contractions ako and at 33 weeks nilabas ko ang baby ko na premie mahirap dahil makita mo na maliit siya nakakaiyak dami naming pagod at sakripisyo naming magasawa kala ko ok na.. 3months na si baby at boom!!!!!!! Buntis ako ulit on my 2nd child at 12 weeks na pala!!! 😱 may gosh!! Di pa humihilom tahi ko eh buntis nanaman ako so buti na lang magaling doctor ko at inalagaan ako grabe binat na binat ako…. At sa Awa ng Panginoon 6 and 7 years old na sila di talaga biro madaming pagdadaanan pero ang mahalaga TEAM WORK ng magasawa kailangan na share ko na pala experience ko jeje!! Thanks Ms. NERI for sharing your wonderful mommy moments with us!!!! Till your next blog

    Like

  5. Cathy Beattie says:

    Malaking pagbabago talaga kapag nagka-baby na ang mag-asawa. At laking pasalamat ko din dahil understanding ang asawa ko. May mga times talaga na kahit konting bagay lang maiinis kayo sa isa’t isa. Eh mahirap pa naman makipag away kasi english kailangan (hindi Pinoy ang asawa ko). Yun bang asar na asar ka na pero nagpipigil ka kasi baka iba yung masabi mo at mas lalo pa lumala. Sabi nga niya it works on his advantage kasi there are times na napapaisip ako talaga kung reasonable pa ba magalit. Then nakakalimutan ko na kung bakit ako naiinis.

    Buti na lang nung first 3 months naalagaan ako at si baby ng mother ko. Nakapunta siya sa amin kahit kinailangan niya magtravel ng more than 36 hours, macancellan ng flight, magrebook at first time niya ginawa yun mag-isa. Iba talaga kapag may support ka lalo na sa ating mga first time mums.

    Like

  6. cheksclusive says:

    Finally namiss ko magbasa ng blog mo Ms.Neri! Nakakagoodvives naman kase talaga. Lalo ngaung buntis ako, mabilis magbago ng mood dahil sa pregnancy hormore. Madalas ko icheck IG account mo tapos aliw na aliw ako sa captions mo. Dami ko natututunan sayo. Nagpepray ako na maging kasjng strong mo ko pagdumating nadin si baby namin ni mister. And hopefully magkaroon din ng maraming milk. Ngaun palang na di pa ako nanganganak super naaapreciate ko na agad yung momy at mom-in-law ko dahil sa mga kwento mo at sa pag-aalaga nila saken what more pa kaya pag nanganak nako. Nakakaexcite pero nakakakaba.hehe Ms.Neri alam ko busy ka lalo na sa pag-aalaga kay baby miggy pero sana mabasa ko nadin blog mo about kung paano ka nanganak. Para makakuha nadin ng tips.hehehe Thankyou po! More strength and more milk for you para kay baby miggy!β™₯

    Like

  7. ceiblog25 says:

    Yes! Tama po lahat miss neri. No yaya dont care! Pero sobrang hirap sa first months ng pgkakaroon ng newborn. In my case, kahit 2nd baby na nakakaiyak padin yung puyat, pagod kasi alagain padin yung panganay, tapos feeding kay newborn na sobrang sakit! Pero pag na establish na yung patterned feeding, schedule of house chores pati sleep cycles, hayy heaven! Tapos healthy pa si baby kasi breastfeed. Swerte mo po may nanay at mom in law na nakaantabay padin. Ako, sariling sikap. Buti napakabait at responsable ng mister ko. Like pareng chito, kaso di sya cheesy! Haha

    Like

  8. Macel Pontawe says:

    Sa una lang tlagang sobrang stress, specially pag working mom k,after work alaga ng bata imagine 2 months lang leave m tas maiiwan m n baby m ng buong araw. Gabi lang kayo magkakasama. Kaya nkakaiingit dn ung hands on k tlga sa anak m pero need naman kasi magwork for the family lalong lalo na para kay baby mahal kaya ang gatas, ako kasi wlang lumabas n milk eh inubos ko na lahat dahon nang malunggay namin wla tlaga. Kawawa si baby wlang makuha na milk. Pag nagkakasakit si baby magiging zombie k tlga as in 24 hrs kang gising lalo pag ayaw mahiga sa bed ang baby gusto nia laging karga kahit maupo lang kau habang karga m ayaw nia gusto niya nakatayo lang. Mas mhirap pag ofw ang aswa m at wla ka kasama kaya sobrang blessed ako at nanay k kasama k nag aalaga sa baby k. Ngayon 3.5 yrs old na si baby k medyo maginhawa na ng kunti kasi madaldal na nakakapaglakad n, minsan nga niloloko kana nasasabi na niya ung gusto niya. Nakakapaglaro na at my crush n. Sobrang saya ang may anak kahit anong hirap na dadanasin m baliwala lang yun. Smile lang anak mo hayahay na ang buhay….

    Like

  9. lizafontanil says:

    Ms. Neri, I’am an avid fun of yours po! Gaya po ninyo isa na kong mommy kay baby Alli! And it is true lahat ng nakasulat sa blog nyo, mahirap pero masarap ang pagkakaroon ng baby πŸ˜‰ Nung newborn pa si alli laging mainitin ang ulo ko sa asawa ko, konting bagay lang naiinis na ako dala siguro talaga ng pagod at puyat sa pag-aalaga kay baby. Nakilala kasi ako ng husband ko na mabait at pasensyosa pero nito ngang dumating si baby namin medyo nag-iba ang ugali ko sa kanya. One time dumating na napuno na din siguro ang asawa ko, napikon na sya sa akin at sinabihan ako ng akala daw nya dati ang bait bait ko yun pala sobrang sama daw ng ugali ko. hehehe… Pero inexplain ko sa kanya yung sitwasyon ko at ang pagkakaoon ng post partum depresyon at naintindihan naman nya. Ngayon 1 year old na baby namin nito lang December 18, 2016. Sobrang happy ako pati ang asawa ko sa blessings na binigay niya sa aming mag-asawa. πŸ˜‰

    Like

  10. Via mapayo says:

    Hi ms Neri!Ang sarap pong sundan ng journey ng yung pamilya para akong nanunuod ng palabas nakakaexcite lage tingnan ang mga post niyo po.Tulad niyo po I am a first time mom din.She is 2year old and still breastfeeding.Sobrang nakakarelate ako sa napagdaanan mo ngayun dati din para akong paranoid kakabantay ng baby ko.Sobrang takot ako mawala siya kaya di ko nililingat paningin ko sa kanya.Sobrang hands on ako sa baby ko.Kapag tulog siya saka lang ako makakaligo.Sobrang O.A. ako sa baby ko dati.Sa sobrang close namin ng baby ko ngayun di ko siya maiwan iba talaga ang bond naming dalawa.Kapag umaalis ako kahit saglit lang siya naman nasa isip ko.Sa una lang po mahirap magbreasfeed pero kapag medyo lumaki na c baby minsan tatagilid ka na lang para magpalatch sa kanya tapos tulog ka na din po.Mas nakakapuyat po ang formula magtitimpla pa.Sa observation ko po sa baby ko ang bilis ng memory niya,bibo,hindi sakitin,yun po talaga ang batang breastfeed.Nagsisi lang po ako sa pagkain niya kasi di ko siya sinanay na tumikim ng kung anu.ano kaya naging picky eater siya.Pero ngayun nagttry na din po.di din po siya mahilig sa sweets ganun daw po kpag nbbreastfeed kasi di daw matamis ang milk ng nanay..
    Thank you po sa pagbbsa,ang dami ko pong kwento parang kayo lng po.

    Like

  11. cherryannmarquez says:

    Thanks for sharing! Nakakatuwa talagang magbasa ng blog mo. Parang feeling naming readers close na close sa iyo kaya naman masarap din magshare ng sarili naming experiences. Naka-relate kasi…

    Tama ka, mahirap talagang mag breastfeed sa una. “Mas madali pang manganak” sabi ko dati. (Emergency cs din) Pero ang sarap na pag ok na. Especially pag 5 months onwards na, pag talagang tinitingnan ka ni baby while you’re feeding. At minsan nagg-grunt, parang kinakausap ka. Haay, ang saya talaga. Tanggal pagod.

    Congrats! Enjoy motherhood!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s