Muntik na kitang minahal…

Naranasanan nyo na ba na may mahal ka pero may mahal nang iba? O para sa mga high school, yung tipong may crush ka pero iba ang crush ng crush mo? Saklap di ba? Pakiramdam mo parang katapusan na ng mundo? Gumuguho na ang mundo mo. Ang sakit sakit. Hirap bumangon sa kama. Parang ayaw mo nang pumasok sa school o sa trabaho. Haaaaay.

Nung high school ako, may transferee sa school namin. Hindi ko alam kung expelled o nakick out ba siya sa school nila. Pero third year high school palang kami nun. Siguro bad boy siya sa kanila para makick out?

Naalala ko pumasok siya sa room namin, magiging classmate ko pa pala. Ninety percent ata ng mga girls, kinikilig sa kanya. Pero isa ako sa ten percent na hindi kinikilig sa kanya. Yung ibang mga girls, akala mo sinisilihan ang mga pwet sa kilig na parang nakakita ng ipis na numinipis ang mga boses. Kanya kanya na silang pagpapacute.

Hindi lang sa classroom namin pati sa ibang mga sections at ibang high school levels. Siguro dahil transferee? Siguro kase bad boy image niya? Iba ang dating siguro sa mga high school na kick out ka sa school? Cool siguro sa kanila yun? Hindi ko alam eh pero di ko talaga sya type.

Nung pinakilala siya sa classroom ng adviser namin, biglang tinawag pangalan ko. Nagulat ako. Inutusan ako ng adviser namin na i-tour ko daw yung bagong student sa buong campus. Kaasar! Sa lahat lahat ako pa talaga. Ang dami na ngang ibang girls na nagvovolunteer na sila na lang daw yung magtour sa new student, pero ako pa inutusan.

Nung recess time, pagkalabas ng classroom namin, tinuro ko lang yung building namin ng junior high school, tapos konting hakbang lang, siguro mga ten to fifteen steps lang, tinuro ko yung canteen namin saka sinabi ko na lang sa kanya yung looban dun kapag lumiko siya, rest room na yun. Saka sabi ko sa kanya, yung nasa tapat obvious naman na simbahan namin sa school. Saka sinabi ko na bahala na siya magtour sa sarili niya. Natawa na lang siya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba medyo irita ako sa kanya? Dahil ba hindi ako katulad ng iba na nagpapacute sa kanya? Dahil ba wala akong paki sa kanya? Hindi ko alam kung bakit siya natawa… Biglang dumating sister niya. Pagkakataon ko na yun para umalis at magrecess.

Umalis talaga ako ng hindi nagpaalam. I know, hindi magandang manners yun pero ayaw kong makita ng mga students na nakadikit ako sa kanya, baka isipin pa nila na nagpapa cute ako sa kanya, di ba? Kaya umalis na ako agad. Hindi ko rin alam kung gusto niya akong ipakilala sa sister niya. Hindi ko nga maalala kung pinakilala ba niya ako kase nagmamadali akong umalis bago pa lumabas lahat ng students para magrecess.

Tawagin na lang natin syang Mr. Bad Boy Transferee.

Days, weeks, months ang lumipas.

Isang araw, tinanong ako ng isang classmate ko kung bakit daw puro smiley yung mga gamit ko. As in lahat talaga: bag, ballpen, lapis, pins, yung binder notebook ko, basta puro smiley ako. Alam nyo ba yung sinasabi ko? Yung yellow na smiley face? Anyway, sabi ko wala lang, gusto ko lang, napapasaya niya ako eh, paborito ko lang talaga. Sabay sabat si Mr.Bad Boy, “mga gamit niya puro smiley pero yung may ari, ni hindi man lang ngumiti kahit konti”. Nagulat ako.

Hindi ba ako ngumingiti? HA???? Eh panay tawa ko nga kapag kasama ko mga kaibigan kong mga loka loka eh. Yung tipong umiiyak na kayo sa kakatawa tapos walang sound tapos nakakandahulog na kayo sa sahig kase tawang tawa na kayo? Ganun kaya ako. Pero tama sya…hindi ko nga siya nginingitian.

Siguro nga naiirita ako sa kanya? Pero hindi ko alam kung bakit ako iritable sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Tahimik nga lang siya sa classroom eh. Lagi lang nakikinig sa walkman niya. Wala pang iPod nung high school ako, haha! Siguro gusto ko patunayan na hindi lahat ng mga girls eh patay na patay sa kanya? Hmp. Hindi ko alam.

Naalala ko, lagi niyang kinakanta yung “Iris” ng Goo Goo Dolls. Namemorize ko na nga eh. Paano kase nilagay siya ng adviser namin malapit sa upuan ko. Lagi kase akong nasa likod kase matangkad ako. Mapa seating arrangement o pila sa flag ceremony, lagi akong nasa likuran. Kaya halos mga lalaki na mga katabi ko.

Kahit may klase kami nakikinig siya sa walkman niya. Nasa tabi siya ng classmate namin na naka-upo sa harapan ko. Gets mo ba seating arrangement namin?

Ang ginagawa niya, yung cord ng ear phone niya, pinapadaan niya sa loob ng uniform niya sa likod. Tapos papadaanin niya sa sleeves niya, long sleeves kase uniform namin. Tapos kunware nakasandal yung ulo niya sa kamay niya pero nakikinig na siya ng mga songs nya. Hindi siya nahuhuli, wala naman nagsusumbong sa ginagawa niya.

In fairness kay Mr. Bad Boy, hindi mukhang bad boy yung itsura niya. Actually malinis yung skin nya sa face, laging bagong ligo pag pumapasok tuwing morning. Nakasuklay naman yung hair niya. Plantsado at mukhang mabango naman yung uniform niya. Hindi ko pa naman siya naaamoy pero malayuan o malapitan, mukha naman siyang mabango.

May event sa school namin, hindi ko na maalala kung ano yun, pero nagulat na lang ako at magpeperform daw siya. Akala ko kakanta kase panay kanta nga nya ng Iris. Nagulat na lang ako na nag seset up siya ng drums. Aba eh, drummer pala ang loko! Kaya naiimagine mo na ba kung gaano na yung kilig ng mga babae sa campus namin kase drummer siya, another pogi point, at syempre laglag panty na naman sila kay Mr.Bad Boy. Nagseset up palang yun ng drums ha? Hindi pa nagpeperform.

Ayan na, magpeperform na si kuya. Naku, nagtanggal ng uniform! So mas dumadami ang kilig sa quadrangle, at di pa ata nakuntento si kuya, eh pati sando tinanggal! Nagtilian na ang mga girls. Tapos tumalikod siya, buong likod niya, may tattoo! Certified bad boy nga si kuya!

Parang ugat ng tao yung tattoo niya, pero punong puno, buong likod, hindi ko masyadong tinitigan. Pavirgin pa eyes ko nun. Syempre third year high school palang ako nun. Probinsyana, kaya nagugulat pa ako sa mga ganun. Siguro kaya siya nakick out sa dati niyang school dahil sa tattoo niya? Hindi ko alam eh.

Nagperform si Mr. Bad Boy Transferee. Infairness, magaling siyang drummer. Narindi na lang tenga ko sa kakatili ng mga babae sa tabi ko, kaya umalis ako dun at hinanap mga kaibigan ko para makipagkwetuhan.

The End.

Loko lang, haha! Anyway, natapos na rin yung event sa school namin. Nagliligpitan na yung mga students na involved sa event. Palabas na kami ng mga kaibigan ko sa quad nang makita ko si Mr.Bad Boy na nagliligpit ng drum set niya sa harapan ng building namin, at nilo-load niya sa kotse niya. Syempre medyo big deal na may sarili siyang kotse kasi third year high school palang kami nun. So pogi points na naman yun (hindi dahil may kotse sya…but yung fact na nagda-drive at nagdadala na sya ng car kahit 3rd year pa lang kami). Yung ibang classmates ko kasi, mga kabayo yung pinapark sa school eh, haha! Pero totoo yun, nagdadala talaga sila ng mga kabayo, kase malapit lang kami sa Wright Park.

Anyway, habang naglo-load sya ng mga gamit, may isang girl na lumapit sa kanya at tinutulungan siyang magload ng drum set nya. As in binuhat niya yung malalaking drums! Eh maliit lang si girl. Hindi naman siya pinigilan ni Mr.Bad Boy, pero nung natapos sila magload ng mga gamit niya, nag thank you lang si kuya sabay sakay sa kotse nya, haha! Feeling ko, nag expect si ate na mago-offer si Mr.Bad Boy na isabay or ihatid sya. Kaso nagpasalamat lang siya kay ate tapos umalis na. Popular yung girl sa campus namin pero di sya gaanong pinansin. Iba talaga si Mr. Badboy.

Ewan ko lang kung bakit kapag dumadaan si Mr. Bad Boy sa harapan ko, eh lagi siyang kumakanta. Feeling ko pinaparinig niya sa akin yun. Yung gusto niyang sabihin sa akin. Ewan ko lang baka feeling lang ako nun, haha! Assuming din katulad ng ibang mga girls, haha!

Pero kase naalala ko, may sinasabi ata siya sa classmate namin na naka-upo sa harapan ko na katabi niya, tapos hindi ko sila pinapansin kase busy akong nagsusulat sa binder notebook ko ng kung anu-ano. Mahilig kase talaga akong isulat thoughts ko sa papel kahit nung bata pa ako. Basta kung ano lang pumasok sa utak ko, sinusulat ko. Minsan tina-try kong i-draw pero di ako magaling magdrawing, haha! Anyway, may sinasabi yung seatmate niya sa akin pero di ko pinansin. Tapos nung nasa labas ako ng classroom, dumaan siya sa harapan ko sabay kumanta ng “Lonely, I am Mr. Lonely, I have nobody…” Siguro nga feeling ko lang yun.

Christmas Party sa school at excited na ang lahat para sa Monita Monito. Yung ibang mga classmates kong babae, nananalangin ata na sila ang Monita ni Mr. Bad Boy Transferee para may interaction siguro sila. Nakalimutan ko na kung sino ang Monito ko nun. Pero yung isang classmate naming lalaki, biglang pumasok sa classroom namin na may dalang malaking regalong, as in pang balikbayan box, so inisip namin na teddy bear na malaki ang laman nun at excited na kaming malaman kung sino ang Monita niya.

Natapos na ang exchange gifts, andun pa rin yung malaking balikbayan box na regalo. Sabay kinuha ni classmate, huminto siya sa harapan, sabay naglakad dahan dahan. Napansin ko na parang papalapit siya banda sa kinauupuan ko, at nagulat na lang ako na nilapag niya sa lamesa ko sabay hiyawan mga classmates namin. Speechless ako. Ano ‘to? May gusto siya sa akin? Hindi ako kumibo, di ko nga maalala kung nagpasalamat ako eh. Pero ang naalala ko napatingin ako kay Mr. Bad Boy, nagulat din siya. Yung mukha na, “ah may boyfriend na pala siya…”. Parang gusto kong i explain na hindi ko siya boyfriend pero bakit ako mag eexplain? Naguluhan ako sa sarili ko. Nanahimik ako sa upuan ko. Hindi makagalaw kahit ang ingay sa classroom sa kantyawan.

Kung curious kayo kung ano ang laman ng balikbayan gift box, mali ako, hindi siya isang malaking teddy bear, literal na balikbayan box, haha! Ang daming lotion, pabango, chocolates, damit.. dumating pala mommy niya galing ibang bansa, kinuha ata niya yung mga pasalubong ng nanay niya para sa mga kamag anak nila, haha! Pero infairness ang babango at ang gaganda naman ng mga pasalubong.

Dalawang linggo ang Christmas break sa school. Pagbalik namin ng January, parang excited akong pumasok sa school, hindi ko alam kung bakit. Basta naglu-look forward akong pumasok sa school. Oo na, medyo hinahanap ko rin si Mr. Bad Boy.

Flag ceremony na, wala pa rin. Magsisimula na ang first subject, wala pa rin. Absent ata.

Biglang may nagbukas ng pintuan ng classroom namin, si Mr. Bad Boy! Pumasok rin, late nga lang! Napangiti ako kase pumasok siya.

Hindi niya ako pinapansin the whole day. Hindi naman talaga kami nagpapansinan pero alam mo yung may mga konting sulyapan kayo? Yung nahuhuli mo siya na  patagong tumitingin sayo? Pero ngayon, as in wala. Parang iba. Parang hindi ako nag eexist sa mundo niya, o kahit sa classroom man lang namin? Medyo nalungkot ako.

Uwian na namin, niyaya siya ng isa naming classmate kase may konting inuman daw sa bahay nila at birthday niya daw. Nagpass siya at may susunduin daw siya sa town, yung girlfriend niya!

Parang nanlamig ako nun. Dalawang linggo lang, meron na agad girlfriend?

Nainis ako sa sarili ko. Sabi ko kase nagpakipot pa kase ako. Bakit kase sinusungitan ko siya…ayan tuloy. Kung kelan naman hindi ka na pinapansin, dun naman ako natataranta.

Mga two days din na nainis ako sa sarili ko.

Pero after ng dalawang araw, teka bakit ako maiinis sa sarili ko? Eh nagkagirlfriend siya, no big deal di ba? Naisip ko na baka naman may girlfriend na siya bago pa pumasok sa school namin? O di kaya nagkabalikan sila? O matagal na talagang nag eexist yung girl na yun? Nagpapakilig lang siya sa mga girls? Nagpapacute lang siya? Sanay na siyang ganun? Baka talagang malandi lang siya?

Lalo akong nagsungit sa kanya. Mas lalo ko siyang di pinansin.

Nagulat na lang ako nang tanungin ako bigla ng classmate namin na seatmate niya kung may date na ba daw ako sa prom. Hala, oo nga, malapit na pala ang prom! I asked kung bakit niya tinatanong, hindi pa man nagsisimula sentence niya bigla na lang tinakpan ni Mr. Bad Boy yung bibig niya! Nagulat ako. Nasabi ko na lang, “Anong nangyayare sa inyo?” Sabay umalis na ako.

Naglalakad ako sa quadrangle nang biglang may nagsalita sa school radio ng campus, “This song is dedicated to Ms Neri Naig…”. Boy band yung kumanta, di ko nga lang maalala yung kanta…pero kinilig ako habang naglalakad sa quadrangle. Feeling ko ako si Julia Roberts sa My Best Friend’s Wedding na kinakantahan ako kaya feel na feel ko yung paglalakad ko sa quadrangle namin. Alam ko na kung sino ang nagpatugtog nun!

Binagalan ko talagang maglakad para matapos ko yung buong kanta, feel na feel eh. Sabay nung natapos na yung kanta, biglang may nagsalita at nagpakilala sa speaker, iba ang boses! Ang naalala ko lang, si Batangueñong someone daw, nakalimutan ko talaga ang name niya. Bigla nga akong nairita sa song eh, kaya siguro di ko maalala kung ano yung dinedicate na song, sa sobrang asar ko, feeling ko yung kanta eh “Seasons in the sun”.

Hindi si Mr. Bad Boy Transferee yung nagdedicate ng song! Bakit siya yung ineexpect ko? Eh di ba mas asar ako sa kanya ngayon?

Bakit kaya ganun? Kapag di mo type yung gumagawa ng mga sweetness eh iritang irita ka? Hindi mo talaga na aappreciate? Pero kapag crush mo, sulyapan ka lang, sobrang saya mo na, eh paano kung ngitian ka pa? Eh di heaven na?

Anyway, malapit na nga ang prom, si Mr. Batangueño eh nagpadala ng letter sa classroom asking kung pwede ba daw kaming mag usap sa tapat ng simbahan kasi he will ask me something daw. Syempre alam ko na kung ano na nga yun. Hindi ko sinipot. Nakita ni Mr. Bad Boy na may binabasa akong letter. Dumaan lang siya sa harapan ko.

Senior high school pala si Mr. Batangueño.

So wala akong date nung prom kase nga may isa akong gustong ka-date nun.

Prom night na! Nagdecide kaming mga kaibigan ko na mag ayos sa bahay na malapit sa venue ng prom. Ang saya nung nagpe-prepare kami nun. May snack kami tapos may 90’s songs. Nagkakantahan kami at nagsasayawan kami nun habang nag aayos para sa prom. Kinulot ko yung hair ko, tapos nanghiram ako ng make up sa mga kaibigan ko at sinubukang mag make up. Ang saya saya namin dun sa room ng friend namin. Yung suot ko pala long black dress na spaghetti strap. Tapos nakalugay lang hair ko na medyo wavy na kase di nagstay yung pagkakulot ng buhok ko. Black strappy sandals at may maliit na black purse. Simple lang.

Sumakay na kami sa taxi papunta sa venue. Naalala ko yung song sa radio ng taxi, yung “So Young” ng The Corrs. Feel na feel namin yung song, feeling namin kami yun. Kinanta namin ng malakas yun sa loob ng taxi. Ang saya saya lang namin.

Pagdating namin sa venue. Pumunta na kami sa mga upuan namin. Nakita ko si Mr. Bad Boy, malapit siya kung saan kami nakaupo. Medyo sinisilip ko kung sino ang ka-date niya. May mga girls siyang katabi pero di ko alam kung sino ang ka-date niya dun o ka-date ba ng mga kaibigan niya. O baka dinala niya yung girlfriend niya? Pero ang alam ko bawal magdala ng outsider. Hindi ko alam.

Nagsimula na ang prom, as usual, magsasalita ng mahaba ang mga teachers, may mga rules pa, maraming pinagbabawal, nireremind ang mga students kung gaano lang pwede kalapit ang mga students pag magsasayaw, haha!

Pinatay na ang mga ilaw, binuksan lang yung nasa stage at sa gitna para madilim. Nagpatugtog na, may professional dj na kinuha ang student council. Halos lahat country songs yung pinapatugtog. Since nasa Baguio kami at yun talaga ang mga hilig nila dun na kanta. Hindi ko pa gaano naaappreciate yung ganung klaseng genre, unlike ngayon gustong gusto ko ng pakinggan. Iba trip kong kanta. Yung mga typical na songs na pang “T.G.I.S.” na theme songs nila Peachy at Wacks o nila Diane Villaruel at Ricky Salveron ng “GIMIK”. Yun kase ang ineexpect kong moments sa first prom ko.

So nakaupo lang ako at bored sa kinauupuan ko nang pagtingin ko sa harapan ko, papalapit si Mr. Bad Boy sa akin, napalunok ako, kinabahan, lumakas tibok ng puso ko, parang nag whistle pa yung lalamunan ko, basta tumunog din siya na parang upset tummy yung sound. Panay lunok ko ng laway. Hindi ko alam kung mag stay ako sa upuan ko o tatayo ako at tatakbo sa rest room para magcheck kung ano ang itsura ko, natense ako. Sa sobrang di ko alam ang gagawin ko, nakaupo lang ako tapos hindi gumalaw. Awkward upo at literal na hindi gumagalaw nun. Umaarte kunware wala akong pakialam pero alam ko awkward ang pagkakaupo ko.

Anyway, ang lapit na ni Mr. Bad Boy, syet! Wala akong bubble gum! Paano ako magsasalita? Sa kakalunok ko ng laway ko, baka mag amoy panis na laway hininga ko? Tapos ninenerbyos pa ako. Konting hakbang na lang at malapit na siya… sabay may nakita akong kamay sa mukha ko, nanggaling sa may gilid, sabay sabi, “May I dance with you?”.

Ang baba ng boses. Lalaking lalaki. Nagulat ako. Napatingin ako sa kamay. Mahaba, kayumanggi yung kulay, lalaking lalaki yung kulay. Sabay napatingin ako sa face kung sino yung nagsalita at kung kanino yung kamay na yun. Pagtingin ko sa kanya, sabi niya, “Hi, Ms. Neri, ako nga pala si Mr. Batangueño. sabay kinuha niya kamay ko at dinala sa dance floor.

Sumama naman ako. Pero habang hawak niya kamay ko, nakatingin ako kay Mr Bad Boy. Nakatayo lang siya dun sabay lumiko at may sinayaw na iba.

Asar na asar ako nun! Sayaw na eh, naging bato pa!

Kinumusta ako ni Mr. Batangueño. Pleasant looking naman siya. Matangkad. Naka smile siya. Ang dami dami niyang sinasabi, pero nakatingin ako kay Mr. Bad Boy habang may kasayaw siyang iba. Ang iniisip ko nun, ako dapat yun eh. Kami dapat dalawa yun.

So lalo akong naasar kay Mr. Batangueño. Hindi ko siya pinapansin. Pinapakita ko talaga na ayaw ko siyang kasayaw, I was just being nice sa kanya kase he asked nicely naman. Parang tagal na tagal akong matapos yung isang kanta.

Sa wakas! Natapos na rin! Hinatid niya ako sa upuan ko, sabay may inabot siyang long stem na red rose. It was a nice gesture and I said thank you. Pero hindi ko talaga type. Gusto kong itapon. Gusto kong ibigay sa iba.

Sabi ko, ruined na yung prom night ko. Wala na talagang chance na magkausap man lang kami. Kahit isang sayaw man lang.

Gusto ko na ngang umuwi nun agad agad sabay may narinig akong nagsalita sa harapan ko, “Hi, Neri!. Napatigil ako. Hindi ko muna tinignan kung sino yun. Siya nga ba yung nagsalita? Yung ineexpect ko? Yun nga ba yung boses niya? Nakalimutan ko na kase eh.

Pagtingin ko sa harapan ko, si Mr. Bad Boy Transferee!

Sabay nagsmile siya sa akin at tinanong niya ako kung gusto ko ba daw sumayaw. Ngumiti ako. Napatingin siya sa hawak kong rose. Gusto ko biglang itapon sa likod pero syempre nakakahiya naman sa nagbigay, kaya iniwan ko lang sa upuan ko.

Pagtayo ko, nagso-sorry siya kasi wala siyang dalang flowers for me. Wala akong pakialam kung may bulaklak siyang dala o wala, basta gusto kong makasayaw siya… siyang lang ang gusto kong kasayaw sa buong gabi.

Hindi naman niya ako binigo. Diredirecho yung sweet dance namin sa gitna ng dance floor. Parang walang ibang tao. Masaya lang. Naka tatlong songs na ata bago kami nag usap. I asked kung nasan girlfriend niya. Matagal na daw silang wala. Parang three weeks lang daw silang mag on. Napangiti ang puso ko nun. He asked kung sino daw yung nagbigay ng rose sa akin, sabi ko lang na fourth year high school yun at nakalimutan ko nga yung name.

Ang saya saya ng gabi ko. Kami lang ang magkapartner na nagsasayaw nung prom. Break time lang namin sa pagsasayaw kapag rest room o nauuhaw na yung isa sa amin. Pero ang saya saya na nagsasayaw kami kahit puro country songs yung pinapatugtog at di ako makarelate sa mga kanta. Parang lahat ng songs, nakakakilig na sa akin nun.

Nagulat na lang kami nang may biglang nagsalita sa gilid namin. Tinatanong pala ako kung pwede ba daw akong isayaw? Si Mr. Batangueño pala! Syempre ayaw ko na iba kasayaw ko nun di ba? Tumingin ako kay Mr. Bad Boy nun, nagtitigan kami, sabay sabi niya kay Mr. Bad Boy, may gusto lang akong sabihin sa kanya, gusto ko lang kausapin si Neri. Pero super nice yung pagkakasabi niya kaya binigay niya yung kamay ko kay Mr. Batangueño.

Lalo akong naasar.

Nakita niya yun. Sabi niya, “O teka kanina pa kase kayo, may gusto kase akong sabihin sayo.” Tinanong ko na lang kung ano yun para matapos na at makabalik na ako kay Mr. Bad Boy. Sinabi niya na mag ga-graduate na daw siya, hindi na daw niya ako makikita sa campus kase iba yung campus for college students. Gusto daw niya akong mas makita pa, nagpapa alam siya kung pwede ba daw ba umakyat ng ligaw sa bahay namin? Super nice ng pagkakasabi niya, sabay bigay niya ng bouquet ng red roses.

Nagpapaalam siya sa akin kung pwede ba daw bang manligaw.

I was so young nun at isa lang gusto ko nun. At ang alam ko hindi siya. I told him, may gusto akong iba. Sabay tingin sa upuan ni Mr. Bad Boy. Sinubukan nya naman na baka daw next year maiba na daw ihip ng hangin, baka pwede pa rin daw siyang manligaw, sabi ko talaga hindi ko makita sarili ko with him. Nagsorry ako. Pero nagpasalamat naman ako kase super nice naman niya sa akin at hindi siya nagalit sa pagiging honest ko.

Naintindihan naman niya. Kinuha niya yung left hand ko at hinatid niya ako kay Mr. Bad Boy at sinabi na lang niya na, “Please take care of her.” Sabay umalis na siya sa venue. Hindi ko alam kung umuwi na siya.

Buong gabi kami lang ang magkapartner. Hindi ko na maalala yung mga pinagkwentuhan namin basta naalala ko masaya kami nun lalong lalo na ako, haha!

Nagulat na lang kami kasi biglang tinawag yung mga pangalan namin sa stage. Nanalo pa kami na Mr. and Ms Prom Prince and Princess, haha!

Umakyat siya ng ligaw sa bahay namin. Nagpakilala siya sa nanay ko at sa mga kapatid ko. Lagi niya akong hinahatid sa bahay after school. Alam ko na maraming inis na inis sa akin noon kase bakit daw ako? Kase isang “nobody” lang naman ako sa school namin eh.

Sobrang saya. Sobrang nakakakilig.

Pero ang ikukuwento ko naman next time ay kung bakit hindi kami nagkatuluyan. May pumasok kasi na ibang character, haha! Tsaka masyado na rin yatang mahaba yung kwento ko ngayon. At ilang araw ko din ‘tong ginawa kase mahirap pagsabayin ang pagtype sa laptop at paglatch kay Miggy. Mga nakaw na mga sandali lang ang pagta-type ko dito.

Pagpapatuloy ko na lang ulit next time yung karugtong ng kwento ko, haha!

-NM

16491325_120300001941507255_398517223_o

My friends in high school. Pasensya na napakalabo na kase de film palang ng mga panahon na yan, haha!

Advertisements

28 thoughts on “Muntik na kitang minahal…

  1. Angel Corpuz says:

    Hi Ms. Neri! Sobrang ganda ng sinulat mo ngayon. Bigla nagflash back lahat ng memories ko nung highschool din ako. Nakakamiss. Nakakakilig. Nakakainlove. Puppy love! ☺❤❤ thank you sa mga pagsulat ng mga ganitong kwento. Nakakainspired. Sobra! waaahhh highschool life! 😍❤❤

    Like

  2. Maria Charissa Gregorio says:

    Hi Neri nakakakilig it brings back my high school life, kaya sobrang nakaka relate ako. Parang gusto ko narin magawa ng blog. Nakakaaliw basahin, thank u sa mga blog mo. I hopeto meet u someday 😊

    Like

  3. Jenice Ferol Obiacoro says:

    Haays nakakakilig. Nakakamis tlaga ang high school life sobrang daming memories na hindi natin makakalimutan. Looking forward sa katuloy ng kwento. Sana may picture din kayo ni Mr. Bad boy..

    Like

  4. Brilla Gutierrez says:

    Hi Mrs Neri, First time kong magbasa ng blog mo and super nagenjoy ako pakiramdam ko nagbabasa ako ng wattpad story kasi nageenjoy talaga ako. Looking forward talaga ako sa book mo. Hopefully makapublished ka ng book 😀 Nung binabasa ko yung HS life mo naalala ko din yung prom namin na sinayaw ako ng crush ko kaya ramdam ko din yung kilig mo. Haha! Nakakabitin yung kwento sana masundan agad! 😍😍

    Liked by 1 person

  5. Mary says:

    Hi Mommy Neri! ang ganda super! My ideal kind of a high school love story! you are a good writer anyway parang nagbabasa lng ako ng pocket book…more pa please! God Bless you, Baby Migs and Daddy Chito!

    Liked by 1 person

  6. ailenepadua says:

    Hayyy high school life 😍☺ mahaba naisulat mo pero nabitin ako haha naalaala ko din nung high school ako, hind ako ganon kaganda, lalo kasexy (dahil chubby nako non) haha pero maappeal ako sa mga guys haha pero may crush ako noon na hindi ako natypean kahit ano pa cute ko wa epek haha tapos pagdating ng campus night (syempre sayawan) ung feeling na pagdating na love song gusto mo sya isayaw pero nakakahiya ika mag aaya sa knya kase dalaga pilipina ka parin, kahit ano display mo sa tabi ng dance floor para makita ka nya wala kasayaw para maisipan nya isayaw ka nya pero wala parin! Ang masakit ung fren mo isasayaw nya, imbyerna! Haha (pero hindi naging sila) tapos nung panahong nawalan ka na ng pagtingin sa kanya dun ka nya ngingitian ng wala dahilan at minsan kikindatan hahaha sorry ka, wa epek na sa akin yan kase may bf nako wahahaha

    Like

  7. anna says:

    Hi, ms. neri. Ang ganda ng mga sinulat mo dito sa blog, nakakainlove haha. Naalala ko din tuloy nung third year highschool ako marami ngpapadala ng sulat sakin noon, haha. Isang simpleng babae lang naman ako pero hindi ko alam bakit madami din ngkacrush sakin non, pero sa laha ng ngpapadala ng sulat sakin may isa akong crush din noon. Kaklase ko sya nung 2nd year highschool, sempre hindi naman niya ako pinapansin nun kc hindi man lamang ako marunong magayos at magpulbos haha. Tapos nung third year na kami saka niya ko pinansin at pinadalhan ng sulat kung kelan hindi na kami magkaklase. Pinapabigay pa niya sa kaibigan niya ang sulat haha. Lagi niya ko tinitingnan kapag nasa 2nd floor ako ng school namin, sempre nakikita ko din hehe. Pero hanggang dun lang yun hindi naman siya ngsabi ng personal, ewan torpe yata o ano. Pero nung 4th year magkaklase uli kami, dun lagi niya kong kinukulit at inaasar, at lagi niyang hinihiram ang notebook ko dahil hindi siya ngsusulat ako naman eh sempre pinapahiram ko. At kapag binalik na niya, kinikilig ako dahil minsan eh my drawing na mga puso haha, at higit sa lahat ngsulat siya dun kung pwede dw siyang manligaw sakin, haay sempre ako naman nagpakipot pa dahil wala pa sa isip ko magboyfriend nun hanggang crush lang ako. Hindi ko siya sinagot kung pwede, pero everytime na hiramin niya ang notebook ko ay laging may nakasulat na I love you pag binalik na sakin. Muntik muntikan ko na siyang payagang manligaw nun, kaya lang nund dumating ang time na ready na ako ay parang bigla siyang nagbago. Hindi na niya hinihiram ang notebook ko at hindi na din niya ko pinapansin. At sempre lagi na syang may kasamang ibang babae, minsan pa nga ngtatawanan pa sila at minsan titingin sa akin. Hinayaan ko na lang, Hindi na ko umasa, pero nung graduation namin talagang nagtapat sya sakin na gusto niya ako, pero sinabi ko na lang na kung kelan tayo magkakahiwalay saka pa siya ngtatapat. Kaya ayun, hindi ko na din pinayagan manligaw sakin haha. Hindi rin kami ngkatuluyan dahil mula nung grad namin ilang beses ko lang siya nakita at hindi naman kami naguusap. Ang ganda kasi ng kwento mo kaya naalala ko din highschool love ko hehe..

    Liked by 2 people

  8. Ghinz says:

    Nakakabitin ang kiliggggg……hopefully magkaron ka ng time na ikwento yung kasunod. High school life is the best! Ibang levels ang kilig. Nakangiti lang ako from ear to ear habang nagbabasa while reminiscing my own stories of kilig during high school.

    This is such a breather, especially now na mas madaming iniintinding responsibilities na sa buhay like work, family, kids etc etc… ang sarap at ang sayang balikan yung mga ganitong kuwento na simple lang, kilig lang sobrang good vibes and feel good.

    Liked by 1 person

  9. Ghie Carlos says:

    Nkakatuwa naman ‘tong Story ng High School Memories mo Ms.Neri 🙂 First time ako mag basa ng Blog mo and nabasa ko lang sa IG yung link. Naging interesado ako, lalo na nung nalaman kong baka makarelate kasi High School Flashback. Super meaningful din kasi sakin ng High School life ko and alam kong isa yun sa naging malaking part ng buhay ko as of now 🙂 Ang saya saya, kahit na may feeling na nakaka heart broken pero tuloy pa din ang life! More power po. Im looking forward na masundan na ulit to! Excited nako. Hehe Godbless po sa Family nyo. lalo na kay Baby Miggy na super cuteeeeee! 🙂 Love you Ate Neri!

    Like

  10. Wea Ann Pantaleon says:

    Ang galing!habang nagbabasa ako biglang naalala ko yung naging crush ko din na trasferee pero di sya bad boy in fact tababoy sya nun. naging close kami kasi matangkad din ako nung grade 6 at sa likuran nakaupo kaya kami naging seatmate. nung una di ko naman sya crush pero dahil lagi kaming magka group at magkakulitan. parang bigla ko na lang syang naging crush nung kinantahan nya ako ng “when I dream about you” di namna kagandahan ang boses nya pero nakakakilig lang kasi out of nowhere bigla na lang nya akong kinantahan. tapos one day sinabi nya na balak daw nya ligawan ung classmate namin 😦 ang sakit kasi ako pa naging tulay nun pero basted naman sya nun. naging close ulit kami kaya lang hanggang graduation hinihintay kong ligawan nya ko pero di nangyari 😦

    marami naman akong naging crush nun kaya lang sya siguro ung naging ka-close ko pero ok lang di rin naman ako pwedeng mag bf nun kasi bata pa ako nun hehehe

    Like

  11. Miss Bangs says:

    It’s my first time to visit your blog and I loved it. It brings back memories of my highschool life so relate. hahaha Yung muntik mo ng minahal kaso naalala mo highschool ka palang 🙂 Anyways hope to read the continuation of this blog. Godbless Neri! ❤❤❤

    Like

  12. Catherine Fabre says:

    Hi Ms. Neri. Tawang tawa ako dito, office hours ko pa naman binabasa para akong tanga sa table ko kakatawa. hahaha. anyway thanks for sharing. naalala ko tuloy ang high school life ko din. kakatuwa balikan. hehe. God bless!

    Like

  13. bumbleeG says:

    Nkakatuwa nmn ung story….nkakamiss ang hiskul dhil dmi tlga maeexprerience mo…naalala ko dn ung crush ko na popular sa ibng girls….d kmi ngiimikan pero ngttxt kmi ng kmi lng nkakaalam (4th yr na un)

    Like

  14. Tin says:

    Sarap balikan highschool days ang mga crushes. sipag pumasok sa school dahil sa kanila. Makita mo lng kinikilig ka na hahaha pati mga boyband songs.

    Like

  15. Chary says:

    Nakakatuwa. It brings back memories nung highschool days. Ang sarap balikan ng mga experiences nung 90’s ibang pakiramdam nakakabata….nostalgic.
    God bless Neri nakaka inspire ka😘.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s