Paano ba magsimulang mag-business?

Business minded ako kahit noong bata palang ako. Madalas nasa mind ko lang lahat noon, haha! Kase kagaya nyo, takot at hindi alam kung paano magsimula. Clueless kumbaga.

Pero kahit noong bata palang ako ay nagtitinda na ako ng kung anu ano. Naalala ko nung grade school ako nasa Subic palang kami nun, nagpapagawa ako sa ate ko ng polvoron at yema para ibenta sa mga classmates ko sa school. Nag alaga din kami ng nanay ko ng dalawang baboy tapos pinalaki at inaalagaan ko, pinakatay ng nanay ko para ibenta sa mga kapit bahay. May mini garden naman kami sa bakuran, binebenta ko naman sa mga kapitbahay yung mga gulay, hehe! Tapos nung high school naman ako, nagtinda ako ng bbq sa labas ng bahay namin sa Baguio. Pag summer naman nagtitinda din kami ng ate ko sa Mines View ng bbq, ihaw na mais, at ihaw na pusit. Nung college naman na ako, nagtitinda pa rin kami ng bbq sa labas ng bahay namin tapos pag tanghali naman ay naglalako ako ng mga ulam. Pinapaluto ko ang nanay ko ng mga ulam tapos ako ang maglalako sa sa mga office.

Bata palang ako ay maabilidad na ako. Never ko ikinahiya yung paglalako at pagbebenta ko ng mga pagkain. Natutuwa pa nga ako pag kinukwento ko eh, ang saya kaya ng experience na yun!

Nakakatuwa kase nagagamit ko na mga natutunan ko nung bata pa ako. Tapos nag iimprove ngayon. Nagbabasa ako ng mga libro, nagreresearch ako ng successful stories ng mga businessmen. Kahit mga nagtitinda sa palengke, kinakausap ko sila at natutuwa ako na naibabahagi nila yung mga kwento nila sa buhay. Iba din kase na makasalamuha ka ng toto0 at normal na tao, yung mga nagsusumikap para sa mga anak nila. Nakaka inspire.

Ang laging tinatanong sa akin ng mga tao ay kung paano nga ba daw ako nag umpisa?

Honestly, aksidente lang talaga ang success story ng Gourmet Tuyo ko. Mahilig lang akong magluto para sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Lagi lang akong may tuyo sa bahay tapos isang araw I decided na gumawa ng gourmet tuyo. Two weeks na nasa ref at walang kumakain, tapos dumating mga kaibigan ko, naghanap sila ng pagkain para daw midnight snack nila, nakita nila yung tuyo ko, ubos ang isang malaking jar. Hanggang nag oorder na sila sa akin tapos na invite na ako sa mga bazaars. Sabi nga nila, the rest is history.

Una ang mashe-share ko sa inyo na ang mga small businesses ko ngayon ay akong ako talaga. Passion ko talaga. Natutuwa ako. Hindi ko nararamdaman yung pagod. Siguro kaya kahit papaano ay masasabi ko na successful siya kahit maliitang business lang siya.

Una mong tatanungin sa sarili mo, ano nga ba ang passion ko? Ako kase mahilig akong magluto, magtanim at mag ukay. Kaya siguro madali din akong matuto kung paano patakbuhin ang small business ko.

Hindi lahat ng hinawakan ko ay masaya, haha! Nagkaron din kami ni Chito ng pharmacy kaso lugi at pinasara na namin kase nga di ko alam kung paano patakbuhin ang business na yun. Hindi ganun pinag aralan. Akala ko kase since wala pang pharmacy sa lugar na yun eh kikita na ako. Mali ako.

Nagfranchise din ako ng teashop, lugi din. Kase nga di nga ako hands on nun. Nasa Baguio kase yung franchise namin. Sa awa ng Diyos, hindi pa nasasarado, haha! Gusto ko nga ibaba dito sa Tagaytay o Alfonso kaso marami kase kaming may ari nun. Baka nga ilagay ko na lang dito sa amin para mababantayan ko baka maisalba ko pa.

Nung nagba-bazaar ako, hindi ko ine-expect na tatangkilikin nila agad. Iniisip ko dati, ah pupunta sila kase andito si Chito Miranda, magpapapicture sila tapos bili na rin. Nagugulat na lang ako na gustong gusto ng mga tao yung lasa ng gourmet tuyo ko, andyan man si Chito o wala. Ibang iba nga daw ang lasa. Kaya proud ako sa recipe ko.

Minsan naman ay nagbe-bake ako. Kapag sinipag lang, dun lang ako nagtitinda at nagbebenta. Ngayon naman ay inaayos ko ang Neri’s Bakeshop dito sa Alfonso. Kumuha na rin syempre ako ng bakers ko para tulungan ako. Hindi ko kaya ng ako lang sa grabeng demand ng tinapay. Dapat isang baker lang kaso iba nga ang demand sa tinapay, yung kahera ko tinuruan na rin namin at madali namang natuto tapos tinuruan na rin namin yung asawa ng isa kong baker. Para makahabol kami sa quota. Gusto ko kase na may quota sales everyday.

Mahilig akong mag ukay. Panay ukay ko dati nung nasa Baguio pa ako. Tyagaan lang talaga. Wagwagan ang tawag sa ukayan sa Baguio kase winawagwag mo yung mga damit sa pagpili, hehe! Nung lumipat kami dito sa Alfonso, syempre yung mga gamit namin nung mga dalaga at binata pa kami ni Chito ay nadala namin sa bahay namin, at yung mga iba nakatambak na lang sa bodega. Kaya we decided na magpa garage sale pero hindi sa garahe namin kase bawal sa subdivison. Kaya lumabas kami ng subdivision, hehe!

Nagulat na lang ako na ang daming bumibili! Tapos may mga natirang gamit pa. Ayaw ko ng iuwi sa bahay kase naglilinis nga kami sa bahay, kung iuuwi ko pa, tatambak na naman yan. Kaya naghanap ako ng space for rent sa Alfonso para dun ko sana itambak, may nakita akong magandang space at sa daaanan lang, kaya nag ukay store na ako agad, hehe! Sayang ang benta!

So far, ok naman ang kita. Di nga lang ganun kalakihan kumpara nung nag aartista ka, pero mas masaya ako dito. Sobrang saya. Nag eenjoy talaga ako. Lagi lang akong nasa bahay, naalagaan ko anak ko at asawa ko at syempre yung bahay namin ay napapatakbo ko rin. Tapos may small business pa ako sa tabi tabi. Nakakapag ipon ako kahit paano. Nabibili ko yung mga gusto ko at  hindi nanghihingi sa asawa ko. Natutulungan ko pa siya sa mga gastusin sa bahay. YUng mga kaya ko namang bilhin at bayaran, ginagawa ko na. Pero kapag malakihan naman na, sinisingil ko na asawa ko! Haha!

Lahat po ng small businesses ko ay complete papers po. Kahit maliitang business lang, kumbaga ay barya barya lang naman sa iba, gusto ko legal pa rin lahat. Baka may mainggit sayo tapos di complete papers mo, biglang ipasara yan, di ba?

Bibigyan ko kayo ng sample o idea kung magkano at kung paano magsimula ng business based sa aking experience.

Kung meron kang TWO HUNDRED PESOS, pwedeng pwede kang magtinda ng ice at ice candy. Siguro naman alam na nating lahat kung paano ang gumawa ng ice at ice candy.

Kung meron ang  ONE THOUSAND PESOS, pwede kang magsimulang magbenta ng leche flan.

Naalala ko, may nabasa ako sa isa sa mga followers ko na kung meron siyang puhunan ay magbi-business siya ng leche flan kase marunong syang gumawa ng leche flan. Kaya nagmessage ako sa kanya.

22361253_10156692934298136_1972378344_n22446834_10156692936593136_1339695351_n22361161_10156692944773136_15587549_n

Kung may THREE THOUSAND PESOS hanggang TEN THOUSAND PESOS ka naman, marami ka ng pwedeng pagpiliiang gawing business nun!

  1. Pwede kitang maging reseller sa Home with Neri Sprays ko. Pwedeng pabango at pwede rin sa bahay, sa closet, sa kotse, sa sapatos, o kahit sa banyo. Sa halagang 3k, pwede na kayong maging reseller.
  2. Pwede kayong maging reseller ko sa Neri’s Gourmet Tuyo, 7k lang worth of tuyo na ibebenta nyo at siguradong kikita kayo. Sobrang walang talo kase mababawi mo agad yung puhunan mo tapos may kita na agad. Kung sobrang sipag mong magtinda, wala pa sa isang linggo ang ROI mo.
  3. Pwede rin ang ukayan! Sa halagang 5k na worth ng damit, pwede ka ng magpaukay. Kahit ng alang sa garahe nyo eh. Tapos maglabas ka na lang ng mga pwedeng container ng mga ukay damit mo. Kung makikita mo agad na ukay pala ang tamang business para sayo, hanap ka na ng magandang pwesto tapos ayusin mo na ang mga damit. Need ihanger ang mga damit ng maayos tapos kailangan mo ng tindera mo para magmasid at mag assist sa mga tao. Kahit ikaw na ang maging kahrea. Amg sikreto lang sa pag uukay business, wag mong mahalan items mo. Ukay kase yan. Saka para babalik balikan ka ng mga suki mo.
  4. Pwede ka rin na magtinda ng bbq sa labas ng bahay nyo. Yung puhunan depende rin naman sa kung ilan at ano angbebenta nyo. As long as masarap ang timpla ng bbq at ok ang sawsawan, patok yan sa mga tambay at mga kapitbahay.
  5. Pwede rin magtayo ng maliitang karinderya. Mas maganda nga kung sa tapat lang din ng bahay nyo o garahe kase wala ng rentang babayaran. kahit limang ulam lang oka na yun. Ako nga naglalako eh, college student na ako nun.

Sa mga nagtatanong naman kung magkano ang inilabas ko sa bakery ko, buti na lang ang asawa ko ang bumili ng oven package kase mahaaaal! Hahaha! That’s 65 thousand pesos. Rent ng pwesto ko, 4k per month. Tapos lima ang tao ko sa bakery. Marami sila kase need humabol sa quota. Isa taga linis at hugas, isa naman tindera, tapos shiftig yung 3 bakers. Gagawin na naming 24 hours ang bakery. Grabe ang demand ng tinapay tapos magsusuplly na rin kami sa iba.

Ang mapapayo ko siguro ay kailangan nyong alamin ang sarili nyo. Tanungin ang mga sarili kung ano ang passion nyo. Kung mahilig kang magluto, gumawa ka ng recipe na dun ka makikilala. Kung mahilig ka sa mga damit, alamin mo kung saan kumukuha ng pinakamurang tela o yung mismong warehouse. O kaya hanap ka ng sarili mong mananahi, baka ikaw marunong, ikaw na rin! Dapat alam mo kung saan at ano ang strengths mo at pag aralan mo. Wag yung kung anong uso yung ganito, eto rin gagawin ko. Mahirap kase yun, mararamdaman mo yung pagod talaga. Kapag gustong gusto mo yung ginagawa mo kahit na maliitang kita lang, hindi mo mararamdaman yung pagod, nag eenjoy ka ba araw araw at iyon ang importante.

Ako kahit maliit lang ang business ko, masaya ako dito, nag eenjoy. Ibang iba sa mundong ginagalawan ko dati, simple lang buhay ngayon pero kuntento at masaya ako. Nakakasama ko pa ang anak ko araw araw, Si Chito kase halos araw araw din ang trabaho niya. Kung nag aartista ulit ako, ganun din ang schedule ko. Mas gusto kong kasama anak ko.  Kaya buti na lang at nahanap ko yung business na para sa akin. Salamat po sa Diyos at nagabayan ako.

Ano na ba ang mga naiisip nyong business? Nakakatakot syempre lalo na pera ang ilalabas mo. Kaya maganda yung maliitang labas lang ng pera at yung extra mo lang para kung di maging successful, medyo di ganun kasakit sa puso at bulsa.

Pero kailangan talagang matibay ang loob mo at naniniwala ka sa produkto mo. Si Chito dati, panay kontra sa mga businesses na naiisip ko, haha! Pero mas maigi nga yun at mas natuto ako, mas careful ako, at mas pinag aralan ko. Kaya ugali ko dati, sige lang! Go lang! Si Chito yung tipong conservative pagdating sa pera at pag iipon. Gusto niya yung siguradong kikita kahit maliit lang. Ako yung tipong try natin to! Ok to! Game Ako! Haha! Kahit di ko pa gaanong napag aralan.

Pero nung natuto na ako, nabilib ang asawa ko sa akin kase successful mga hinahawakan ko. Saka natutuwa siya kase maliitang puhunan lang nilalabas ko. Para nga naman kung di maging successful, ok lang. Next product o usiness ulit! Hehe!

Saka pala ang isang mapapayo ko ay wag mangutang. Kung May gusto kang business, pag ipunan mo. Mahirap magloan lalo na kung first time mo. Paano kung malugi tapos baon ka pa sa utang? Hirap di ba?

Ang next na ta-try kong product ay peanut butter. Napagod lang ako sa pag bukas ng bakery ko. Pero tatry ko na soon ang peanut butter ko! Nakuha ko na yung lasa ng peanut butter na gusto ko, hehe! Trial and error syempre!

O sya sige! Maglilinis na ako ng bahay! Oplan minimalist ang theme ng bahay ko now. Inaayos ko rin ang house rules, hehe! Para madaling mag linis! Next time try ko i-blog yung “homekeeping rules” ko. Baka mai-apply nyo sa bahay nyo. Mahirap din kase na maglinis at magpalinis lalo na kung may gusto kang klase ng paglilinis. Yung iba kase ligpit lang ang ginagawa, hindi linis talaga! Hirap di ba? Baka next time may agency na ako ng tagalinis ng bahay, haha!

NM

30 thoughts on “Paano ba magsimulang mag-business?

  1. mompreneuronthego says:

    Wow super nakakabilib… actually I am your biggest fan nag start na ako ng ihaw-ihaw business 2 weeks ago & super nakakatuwa kc kahit di ganun kalaki ang kita still satisfied ako kc meron pa din at di nawawalan… nagkaroon pa ako ng mga suki hehehe inaabangan nila tuwing hapon ung bbq ko… kudos to you Ms.Neri hats-off to you tlga… simula ng finollow kita sa ig na inspired ako mag business kc im a full-time mom na after ko mag abroad… thanks for the tips really helps a lot… More power on your business🙏🏻🙏🏻🙏🏻

    Liked by 2 people

    • Anna says:

      Hi Ms. Neri…Your patience is astonishing! I am one of those silent reader of your blog with a lot of similarities in life’s perspectives, many thanks as you continue giving reminders, info, mommy tips, that inspire many wives to start a business even at just a small amount of capital… Kuddos to you Ms. Neri 👍👍👍 Looking forward for many more inspiring piece of advice.

      Liked by 1 person

  2. Arona Abadilla says:

    Nkkaispired k alam mo b un? We have something in common, business minded din kc ako. Lumaki kc ako n business ng nanay ko ang bumuhay at nagpaaral s aming mgkkapatid. Nkkarelate ako sa u when it comes to business. Looking forward ako s post mo about your business. Goodluck s atin 😊😊😊

    Liked by 1 person

  3. Abigael Alcarde says:

    Infairness ang dami kong natutunan…kahit na alam ko sa sarili ko pero may fear pa din ako to put up a business. OFW ako at pauwi na sa pinas kasi buntis ako. Pangarap ko sa pinas na lang at magnegosyo pero di ko alam panu sisimulan dahil baka malugi. Pero dahil nakakainspire ang nabasa ko mas lumalakas ang loob ko na magsimula ulit sa pinas sa maliit at simpleng negosyo na at the sametime maaalagaan ko ang anak ko at parents ko. Lagi akong nagbabasa sa instagram mo at blog kaya habang papalapit ang paguwi ko mas lalo akong nasasabik magsimula ulit sa pinas. ☺️ Nakakahappy lang.

    Liked by 3 people

  4. Mommy Grace says:

    Nakakatuwa. Sobrang wais mo. Wala akong talent magluto pero gustong gusto ko magbusiness, di ko lang alam pano ko sisimulan. Bet ko din dati magtinda ng homemade peanut butter. Hehehe. Gusto ko talagang matutong magcalligraphy kaso wala pa akong extra pumondo sa mga tools. Hehehe. Gustong gusto kong magstart ng business kasi nasa bahay lang ako. Kaso alaws arep. Dami utang. Di ako makapagfocus e. Hehe. Pero salamat sayo, you keep on inspiring people. Kudos to you!

    Liked by 1 person

  5. Joan says:

    Galing! Honest na ang business puedeng maging successful pero puede ring mag fail. Ok din mga tips para mabawasan yung risks pag mag business. Inspiring sa mga tao at nakakatulong! Bilib ako sayo 😊

    Liked by 1 person

  6. iamsuperecar says:

    Silent reader at follower ko ako Neri. Nakakainspired ang isang tulad ko na wais na misis. Kagaya mo ang dami ko naiisip na gusto gawing business kc gusto ko may backup ako income ako aside sa kinikita ko bilang office worker. Ang kelangan lang siguro sa akin eh paano ko maexecute ung mga naiisip ko na pwede maging negosyo.
    Salamat sa pagshare mo ng mga tips Neri. God Bless to your family and business. 😊

    Liked by 1 person

  7. MYLENE M. says:

    Yay Ms. Neri finally may update na.. isa rin talaga ako sa mga followers mo sa IG, grabe ang galing lang kasi napapalago mo kahit maliitang business..tuwang tuwa ako lagi nagkikwento sa asawa ko about ur small businesses hehehe.. good luck..

    Liked by 1 person

  8. majha says:

    Hi! Constant reader po ako ng life events nyo… Andami natututunan, and like ko din po yung mga recipe nyo. Pwede po ba mag request kung pwede nyo po ipaliwanag yung pagbabayad sa BIR, I mean po, gusto kasi namin kumuha ng BIR, mayors permit, Income Tax Return, etc. Kaso natatakot naman kami na baka sobrang mahal ng bayadan namin sa BIR, gusto ko lang po magka idea kung kukuha kami magkano kaya inaabot un. Kunyari po 20k monthly income, magkano po babayadan un sa BIR… Pasensya na po sa mahabang tanong.

    Liked by 1 person

  9. Rose says:

    Wow grabe the best article I’ve read in a long time. Ganyan na ganyan ako nung bata pa ako. At gusto ko rin maipagpatuloy kagaya mo kahit nandito na ako sa Canada, at ngayon may dalawang anak na gusto ko talaga lagi kong kasama ang mga anak ko haha mommy issues. Salamat Mrs. Neri Miranda sa inspirasyon. Pagluluto din ang hilig ko. Magstart narin ako ng business para kahit di na ako bumalik sa trabaho. Kailangan ko pa magresearch kung paano ba magstart ng business dito sa Canada. Sa Pilipinas dati ning bata pa ako basta may puhunan ako go lang. Wish me luck!

    Liked by 1 person

  10. patriciagalveblog says:

    sobrang na iinspire ako sa mga post at lalo na sa business mo po. naniniwala ako na balang araw eh lalaki at dadami pa po ang business nyo at sobrang successful godbless po. 🙂 sana balang araw eh maging ganyan din po ako, im 19 years old and 3rd year college na isang taon nalng gggraduate na 🙂 pero minsan na iisip ko at tinatanong ko din sarili ko, parang wala pa akong na a-achieve sa buhay ko. sobrang mahina loob ko na subukan ang mga bagay na nasa isip ko lang. natatakot ako gawin? ewan ko po eh. pero gusto ko pong may mapatunayan sa sarili ko. salamat po sa mga tips at ideas na binibigay nyo ate neri 🙂 sa mga mahihina ang loob at takot subukan eh isa rin ako dun. Gusto ko po mawala yung takot. hehe! 🙂 U’re so wise and brave,im so inspired. Someday po gusto ko po maging katulad nyo as a wife, mother and a good daughter 🙂 thank you po in advance if u notice this hehe 🙂

    Liked by 1 person

  11. cheradee tating says:

    Hi Ms.Neri. sobrang nakaka inspired po kayo. Gustong gusto ko yung pagiging business minded nyo. Sa totoo lang po, ngayon ko lng nacheck ang IG nyo at sobra po akong humanga sa inyo. Habang nakikita ko po yung mga post nyo Sa IG w/ur family at sa mga naitayo nyo po business mas lalo po akong nainspired na ipagpatuloy ko ang online business ko. Natakot lng po ako ksi bka wlang umorder Sa akin bka hindi nila pansinin yung mga items ko. pero nung nbasa ko po blog nyo, nagkaron ulit ako ng lkas ng loob.Nakakabilib po tlaga kyo. npakasimple nyo po Tao, napakasipag na mommy, at mapagmahal na asawa. Almost 3 hrs.po akong nagbasa Sa mga post nyo at talagang masasabi kung sulit na sulit. Maraming salamat po Sa pagshare nyo. Sana po mabasa nyo ito . Idol ko po kyo.at sana mkakuha p ako ng ms mdaming ideas po pagdating sa negosyo. Godbless po Ms. Neri and to your family. 😃

    Liked by 1 person

  12. terinablogs says:

    I wish you all the best po, Miss Neri, where to contact you po if I want to resell your perfumes po.. I really like fragrance to sell as a small business sana. Ingat po and God bless! ❤

    Liked by 1 person

  13. cindy says:

    Grabe Ms. Neri! isa kang huwaran. Nakakatuwa magbasa ng mga posts mo. ikaw lang yung pinafollow ko na kahit ang haba ng posts binabasa ko talaga hanggang dulo. Iba yung dedication mo bilang nanay, asawa at business woman. Ngayon napapaisip na din ako kung anung business ang pwede saken kahit empleyado na ako. Meron din naman ako pinagkakakitaan gaya ng e-loading at benta benta pero hindi ganun ka seryoso, basta lang ba may pumapasok na pera kahit barya ok na ako. Ngayon iniisip ko kung anu talaga passion ko. Sana makaipon ako ng motivation para makapagstart. God bless you po. Thanks sa inspiration. keep it up.

    Liked by 1 person

  14. Cristal Dichoso says:

    Hi Ms Neri, nakakainspired po kayo sana maging malakas din ang loob ko na magbusiness. Sa totoo lang lagi akong nag iisip kung ano ba pwede kong pagkakitaan kahit maliit lang kasi sa bahay po nag aalaga sa aking 2 anak. Mag iipon muna ako gusto ko maging reseller nyo.

    Liked by 1 person

  15. JACQUELINE G. says:

    Hi Neri, Silent Reader mo ako at matagal na kitang fnfollow. Bilib ako sayo, sa sipag at determinasyon mo. Nakaka empower ka. Im a single mother andito ako sa Qatar pero ito at uuwi ng Pilipinas kasi na realized ko hindi ko kayang ipagpalit anak ko ..kahit di na ako yumaman. Ok lang. Sayang kasi 2 months na pero Hindi ko tlaga kaya. Mas gusto ko matutukan pag laki nya. Iniisip ko pa ngayon kung ano inenegosyo ko. Pero inspired na inspired ako sayo. Kepp it up. God bless you more.

    Liked by 1 person

  16. Paul Cyprus Biong says:

    Hello po Ms. Neri, ask ko lang po nung nag start ka mag business ng Gourmet Tuyo niyo, ano po yong proseso at requirements nung kumuha na kayo ng Business Permit niyo. Balak ko kasi mag Business ng Peanut Butter at lalagyan ko ng sarili kong Brand Name para matawag kong akin talaga. Hindi ko po kasi alam kung need pa din ba kumuha ako ng Business permit at DTI for name ng business kasi small business lang naman ito, at mga ka workmate ko lang naman binebentahan ko.

    Like

    • nerimiranda says:

      Hello! Lahat ng small businessea ko ay complete sa mga permits kase yun ang legal. Pero nung nagbabazaar palang ako at paminsan minsan lang akong gumawa ng gourmet tuyo, wala pa akong permits. Pero nung nagdecide na akong gagawin ko na talaga businesa at may pwesto na ako, kinumpleto ko ang mga permits pati na rin ang bir.

      Like

  17. Mary Rose Gabriel says:

    Hi Ms . Neri, sobrang na-inspire po ako sa topic mo na’to. Kasi katulad mo, ang dami ko ding gustong ibusiness. Nag eenjoy ako mag imagine ng mga gusto kong ibusiness someday. Nung bata ako nagtitinda din ako sa school ng yema at polvoron. Nung working na ako, nagdadala din ako ng lutong ulam ng mama ko at tinitinda ko din sa office. Ngayon na newly married na ako, nag try naman ako mag resell ng book. Thank God, naibenta ko naman. 🙂 kasi book lover talaga ako. Since na-mention mo po na sa worth 7K na capital pwede na maging reseller ng Gourmet Tuyo mo. I want to know the process po, I am interested to try. 😊 Please guide me and help me. Thank you so much in advance. May God richly bless you. 🙏 continue to serve as an inspiration to many. ❤

    Like

  18. Liz says:

    Hello Ms.Neri.. super nakakainspired po kayo sa lahat lahat ng pagpupursige. Ms.Neri any tip po paano magstart ng bakeshop mga needs sa pag uumpisa. Sa ngayon po is hands on mom ako sa 1yr old na anak ko. Nagloload muna ako para kahit papano may konting kita. Kahit maliit lang basta hindi mawawalan.Maraming salamat and God bless.

    Like

  19. Jellie says:

    Ms. Neri, super dami kong natutunan sayo, kahit nabasa ko na lahat ng nasa blog mo, uulitin ko na naman. sana po next time palagyan ng costing. kasi po ako din gusto ko magka business kaso hindi ko po alam kung ano mararating ng konting ipon ko. thanks po.

    Like

  20. MSnillo says:

    Hi Ms. Neri, Sobrang nakakainspired po ang mga post nyo about sa business. Ngayon po ay nagaaral ako para makapagpatayo ng sariling bakery, May isang business na po kami ng family ko pero gusto ko po matry ang bakery. Ask ko lang po sana kung saan po kayo bumili ng mga gamit nyo? Magkano po ang nagastos nyo? Ilang months po kayo nagprepared para sa bakery nyo? Sana po manotice nyo po ang msg ko. MagPM din po ako sa IG nyo. HEHE 🙂 Sana po marami pa po kayong matulungan at mas mainspired sa mga ginagawa nyo. Godbless together with your family po.

    Like

  21. Hanna Monica A. Cunanan says:

    Wow!nakakabilib at nakakainspire. Agree talaga ako sa lahat ng sinabi mo miss neri. Actually po,isa na din akong full housewife ngayon kakaresign ko lang sa work dahil sa bago lng din akong nanganak sa second child ko. Bali 2years old girl name niya po si kristina.akalain mo po magkaedad ata sila ni miggy boy.tama po ba? At yong pangalawang anak ko naman boy 2months old. Nagdecide akong magresign kasi kailangan ko silang alagaan iba kasi kng ikaw mismo ang nagpapalaki ng anak mo at the fact na medyo budgeted pa ang pera para sa katulong. Nainspire talaga ako sa story niyo at gumaan ang loob ko dahil sa mga advices niyo po ms. Neri. Before kasi ko binasa tong story mo,nakapag-isip talaha ako ano kayang magandang business na kunti lng ang capital at nasa bahay lng?and tada!! Blessing po tong story mo sa akin. Thank you po.. Actually po,pareha tayo mahilig akong mag-ukay at magluto kaya naisipan kng magtry ng ukay2. Pero may alam po ba kayo ms. Neri kng saan ba magcompra ng magandang ukay at mura,yong comprahan talaha ng ukay? Kasi po sa pagkakaalam ko nasa manila daw ang comprahan ng ukay.baka po may mairecommend po kayo sa akin ms.neri na supplier ng ukay. Itatry ko po.nasa davao po ako ngayon at taga davao city po ako.. Salamat po. Interested din po ako sa sinabi mong house keeping rules.hehe

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s