Kung talagang mahal mo ako, magbago ka!

Nung may pinost ako sa Instagram stories ko na may nagtatanong kung ginantihan ko ba daw si Chito nung nambababae siya noon?

NO. NEVER.

Hindi kase ako ganun, yung nakikipag flirt sa iba, sa asawa ko lang ako malandi, hehe, pero sa iba, wala talaga. Walang malisya, walang libog (sorry for the term kung may mga batang nagbabasa nito at nagugulat sa mga words ko pero nagpapakahonest lang po ako), as in wala. Medyo mataray ako sa mga lalaki. Kilalang kilala ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko pag dating sa mga lalaki. Akala mo kung sino kung umasta, hindi naman kagandahan at wala namang kaseksihan sa katawan. Hahahaha!

Pero aminado ako na di ako kagandahan at walang kaseksihan. Nope, di ako fishing o nagpapaka humble. Hindi talaga ako nasa level na ganun, yung pang cover girl na makikita mo sa mga magazines, aminado naman ako at tanggap ko. Ang pinupunto ko dito eh, ano ngayon kung hindi ako yun? Alam ko naman ang value ko bilang isang babae at tao. Hello??? Total package kaya ako! Hahaha! Magaling akong mag alaga ng asawa at mabait ako. Diyan ay proud akong ipagsigawan sa buong mundo at kaya naman din pinagsisigawan ni Chito kung gaano siya kaswerte sa akin.

So ano na nga? Kung nambabae ba si boyfriend o si asawa? Ano bang dapat gawin? Umiyak ka. Yun ang ok na gawin muna. Sige, i-feel mo muna yung mala MMK na eksena. Pero dapat ikaw lang ha? Wag kapag andyan si boyfriend o si husband. Ikaw lang. Moment mo yan. Sige lang, tago ka lang sa banyo o sa kwarto. Naka set na ba yung “heart broken” playlist mo sa spotify? I-play mo na! At ngumalngal ka! Pagbabatuhin mo yung mga damit mo sa wall, isama mo na yung towel. Wag lang yung mga babasagin kase delikado baka masugatan ka pa at baka ano pang gawin mo sa mga basag na gamit, baka um-OA ka sa kaka MMK mo, baka maging SOCO na, wag ganun ha? Bad yun. Saka mas lalong nakakabawas ganda points yun! Saka maganda talaga yung mga damit lang ang ibabato kase walang ingay kapag binato mo sa ere at sa wall, hehe! Gawain ko yun dati, Hindi na ngayon, matino na eh, hehe! Itapon mo lang yung kaya mong tiklupin after ha? Syempre di ka dapat mag iiwan ng pweba. Sabihin ko sa inyo mamaya kung bakit. Sige iyak lang, kung may breathing room ka, much better. Sige lang, kunware andyan si direk, iiyak mo lang para good take at isahang take lang.

Tapos ka na? Now compose yourself. Maghilamos ka o maligo ka. Magbihis ka na akala mo ay makikipag date ka o manonood ng sine. I-feel mo na college student ka na may susundo sa’yo sa bahay, manonood daw kayo ng sine at kakain ng dinner sa favorite restaurant mo. Kunware lang yan ha? Much better kung totoo di ba? Pero yung feeling na kinikilig ka noong college ka? Di ko kase masabi nung high school ka kase di pa ako allowed manood ng sine at kumain sa labas kasama ng lalaki. Medyo strict ang mommy ko eh, hahahaha! Anyway, nagegets mo ba yung feeling na yun? Yung mapapangiti ka na lang sa kawalan? Parang nangangarap ka lang? Tapos panay check mo sa salamin if ok ba itsura mo kapag makikita ka ni boyfriend? Ganyan ang dapat mong mafeel after mong mag MMK sa banyo, hehe!

Maayos na ba yung itsura mo? Nakapostura ka na ba? Lagay ka konting make up, para pampa fresh lang at di masyadong halata na umiyak ka.

Paglabas mo ng banyo o ng kwarto, as if walang iyakang naganap dun. Back to normal. Ayusin mo yung house, yung akala mo ba pasko at maraming bisitang darating? Hala, sige, linis! Magluto ka ng specialty ni boyfriend o ni mister. Sarapan mo ha, wag mong lasunin! Bad yun. Pag dumating si boyfriend o si husband, smile ka lang. Pagsilbihan mo. Yes tama ka sa nabasa mo, pagsilbihan mo tapos nakangiti ka. Itanong mo kung kumusta ang araw niya, kahit alam mo na kung saan siya dumaan muna bago sayo. Sige lang, itanong mo lang ang araw ng gagong yan. Trust me, siya ang magiging hindi comfortable kapag super nice ka sa gagong hayop na animal na demonyo na yan na pu$%$&%^*()(&*(^&*%^&… ooooops! Sorry! Nadala lang ako ng emosyon, hehe! Ako na ang magmumura para sa inyo. Yes, be nice. Walang mawawala sa’yo kapag mabait ka. Ginago ka ng mahal mo, suklian mo ng kabaitan baka sakaling matauhan at maguilty sa mga kalokohang pinaggagawa niya.

Ganito kase yun. Nung mag boyfriend girlfriend kami ni Chito. Ganyang ganyan ako. Pa-martyr effect pero alas ko yun. Alas ng tao ang pagiging mabait. Malayo ang mararating mo kapag mabait sa kapwa tao mo. Lokohin ka man nila, ang importante hindi ikaw yung nagloko at hindi ka gumanti. Anyway, minahal ko si Chito ng buong buo kahit na alam kong malandi siya. Kase malandi naman talaga siya bago niya ako nakilala, likas na sa kanya yun. Hindi ko rin siya sinabihan na magbago siya dahil kami na o yung mga linya ng iba na, “kung talagang mahal mo ako, magbabago ka na”. No, never kong sinabi yun sa kanya. Pero di ko rin naman maikakaila na umasa ako na magbabago siya kung talagang mahal niya ako. Sa akin na lang yun, kinipkip ko lang yun. Sinulat sa journal ko. Oh by the way, malaking tulong ang journal, try mo.

Anyway, san na ba tayo? Ang dami ko kasing commercial, hehe! Ah! Yung di sasabihan na dapat magbago. Yun nga. The end. Bow. Joke lang, tinatry ko lang kung andyan ka pa rin at nagbabasa, hahaha!

Aminado naman si Chito na ang bait bait ko nga daw nun, hanggang ngayon pa rin naman ha, haha! Kaso tine-take for granted niya ako dati. Kase alam niya na andyan lang ako, hindi aalis at mahal na mahal ko siya. Kumbaga alam niya siya lang buhay ko nun, sa kanya lang umiikot sa mundo ko. Hinayaan ko lang siya. Masakit, oo, napaka sakit na ganun ka i-trato ng mahal mo. Parang sinaksak puso mo tapos dinurog durog. May mga times pa nga na sa sobrang sakit, parang kalat kalat na yung puso ko sa sobrang durog? Napakababa ng self esteem ko nun. Lalo na malalaman mo kung sino kalandian niya tapos makikita mo mga pictures, jusmiyo ! Mahabag ka! Di ako kagandahan pero hellllllllooooooo? San mo naman yan nakilala? Yung tipong kapag mambabae ka naman, hello dapat may kayabangan, yung talagang ay, ang ganda ganda niya, yung matatameme ka talaga sa kagandahan niya. Kaso mapapamura ka sa insulto. Oo, nakaka insulto talaga. Mapapa ano ba naman Chitooooooo! Dati di ko masabi sa kanya yun pero ngayon, jinojoke ko na sa kanya, natatawa na lang din siya kung bakit din siya pumatol dun. Sorry na lang sa mga nilandi ng asawa ko nung mag boyfriend girlfriend pa kami, kung mababasa mo to kase pinafollow mo ako, magdusa ka sa kakabasa ng blog ko, blog ko to eh, hehe! Saka hello? At least ako, nagsusulat lang sa blog, hindi lumalandi ng boyfriend ng iba, hehe! Oooooops! Have a nice day po, hehe! Sabi ko sa inyo eh, malaking tulong ang pagsusulat, hehe!

Ano bang ginawa ko noon nung walang wala na akong confidence dahil sa pinag gagawa ni Chito na kalokohan nun? Nag aral ako. Nag aral pa nga ako ng languages. Nag aral ako ng Nihonggo at French kahit di ko na maalala mga pinag aralan ko ngayon, haha! Props lang pala! Wahahahaha! Pinagsabay ko yun! Nihonggo sa umaga, French sa hapon. MWF yung schedule ko nun. Sakit ng ulo ko nun. Pero ok lang yung sakit ng ulo ko kase natututo naman ako nung mga panahon na yun kaysa naman masakit ulo ko kakaisip sa mga kalokohan ng boyfriend ko. Saka bumili ako ng sangkatutak na libro. Nagbasa ako. Binasa ko yung World History, hahaha! Saka Ethics, yung iba’t ibang relihiyon. Saka how to improve yourself books. Binasa ko talaga yung mga ganung libro. Di kase ako mahilig sa romantic novels, maliban na lang kay Jane Austen. Saka wala ako sa mood magbasa ng mga romantic novels nung mga panahon na yun, hello? Sila lang masaya? Sapakin ko pa mga bida eh, hahaha!

Unti unti nag-gain ang confidence ko. Kase ang dami kong natutunan sa mga libro at busy ako kaka aral ng kung anu ano. Aba baka yung nilalandi ng boyfriend mo o ng asawa mo eh hindi niya alam yung importance ng World History. Baka ang alam niya lang ay yung iba’t ibang alak sa bar o sa grocery stores. Sabagay ok din maging connoisseur, di ba? Ayun kung alam niya ang salitang connoisseur at alam ang spelling nito, hehe! Anyway, kapag maraming laman ang utak mo, iba yung confidence mo, iba ang aura mo, iba ang tindig mo. At dun mapapa second look si boyfriend o hubby sayo. Sasabihin niya, parang may kakaiba sayo in a good way of course. Tapos makikita na niya ulit kung gaano ka kaganda, kabait, kaalaga, kung gaano siya kaswerte kase ikaw ang girlfriend o asawa niya.

Tapos ang ginagawa ko dati, binabalik ko yung mga scenarios nung mga bago palang kami ni Chito. Yung kunware may nagkakagusto sayo at nagpapacute. Mapapansin kase niya na bakit masaya to at di ako parte sa happiness niya? Eh dati rati ako lang ang nagpapasaya dito ah. Di niya alam siya din yun kaso yung dating Chito, yung unang Chitong nakilala ko na napapatawa ako, napapangiti ako, yung binibigyan ako ng importansya at oras. Yung ako lang at sa akin lang siya nagpapa cute. Yung Chito na di ako sinasaktan.

Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya, na mukhang di talaga magwowork yung relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa’t isa. Never ko pa ring in-ask sa kanya na magbago siya para sa relationship namin, para sa amin, para sa akin. Hindi talaga. Kase gusto ko na gawin niya yun para sa kanya at gawin niya yun ng kusa kase gusto niya, kase hindi niya akong kayang pakawalan, kase nga mahal na mahal niya ako.

Wag kayong mag alala kung masabi nyo man sa kanila na tama na, di mo na kaya, tapos parang wala lang sa kanila? Mukhang ok lang sila? Eh ako nga nung oras na sinabi ko yun kay Chito, sabi niya, “OK! Great! Ide-date ko lahat ng girls na gusto ko ngayong gabi mismo.” Sabay kuha ng phone, may mga tinext, may mga tinawagan. Ang dami agad sumagot! Abang abang agad mga ate? Iba din di ba? Hahaha! Wala pang isang oras, umalis na siya, sinundo na si girl number 1. By schedule ata ang mga date niya. Una muna siguro yung malapit lang sa bahay niya. Ano yan parang mall tour lang? Una yung Metro Manila lang tapos palayo na ng palayo? Hay naku. Hahaha!

Ni hindi man lang napahaba yung emote ko, di ba? Gago no? Wala man lang, “Neri, sige ta-try kong maging good boyfriend para mag work ang relationship natin”. Wala. Nagdiwang pa nga ata ang gago. Sira ulo yun! Gago talaga! Hahaha!

Anyway, habang ako ay nagliligpit na ng mga isang katutak na mga libro na pinagbibili ko noon, mga dalawang balikbayan boxes din yun, kaloka! Hahaha! Tapos konting emote on the side. Patugtog ng pampaiyak playlist. Pinatugtog ko nga yung kanta ng Parokya na “halaga”. Tado yun, kakanta kanta ng ganun eh girlfriend niya, lugmok na sa kakaiyak, hahaha! Tapos pahinga, tapos ligpit ulit, tapos iyak konti, tapos pili ng song na tagos sa puso at kaluluwa. Actually, dinedelay ko lang siguro yung pagligpit ko ng mga gamit na baka sakaling bumalik siya at magsorry at magpromise na magbabago.

After an hour or less, may narinig akong kotse na huminto sa tapat ng gate. Tapos may footsteps akong narinig na mabigat at nagmamadali papunta sa kwarto. Binuksan ang pinto, si Chito bumalik! Umiiyak. Yes umiiyak siya nun. Niyakap ako ng mahigpit. Humihingi ng tawad. Ang tanga tanga niya daw kung papakawalan niya ako. Nasa kanya na daw yung babaeng pinapangarap niya tapos tine-take for granted niya pa. Hindi na daw niya natapos yung alak na inorder niya kasama ni girl number 1, nagsorry na lang siya kay girl number 1 na kailangan na niyang umuwi at puntahan si Neri kase ayaw niya daw na maramdaman ko na hindi niya ako mahal. Nagpromise siya na hinding hindi na niya ako sasaktan, na hinding hindi na siya mambabae. Nagpromise din daw siya kay God.

So hindi natuloy ang dates niya sa ibang girls. Si girl number 1 ay di pa natapos, umuwi agad si Chito. Haba ng hair ko! Pagsamahin man kayong lahat, ako pa rin, ako pa rin talaga. Wahaha!

Gusto ko lang sabihin na hindi ako gumanti kay Chito. Ni hindi nga ako nnag eentertain ng boys eh. Kase mali yun. Kahit na ba sabihin mo na, text lang o messages lang, mali pa rin yun. Flirting pa rin yun, cheating pa rin yun. Kung ginawa ba sa’yo, dapat ay gawin mo rin sa kanya para quits lang kayo? Para iparamdam sa kanya yung feeling na niloloko ng mahal sa buhay? Ganun ka bang klaseng tao? Ganun mo ba gustong maging klase na tao? Niloko, gustong maghiganti, lumandi. Sa tingin mo ba mas magiging maayos kayo after mong gumanti? O baka naman talaga na gusto mo lang i-entertain yung ibang boys kase ugali mo lang talaga yun, naghahanap ka ang ng butas para gawin yun. May mga ibang tao rin, babae man o lalaki, pa-fall sa iba. Kahit wala namang intensyon na mahalin yung nilalandi, wala lang, trip lang nila yung atensyon na binibigay sa kanila. Ganun ba gusto mo? Ok lang siguro kung single ka, kase masarap kiligin pero kapag commited ka na, wag na. Maliban na lang kung di ka na masaya at matagal na kayong hiwalay kahit kayo pa, gets? Pero different story naman yun. Dito muna tayo.

Kung lahat na ay ginawa mo, minahal mo, inalagaan mo, nirespeto mo pero niloloko ka pa rin, at ang masama pa nito ay kung sinasaktan ka na niya physically, di na tama yun. Di ko na kailangang sabihin sayo na “TAMA NA. MAHALIN MO NA ANG SARILI MO”. Basta kapag magmahal ka, wag mong isusumbat sa kanya lahaaaaaaat ng ginagawa mo para sa kaniya kase dapat siya mismo ang makakakita nun. Kapag malabong makita niya ang worth mo bilang isang babae at bilang isang tao, it’s time to move on.

Paano ka mamahalin ng isang tao kung ikaw mismo ay hindi mo mahal ang sarili mo?

Maganda rin sa isang babae na magkaroon ng sariling pera. Magtrabaho ka o magbusiness ka para magkapera ka. Hindi hadlang ang pagkakaroon ng mga anak sa pagkakaroon ng ipon. Kung talagang wala kang tyaga sa trabaho o sa business, ipunin mo yung allowance na binibigay ng asawa mo. May mga iba din kase na binibigyan ng allowance ng mga asawa, saya naman nun! Hehe! Ipunin mo yun. Para may sarili kang ipon. Pwede mo rin i-business o ilagay sa stocks. Check mo kung may insurance ka at ng anak mo. Para sa gayon ay panatag ka na kahit anong mangyare eh may pagkukuhanan ka ng pondo sa future. Hindi ka aasa sa asawa mo kaya hindi ka takot na iwanan ka niya.

May nagtanong din sa akin kung hindi ba ako natatakot na baka isang araw ay ipagpalit ako ni Chito sa mas bata sa akin? NO. Hindi. Si Chito ang dapat matakot na mawawala ako sa buhay niya, hahaha! Yes po, totoo. Ganun ako kaconfident na matatakot si Chito na kapag ako ang mawala sa kaniya. Tapos may napakaganda pa kaming anak, malusog at napakabibo! Kung di niya pa makita yung value naing mag ina, aba ay, ewan ko na lang, hibang siya! Di ko na need masyadong itaas ang bangko ko, hehe! Pero nababasa nyo naman sa mga captions ni Chito kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Hindi ako perfect wife. Pero tinatry ko para kay Chito. Lahat ginagawa ko para sumaya ang asawa ko. Kase kapag happy ang asawa ko, mas masaya ako. Kase alam ko na tama ang ginagawa ko.

Masaya ako na napagsisilbihan ang asawa ko. Kaligayahan ko talaga yun. Ginagawa kong hassle free ang buhay niya. Gusto ko kapag bumangon na siya sa kama at lumabas sa kwarto, nakaready na lahat. Malinis na lahat. Tinuturing ko siyang hari sa bahay at buhay namin. Kung ano man ang sabihin niya, I listen. Respeto. Kapag mawala ang respeto sa isa’t isa, ano pa ba ang silbi kung bakit pa kayo nagsasama? Kapag wala na ang respeto, nawawala na rin ang pagmamahal.

Sana kahit papaano ay nakatulong ako sa inyo. Alam ko mas madaling sabihin at magpayo, mahirap gawin sa karamihan. Pero kayang kaya mo yan. Basta tandaan palagi na walang masamang maidudulot ang pagiging mabuting tao. Kung trip mong maghiganti, yung ikagaganda naman ng buhay mo. Mag focus ka sa sarili mo at mahalin mo ang sarili mo. Dahil sarili mo lang ang kakampi mo hanggang sa dulo. At kapag makita nila na bina-value mo ang sarili mo, susunod sila. Rerespetuhin ka rin nila at mamahalin kagaya ng pagmamahal mo sa sarili mo.

BOW.

-NM

25 thoughts on “Kung talagang mahal mo ako, magbago ka!

  1. Aimee says:

    Natutuwa ako sayo Neri… Kasi parehas tayo ng perception sa buhay at sa lovelife πŸ™‚
    Na wag gumanti sa asawa o bf pag niloko ka… I so agree with you because that’s what I did.
    Umiyak ako ng bongga, pero inayos ko ang sarili ko, nagpaganda, nag-journal din ako and dyan din nagstart ang pag ig blog πŸ™‚ at never nag entertain ng boys…tapos bumalik sya πŸ™‚ thank you neri for sharing as well..
    And I also agree na tama na may sarili kang pera at dapat mag save… ang ganda ng blog mo.. can relate talaga ako kahit mas matanda ako sayo ng ilang years πŸ™‚
    hope to meet you soon in person.
    Thank you,
    Simplish Mee.
    https://simplishmee.wordpress.com/

    Liked by 1 person

  2. Diah says:

    Salamat Ms. Neri sa pagbahagi ng inyong kwento. Salamat sa paalala at sa inspirasyon na binibigay ng Chito-Neri pagdating sa buhay pamilya.

    Like

  3. G says:

    Ganyan din po ako, hehe. Nakarelate ako ng sobra kase i do the same. Yun bang nasa punto ka ng buhay mo na kapag ginawan ka ng masama igaganti mo mabuti parin. Sya mismo makaka-realize na mali ang ginagawa nya at magui-guilty dahil hindi ka gumaganti ng masama. Naniniwala ako na madaming nagagawang maganda ang pagiging mabait at mabuti sa tao/kapwa. Thanks Neri! 😘

    Like

  4. Alona says:

    Sobrang relate ko sa blog n ito. Dahil sa twing nasasaktan ako ng asawa ko (verbally and emotionally) pagmamahal lang lahat ang isinusukli ko. Ewan ko nawawala lahat ng galit ko. Di ko mgawng gumanti. Ayun sabi nga the best revenge is to improve yourself! Yan ang ginagawa ko πŸ™‚

    Like

  5. Rachel says:

    Habang binabasa ko yung blog mo sa first part ng kwento nakakatawa syaπŸ˜„ pero nakaka inspired yung story mo super nakakarelate ako. Lagi kong inaabangan yung mga kwento super nakaka inspired. Thanks ms neri.

    Like

  6. imsheriyeann says:

    You have a kind soul Neri. Thanks for consistently inspiring us.. πŸ™‚ Continue blogging. Nakakatuwa at nakakapagpasaya talaga ang blogs mo.. God bless you and your family..

    Like

  7. Carleigh SJ says:

    Ate girl Neri bet ko yang mga sinabi mo. All true. Habang binabasa ko ung post mo I adore paano ka naging true sa pagsusulat at paano mo isulat. Not a typical celebrity na magsasalita ng straight to the point. When all fails, pagbabasa ng may katuturan ang magandang sandalan para improve mo sarili. Pag aaral ng mga bagong bagay na in return makakabuti sau. Kapag inikot mo ung mundo mo sa taong mahal na mahal mo tapos iniwan ka, masakit talaga un pero kung kayo talaga marealize nya na mahal ka nya. Sa ibang ate girl dyan wag magpakabobo, tulungan nyo mg sarili nyo. Improve new sarili nyo para marealize nya na ang iniwan nya beauty queen ang ganda at may talinong kayang ihandle ang sarili nya.

    Like

    • Kim Genova says:

      Our story of my partner and I are not exactly the same as yours but closely similar and the way you think is definitely the same way as I think towards him changing himself not because I told him to do so but he is the one who initiate to change himself for him and for us.πŸ’πŸ’πŸ’

      Like

  8. Jovy says:

    Napakabait nyo miss neri. Palaging inaabangan ko ang blog mo ever since na sinabihan ako ng friend ko about your blog. We have the same ordeal pero di pa kami kasal ni boyfriend. Alam ko lahat ng mga side chicks nya kasi may nagsusumbong sa akin, sila yung mga messenger ko pero i did not ask them to tell me kasi sila yung kusang nagsusumbong. Kinonfront ko si boyfriend tungkol sa lahat ng mga babae nya, sinabi ko sa kanya na it’s time to move on kasi ubos na ang powers ko which in turn nag apologize siya at sinabing importante ako sa kanya at mahal nya ako. To make it short, kami pa rin until now. Running 4yrs na kami ngayong taon. Iniignore ko nalang kung ano yung masagap ko na balita, kasi ma dedrain ako kapag iniisip ko masyado.

    Like

  9. Jo-Ann says:

    Kala ko nag-iisa lang ako. Matagal n dn kme ng asawa ko pro hndi k tlga maicp n masira kme, i-give up ang relasyon nmen. May ultimate bond kme..mga anak nmen at hndi ko maintindihan bkt lge ako umaasa na magbabago cya.. Anyway, tama kyo mga sissies..love & improve yourself, wag mgpakalugmok at gnun dn ako lgeng mabait, matiisin at maunawain, keep busy at walang bibitaw. Isa pa pla, hndi ako tumitigil manalangin kya cguro hnggng ngayon alam ko may HOPE & MIRACLE na mangyayari..πŸ˜‰

    Liked by 1 person

  10. Rachel Villaluna says:

    Thank you po, Ate Neri! Sobrang need ko itong post mo right now. Confidence booster eh! Imbis na malungkot, mas nabigyan ng pag-asa and tapang harapin ang mga pagsubok. Salamat ng marami Ate Neri! Sana ay lalo ka pang biyayaan ng Diyos sa iyong kabutihan and genuine honesty ❀

    Liked by 1 person

  11. rkcm06 says:

    Ito yung hinahanap ko ngayon na makakapag boost ng confidence ko! Sobrang na inspire ako sa blog mo miss Neri kaya na isipan ko na din mag blog hehe 😊

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s