May super close na girl ang asawa ko,anong gagawin ko?

Selosa ka ba masyado at hindi ma-control? Yung tipong kahit wala namang ginagawang masama yung boyfriend or asawa mo, lahat na lang ng ginagawa niya ay may malisya sayo. Kaya palagi kayong nag aaway?

Ayan ang natatanggap kong mga messages ngayon. Paano ba daw ma-control yung pagiging selosa nila? Alam naman nila na wala naman daw ginagawa yung boyfriend o asawa nila na masama pero di nila mapigilan yung magduda at magselos sa mga nakakasama o kahit nakakausap lang daw na babae yung partners nila.

Ayun naman pala eh. Alam mo na sayo yung problema. Bakit ka nagke-create ng mga problema na alam mo naman na wala talaga? Kase gusto mo ng drama? Kase insecure ka? Kase hindi mo nararamdaman ba yung pagmamahal niya sayo? O may ginawa siyang kalokohan noon at ang hirap ibalik yung tiwala sa kanya ulit?

Kung ikaw ay si Drama Queen na super lahat na lang ay dapat may meaning, may malisya, may dapat pag awayan. Hay naku, Ate! Sa tingin mo ba ay nararapat ka magkaron ng karelasyon? Ang hirap makasama ang mga taong toxic. Lahat may kadramahan. Tapos dapat ikaw ang pa ang sentro ng lahat? Tapos kapag hindi ka pinansin sa kadramahan mo, drama 2.0 na ang gagawin mo. Haaaaaay. Hirap yan. Maraming taong lalayo sayo dahil sa ugali mong yan.

Try mo kayang pag aralan kung bakit ganyan ka ka-drama. Wag mong sabihin kase sa past mo, naku! Pag nagkamali sa past mo, lesson learned yun. Dapat natuto ka and be thankful ka sa experiences na yun at nagiging lesson sa buhay mo. Wag yun ang gawin mong excuse kung bakit ka ganyan. Padrama effect lang yan. Be positive! Instead na mga mali ang lagi mong nakikita, try mong humanap pa ng magandang nangyare sa experience na yun.

Gawin mong hobby yung maghanap ng positivity sa paligid mo. After a month, makakasanayan mo na yan. In less than two months, mag iiba takbo ng buhay mo. Masaya lang lagi. Lahat ng nakikita mo sa paligid mo maganda at masaya lang lagi. Syempre hindi maiiwasan yung magkakaron ka ng problema sa buhay pero kapag positive kang tao, kahit gaano pa kalaki yung problema mo, makakaya at makakaya mo pa rin kahit mahirap. Dasal  lang lagi. Hindi naman tayo pababayaan ni God.

Kita mo naman ako? Hindi ako gumagawa ng kadramahan sa buhay pero di ako nilulubayan ng ‘drama’ sa life! Hahaha! Pero kahit anong ibato sa akin, lagi kong sinusubukan na maging positibo pa rin sa buhay. MAHIRAP, sobrang hirap gawin yun lalo na kapag feeling mo walang wala ng pag asa. Pero kapag nahihimasmasan na ako sa kalungkutan, mas pinipili kong bilangin yung blessings ko sa buhay. Mas pinipili kong makita yung mga magagandang nangyare sa buhay ko, at mas pinipili kong i-embrace ang mga taong laging andyan para sa akin, ang mga taong nag mamatter sa buhay ko, ang mga mahal ko sa buhay. Pag ganun ang ginagawa ko, medyo gumagaan ang pakiramdam ko at mas nakakahinga ako.

Kung ikaw naman ay  napaka insecure sa buhay. Naiintindihan kita. Kase ako? Dumaan talaga ako sa insecurities noon lalo na nung pumasok ako sa pag aartista. Sobrang lost ako. Saka kitang kita naman na wala akong confidence noong mga panahon na yun tapos lagi pa akong binubully. Pero hindi dapat excuse yung mga mapapait na nangyare sa akin sa paligid ko nun, dapat ginawa ko yun na inspirasyon para mag improve pa ako, hindi ko dapat isisi sa paligid ko kase may choice ako, ang maging loser o mag improve, di ba?

Nag aral ako kung paano pa ako mag iimprove. Nagbasa basa ako ng mga libro for self improvements kahit sumasakit na ulo ko sa kababasa. Hindi ako tumigil na pag aralan kung paano ang dapat at hindi dapat na ikilos sa harapan ng mga tao.

Kailangan mo ring tanggapin ang weaknesses mo. Wag kang maiinis o maaasar kung may magsabi ka na eto yung mali o weakness mo kung alam mo namang totoo. Makinig ka lang at pag aralan mo kung bakit hindi mo maialis yun o mabago.

Aminado akong hindi ako kagandahan at malayong malayo ako sa kaseksihan na yung tipong pagpapantasyahan ako ng mga kalalakihan. Malayong malayo pero tanggap ko. Alam ko naman eh, haha! Pero ang ginagawa ko, dinadaan ko na lang sa ugali at sa talent! Hahaha!

Eh hindi na nga ako kagandahan tapos ang sama pa nang ugali ko, ano yun? Kawawa naman ako, di ba? Kaya mas maganda nang mabait ka sa lahat. Tapos dinadaan ko sa talent, nag aral akong magluto on my own, ngayon ay naaappreciate na ako, hindi lang ng aking asawa kundi ng maraming tao. Kapag may napapanood ako sa tv na naiinspire ako, ni-reresearch ko kung paano gawin yun, ta-try ko kung kaya ko at kung matripan ko, gagawin ko ng hobby. Nagbabasa pa rin ako ng mga libro, yung alam kong makakatulong pa sa pag iimprove ko sa sarili ko.

Never stop learning. Malaking factor din sa mga lalaki ang mga babae na mahilig magbasa. Super turn on sa kanila yun. May kanya kanya tayong  strengths and weaknesses. Tanggapin natin yun. Pero hindi naman huli kung matuto tayo sa mga bagay na bago sa atin.

Inaamin ko OA na ako sa pag iimprove sa sarili ko, pero hindi dahil may kakumpetensya ako kundi para rin sa sarili ko. Mas madagdagan ang confidence ko. Kapag confident ka sa sarili mo, mas mahahalin mo sarili mo at mas mamahalin ka ng partner mo. Kase positive yung energy na binibigay mo sa environment nyo.

Feeling ko nga napakakulang pa ng mga ginagawa ko para sa sarili ko, sa asawa ko, at sa anak ko. Pag sinasabi ko sa asawa ko yun, nawi-weirduhan siya sa akin kase papaano pa daw nagiging kulang eh halos hindi na nga daw ako nagpapahinga. Kung anu ano ang ginagawa ko sa bahay, kung anu ano ang nireresearch ko o binabasa kong libro para lang magkaron pa ng laman ang utak ko. Pero sabi niya sa akin, mas maigi na rin daw na feeling ko ay laging may kulang kaysa sa feel na feel ko na pagod na pagod ako sa kaka asikaso sa bahay at kakabasa ng libro pero busy lang sa phone kaka-social media lang.

Marami ang nagtatanong sa akin kung nagseselos ba daw ako sa mga kaibigang babae ni Chito? Ang lagi kong sagot sa kanila, bakit ako magseselos? Eh mga kaibigan nya yun eh. Bago pa ako pumasok sa buhay ni Chito, mga kaibigan na nya yun. Bakit ko pipigilang makipagkaibigan ang asawa ko sa kanila? Ano ang magagawa ko kung kagaganda at kasesexy ng mga kaibigan nya?

Hindi talaga ako selosa. So far, sa mga kaibigan ko at mga kaibigan niyang mga babae na naging kaibigan ko na rin, wala namang lumalande sa asawa ko. Mararamdaman mo naman yun eh. Kahit matulog pa si Chito sa bahay ng mga best friends nyang babae, panatag ako. Kase may tiwala ako sa asawa ko at may respeto rin ang mga kaibigan niyang mga babae sa akin.

Kung tatanungin nyo ako kung never ko ba naramdaman na may something yung girl sa asawa ko, sa ibang mga kakilala ni Chito na babae, meron! Haha! Hindi pa rin kase maiwasan ng iba na magpacute kay Chito kahit may asawa’t anak na siya. Super nabawasan na nga eh. Naku nung mag girlfriend/boyfriend palang kami, yung uso pa ang “BBM Messenger”, ang daming mga babae ang nagpapadala ng mga photos kay Chito, effort talaga, haha! At panay tawag pa ng mga yun. Pero di ko pinapansin yun. Mild pa nga yun eh. Basahin nyo yung blog ko dati na “SADAKO”, mas malala pa mga ginagawa ng iba. Super feeling!

Pero yung mga best friends ni Chito, never ako nakaramdam ng iba. Kapag magkakasama kase sila para lang silang mga bata. Mahal nila ang isa’t isa at ayun naman dapat ang irespeto ko.

As long as may trust at respeto kayo sa isa’t isa, wala namang problema. Hayaan mo lang makihalubilo ang asawa o boyfriend mo sa mga girls, meron at meron talagang aaligid sa kanila. dapat kiligin ka pa nga kase aside from you, may nakaka appreciate pa sa mahal mo. Kung magpacute man yung babae at humantong sa kalandian… as long as hindi ineentertain ng partner mo, ok lang! Ang haba ng hair mo, girl! Kase sa dinami raming babaeng nagpapacute sa kanya, ikaw ang mahal niya. Yun lagi ang isipin mo. Kapag nagloko na si mister o boyfriend, ibang usapan na yun. Sa ibang blog na lang tayo mag usap, haha!

Alam nyo minsan nga mas maganda rin kapag may “SADAKO” sa tabi tabi, basta mild Sadako lang ha! Hahaha! Kase minsan machachallenge ka rin in a way. Syempre kapag nalaman mo kung sino yung habol ng habol sa mister mo/boyfriend mo, hindi mo maiiwasan na pag aralan yung personality nung girl. Aminin na natin, kahit sabihn natin na wala tayong pakialam sa babae, aalamin mo rin kung sino at ano siyang klaseng tao. Dapat may checklist ka sa isip lang. Ganito ang iniisip ko lagi:

Maganda ba? Sexy ba? Palengkera ba? Paano ba siya magsalita? Malakas ba? Mahinhin ba? Maganda ba skin? Maganda ba paa? May utak ba? May laman ba utak? Magaling ba magluto? Masinop ba sa bahay? Malinis ba magdamit? Mukha bang marunong mag alaga?

Mga ganyan ang iniisip ko,haha! Yung maganda o sexy, usually given na yan. Minsan nga sexy lang, haha! Nagkakatalo na lang yan kung paano magsalita, laman ng utak, marunong magluto at kung mukhang marunong mag alaga. Kaya ako, alam ko na di ako kagandahan at lalo na hinding hindi sexy, grabe ko naman alagaan mister ko, haha! Aba syempre, gumaganda na rin ako kase maalaga ako sa mister at sa bahay, at ngayon sa anak namin. Hinding hindi talaga ako pagpapalit ng asawa ko. Pinagsisigawan pa nga niya sa buong mundo kung gaano niya ako kamahal eh. Kung magloko man siya ngayon, kawalan niya. Kase ang pag aalaga ko sa kanya yung tipong “ang swerte swerte mo kase alagang alaga ka sa akin at wala ka ng mahahanap na katulad ko”. Yun ang lagi kong iniisip at ginagawa, effective naman.

Kaya relax lang tayo mga girls! Kung sa tingin nyo ang hirap “ispelengin” ang mga lalaki, naku, nagkakamali kayo. Ang dali dali lang basahin ng mga lalaki! Mas powerful tayong mga babae, yan ang lagi nyong tatandaan. Madali lang mapa-amo ang mga mahal natin sa buhay, yun ay alagaan sila ng tama, mahalin sila ng tama. Kapag ganyan ang ginagawa mo, kahit hindi kayo magkasama, kahit mga babae pa mga kausap ng asawa o boyfriend mo, ang bukambibig niya lagi ay ikaw. Kung gaano siya kaswerte at nananalangin na sana ay hindi mauntog ang ulo mo, haha!

-NM

Advertisements

53 thoughts on “May super close na girl ang asawa ko,anong gagawin ko?

    • Isababes says:

      Ang sarap basahin ng blogs mo ms. Neri, yung tipong after mo basahin iisipin mo sa sarili mo na ” ah, gusto ko iapply ‘to sa buhay ko”. πŸ™‚

      Like

    • Krsitine says:

      Hi neri! I super admire you! Nakakainspire ka sobraaaa😊 You are truly blessed kase inside out maganda ka! Lahat ng sinabi mo dito sa blog mo about being the jealous type,i will take note of that kase aminado ako na mejo selosa ako lalo na kapag alam ko na meron nagpapacute sa husband ko.And tama ka naman e,we should always look on the positive side of life.Sobrang empowering sa mga kababaihan lahat ng insights mo Neri!! I love your personality and truly u are a blessing to all the pipol around you–especially your husband and ur baby! Keep it up Ms.Neri and sobrang dami nakakaappreciate sayo! God bless you and ur family!!

      Like

  1. oolala009 says:

    Ang ganda ng ms. neri ng mga blogs mo, nakakagood vibes. Parang katabi mo lang kami at kinekwentuhan na parang mga kaibigan. Salamat sa pagsspread ng positivity, patuloy kapa sana magsulat ng madaming kwento. More blessings to come to you and your family! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. eeemm says:

    I love u na Neri ❀ Super nkaka inspire mga blogs mo lalo na tungkol sa lovelife nyo ni Chito. Super nakaka relate ako sa mga Babaero/Selosa blogs mo. Heheh keep it up! πŸ™‚ Palagi ko aabangan to. πŸ‘ Idol na kita.

    Liked by 1 person

  3. itsmegesell says:

    thank you sa blog mo miss neri sobrang nkarelate ako sa selosa part insecure yes i am pero dahan dahan na xang natatanggal at mas lalo akong nainspire maging positive ng dahil sa blog mo thank you idol ko kayong dalawa ni chito astig ang family niyo i love you 😘 napagawa aq ng wordpress ng de oras ng dahil sa blog mo mabasa ko lang hahahahπŸ˜‚

    Liked by 1 person

  4. Mary cris irine orbasayan says:

    Ganda ng blog niu po ms neri tungkol dto. Parang same tayo , na kung gusto maghanap ng asawa ko ng iba lage ko iniisip na di na sya mkahanap ng kapareha ko. Hehe. Kaya tamang selos lang. Yung dinadaan sa joke ang lahat para di niya din ako pagselosan. Same nman kami ako di din ako gumagawa ng ikinagagalit niya para di kami mag aaway. Masaya na po kami ngaun kasama ng anak namin..

    Keep it up ganda ng blog niu po. Nkakainspire.
    Ps. Crush ko po c chito πŸ™‚

    Liked by 1 person

  5. Chesterlyn says:

    Hi Miss Neri,

    After reading this blog entry, talagang naliwanagan ako. The things that you have mentioned were the things that I really felt. I just wanted to thank you po for posting this entry because it awakened me to so many things like I should not feel insecure at all. God bless you and your family always and please keep your blog alive!! – Love, Chester

    Liked by 1 person

  6. Khaleesi rei Ari says:

    Hi! Mrs miranda! Sabi nga nila relate daw sila sa blog mo syempre ako din! Haha permission po mrs neri screenshot ko po yung blog nyo then post ko sa faceboom account ko thank you! More power godbless

    Liked by 1 person

  7. Rexie says:

    Hello po! First time ko po dito sa blog nyo pero matagal na kita fnfollow sa IG. Yung post nyo kanna about this blog caught my attention. Actually, relate na relate ako kasi naeexperience ko to ngaun. Thank you po ms. Neri sa blog nyo, u just spil the exact word I want to hear. It really help at talagang npaisip ako. Super thank you po! God bless po kayo and your family.

    Liked by 1 person

  8. Nannith claudio says:

    Am not a fan of yours. But I’m a fan of parokya since birth ng banda. But since I followed u in IG I’m beginning to like you na. So true chito is lucky he found a woman with essence and who empowers in everything she does. Keep it up. More power!

    Liked by 1 person

  9. shlby says:

    ganda ng blog mo ate neri.. pero pano po pag di lang once, twice or trice nia ginawa na nipagpalita nia ko sa bestfriend nia.? un monthsarry namin na dapat magkikita kami pero di nia ko ponuntahan kasi andun sia sa bestfriend nia.? paano po un..? wala parin ba..? 😦

    Liked by 1 person

  10. Grace Sotto says:

    What are u talking about that ur not sexy and beautiful? Ur such a humble person.. ur very beautiful and sexy kaya u look like taylor swift πŸ–’πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ’— stay sweet and humble mommy neriπŸ’—
    My first time reading your blog i love it super love ko mga advice moπŸ–’ keep it up. Grave daldal mo napagod ako sa kakabasa. Pero its worth it nawala bored ko. Ok till next time. Thank you.

    Liked by 1 person

  11. Yuna says:

    Nkaka relate ako s mga sinabi mo, napagdaanan ko na din yan pero yung s kin yung naramdaman ko is totoo tlga. So eto n nga nag cheat n nga sya (si hubby), pinatawad ko n nga sya dahil i value our vows. Then naulit n nman, so again i forgave him.
    Tama ka s sinabi mong maging positibo na lng tayo s bawat araw kesa nman nagdadaan ang araw n lage tayong malungkot s kakaisip ng problema. Sa ngayon lage ko na lang inicip na everyday is my last day, so i forgive, move on and enjoy life.

    Liked by 1 person

  12. Zaira Dela Cruz says:

    Hayyyy nakakaadik magbasa ng blog mo Ms Neri. Lalo nakakarelate ako pag about sa baby natin. Halos sabay lang dapat tayo ng due 3rdweek of Nov pero nauna ako sayo kase narpture placenta ko andnaubusan ako fluid ayun emergency CS . Relate na relate ako lalo na sa mga experience na pinopost mo nalilibang ako promise! Im a fan of you and chito kinikilig ako sobra feeling ko nakakabata and feeling ko highschool hahahaha! Anyway thank you sa mga post mo naiinspire ako feel na feel ko lalo ang pagiging mommy ko kase same tayo ng nafifeel lalo na pag ngbbreastfeed and ung mga hnd na makasuklay hindi makaligo. Ung feels about motherhood as first time mommy sobrang nakakaexcite ang lahat. Ung puyat and pagod pero isang ngiti lang ng baby natin pawi na ang lahat. Parang heaven. Hahahah Lets enjoy motherhood! πŸ™‚ sana manotice mo comment ko im a big fan ❀❀❀

    Liked by 1 person

  13. rhalainenitura says:

    Hi..actually same po tau ng strategy..mataba ako pero kine-claim ko na maganda ako hahaha..pero Im so happy kc nkapulot ako ng another trick sa blog mo..madami pa pala ako dapat gawin..korek ka na dapat ang mga asawa na tulad natin ay dapat di mainsecure kc dun na mag start ang kapraningan..dagdag ko din ms.neri na dapat kahit bago o matagal ng kasal dapat di mawawala ang sense of humor sa pagsasama..proven ko yan..lalo na pag naiiyak at naiihi na sa kakatawa ang mister ko..kc minsan pag masaya sa bahay dahil sa jokes at hirit ko nwawala ung nega na kapos kme sa budget or kulang ang pmbyad sa rent etc..walang perfect na relationship..parang sa pagluluto lang ng adobo yan kanya kanya tayo ng style ..Ms.Neri sulat ka pa ng maraming experiences mo kasi sa tulad kong 15 yrs ng kasal eh nais ko pang makapulot ng pde ko gwin to make our marriage more stronger..God bless you more

    Liked by 1 person

  14. Angeli Mantos says:

    Ms. Neri, what do you mean “ang pag-aalaga ko sa kanya yung tipong wala ka ng mahahanap na katulad ko”? Anong mga ginagawa ng asawa kapag ganun? Haha. Hindi kasi ako marunong magluto, siguro isa na yun. Tapos should I be treating him like a king na lahat gagawin ko for him? Mabait naman asawa ko at happy rin ako sa kanya kaya gusto ko rin na maging super duper happy rin sya sakin. Minsan nga lang medyo manhid rin ako kaya napapabayaan ko rin siguro sya minsan kasi iba yung focus ko.. Hmmmm.

    Loving your blog really! I feel empowered after! Keep it up!! ❀

    Liked by 1 person

  15. griofrio says:

    Kaka sign up ko lang dito sa blog site na to. Salamat Ms. Neri sa inspirasyon. Follower mo ako sa IG at doon ko nga nabasa ang tungkol dito sa blog site na to. Matagal ko nang gustong magsulat pero diko magawa dahil nahihiya ako kasi nga naman di naman ako magaling magsulat. Hehe. Susubukan ko lang. Tama ka dapat di tayo tumitigil na i improve ang ating mga sarili. Napakalaking inspirasyon mo talaga sa akin at sa marami pang tao na nakakabasa nang mga sinulat mo.

    Like

  16. aimmie says:

    Hi Ms. Neri.. Madami ako napulot dito sa blog mo.. Inspiring talaga.. Thank you.. I have in a same situation po.. Pakahirap lalu na LDR kmi ng bf ko and nkahanap pa cya ng user na friend.. Filipina pa.. Nawinwindang ako.. Pero sabi nga.. Kagustuhan niya gnon na I use siya..(money ,materials?)And for me.. It’s not a jealousy.. I just dontbwant him.. Being use by a person.. Tapos same ko pa na filipina.. Damay damay ba.. Any way.. My bf is a French national po.. Advise naman. Ms. Neri.. Daming thanks.. God bless your kind heart..

    Like

  17. Mighty Mish says:

    Hi Neri, Naka-relate naman ako sa blog mo. Hehe! As in, Dami ko natutunan. Ako kasi ung babaeng napaka-drama sa buhay. Pero gusto ko lang sana humingi ng advice, Magkalayo kasi kami ng boyfriend ko (LDR) Mejo hirap magtiwala, Pano ko ba mas maipaparamdam ung pagmamahal ko sakanya? Bukod sa words hehe. πŸ™‚

    Thank you in advance!

    Like

  18. Rosmel says:

    Ang dami ko talagang natutunan sa’yo Neri. e-aapply ko talaga sa asawa ko yong mga sinasabi mo dito. Maraming Salamat! God Bless you and your family po.

    Like

  19. Vanzplayground says:

    Kung hindi ka nagagandan sa sarili mo Ms. Neri, paano pa kami? Hehe! Super dami naming natutuhan. At kahit silent reader lang ako lage, ay napacomment sa ganda ng advised na ito na super positive. Keep it up po! Can’t wait for your next blog! ^_^v

    Like

  20. simplylykadenise says:

    Just in time, Ate Neri! Ang ganda ng blog mo. Selosa akong babae at insecure, natamaan talaga ako dun. Pero di mo alam kung gaano nakatulong sa akin itong blog mo na to. Thank youuu so much! I smiled nung nakita ko na may bago kang blog at agad agad ko talagang binuksan to and di nga ako nagkakamali, maganda at nakaka-inspire ulit ito just like ur previous blogs especially sa mga babaeng currently in a relationship. Waiting for your next blog. God bless you and your happy family. πŸ™‚

    Like

  21. GMGloria says:

    kakaibang blog. walang english english-an, walang arte artehan, wala pa sosyal. blog ng totoong nangyayari sa buhay. ngayon lang ako nag follow sayo sa instagram, and nanoood sa YT channel mo. and ngayon binabasa ako blog entries mo mula umpisa (during lunch break), and talaga namang very entertaining, informative. keep it up. πŸ™‚

    Like

  22. matyrylgrl says:

    Hello MsNeri. I love reading your post and blog. Ikwento mo naman how kayo nag meet ni Chito one of these days, if you have time. Thanks.

    Like

  23. geneva salili says:

    Oemgee ! Nkakarelate ako pero hindi para sakin kundi para sa friend ko na super ang daming drama sa buhay about sa bf nya at sa mga girl na ka close ng boyfriend nya huhu need ko to po ipabasa to sakanya haha !

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s