Si “Paolo” ng Perfecto Building sa SLU…

Nung bata ako may libro ako tungkol sa Virgo. Hindi ko alam kung paano ako nagkaron nun, di ko alam kung nabili ko ba siya sa thrift shop o nakita ko lang basurahan ng iba tapos pinulot ko lang. Basta na lang kinuha ko na lang kase nga Virgo ako tapos interesado akong basahin yun. Makapal yung libro, parang good for a year na yung libro, parang guidance para sa mga Virgo. Actually maganda yung libro, mas nakilala ko sarili ko. Natatawa na lang ako noon kase sasabihin ko, hala, ganyang ganyan ako.

Nasa akin yung libro na yun hanggang college ako. Nakakainis kase hindi ko na siya makita kase naka ilang beses na kaming palipat lipat ng bahay. Nagrerenta lang kase kami eh. Siguro mga naka 20x na ata kaming lipat ng bahay.

Kahit ilang beses kong binasa yung libro, sarap pa rin ulit ulitin, baka magbago yung nakasulat, haha!

Meron sinabi yung libro sa akin nun na di ko magets bakit yun ang nakasulat. Sa buong libro na yun, lagi niyang binabanggit na magiging writer daw ako. Sabi ko naman, napaka impossible naman nun, kase hindi ako marunong magsulat ng mga kwento at saka bata palang ako nun, ano naman ang mashe-share ko sa mga tao, di ba?

Binalewala ko lang yung nakalagay sa libro hanggang last month, I decided to create a blog. Since di na rin kasya sa caption section sa Instagram yung mga pinagsusulat ko, haha! Hindi ko naman kino-consider na isa akong writer lalo na professional, napakalayo! Siguro pwede pa yung writer ako ng blog ko.

Writer ako ng buhay ko. Sa dinaaaaaami daming nangyare sa buhay ko na napaka kulay, mas marami pa akong maisusulat at pwedeng ibahagi sa inyo.

Wala akong technique sa pagsusulat. Basta nagsusulat lang ako as if may kausap ako o most of the time, kausap ko sarili ko, haha!

Nagising ako ng past 2 am, siguro hinahanap ko asawa ko. Kase lagi kong chinecheck kung katabi ko siya eh. Naalala ko, may trabaho nga pala siya kaya I checked my phone. Nakauwi na daw siya kaya tinawagan ko para marinig boses niya. After ng phone call, nawiwiwi ako, nung bumalik na ako ng bed, medyo nawawala na yung antok ko. So I decided na makinig ng music.

Minsan di ba kapag makakarinig ka ng isang kanta, bigla kang babalik sa moment na yun? Manunumbalik yung feeling mo nung mga panahon na yun. Parang instant time machine! Tapos mapapangiti ka na lang. Minsan nga binabago mo yung nangyare sa isip mo eh, o baka ako lang yung ganun? Hahaha! Yung may song na nagplay tapos maaalala ko yung dumaan si crush, eh invisible ako sa kanya nun (actually invisible ako nung estudyante pa ako! Haha!) tapos syempre babaguhin mo na yung scenario, kunware nag hi siya sayo o nag smile, haha! What a loser! Hahaha!

Nakashuffle mga songs ko.Β Unang napakinggan ko yung kanta ng DeBarge na Who’s holding Donna now. Napangiti ako. Naisip ko tuloy yung mga ex ko, haha! Napakanta kaya din sila nyan? Haha!

And I keep wondering
Who’s holding Donna now
And I keep wondering
What magic can be found
To turn me back to the one
Who’s holding Donna now.

Wala lang naisip ko lang bigla, haha! Minsan naiisip ko nga yung ibang guys na nagparamdam sa akin nung college ako eh. Ok, nobody ako nung grade school hanggang high school. Pero medyo napansin naman na ako nung nagcollege ako. Baka sa hair ko? Nagpagupit kase nung nagcollege ako eh, siguro yun nga dahilan, hindi ko alam eh.

Napalitan na yung song, nalipat naman sa It feels like home, napunta sa Dawson’s Creek soundtrack. College na ako nung nakabili ako ng original soundtrack ng Dawson’s creek, cassette tape lang kaya kong bilhin nun, haha! Everytime na napapakinggan ko yung soundtrack or any songs from the series. May naaalala akong isang guy. Hindi ko naging boyfriend. Hindi rin kami nag date.

Nung tumungtong na ako ng college, may mga varsity boys, crush ng bayan, o mga boy next door yung mga nagpaparamdam sa akin nun. HINDI KO TALAGA ALAM KUNG BAKIT. Baka nga sa hair ko nun?

Etong guy na kinukwento ko na naaalala ko kapag napapakinggan ko yung songs from Dawson’s, hindi siya popular kid, hindi siya kasali sa varsity team, hindi ko rin alam kung dean’s lister siya. Schoolmate ko siya sa Saint Louis University sa Baguio. Engineering din kinukuha niya nun, nag engineering kase ako, kase sabi ng ate ko yun na lang din daw kunin ko para parepareho kaming lahat na magkakapatid, haha!

Anyway, balik tayo kay guy. Alam mo di ko na maalala yung name niya. Pero alam ko pa itsura niya. Paolo ata name niya? Nung college kami, chubby siya, di siya matangkad, not sure kung mas matangkad ako sa kanya. Tapos lagi siyang naka hoodie, either gray or maroon. Yung aura niya para siya yung typical bestfriend na guy na in love sa bestfriend niyang girl sa mga movies. Simple lang siya, hindi masyadong nagsasalita. Pero may sidekick siyang kasama lagi. Payat, super funny, at yun ang spokesperson ni Paolo. Paolo na lang itawag natin sa kanya ha? Para di ako malito, haha!

Lagi ko silang nakakasalubong sa Perfecto Building. Si Paolo magssmile ng shy, yung parang sa isang side lang ngingiti sabay yuyuko? Medyo cute yung dating na nahihiya sayo yung guy, tapos yung sidekick niya, yun talaga yung medyo loud na maghehello sa akin. Natatawa na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakausap ni Paolo. Lagi naman kaming nagkakasalubungan. Pero one time, nung naglalakad na ako palabas sa Perfecto Building, nakasalubong ko sila. Biglang may hinirit yung sidekick niya, asan ba daw si Kentucky Fried Chicken? Napahinto ako sa tapat nila, tapos tinitigan ko sila. Tumawa ng malakas si Paolo, medyo gulat yung itsura ko. Tapos tumigil si Paolo sa kakatawa sabay nag sorry at wag ko na lang daw pansinin yung kaibigan niya.

Nagets ko kung bakit sinabi na Kentucky Fried Chicken, kase Kenneth yung name ng first boyfriend ko. Pero nung mga panahon na yun di ko pa boyfriend si Kenneth. Nakikita lang nila na lagi kong kausap.

Ah kaya pala, di ako kinakausap ni Paolo kase laging may Kenneth sa paligid ko noon.

So one time, tanghali nun eh, uuwi ako sa bahay namin sa Gibraltar, nakasalubong ko na naman silang dalawa sa school. Di ko nga alam kung sinusundan ako nung dalawang yun kase napakalawak ng SLU para magkita kami araw araw. Di naman kami magkaklase. Saka napaka daming estudyante sa SLU na di mo na rin mapapansin pero silang dalawa, mangingibabaw talaga eh, parang sasabihin mo na lang na kayo na naman? Haha! Anyway, biglang lumapit yung sidekick ni Paolo at tinatanong kung saan ba daw ako pupunta, sabi ko uuwi na ako. Sabay sabi niya, Paolo sabay na kayo ni Neri na umuwi, ihatid mo na siya. WOW di ba? Hahaha! Sabi ko wag na at malayo pa bahay namin. Sabay sinabi ni Paolo na Gibraltar ka nakatira di ba? Pareho lang din tayo.

Iniisip ko kung magkapitbahay ba kami nito at alam niya kung saan ako nakatira. Di ko alam talaga eh.

So yun nga sumabay na si Paolo sa paglalakad ko. Tapos umalis na yung sidekick niya. Sa Baguio kase maraming sakayan, so sabi ko sa may Β Perfecto gate ako sasakay ng jeep. Sabi niya hindi na may dala akong car.

Simple lang car niya. Maroon pa nga yun. Mukhang kinuha nya lang sa garahe nila at yun na lang ang ginawa niyang kotse. Sumakay na kami. Sabi niya gusto mo ng sounds? Sinabi ko ok lang ba kung may dala akong cassette tape kase kabibili ko lang at di ko pa kako napapakinggan. Syempre ok lang sa kanya.

Kabibili ko lang kase ng Dawson’s Creek album nun. So pinakinggan namin. Sabi ko now ko palang mapapakinggan yung buong album, sabi niya ang swerte naman daw niya at siya yung kasama ko. Iniisip ko nga nung mga panahon na yun, special ba dapat yung pakikinig ng album? O marunong din mambola etong Paolo. Haha!

Kinuwento rin pala niya na nung high school kami, lagi daw niya akong nakikita sa jeep. Tapos siya naghihintay ng jeep sa waiting shed. Di ko talaga siya maalala. Siguro di kase talaga ako tumitingin sa mga tao noon.

Sobrang funny pala si Paolo, medyo makwento rin pala. Medyo mahiyain pa rin pero funny at mukhang sweet. Kinukwento niya na may little sister siya, mga ganung klaseng kwento saka mararamdaman mo talaga na harmless siya.

Nahatid na niya ako sa house. Nagpasalamat ako. Sinabi na lang niya na what time ba daw ako pwede niyang sunduin? Aba marunong din pala siya, haha! Sabi ko 3pm. Wala pa kase akong cellphone nun kaya naghintay ata siya ng 2:30 pm sa labas ng gate namin, haha!

After nun, di na naulit yung hatid niya sa akin kase nga may umaaligid na Kenneth nung mga panahon na yun at feeling niya siguro wala siyang pag asa sa akin. Yung mga panahon na yun kase, si Kenneth ay isa sa mga crush ng bayan sa school. Siguro intimidated kaya di na siya lumalapit sa akin. Alangang ako pa gumawa ng move di ba?

Wala na akong balita kay Paolo. Ang alam ko ka-Friendster ko siya noon. Nagkamustahan noon pero bigla din naman nawala yung Friendster, haha!

Nakasalubong ko siya sa Session Road nung umakyat ako sa Baguio pero super tagal na nun. Wala na akong boyfriend nun. Nakita ko lang siya sa Upper Session Road kasama ng little sister niya. Namukhaan ko siya, and I said hi. Tapos nagsmile siya sa akin. Nahiya daw siya baka di ko na daw siya kilala. Pinakilala niya yung little sister niya sa akin. Tapos nag goodbye na ako.

Hindi ko rin naman masasabi na kinikilig ako kay Paolo. Hindi ko rin masabi na nagkagusto ako sa kanya. Hanggang doon lang kase yung connection namin. Naputol bigla eh. Pero kung ipinagpatuloy ba niya baka naging kami noon? Hindi ko rin alam. Pero napapa smile ako kapag naalala ko yung mga maigsing moments namin kahit nakakasalubong ko lang siya sa Perfecto Building. Ang lakas makabata ng mga scenario kase. Para kayong mga characters sa mga libro.

Naikukwneto ko naman sa asawa ko lahat lahat. Minsan nga kinikilig siya sa mga naikukwento ko na moments ko with other guys noong bata pa ako. Kase marami ding kilig moments ako noon pero mas maraming nakakahiyang moments na nakakatawa na. At tatanungin niya kung nasaan na ba daw yung guy na pinag uusapan namin, madalas wala akong alam kase di ko naman hinahanap eh, haha!

Pero ang sarap din kase na kaya mong makipag kwentuhan sa asawa mo ng kahit anong bagay kahit mga boys. Ako rin naman, nagtatanong ako sa kanya ng kahit ano. Walang selosan sa amin. Madalas natatawa kami sa mga kwento namin, madalas kase yung kwento ni Chito ay puro may kasamang kalokohan kahit tungkol sa babae. Ako natatawa na lang sa mga pinag gagawa niya.

Bestfriends kami ng asawa ko eh! Lahat naikkwento namin sa isa’t isa.

Minsan nga naiisip ko na gumawa ng mini series na libro kase super dami kong kwento sa buhay. Hindi ko lang alam kung paano simulan yun at kung paano i-publish. Kung pwede bang ako na lang magbabayad para mapublish yung librong gagawin ko? Hindi ko talaga alam eh. Kase ang dami kong nakikita sa mga bookstore na medyo maninipis na libro tapos binibili naman ng mga tao. Lagi kong sinasabi na parang kaya ko rin yun ah.

Hangang di ko pa alam kung paano, dito muna ako sa blog ko magsulat. Haha! Pag aralan ko muna kung paano magpublish ng libro kahit ako yung magproproduce, kase konti lang naman ang i-rerelease ko siguro. Konti lang naman din ang mga followers ko and masaya na ako na nababasa ng iba yung ginawa ko at natutuwa sila sa nababasa nila.

Anyway, inaantok na ata ako, haha! Matutulog na ako. Next time naman yung iba..

Good Morning!

-NM

PS Hindi ko pala napost kanina kase inaantok na ako, haha! Kagigising ko lang din… Anyway, sana mag enjoy kayong basahin. Pero kahit di nyo trip basahin to, ok lang, gusto ko kase isulat kase yun ang nasa utak ko kanina nung nawala yung antok ko. πŸ™‚

19 thoughts on “Si “Paolo” ng Perfecto Building sa SLU…

  1. otakunorie says:

    hi neri, gustong gusto ko yung blog mo..lalo na yung abilidad, sipag at ipon…nakarelate ako don. Please continue inspring younger generation Neri. God bless you and you family. !!!! Love love love from Cebu. =)

    Like

  2. APHOLPIE says:

    Hi Ate Neri.. πŸ™‚ sobrang nakakainspired talaga mga blog mo.. pati ung kwento mo mula sa puso eh.. nakakatuwa at nakakatulong sa ibat ibang aspeto ng buhay!! Keep it up ate Ners.. πŸ˜‰ God used you to inspire people.. maraming salamat po.. πŸ˜‰ God bless always..

    Like

  3. April says:

    Hello Neri! Thank you for sharing this story! Feeling ko nakikinig lang ako ng kwento ng kaibigan ko. Aliw na aliw naman ako, kasi mahilig ako talaga makinig lang sa kwento ng mga tao sa paligid ko hehe. Enjoy writing! Excited to see Baby Chito / Neri. God bless you more β™₯

    Like

  4. Debbie Garcia says:

    Hi, Neri, I am your fan here in Texas..i really enjoyed reading your blogs and also your posts in IG..nakakagood vibes..sayang di natuloy ung date natin with Iah Seraspi nong June when I went home for a vacation..Ingat ka and God bless in your pregnancy..

    Like

  5. Cheska says:

    Hi Neri! I studied in SLU too. Batch 2002, BS Psychology so Perfecto is my home. May I just ask what course did you take up and what year did you graduate? Thanks! Blessings to you and the baby😊

    Like

  6. cass says:

    Hi neri! Isa na ata ako sa adik na adik magbasa sa blog mo paulit ulit ko kayang binabasa nakaka inspire kc wala din ako magawa minsan dito sa work ko nalulungkot nga ako pag wala ka new post eh.hihihi.. Lam mo pareho tayo mahilig din ako magbasa ng mga books minsan nga nung nag post ka na sale ung mga books sa pasig pumunta kaya ako dun ung tig 20 lang grabe tuwang tuwa ako dun tagal ko nag ikot para akong bata.. Basta subra akong naiinspire sa mga post mo more pa ha marami kc tayong pagkakapareho kaya minsan natatawa ako sabi ko ay ganyan din ako..hihihi.. Basta goodluck sayo at ingat lagi!!!

    Like

  7. Mia says:

    Hi, Miss Neri. Super fan ako ng blog mo since day one. hehehe Sa IG lang kita finafollow parati at inaabangan mga posts mo. Lagi ako nakakarelate sa mga sulat mo kahit single ako hahaha pero itong post mo na to pinaka-relate. Medyo naging nostalgic ako… sana makahanap ka ng time and inspiration para maisulat ung mini-serye book mo. Ito po pala link sa publisher ng mga libro na maninipis na nakikita sa bookstore >> http://psicom.ocnk.biz/ Alam ko po kahit 20k lang makakapag publish ka na hehehe Good luck and God bless!

    Like

  8. Grace says:

    Dear Neri,
    This is your silent follower from UAE. Ako ay nasa edad 40 na…….sige na nga 42 πŸ™‚ gusto kong malaman mo na nakaka inspire ka….nai-inspire mo ako; nabigyan mo ako ng idea sa Neri’s Cottage mo – mapapakinabangan ko na yong maliit na lupain sa amin na akala ko masasayang lang doon. Maraming Salamat. Salamat sa mga ideas mo, sa mga tipid tips.. recipes, at iba pa..Sana patuloy kang mag bigay inspirasyon sa mga kababaihan. Looking forward for more stories, esp pag Mommy ka na. Mag-ingat ka lagi.
    PS: Nakilala namin ng pamilya ko ang iyong asawa na si Chito nong nag concert sila sa Abu Dhabi πŸ™‚ sana someday makilala din kita ng personal. God bless you.

    Like

  9. diana rose says:

    Hi mrsmiranda ipagptuloy mo lng pagblog hanggat may isa ngbbsa ok na yon pero mas mgnda pa din pag more than ten db, nkakainspire.yon mga blog mo, lalo na.kung paano magtipid , godbless u and your family, at excited na ako mkita ang baby nyo. Ingt palagi.

    Like

  10. Clarisse Torres says:

    Sobraaang good vibes lang! Habang binabasa ko to, naaalala ko yung kalandian moments ko dun sa mga crush ko. Hahaha. Parang may kakwentuhan lang ako ng friend. Super light ng aura mo talaga. Keep on sharing Ate! Excited na ko for your baby 😊

    Like

  11. ZhanaZara says:

    Hi neri! Gustong-gusto ko talaga yung paraan mo on how you express your feelings sa mga kwento mo. You really have the gift of a writer! Enjoy na enjoy basahin ang mga posts mo on ig and now here on you blog. Parang hindi nga ako ngbabasa eh, hindi ko na rin namamalayan na mahaba na pala ang nabasa ko, hehe, parang more of a kwentuhan lang between friends na komportableng komportable sa isa’t isa. I can feel your genuine and humble heart, im sure the other readers too feel the same. I follow you and chito on ig and now dito sa blog mo and im looking forward to more of your stories! Keep spreading the love and the good vibes! Blessings to you, chito, and your baby! Hihintayin kong mapublish yung book mo. i’ll definitely buy! πŸ™‚

    Like

  12. lilibeth medrano says:

    hi neri!!! thank you for inspiring me to start writing my own blog… katulad mo din wala akong alam sa tamang pagsusulat pero marami akong karanasan na sa tingin ko magbibigay ng mga aral sa sinuman makakabasa ng isusulat ko… keep it up… ingat & god bless πŸ™

    Like

  13. Maria Edwards says:

    Hi Ms. Neri. I follow you sa IG and enjoyed reading your blog. Sa SLU din me nag college. Ano po bang batch ka? Sa Rizal at Adenauer building naman ako pero may bf din ako na Civil Engineering student noon. πŸ™‚

    Like

  14. Laarni says:

    Hi, Mrs Miranda! Naks, mas bagay kasi kesa ung Neri lang. Hehe. Nakakatuwang basahin tong blog mo…sobrang nakakarelate ako sa kalandian ng mga boys!!! Hahaha! At sa tinagal tagal ng follower mo ako sa IG, now ko lang nalaman na Louisian ka din pala. Then one more thing, parehas ko pang Virgo! Naks talaga! And yes, lagi ko nga nababasa sa mga traits ng Virgo as good writers. SLU din graduate…2006 batch. Wala lang,kakatuwa lang talaga πŸ˜„
    Sana paglabas ni baby, visit kayo ng baguio and I’ll get to see you. With Chito. Hehe.

    Wishin’ you a healthy baby! And continue inspiring moms & moms-to-be with all your WAIS TIPS. Love you! 😘

    Like

  15. Beth says:

    Hi Ms.Neri,
    SA sobrang aliw ko diko na namalayan ang oras hehe 1:05am na pala dito haha! Kahit sa IG lagi ako nagbabasa ng mga post mo hihi naalala ko pa my nakita akong ngshare ng mga sweet photos at messages/post sa fb hihi ang sarap basahin nakakainlove 😍 Anyway good luck sa pagsusulat and God bless you x take care always .
    Beth

    Like

Leave a reply to Maria Edwards Cancel reply